StrangerS Written by: callmecookie © 2011 -2012 All rights reserved. This is a work of fiction. All of the characters, places, and events written in this story are products of the author’s imagination. Distribution of copy in any other means without the author’s consent is extremely prohibited. No to plagiarism. NOTE: This is not edited so please bear with the typos and grammar errors. Characters PROLOGUE Do you believe in “love at first sight”? The moment… When you just passed by and then someone caught your attention and you suddenly felt those butterflies on your stomach.. The feeling that you’ve just met that person one and you just can’t get him/her out of your mind.. The moment you can’t forget his/her face… That someone suddenly made your day complete.. …for just one glance. The moment when your both eyes just met even for a second. And it’s like you’re in a cloud9 having some fantasies on your mind and suddenly.. YOU’RE SMILING.. <3 Does it feel fulfilling? When in the reality, …you just met that person for the short period of time. Then you get frustrated because yoy can only see him/her for once.. Then you feel regrestful because you didn’t grab the chance that was once gave to you.. One of the hurtful moments.. Chapter 1: Therapeutic Smile Waaaaaahhhh!!! 8:34 na. Late na ko ng 4 mins. Plus 9 mins. pa para makarating sa school. Naman kase e! Bat naman kasi kelayo layo ng nilalakad ko bago makarating sa school?! Tskk..Tapos pagkarating ko pa sa school, para na kong narape dahil sa buhok ko! Aish.. Talaga naman.. Kainis lang. Pero wait. HAAAA! Report ko pa man din ngayon.. :( Yung lakad ko parang takbo na.. Tsk. Di naman kasi ako makatakbo e. May dala po kasi aking laptop at speaker na kabigat bigat! Haist.. Monday na Monday, BV agad! Baka masira buong week ko dahil dito.. Anak na tinapa talaga, oo!! TSK. Pero oo nga pala, di ko pa nga pala napapakilala sarili ko sa inyo no? I'm Lianne Alisson Sarmiento. Sophomore college student. I'm just a normal creature to be found. Nothing seems interesting about me. You'll just get bored when you try to know me more. Yeah.. I'm a boring type of person. But I'm extremely different from the others. And I really like it that way ‘coz It's so cool to be unique. :”> I love cramming and procrastinating. Wonder why? Haha. It's because I find it exciting. XD And being 'Late' is my middle name. Pero nabasa nyo naman, bwisit na bwisit ako diba? Sa ngaun, 'I HATE BEING LAAAAATE!! na.' >_< So ngayon iniisip ko kung anung sasabihin ko sa report ko kay Barney.. Oo, tama nga nabasa niyo. Prof ko si Barney LOLS. Why Barney? Echuserang frog kasi yun.. Ayy dinasaur pala. Baklang dinasaur.. Long lost twin brother po sya ni Barney. Tsk. Di ko nga alam kung bakit tumatanggap ng mga ganung nilalang sa school.. At kinakabahan na po ako ngayon.. Nyay. Naman kasi eh.. Waaaaaaah. Lord, help me.. Tama na nga. Bilisan mong mag'lakad-takbo Lianne.. BILIS!! *Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Lakad. Tak— Napastop ako bigla sa paglalakad-takbo ko.. Waaaaah.. There's a beautiful creature coming towards me.. And.. And he wears a beautiful smile.. Has an angelic face.. And he looks so cool with his red shirt and shorts with cool shoes and an earbuds on his ears. Tall. Tantalizing eyes.. With an auburn hair. Waaaaah.. Ayan na! Nasa tapat ko na siya! And.. He passed me by. I just followed him with my eyes.. Ang ewan… Unusual ang feeling. Bakit naman biglang kumabog yung dibdib ko? Anyway.. Shemay, napaenglish ako dun ah? Habang tinititigan ko siya, parang ang saya saya niya. Syempre, nakasmile nga e. Natural masaya un. Tapos ako.. Nahuli ko din ang sarili ko na nakangiti. Di ko alam.. pero nahawa ata ako sa smile niya e. Yung kaninang haggard at nakakunot kong mukha ay napalitan na ng wide smile. Ngumiti ulit ako. Sana magkita kami ulit... :) Nakarating na ako sa tapat ng room namin. Time check: It's 8:48am. Obviously, I'm 18 minutes late. But i'm not bothered. Masaya ako eh. :D So inhale.. Exhale.. Hawakan ang doorknob.. Then buksan ang pinto!!! Napapikit lang ako pagkabukas ko. Then... HUH?? Wala pa pala prof namin. Phew. Pumasok na ako at uupo na sana ako nang biglang may dumating na Ube Halaya. "Ms. Sarmiento, are you aware that you're already 28 minutes late?" Alam na kung sino yan. Pero?! 18 minutes lang yun ah! Bakit 28?! "But sir, it's just already 8:48. Maybe your wrist watch was in advance.." sabi ko. Wag ka ng mag'insist dinasaur ka. Balatan kita dyan e. >:( Umupo siya sa chair nya at nagkade kwatro pa. Ung pang ladies na de kwatro? Oh c’mon! Feelingera! "No, this is my watch and I'm your professor, so you should follow whatever i said or policies that i made." Di ako nagsasalita. Naiinis ako e. Tss.. "So in this case, you took so much time in my class. Are you still willing to pass in this semester?" Err.. Ang arte pa ng boses. Nag'nod nalang ako. "Okay, so you're not only reporting in one topic but in three topics. Since that's our agreement in our class. That if, you as a reporter and you didn't come at the right time, you will have a certain punishment or else you'll get a failing grade.. Remember that?" I noded again. =.= "Okay. So you will be the next reporter after Ms. Santos. That is.. next meeting. You better be panctual or else I wouldn't give any chance anymore. You may take your seat now." Naman naman…! Tumabi ako kay Tine.. Bestfriend ko. Si Jazztine Cloe Santos. Simula 2nd year high school, magkasama na kami. Sa totoo lang, ayaw niya sa course namin e. Sinunod niya lang yung sinabi ng mommy niya, si Tita Jazmin. Ang gusto niya talagang course ay Tourism. Oo, bagay naman kasi sa kanya yung ganung course.. Ang ganda kaya niya. And I know may ‘K’ sya para maging isang professional tourist guide. Kaya tingin ko bagay talaga sa kanya yun. Sayang, di niya pinaglaban kung anong gusto niya. Okay, enough. Later nalang ulet. At yun na nga, pag'upo ko, tinakpan ko mukha ko gamit ang panyo ko. "Uy.. Lianne.." Hinimas himas ni Tine ang likod ko. "Uy. Wag ka ng umiyak.. Hayaan mo na yun. Tulungan kita. Basta wag ka ng umiyak.." Hindi naman ako umiiyak e. Naiinis lang talaga ko. -.- Sa inis ko malapit ko ng mapunit ung panyo ko. Kahit imposible.. Tsk. Tinanggal ko na ang nakatakip sa mukha ko at hinarap si Tine. "Di ako umiiyak no. Naiinis lang ako" sabay nagpalumbaba. "Hay naku B. Hayaan mo na un. Tutal August narin naman. Tiisin nalang natin yung ugali nun." sabi ni Tine at ginaya din ako. OO. August na nga. Pero 2 months pa. Two months pa ang titiisin ko sa baklang yun. Tumingin na lang ako sa harap sa nagrereport. Haaay.. Napapikit ako. Then flashback starts.. His smile.. That handsome face.. Then, I smiled.. Okay na ata ako. Thanks to that cute stranger for his therapeutic smile. <3 Chapter 2: Super Friends Lianne's POV Andito kami ngayon sa cafeteria. Lunch time na e. Kada subo ko.. Napapangiti padin ako. :) LOLs. Para lang akong ewan. Oh well, more likely… di makaget'over?! ^___________^ "Huy!!" Okay. Muntik na kong masubsob sa kinakaen ko. =.= "Makatulak naman to." sabi ko habang umaayos sa pag-upo. "E panu kase para ka ng nababaliw dyan. Actually, kanina pa. Simula nung umupo ka sa tabi ko. As in nakakatakot ka!! May baliw akong katabi!" sabi ni Tine habang dinuduro ako ng tinidor niya. "Eh kasi eh.." Wew.. Baka mamaya tinidorin ako neto. o_o "Anu ba yang nginiti ngiti mo dyan kanina pa?" Ah oo nga pala may kasama pala kami. Si Arkin. Arkin De Vera. Kasama rin namin siya sa barkada at siya ang pinakaclose ko ding lalaki. Mabait yan. Gwapings din. Yun nga lang di masyadong pansinin kasi may pagka'nerdy look siya. Geek kamo. Ang talino e. Iba naman course niya. Accountancy. Kami kasi ni Tine, Business Ad. May balak ngang maging Suma Cum Laude yan e. At alam ko namang kaya niya yun. Sus, siya pa?! "Ahm.. Gusto niyo bang ikwento ko? Baka kasi mabored kayo e.." sabi ko. Actually nag'aalangan talaga akong magkwento kasi nga ang totoo, MABOBORED lang sila.. Madaldal kasi ako at alam kong minsan nagsasawa na sila sa mga kwento ko. Feeling ko, hindi sila interisado.Kaya minsan nakakawalang ganang dumaldal. U__U "Sure! Spill it, dali." nakangiting sabi naman ni Aya. "Sigurado kayo?" Tumingin ako sa side nila Arkin. Katabi niya sila Aya, Jin, at Sab.. Tumango-tango lang sila. Then tumingin naman ako sa side ko. Katabi ko sina Tine, Ella at Ian. Tama. Walo as in 8 kameng lahat sa barkada. Napakilala ko na sa inyo si Tine at Arkin di ba? So let's start with Aya. Si Aya, Ayaka Yamamoto. Obviously, Japanese siya. Pero half lang. At konti lang rin ang alam niya sa language nila kasi dito naman siya lumaki sa Pinas.. BS Lit. yang kinukuha nyan. Bookworm e. Then si Jin. Jin Bautista. Astig yan. May pagka'rocker look. Akala ko nga di namin magiging close yan e. Masyado kasing seryoso at pag kinausap mo, kala mo manghahampas ng gitara. Pero Joke lang yun :P Ang lawak talaga ng imagination ko. Archi naman yung kinukuha niyang course at girlfriend niya si Sab. Si Sab. Sabina Rei Ayala. Sosyal ng family name di ba? Pero di raw nila kaanu anu si Zobel Ayala. Archi din kinukuha niya. Parehas sila ng 'Boo' nya. Yeah. KORNI ng enderment. Haha. Pero bakit ba? E yun ung gusto nila e. Wag ng kontra. Next, si Ella. Pamella Cruz. Di ba dapat 'Pam' ung nickname niya? Ayaw niya e. Gusto nya 'Ella'. Bitter ata? Tawag kasi yun ng ex niya na nagtagal sila ng 3 years tas iniwan lang siya bigla kasi mas nagandahan dun sa ex-bff naman niya. Okay. Chinismis ko na siya. Haha XD BS Nursing course niya. And lastly, si Ian. Ian Tuazon. Fine Arts naman course niya. Originally, sina Jin at Sab talaga mga kaclose niya, pero mula nung dinaldal at kinulit ko yan, lumabas yung totoong siya talaga. Tahimik kasi yan, parang si Jin pero ang kulit pala niya. At yun, napasama na din siya samin. Oh. Nabasa niyo naman di ba? Magkakaiba kami ng mga course pero we still have time to be together, to bond. Again and again. :) And Super thankful ako kay God, kasi binigyan ako ng mga Super Friends kagaya nila :)) *Toookk!!* (cookie's note: Please bear with my sound effects.. Mahina ako sa mga ganyan XD) "Ouch naman!" kinamot ko noo ko. Ang lakas talagang pumitik nitong si Arkin! Masakit yun eh. "Kanina pa kaya kaming naghihintay dito na magsalita ka. Kung kanina pangiti ngiti ka, ngayon ngayon lang natutula ka naman. May pa'iba iba ka pang expressions dyan! Okay ka lang ba?" nag'aalalang tanung ni Arkin. Okay nga ba ako? TSK. Syempre! Okay na okay! "Oo naman! Nu ba pinag'iisip niyo dyan ah?" sabi ko. Syempre ok talaga ako. Nagulat naman ako kay Tine kasi hinawakan niya bigla yung noo at leeg ko. "Tsk. Tsk.. Guys, mukhang may sinat siya.." nag'aalala niyang sabi. Hala ka? Nabaliw na sila. "Hoy! Wala ah! Natulala lang yung tao, may sakit na agad? Tss.." Umiling - iling nalang sila. Haynako. Grabe talaga tong mga 'to. "Tara na! May mga klase pa tayo." sabi ni Jin. Nanlaki naman ang mga mata naming pareho at sabay sabay napatingin sa kanya. Kagulat gulat kase… Bihira lang naman kasi namin siyang magsalita. As in bihira talaga siya. "Oh bakit? Kung makatingin naman kayo.." sabi naman ni Jin. "Eh kasi.. Nagulat lang kami?" sabi naman ni Ella sabay tingin kay Jin. "Bakit? Tss.." sabi ni Jin habang umiiling. Si Sab naman, ngumiti lang. Malamang may alam 'to. Syempre, jowa niya e. "Oh. Tama na. Let's go na." pang'aaya naman ni Aya. At yun na nga, di na nila ko pinakwento kasi may mga klase na kami.. Pero, okay nadin. Solohin ko nalang muna yun. Chapter 3: Suspense-Thriller Lianne's POV Uwian na namin! Tapos na ang klase e. Hinihintay na kami ni Arkin sa labas ng building namin. Sabay sabay kasi kaming umuuwi lagi. Kaso ngayon, tatlo lang muna kame nina Arkin at Tine. Yung iba kasi may mga lakad kaya nauna na. 6:45pm na din e. Kaya kanina pa sila nakaalis. Buti nga e, hinintay pa din kami ni Arkin. "So girls, tara na?" Si Arkin yan. Nakalabas na kami ng gate at papunta na sa lagi naming dinadaanan bago umuwi.. Sa Mall ^_^v Dun kami dumadaan lagi kahit mas mahaba yung minutes ng paglalakad namin kesa sa pinakashortcut papuntang sakayan. Wala lang. Trip lamang namen :D Nakarating na kami at tumambay saglit. Nagpalamig at bumili din ng snacks. "Uy, magtatagal pa ba tayo dito?" sabi ni Tine. "Huh? Ahm.. Ewan. Kayo ba?" sabi ko. "Ako kelangan ko ng umuwi. May long test kami bukas sa HBO eh." sabi naman ni Arkin. "Ganun.. E ikaw Tine? Gusto mo na bang umuwi?" "Ahm.. Oo eh. I need some beauty rest.. Medyo stress pa din ako after nung gumawa tayo nung project." Okay.. Isa lang ibig sabihin nyan.. Mag'isa nalang ako mamaya. T^T "Ganun.." nagpout naman ako, ang daya nila… "Daya niyo naman eh. Iiwan niyo ko. Oh sha, alis na! Shoopi shoopi!" sabi ko with actions pa. "Di ka naman siguro tampurorot nyan? Haha. Sige. Bye B." sabi ni Tine with beso pa. "Bye Babe.." medyo walang gana kong sagot. Iiwanan nila ako eh. :( "Oh. Ikaw?! Di ka pa ba aalis?" Medyo napataray ako dun ah. Ee.. Kasi naman eh.. "Di pa. Hangga't para kang bata dyan na kala mo iniwanan ng mga kalaro." sabi niya habang nakatingin sa ibang side. "Tse. Kayo kasi eh.." Tumayo na si Arkin at humarap sakin.. Nagulat naman ako nang nilapit niya mukha niya sakin at.. At.. Ginulo niya buhok ko.. (_ _") "ARKIIIN!!?!?" Tumakbo na siya kasama si Tine habang tawa sila ng tawa. Nakonako namaaaaaaaaaaan!! Ayoko sa lahat, ginugulo buhok ko e!! Urggh!! At dahil magulo na ang buhok ko at wala na silang dalawa.. Pumunta muna ako sa comfort room para mag'ayos. After nun, dumiretso nadin ako sa isang bookstore. Yep, mahilig din ako magbasa. More on fictions and novels. Haha. ASAness naman kung pang'Acads yun no! Lazy student here! :D Almost 20 minutes nadin ako sa bookstore. Wala pa din kasi akong mapili na book e. "Hmm.." nilagay ko yung right hand ko sa baba ko na parang nag-iisip. Pili.. Balik.. Pili.. Balik.. Pili.. *Tenen!!* Yess.. Eto na nga. Iniscan ko muna ng maigi yung book.. Ayun, ang ganda.. Ang ganda nung cover. ^_^v Suspence-Thriller na novel siya. Yun yung kinuha ko para maiba naman. Lagi kasing Romance tska Teen Fiction yung pinipili ko e. Hmm.. Mukhang maganda ata talaga 'to. Punta na ako sa counter. Pero… bigla naman akong napastop. May nagwawala na naman dito sa loob ko. Hindi tyan yun… Naghakbang pa ulit ako. And there.. Geez. Eto na naman!! Dukutin ko tong pusong 'to eh! Nang manahimik na. Kaasar.. =.= Nung malapit na ako sa counter… May nahatak na naman yung mata ko. Isang familiar na tao… Familiar angelic face.. And… Familiar SMILE.. Nanlambot naman ako bigla kasi.. Nakita ko ulit siya.. Whoa.. Si Mr. Smiley. *u* Nasa may counter siya. Nakatayo siya doon habang nakapamulsa. Nagtetext din siya habang nagsa'soundtrip.. Bitz ata yung gamit nyang earphone e. Ayy Ewan. May mga kasama siya. Two handsome guys, din. Pero syempre, mas pogi siya sa kanilang lahat. Nagkukwentuhan yung dalawa niyang kasama tapos bigla siyang tinapik ng kasama niya. At may sinabi. Then, ngumiti siya.. *___* Oh my….. Yung nakamamatay niyang ngiti.. Dugdugdug. Err… PUSO AH. Sampalin kita ng kaliwa't kanan. Panira ka ng moment e. Can you please be quiet for a while?? Hindi ko alam kung bakit.. Pero hindi ko namalayang wala na pala ako sa tabi ng ibang shelf ng book… Wala na din yung book sa kamay ko. Ang alam ko na lang… Papalapit ako sa kanya. Dahan dahan akong lumapit na parang naglalakad ako sa isang field na puno ng mga flowers. At sa dulo ng field, hinihintay niya ako… Malapit na ako nun, nang biglang... Umalis agad sila. 'Wait!' sabi ko sa utak ko. Tumakbo ako palabas pero di ko na sila naabutan. Nakakainis naman.. Ang bilis naman nilang nawala. :( Bumalik nalang ulit ako sa bookstore para balikan yung book na bibilhin ko. Haay.. Nahawakan ko na yung book nang biglang.. "Excuse me Miss, ako nauna sayo neto.." sabi nung lalaking naka'red na cap na pabaliktad. Huh?? Aba. Echusero ‘tong lalaking ‘to ah? Ako nga naunang makahawak nito e. "Excuse me rin Mister. Ako po kaya yung nauna. Iniwan ko lang to saglit kasi may hinabol ako." sabi ko habang hawak ko pa din ung book sa kabilang side. "Ako din kaya MISS. Iniwan ko lang din yan saglit kasi may kinuha ako sa kabila. Kaya akin na to." At diniinan niya pa talaga yung 'Miss' ha? Hawak niya yung kabilang side ng book. At naghihilaan kami! 'Yaa! Di ako papatalo sayo!!! YOU—' Ano nga ba? Di naman siya pangit.. May itchura siya. Ayy, mali. Pogi pala. Hmm.. Mukang wala akong mapipintas dito ah. Tsk.. Bukod sa maputi, matangos ang ilong at pink lips.. Chinito pa. Ah tama. Chinito Boy. "Pwede ba! Chinito Boy!! Tumigil ka na at ibigay mo na 'to sakin! OKAY?!" sabi ko habang hinihila yung book sa kanya. Err.. Naiinis na talaga ako. >:( "Ayoko! AT WAG MO NGA AKONG MATAWAG TAWAG NA CHINITO BOY! MAY PANGALAN AKO!" "WALA AKONG PAKELAM SA PANGALAN MO! BASTA AKIN NA TO!!" naghihilaan pa din kami. Arrrrgggggh! Di talaga ako papatalo sa Intsik na to!!! Pero nakakahiya!! Gumagawa kami ng eksena ni Chinito Boy sa bookstore. Tskkk. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao! Grabe lang, parang wala lang sa Intsik na 'to ang napapahiya ah. Eh ako kasi.. hiyang hiya na eh! Pero buti nalang di ako nakauniform. Mas lalong nakakahiya yun. 'Peste kang Chinito Boy ka!!' Di padin kami tumitigil sa paghihilaan. Buti nga di nasisira yung book eh. Naku! pag nasira talaga 'to, papalakihin ko yung mata ng Intsik na 'to. >:( Then yun, may lumapit samin na Referee.. Ayy, este Saleslady pala. "Ah.. Ma'am, Sir. May available pa pong stocks nyan." Parehas naman kaming napatingin sa saleslady. "MAY ISA PA PALA EH! YUN NA LANG ANG KUNIN MO!!" At sabay pa talaga kame ah? "Ayok—" "Ikaw—" ERRR.. Nagkakasabay talaga kami.. Psh. ANG EPAL!! "Ahm.. Ma'am, Sir pwe—" "SHUT UP!!!" Parehas namin sinabi yun sa saleslady. Nagulantang naman si Ate at nagtutumakbong umalis... "Hala ka. Ang lakas kasi ng boses mo eh. Nakakatakot! Natakot tuloy yung Saleslady.." sabi ko. Totoo naman e. Siya ang may kasalanan nito! "Anung ako?! Ikaw kaya! Mukha ka pang amazona kaya yan tuloy, natakot sayo si Ateng saleslady. Tsktsk" Gasp. Aba naman talaga ‘tong lalaking to oh! Ako?! Amasona?! Shhh.. ANG KAPAL!! "Hoy! Ang kapa—" Natigilan ako sa pagsasalita nang may nagpuntang guard samin. Syempre, natakot ako. Baka barilin ako eh.. Uso pa naman barilan ngayon sa mall. Pero—Di ba yung mga LOVERS lang naman yung mga nagbarilan nun? WAAAAAAAH!! Asaness naman si Manong guard!! Langit at lupa kame!! NO FREAKIN' WAY!! Nagising ulit ako sa katotohanan nang hawakan ako sa wrist nung si Manong guard. Sa kabilang kamay naman nya ay si Chinito Boy. "Hey! San mo ako dadalhin ah!" nagpupumiglas si Chinito Boy. "Kay Belo daw. Ipaparetoke na yang maliliit mong mata para magtanda ka at matuto kang maging GENTLEMAAAN!!" Ako nagsabi nun. Kainis eh. Kakapanginig ng laman! Di sana kami bibitbitin nito ni Manong Guard kung binigay nya sakin agad yung book! Hmmp!! "Tama na nga yan! Para kayong mga bata!" Parehas kaming nanlaki ang mata at nagulat ni Chinito Boy sabay napatingin sa kanya.. Hmff.. OKAY. Ang EPAL ni Manong Guard. =_= Chapter 4: Meet Ken Hernandez Ken's POV "Tama na nga yan! Para kayong mga bata!" sabi nung guard. Nanahimik na lang ako kasi nakakapagod makipagbangayan. Grabe lang.. Nakakastress kaaway ‘tong amasonang ‘to. Eh kung hinayaan niya nalang sana akong makuha yung book, e di sana di kami umabot sa ganto??? TSS.. At kanina pa din ako naririndi sa boses niya. Nakakairita. Tsktsk.. Kung di lang talaga babae yun, kanina ko pa pinatulan yun.. At kanina padin sira ang mukha niya.. Eh kaso, babae nga e. Swerte niya lang. Sayang. Ganda pa man din. Kakaturn off tuloy.. Tsktsk. Nag'stop kami sa harap ng pinto. Tingin ko office ata ‘to ng manager nila e. Pumasok naman kami at pinaupo sa isang medyo maliit na black na sofa doon. "Maupo muna kayo dyan at magsitigil kayo na ah.. Baka magbugbugan pa kayo dyan, naku." sabi nung guard. Tiningnan ko lang yung guard habang si Amasona naman parang bata na tumango tango. Psh. Iniwan na kami nung guard at hintayin daw namin yung manager nila kung gusto pa daw namin umuwi ng may dalang book. Nilibot ko ang mata ko sa buong room.. Ayos naman. Di mainit. Medyo maliit pero pwede narin. Si Amasona naman nakasiksik lang dun sa kabilang armchair ng sofa at nakabusangot. Medyo magkalayo kami ng 5 meters. Sobrang siksik siya dun e. "Hey. Amasonang Baliw.. kasala—" Di ko na natuloy yung sasabihin ko. Bigla kasi syang tumingin ng masama sakin. Nainis ata nung tinawag ko syang 'Amasonang Baliw'. Grabe lang. Kung makatitig ‘tong babaeng ‘to, kala mo mangangain ng ‘tao. Amasona nga... Di ba nangangain ng tao yung mga yun? "Hoy. Wag mo nga akong titigan ng ganyan." Nakatingin pa din siya sakin. Geez.. If looks could kill, I am already DEAD. Pero di naman ako takot sakanya. So I just smirked. Tinaasan niya lang ako ng kilay at inalis na niya yung tingin niya sakin. Oh well... Panalo si Ken Hernandez >:) Oh by the way, did I introduced myself to you, guys? Not yet? Okay. As what the Amazon said, I am really a Chinito boy. And Ken Hernandez is the name. Well.. People say that I’m good-looking and not only self-proclaimed. I make those good girls gone bad. >:) So enough, you’ll know me when your read the next chapters. Halos 10 minutes na kameng nakatengga dito sa loob ng room. At ayun…. Nakakabadtrip na!! Si Amasona naman, may kausap sa phone. Nagsumbong ata sa kung sinuman kasi nakasimangot siya habang nagsasalita. Ako naman, NAIINIP NA AKO!! Tumayo ako at akmang lalabas na nang may pumasok na isang babaeng nakapang'office uniform. "Kayo ba yung mga batang nag'aaway kanina?" Napatango ako na parang bata. Pero BATA?? Tss… Bulag ba siya? We’re grown-ups, teenagers. Sa totoo lang, nakakatakot yung babae. Mukhang siya na nga ata yung manager nila… Nakasuot siya ng black coat na may grey na inner at black pants. "Okay. Maupo ka hijo." Medyo mataray na sabi niya. Nakasalamin siya na black na makapal yung frame. At may eyeshadow na black at gray or white ata? Hoy, kayo dyan. Wag kayong mag'iisip ng kung anu ano. Alam ko lang yun kasi parehas sila ng lola ko. Kaya nga natakot ako sakanya eh kasi takot ako sa lola ko at magkaparehas talaga sila. Umupo na yung babae sa table niya at nagsimulang magsalita. "So.. What now?" Chapter 5: Ano ka CHICKS!? Lianne's POV "So.. What now?" Sabi nung manager ng bookstore. Tss.. Mukha lang siyang kumadrona sa itsura niya na medyo… creepy. Ang kapal ng make up eh. Alam ko. Napaka pintasera ko. Pagpasensyahan niyo na ako.. Bad vibes lang talaga ako ngayon kaya ayan ang epekto. Lumalabas yung pagkapintasera ko. "Ano na? Ano ng gusto nyong mangyari ngayon?" sabi ulit nung manager. "I want to buy the book that I chose a while ago." sabi ng kumag na Chinito Boy na yun. At naka straight face pa talaga huh? TSS. Napaka'yabang. -.- "I also want the book that I chose a while ago." say ko at tumingin kay Chinito Boy at umirap. Hah! Kala niya ah. "Marami pa naman kaming stocks nito eh.” inangat nya yung book, “Kaya tama na yang away na yan." "BUT I WANT THAT BOOK!!" Nag'chorus na naman kaming dalawa. Err!!! Kabanas na talaga!! "So I guess.. no one wants to give in.." tiningnan niya kami parehas, "No one gets the book.. Unless you stop fighting and yelling like 10 year old kids." Aww.. Shoot!! "WHAAAAT?!" sabay na naman kaming nagsalita ni Chinito Boy. -.- "You heard it, right? No one gets the book unless you two give peace with each other.." "Huh?! NO WAY!" sabi ko tapos nagcross arms. Ayoko nga!!! Siya mauna! "Hindi din ako papayag!" sabi din ni Chinito Boy at nagde kwatro pa sabay tingin sa kabilang side. "Okay.." huminga ng siya ng malalim, "You may go home now." sabi ng manager at saka tumayo. Hala? Panu na yun? "WAIT!!" nagsabay na naman kami.. -.- "What? Did you suddenly change your mind?" tapos umupo na siya ulit. Dahil parang wala na rin kaming magagawa.. Tumango na lang kami pareho. "Alright. I think you know what to do... So simulan niyo na." sabi niya with actions pa. Nagtinginan naman kami ni Chinito Boy. Tss.. "Tch." inirapan ko siya. Ayoko ngang maunang magsorry at makipag-ayos sakanya. Kapal niya ha. Siya 'tong nagsimula eh. Siya dapat maunang magsorry. Hmp! Ken's POV "Alright. I think you know what to do. So simulan niyo na." Nagkatinginan kami nung Amasona. "Tch." Hanep ‘to ah. Inirapan pa ako. Tsktsk. "Ano na? It's already 9:3o pm. Magsasara na kami!" sabi nung manager. Langya naman talaga, oo. Ba’t kailangan niyang sumigaw? Antae.. Nakakatakot. Tatayo na sana ulit siya pero parehas kami ni Amasona na lumapit sa table niya at pinigilan siya. "Ang tagal tagal mo kasi eh!" sabi ni Amasona habang pinanlakihan ako ng mata. "Anong ako?! Ladies first kaya ikaw na ang mauna!" sabi ko. "ANO KA CHICKS?! Napakademanding mo ah! Ngayon ka pa naging gentleman kung kelan andito na tayo!?" "Ikaw—" napatigil ako sa pagsasalita. Biglang kasing nagvibrate yung phone ko. May tumatawag.. Si Kesha. Inangat ko ang phone ko at sinagot. "Hello Ke—" (Kuya!! What took you so long?! I need my book right now!) "Eh kasi.. Kes—" hindi na naman niya ko pinatapos magsalita. Tss.. Bastusing bata. (I really need that Kuya.. Please buy me the book that I want. PLEASE.. I'll hung up na. Bye.) At binaba na nga niya. TSK. Di ko talaga matiis kapatid ko. Aish. Napansin kong nakatingin sakin yung dalawa. "Oh bakit?" sabi ko. Makatingin eh. "What's your decision now?" sabi ng Manager habang yung Amasona naman nakangiti ng nakakaloko. TSK. Narinig niya ata usapan namin ni Kesha e.. Sh1t. Huminga muna ako ng malalim at nagsimula ng bumuka ang bibig.. "Alright.. I'm Sorry." sabi ko habang nakatingin kay Amasona, "HAPPY?" Ang lapad naman ng ngiti niya. Err.. F*ck. "Sorry din." sabi niya. Shet.. Nang'aasar ba to?? Kala naman niya totoo. Labas kaya sa ilong ko yun.. TSS. Badtrip. Chapter 6: Mistaken Lianne's POV "Alright.. I'm Sorry. HAPPY?" sabi ni Chinito Boy habang nakabusangot. At binigyan ko naman siya ng napakaganda kong ngiti. BWAHAHAHA!!! Ano ka ngayon Chinito Boy?? PANIS!! Ang sama ng tingin niya sakin. Haha.. Sige lang. As if naman na matunaw ako dyan. TROLOLOL.. :D At para matapos na. Sinabi ko na din ang magic words.. "Sorry din." Sumama lalo tingin niya sakin. Bwahaha! Sige, mainis ka lang. Sige lang. >:D So now, I proclaim myself as a WINNER! Winner as in W-I-N-N-E-R! And the Chinito Boy? Wahaha.. LOSER!! Bebebebebeh!! "Can I get the copy of the book right now? I'm in a hurry." nakapokerface na sagot ni Chinito Boy. Umalis muna yung manager at kumuha na ng book. Saglit lang siya at bumalik din agad ng may dalang dalawang book na parehas sa gusto naming bilhin ni Chinito Boy. "Well then. Since okay nadin naman kayo, I'll give it to you as a free, but just promise me one thing.." sabi ng manager habang nakatingin saming dalawa. Ano naman kaya yun? Kakaimbyerna ah. Tsk. "Ano naman yun?" tanong ni Chinito Boy na nagtataka din. "Don't do that again.. having a love quarrel while you're at the public place. Sa totoo lang, napakaliit na bagay, pinag'aawayan nyo. Pano pa kaya kayo magtatagal nyan kung sa maliit na bagay, nagkakagulo agad kayo." sabi nung manager.. Huh? Ano daw? Ayaw ata magprocess sa utak ko yung sinabi niya. Bufferring.. 5% 38% 69% 99% 100% "HUH?!!" Whatda?! Anu bang pinag'iisip nito?!! "Ma'am I think you're mistaken, we'r—" sabi ni Chinito Boy pero natigilan din siya sa pagsasalita kasi nagsalita ulet si Manager. "Alam ko namang di niyo talaga gustong nagkakaganito kayo. Pero patience lang at understanding, maaayos din ang lahat. Okay? Oh sya sige. Eto na mga books nyo oh. Ingatan nyo to ah? Gift ko na to sa inyo since natutuwa naman din ako sa inyong dalawa. Alam nyo bang bagay na bagay kayo? Hahaha.. Haay, naaalala ko tuloy nung kabataan ko.." sabi nung manager habang nakalagay pa ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi nya at nakasmile pa! Nakatingin siya sa malayo, nagrereminisce ata.. Tsk. Pero WAIT!? Ano ulit sabi nya!? Nagulat ako kasi biglang nagsalita ang nakapoker face na si Chinito Boy. "Okay Ma'am. Thanks a lot. We have to go." Inabot na niya yung dalawang book sabay kuha din ng wrist ko at hinatak ako palabas ng room. Loko ‘to ah! Parang wala lang sakanya! May pa 'Thanks a lot’ pa syang nalalaman!! Ni hindi nga kami magkakilala e! F na F niya ah!! "Hoy. Bitiwan mo nga ako! May pa'Thanks a lot’ ka pang nalalaman jan.. Feeling ka ah! I don't even know you.." sabi ko at nagroll ng eyes pa. Hawak hawak padin niya ang wrist ko. Hindi naman masyadong mahigpit yung pagkakahawak niya pero napakaseryoso ng mukha niya na parang galit. Nagpahatak nalang din ako sakanya since hindi din naman siya nakikinig sakin.. Alam ko naman mapapagod lang ako kakadakdak sa hangin. Nakalabas na kami ng bookstore at pati na rin sa mall. Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa mga... sakayan? Hmm.. I don't know what's with him but we suddenly stopped. And at the same time, he's still holding my wrist. Ba naman yan.. para akong bata rito na hawak hawak ng kuya ko!! "Hoy. Wala ka bang balak bitawan ang kamay ko?" sabi ko na lang. Nakakaloko eh. Anong meron and he's acting like this? Di naman siya ganito kanina. Psh.. Tiningnan niya lang ako ng nakakunot ang noo. Sabay tingin naman sa kamay niyang nakahawak sakin. 30 seconds.. 1 minute.. 1 minute and 8 seconds.. Nanlaki ang mata niya at biglang binitawan ang kamay ko. "Abnoy ka ba?! Ngayon mo lang narealize na kanina mo pa hawak ang kamay ko!! Err.. PSYCHO!!" at padabog akong naglakad patalikod sa kanya. "Kainis na Intsik na yun! Sarap balatan ng buhay!!" Wala akong pakelam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Kainis eh! Kakapang'init ng ulo. -.- "Oh meeeen.." Napatigil ako sa paglalakad. Naalala ko nga pala yung book!! Men! Nasa kanya yung book ko!! Chapter 7: Akala mo ah Lianne's POV Nagmadali akong bumalik sa lugar kung nasan siya kanina. At pagbalik ko.. Andun pa din siya. Phew. Para siyang ewan dun. As in he looks dumbfounded. Weird.. Nakatingin lang kasi siya sa malayo eh. Nilapitan ko siya at tinapik sa kaliwang balikat niya. "Chinito Boy. Akin na yung book ko!" hindi niya ako iniimik. Nakatingin pa din siya sa malayo. "Hoy!! Natuluyan ka na bang nabaliw?! Umayos ka nga!!" sabi ko. Psycho nga ata tong lalaking to eh. Kawawa naman ang pamilya at mga kaibigan neto kung ganun.. Tsktsk. "It's none of your business." sabi niya habang nakatingin pa din sa malayo. Buti naman at nagsalita na siya! Kala ko magsasalita na naman ako sa hangin eh. "Buti naman at nagsalita ka na!" sabi ko habang nakapamewang. Tumingin siya sakin. "Why did you came back? You forgot something, right?" sabay nag'smirk pa ang loko. Err.. Whatever. "Good thing you know it. Akin na." at inispread ko ang right palm ko sa kanya habang ang left hand ko naman nasa bewang. Nakatingin ako sa ibang side. Ayoko tumingin sakanya, naiirita kasi ako sa pagmumukha nya. Although gwapo naman sya, ah ewan. Naiirita talaga ako e. "Here." Napalingon ako. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ang mukha niya! Nakayuko siya na lumevel sa ulo ko at nilalapit ang mukha niya sakin. "H-hoy!!" sabay tulak ko sakanya. Walanjo!! Muntik ba naman akong halikan?! Nababaliw na nga ata siya!! O baka… "NAKA DRUGS KA BA?!! Ba't mo ginawa yon!!?" "Tss.." then he smirked. "Yabang nito. Akala mo gwapo.. HOY!! FYI! HINDI KA GWAPO! AT HINDI KITA TYPE!!" Napakahambog ng Intsik na 'to. Kala mo gwapo.. Pero totoo nga. E aanhin mo naman ang magandang mukha kung ganyan ang ugali?!! TSK! Sayang! Dapat pinamigay niya nalang ang mukha niya! "Hah." ngumisi lang siya,"As if you are my type. Tss.. In your dreams, BABE." Then he grinned. Err.. Ang yabang talaga nito SOBRA!! At ang kapal kapal ng mukha niyang tawagin akong... 'Babe'?! Gosh!! Nagtaasan ang mga balahibo ko!! "Aba't--talaga namang saksakan ka talaga ng kayabangan e no?! Mahiya ka nga sa balat mo! And you don't have a right to baptize me with such names! YOU FREAK!!" ALIEN! BAKULAW! PSYCHO! FREAK! ABNORMAL! ADIK!!! Nakakapanginig talaga siya ng laman!!! Nakoo talaga naman! Wala na siyang sinabi at inabot na ang book na kinukuha ko. "Oh, here's your book. Go home, you little BABY. Baka abutan ka pa ng curfew. You know what the rules are for those below 18s.." then nag'grin ulit siya. Below 18?? Whatda!? Argh!! Anung akala nya sakin?! Under age!?! Ang kapal talagaaa!! Kung hindi lang talaga kasalanan ang pumatay,patay na talaga 'tong lalaking 'to!! Sa totoo lang!! Kanina pa ako nagpipigil eh! "Alam mo ikaw—URRGH!! KAINIS!!!" Nagwalk out na lang ako. Naiinis ako eh!! Hindi ko alam kung anung gagawin ko sakanya!! BWISIT!! "Hmmp!!" Nagstop ako sa paglalakad at nagcross arms. Nagsimula akong maglakad ulet. And for the SECOND TIME.. bumalik ulit ako nasan siya nakatayo. Mula sa malayo, nakita ko ang evil smile ng ALIEN, BAKULAW, PSYCHO, FREAK at ADIK na si Chinito Boy. "I knew it! You had a crush on me!! Hoh—" hindi ko na siya pinatuloy sa pagtawa na mala'Santa. *BOOGSH!!! BOOOOOGSH!!* Sinapak ko siya sa left cheek niya at binigyan siya ng my famous kick sa right leg naman niya. Pasalamat siya at hindi ko yun pinatama sa part na where-it-hurts-the-most sa mga lalake no, "Yan ang bagay sa MAYABANG at FEELER na tulad mo!! TSEE!!" pagkatapos kong sabihin yun, umalis na ko. BAKA GANTIHAN AKO EH! Takot ko lang. "Ouch.. F*CK!! YOU—Arrrrgh!" I heard him cussed. Kaya naman the NEXT STEP..? *Whoooosh!!!* Mabilis akong tumakbo. BWAHAHA!! At least nakabawi ako sa ALIEN, BAKULAW, PSYCHO, FREAK at ADIK na Chinito Boy na yun! YAHOOO! Chapter 8: Superman Lianne's POV Pagkauwi ko sa bahay tinawagan ko agad si Tine para ibalita sakanya ang Victory ko. ;D I.K.R!! I deserve a grand celebration, nakatalo ako ng isang kampon ng kasamaan eh. >:) Kanina kasi kausap ko siya sa phone at sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina lang. Kausap ko siya habang naghihinintay sa manger ng bookstore kanina. (Sagana sa 'kanina'? Haha XD Lawlz.) "Babe! Gising ka pa???" (Ayy, hindi hindi. Kaluluwa ko lang to.. Psh.) "Tss.. Pilosopa!!" (Whatever you say..) "Uy, may ikukwento ako.Continuation sa nangyari kanina." (Oh? Bakit? Mukang masaya ka ah?) "Hindi naman. Haha! Nanalo lang naman kasi ako sa warloo namen ng Chinito Boy na yun. Haha.. I'm such a Winner." Then nagform ako ng ‘W’ sa kamay ko as if nakikita ako ni Tine. (Oh bakit? Anung nangyari at nadaig mo ang hambog na yun?) At yun na nga, kwinento ko kay Babe ang lahat ng pangyayari. Natatawa nga siya e kasi daw parang pinanindigan ko na din na amasona ako kahit hindi naman daw. Ang totoo kasi nyan, di naman talaga ako bayolenteng tao. Good girl kaya ako :3 Nainis lang talaga ako sa lalaking yun kaya pumutok ang butsi ko! Kasi of all guys that I have met, siya lang talaga ang bumastos sakin ng ganun.. And I won't let him get away with that until I have finished my brutal revenge. >:) Mag 12am na. In'end ko na yung call tsaka nilagay ko na din yung book na ibigay sakin, sa shelve. And.. Time to sleep na. Zzzzzzz.. **** *Krrriiiiinngg!!* 8:02am na ako nakaalis ng bahay. Almost 30 minutes pa yung byahe ko. Haays. 23 minutes passed.. Malapit na ako. Nilabas ko ang iPod ko at nagsoundtrip na lang. Inaantok pa ko. -.- From the minute that you got my attention I was taken and I have to mention I was trying not to let it show But I knew that I wasn't gonna let you go Nakababa na ako ng fx at nagsimula ng maglakad papuntang campus. From the way that you came right to me Looking all hot with the style that threw me No one would've ever known it You would be the one who take this heart and hold it 9 minutes pa.. Good thing at mag'8:35 pa lang nun pag nakarating ako dun. 5 minutes late lang naman kaya okay na din :) You got that extraordinary way Got to be next to ya every single day You do something that I just can't explain Wanna take the chance and tell you you're the one for me Cool lang akong naglakad sa daan. Well, di naman kasi akong nagmamadaling pumasok kaya 'Chill lang'. Dugdugdug. Malayo pa lang may naaaninagan na akong familiar na tao. And to the point na nagpapalpitate na naman ako. I think I need to see Dr. Gelo to check my heart. I'm so worried about my condition. I don't have an idea why my heart acting like this recently.. I mean, it palpitates all of a sudden.. Amp. At ayun na nga, palapit na kami nang palapit sa isa't isa. And I knew it. Siya nga yun... Si Mr. Smiley... Parang nag' Slo-Mo yung paligid.. Alam mo yung feeling na parang napatigil ang buong mundo mo nang magkasalubong ang mga mata nyong dalawa. I know it sounds overreacting but..that's what I really feel right now. Boy, i love you so Just look in my eyes They'll tell you where this could go Yeah, do you know that? Boy, I love you so Look in these eyes They'll tell you where this could go I just want you to know 7 seconds din siguro ang tinagal ng pagkatitigan namin. Naghihintay kami parehas kung sino ang mauunang iiwas ng tingin.. Nauna siyang umiwas.. Inalis ko na din ang tingin ko sa kanya. Medyo hindi na din kasi sa ako makahinga sa tindi ng kabog ng puso ko. I suddenly held my chest and feel my palpited heart. I have to calm down and relax myself. I'm feeling like i'm dying. Ang bilis kasi talaga e! Malapit na ko sa gate ng campus. Ayan, i'm okay na. Nawala na yung pagkabog ng dibdib ko. At late reaction ako… Saka lang ako naging parang baliw at nagwawala dahil sa kilig na kilig ako! Para akong natutunaw sa tantalizing brown eyes nya! And... SUPERMAN? Nakasuot siya ng shirt na blue at may 'S' sa gitna. Hindi naman siya ganun ka'muscular at hindi din siya payat. Saktong sakto sa kanya ang malapad na balikat at dibdib na parang ang sarap kayakap. Grabe.. Si SUPERMAN? He almost looks like Clark Kent. Waaah! Handsome.. *drools* Ang cool niya nga palang maglakad kanina. Yung both hands niya nakalagay sa magkabilang side pocket sa tokong-shorts niya. And serious ang mukha niya.. I don't know why… But even so, he still looks Blue—(since na nakaBLUE naman siya) Hot Chili Papable. So gay! Haha. Dumiretso na ako sa building namen. At medyo nagmadaling maglakad. Mahirap na, baka naka 10 mins late na pala ako dahil sa pagpafantasize ko sa Mr. Smiley slash Superman ko. Ayun. Dating gawi. Hinawakan ko ang doorknob at itinulak ang pinto. *Eeeeekkk!!* (c/n: Tunog ng pinto yan XD) Tumambad sakin.. ..ang walang laman na room. o__o Sinilip ko ang phone ko kung anung oras na. "8:40 na ah?!" Ba't wala pa ang mga abnormal kong blockmates? Uh..Si Babe? Where art thou, Babe? It took one look And forever laid out in front of me One smile and I died Only to be revived by you Narinig ko naming tumunog ang phone ko. 'Babe Tine calling..' Sinagot ko naman agad. "Hello Babe! Where ba kayo?! Nakakaiyak... Ako lang mag'isa dito.." napasandal na lang ako sa wall dhil sa pagkadimaya. (‘Nu ka ba. Didn't you recieve the text messege of the president of student council last night?) "Huh? A-anu yun? Wala.." nalungkot talaga ako nun. (Walang pasok ngayon 'te. OKAY.. Lutang ka as in. Inatake ka na naman ng pagka'abnormalidad mo!!) "H—huh..?" Hala.. Wala akong matandaan... As in WALA. Pero— "TSK!!" Napasapo na lang ako sa noo ko. Shoot!! Nakalimutan ko nga pala… "May general meeting ang buong faculties and departments.. Oh, great. Just great." Kung hindi ba naman ako isa't kalahating tanga! Di ko man lang napansin na wala masyadong estudyante?! AYY MALI!! Wala kamong estudyante!! ERRR.. (HUY!!) Ayy. Nakalimutan ko nga palang may kausap ako. "Oh?" Hindi ko na pinagsalita ulit si Tine at sumabat ulit ako. ".. Uuwi nalang ako. Puyat ako kaya walang wala talaga ako sa sarili simula paggising ko.. Haays." Wala talaga ako sa sarili. Tunay yun. TSK. (Tungek. KARMA yan.) Huh? Chapter 9: Palipad-hangin Lianne's POV Huh? Psh. Karma daw.. Anung konek? Tss.. "Osha, uwi na talaga ako. BV lang.." (Hoy. 7pm mamaya ah. Kitakits nalang dun. Di na kita mapupuntahan senyo. May sundo ako e. See yah later B! Mwaa! ) "Huh?? A—anu yun?? Anung mer—" (tooot toooot.) My gulay. Bastusing bata talaga 'to. *bzzzt. bzzzt.* May nagtext. From: Ian.Tol ü Tol, sa paboritong tambayan sa TM. Kitakits na lang. 7pm yun. Regalo ko ah!! Pakiss. :* -end- Sa dati daw tambayan... Regalo daw niya... HUH??? … … "HAPPY BIRTHDAY IAN!!!" "Cheers!!" We’re here at *toot toot* Club!! Our favorite tambayan ever. ^_^v YEAH YEAH YEAH (Girl I wanna) YEAH YEAH YEAH (I wanna see you tonight) YEAH YEAH YEAH (Girl I gotta) YEAH YEAH YEAH (I wanna see you tonight) Oooooooo Let me see your hands Ooooooooo Tonight, tonight is the night Tumutugtog ang new song ni Chris Brown na Yeah 3x. Ang ingay. Natural! Club nga e! Haha. Reklamo ko, Bara ko e noh? Lels XD Medyo mausok dito sa bar at puno ng mga magaganda't mga gwapong nilalang. At syempre, kasama kami dun. "Tara! Sayaw tayo!!" Inaya kaming lahat ni Ella. Haha.. PG talaga sa sayaw yun! Parang walang kapaguran! Kanina pa kaya siya sayaw nang sayaw. Simula nung dumating kami hanggang sa dumating din yung birthday boy, sumasayaw padin siya. Tapos.. Pati ba naman ngayon? Tss.. Tindi talaga nitong babaeng 'to. Tsktsk. "Hoy! Hindi ka ba napapagod?" sabi ni Ian. Napansin din siguro ni Ian na sobrang adik sa pagsasayaw ang kaibigan namen. "Ah? Hinde e." proud na proud namang sabi ni Ella. "Hindi ka napapagod?... Kakatakbo sa isip ko? " sabi ulit ni Ian. Hahah--- HUH???! Lahat kami napatitig lang kay Ian. YEAH YEAH YEAH (Girl I wanna) YEAH YEAH YEAH (I wanna see you tonight) YEAH YEAH YEAH (Girl I gotta) YEAH YEAH YEAH (I wanna see you tonight) Oooooooo Let me see your hands Ooooooooo Tonight, tonight is the night "BOOM!!" Then he bursted out of laughter. "Ayy adik ka Ian!!" Hala ka. Halata kay Ella na kinilig siya dun. Pulang pula yung mukha niya e. "HAHAHAHA!!" nagtawanan na lang kaming lahat. Ang kulit ng itsura ngayon ni Ella. Biglang nagkaron ng hiya. Ayaw na daw niyang sumayaw. Nakakahiya daw. Baliw talagang babaeng yun. Hinila namin siya sa dance floor at lahat kami nagsisayawan na. Ang saya saya. Grabe. Namiss ko ‘to.. Last kasi na nagpunta kami dito ay nung vacation pa. Wala lang, natripan lang naming gumimik dito kasi namiss namin ang isa't isa. :) Nag'iba ang tugtog. They be like smooth(what?) Can u teach me how to dougie? You know why? Cause all da bitches love me(aye) All I need is a beat that's super bumpin And for you, you, and you to back it up and dump it! Oh my!! Ang galing naman ni Tol Ian magdougie! "WHOOOOOOOOO!!!!" Pati yung ibang nagsasayawan nakijoin sa pagsigaw samin. Takte kasi. Ang galing niya talaga! Teach me how to dougie T-teach me how to dougie Teach me how to dougie T-teach me how to dougie All my b1tches love me All my, all my bitches love me All my b1tches love me You ain't f.ckin with my dougie! Nagsimulang sumayaw ulit ang iba. Ella's POV Naaamaze ako sa nakikita ko.. Ang galing niya talaga.. Nakakainlove.. Haa-- HUH?!? May sinabi ba akong ganun? Hindi!! Mali mali yun! NO! Inalis ko nalang ang tingin ko sakanya at sumayaw na din. Yeah.. Hindi tama. AS IN.. Rule #3: Don't fall for your FRIEND. It's against my will, my rule.. It will be complicated if I fall for my friend. Friendship is more important than love.. PERO?! HELLO?!! I mean, the heck I am talking about?! Parang naamaze lang eh, in love agad?! PSH. "Ooh! Yeah!! Whoo!!" Sayaw lang ako ng sayaw. Di ko nga namalayan na napahiwalay na pala ako sa mga friends ko e. Well, it's okay lang naman. Hihi.. There are several beautiful creatures here in front of me. Nice view!! XD "Heyy Gorgeous." Okay. Here we go. "Hi.." then I gave him my very best smile. "You alone?" "Nah.. I'm with my friends." I smiled again. "Ah. By the way, I'm Chito." inabot niya sakin ang right hand niya. Nga pala, nadescribe ko na ba siya sa inyo? Hindi pa noh? Well, HE'S TOTALLY CUTE!!! He has this gorgeous cleft chin that makes him so handsome, over and over! And then he's tall, fair skin, with some kind of Mohock hair but it really fits his face and personality. In short, HE'S COOL! "Uhh.. I'm Ella." inabot ko din an kamay ko then we shook our hands. "Mind if I dance with you?" I just smiled and held his hands but suddenly, someone pulled my hand. "YES... She will." Nakita ko ang seryosong mukha niya. May pinagdadaanan ba 'to?? WEW. "And who the hell are you?" umayos sa pagtayo si Chito. Medyo matangkad si Ian kaya nakatingala siya ng kaunti. "I'm her boyfriend, any problem with that?" mukha naming seryoso si Ian. "Wooow." tinaas naman ni Chito yung dalawang kamay na parang nagsusurrender, "Okay dude. Take your girl, I'm out of this." "Good." At umalis na nga si Chito. "Tara na." Sa totoo lang, di ako makapaniwala sa narinig at nakita ko.. JOKE BA YUN? "H-ha??" Di ko alam kung anong irereact ko. "Anong ha? Natulala ka dyan dahil umalis na yung lalaking yun. Hoy babae, para sabihin ko sayo, hindi magandang maghanap ng boypren dito. Malay mo, kasama pala sa isang gang yun at may mangyari sayo.. Mag-isip ka nga!" Nawala pagkabigla ko dahil sa mga sinabi niya. "OA? Ang OA mo tsong. TSS.." At nagcross arms ako. "Hindi yun dahil sa OA ako.. I just care for you and.." "HUH??" Wala akong naintidihan dun sa "I.." part. Ang ingay kasi e! At humina din yung boses nya. "WALA!! Halika na nga!" Tapos hinatak na niya ako pabalik sa table namin. Chapter 10: You complete me Ian's POV Bumalik na ulit kami sa table namin. Puzzled pa din ang mukha ni Ella. Iniisip pa din siguro kung ano yung sinabi ko kanina. Mukhang hindi niya ata naintindihan yung sinabi ko kanina. Maingay kasi kaya mahirap talagang magkarinigan. Pero ayos na din siguro yun. I think it isn't time for her to know everything. I don't want to ruin our friendship. Yun lang naman kasi ang pinanghahawakan ko. Oo, tama ang iniisip niyo. May gusto ako kay Ella. Actually, di lang gusto. I love her.. so much. Kaya nga nung nakita ko siyang may kausap ng hindi katiwa-tiwalang lalaki, nilapitan ko kaagad sila at kinuha ang Ella ko. Oo, nagseselos ako. At wala akong tiwala sa lalaking kausap niya. Baka mabola pa niya si Ella at makuha pa niya ito agad. Isa pa naman sa mga negative attitudes ni Ella ay ang madaling mapaniwala. Kaya nga panay iyak niya dahil sa pagpapaniwala niya dun sa kumag na ex niya eh. Tsk. Naaalala ko na naman yung lalaking yun. Nag'iinit na naman ulo ko. Sa totoo lang, matagal na akong may gusto kay Ella. Since 2nd year high school hanggang ngayong 2nd year college.. Medyo matagal na din yun di ba? *flashback* "Sh1t! Badtrip!!" panira talaga ng araw yung teacher na yun! Nagditch ako ng class ngayon. Sa algebra namin. Pano ba naman kasi, yung teacher namin dun parang t@nga lang, lagi akong pinag'iinitan. Nababakla ata sakin yun e. Tss.. Nagpunta na lang ako sa likod ng school building since wala namang gaanong nagpupunta doon. Lumapit ako sa isang bench doon na may nakalagay na 'KEEP OUT' sign. Ako naglagay nun, pag'aari ko kasi tong bench na to kaya walang ibang umupo at humiga dito kundi ako lang. Humiga na ako at pumikit. Maka'ilang minuto pa lang akong nakahiga ay may narinig akong ingay.. *sniff. sniff* Tumayo ako at hinanap kung saan galing yung pagsinghot na yun. Hindi pwedeng may ibang tao dito, ako lang dapat. Badtrip pa naman ako ngayon. *sniff. sniff* Hindi ko mahanap ang taong yun. Kung sino ba yung sumisinghot na yun. Pero parang.. Umiiyak. Isang minuto na rin akong naghahanap. Maya maya pa'y nagsalita siya. "Alam mo.." humikbi siya, "Nakakainis ka! Lagi mo na lang akong... sinasaktan.. Lagi ka na lang.." tumulo na ng tuluyan ang luha niya, "ganyan.." Sumilip ako sa sa taas ng malaking paso at tumambad sakin ang isang malaanghel ang mukha ng babae, with a long black hair and bulging eyes na nakaupo sa gilid ng paso. May hawak siyang picture. Umiiyak pa rin siya… "Pero kahit ganun... mahal na mahal pa din kita... Jacob." Nagtago ako sa gilid ng pader at tinititigan siya. Umiiyak pa din siya at kinakausap pa din niya ang picture. At tingin ko, yung taong nasa picture ay.. BOYFRIEND niya? Oo na. Ako na Usi. Mga 2 minutes na din ata at ganun pa din siya. 2 minutes ko na din siyang tinititigan. Sa totoo lang, nalulungkot ako habang tinititigan ko siya. Parang.. parang gusto ko siyang yakapin at patahanin. Nasasaktan ako na pinapanuod siyang umiiyak.. Hindi ko naman kayang lapitan siya at baka magulat siya sakin kaya tatayo nalang ako dito at kahit papano, sasamahan siya sa kalungkutan niya. Kahit presence ko lang ay okay na din ata. Kahit hindi niya alam na andito ako sa tabi niya. Maya maya pa'y tumayo na siya at pinunasan muna ang mga basa niyang mukha gamit ang panyo niya. Pagtapos nun ay ibinalik na niya ang panyo niya sa palda niya at akmang papunta na ng pinto ng building. Dali dali naman akong tumakbo at nagtago dahil sa ang daan papuntang pinto ay ang lugar kung nasan ako. Ayokong makita niya ako. Mahirap na. Pero pag minamalas ka nga naman. "Ah.. Sh1t!" mahinang sambit ko. Wala akong mataguan. So I have no choice but to hide at the.. back of the door. Wala pang isang segundo ay nakapagtago na agad ako sa likod ng pinto. Good thing, di niya ako naabutan. Phew. Nakita ko siyang dire-diretso lang na naglalakad na parang wala lang nangyari. Pero mahahalata mo ikinikilos niya na hindi siya okay. Bumalik na agad ako sa bench. Pero nung pahiga na sana ako, may nakita akong isang plain white na panyo na may nakalagay na -- 'P&J -- Pamella and Jacob'. Nahulog ata nung papunta siya sa pinto. "Ah.. Pamella pala.." bigla nalang yon lumabas sa bibig ko matapos ang ilang minutong pagkatitig sa pangalan nya. "Pamella" *end of flashback* Basta pagtapos ng araw na yun, nag'ala-stalker na ako sa kanya. Ayy hindi, admirer pala. Sabi kasi ng mga girls, pag pangit daw, 'Stalker' daw tawag nila dun. Tapos pag pogi naman daw, 'Admirer' ang tawag nila. Tss.. Daming alam. At since pogi naman ako kaya Admirer ang dapat itawag sakin. Lol. Nag'iinuman nalang kami habang nagkukwentuhan. Tamang tawanan din. Grabe, namiss ko rin ang ganitong set up. Ganto rin kasi kami nung last vacation. Kahit papano, ang saya ng birthday ko dahil sa kanila lalo na't kasama ko si Ella. Chapter 11: Call of the Mother Earth!! Lianne's POV Pagkatapos namin magsisayawan ay nagsimula na kaming mag'inuman. Nakita nadin ni Tol Ian si Ella. Napahiwalay kasi sya sa amin kanina. "Oh? Anung itsura yan?" tanong ko kay Ella. Puzzled kasi ang mukha nya. Alam nyo yung napapaisip? Tch. Akala mo naman nag'iisip! De joke lang. :D "Ah, wala." sagot nya at napatingin sa mga drinks na nakalagay sa table namin. "Oh tara! Nomo na!" kumuha siya ng shoot glass sabay itinaas pa ito. Haay.. Hyper talaga. Weirdo. Napapansin nyo ba na parang naging matamlay ako? Tsk.. Di ko din alam e. Napagod siguro kakasayaw.. Pero ayokong sirain ang gabi ni Ian kaya di ko dapat ipahalata na... TINATAMAD NA AKO. -__- Ganito talaga ako. Once na mapagod, tinatamad. "Yeah! Cheers!" nakisabay nalang ako sa pagiging hyper ni Ella. Whoo.. Sinabayan pa namin ng masasayang kwentuhan. ... ... "HAHAHAHAHA! At alam nyo bang muntanga lang yung Chinito Boy nung iniwan ko! Namimilipit padin kasi sa sakit e! Tapos nakita nya ata yung chewing gum! Hahaha! Ayun! Nalipat na sakanya! Hahaha " sabi ko. "Hoy! Grabe ka naman Lianne! Ang sadista mo!" sabi naman ni Sab. Kinukwento ko sa kanila ang nangyari kahapon after nung sa bookstore. Di ako makagetover eh. Si Tine naman, tawa ng tawa. Di ko alam kung sa kwento ko ba sya natatawa o saken e. Ah Ewan. "Eh?? It's not my fault kaya. Kasalanan ko bang di ko natanggal sa ilalim ng sapatos ko yun! Hahaha" Parang inuman lang sa kanto yung ginagawa namen. Makatawa kasi kami, wagas! Mga 10pm na din ata. "Oh tapos? Buti ka naman hinabol? Haha" sabi ni Ella. "Asa naman. Haha! Bilis ko kayang tumakbo nu! Tska andun lang sya. Cuss nang cuss. Puro F--k nga lang naririnig ko e. Bobito ata yun? Yun lang alam na mura! Hahaha" Di ko pa ba nababangit sa inyo na may Schizophrenia ako? Haha joke lang. Over na yun e. Hahaha.. Kaya ko lang magpaiba-iba ng katauhan. Kaya from 'walang gana' turned into 'hyper'. Oh well. Haha. "Alam mo, Abnoy ka talaga. Haha pero di bale, mababaw lang yun. Kasalanan din naman kasi nya. Haha" sabi ni Jin. "Sa wakas at nagsalita ka din. Kanina ka pa pailing iling dyan e! Ayy hindi! Kayong tatlong guys pala!! Para kamo kayong baliw kanina pa! Hahaha" sabi ko. Panay ganun kasi yung ginagawa nila habang nagkukwentuhan kami. Parang mga ewan. Halos 2 hours na nga kaming nagkukwento dito e, puro lang iling yung ginagawa nila pag tumatawa kaming mga girls. "Kung kami baliw, kayo naman parang mga mentally retarded. Nanliliit na kaya kami sa lakas ng mga tawa niyo.." sumagot si Baliw na Arkin. "HOOY!! What did you say?? We're not mentally retarded!" pagdidisagree ni Tine. "Yeah! Hmmp! Meanie!!" sabi naman ni Ella. "Okay. Sabi nyo e." walang ka feelings feelings na sabi ni Arkin. "Tch." sabi ko na lang. May tama na ata yung lalaking yun e. Ganyan kasi siya, masungit pag lasing na. Back to work ulit kami. Inom lang kami ng inom. Medyo seryoso na usapan namin. Ayy hindi, di pala ako kasali. Tahimik lang ako e. Medyo nahihilo na kasi ako at sobrang init na ng mukha ko. Sa totoo lang, nakakapitong shots pa lang ako. Madali akong malasing kaya pakonti konti lang. Tumayo ako. I have to go at the washroom. I have to pee. "Wait lang guys ah. Punta lang akong washroom." I'm walking along the dancefloor. Nasa kabilang side kasi ang washroom nila e kaya nakipagsiksikan muna ako sa madlang party people. Daming nagsasayawan. Take me by the tongue And I'll know Kiss me til you’re drunk And I'll show You've got that moves like jagger I've got that moves like jagger I've got that moves.. Like jagger Nakikijive lang ako. Gusto ko ulit sumayaw. Peborit ko yan e. Pero tinatawag nga pala ako ni Mother Earth. I have to pee na >_< At sa awa ni Lord…. Hindi ako makadaan!! "Ah, EXCUSE ME PO!!" Shems. Nasigawan ko na lahat lahat, di padin ako makadaan!! Ganun ba ako kaliit? Di naman di ba? 5'3 kaya ako!!! WAAAA! Somebody help me! Naiiyak na ko.. UNA, masakit pong maipit. Sobrang sikip e! Halos di na ako makahinga! PANGALAWA, mga may amoy pa yung iba! Naligo ba sila bago nagpunta dito?!! Sinisira nila ang kasosyalan ng Club na to!! At ang PANGATLO, gosh… Naiihi na talaga ako!! Help me PLEASE! Nasa gitna po ako ng dancefloor ngayon at di ko na napigilan ang sarili ko.. Umiiyak na ako. Di ako umiiyak dahil sa di ko na matake ang ihi ko kundi kasi baka di na ako makalabas nang may hininga pa dito. Mahimatay ako bigla at... At... MAMATAY. NO!!! Grabe lang ako mag-isip. -.- Mga 10 seconds lang siguro ang nakakalipas, may biglang kumausap sakin. Isa din siya sa mga sumasayaw. And….. He's a guy.. Chapter 12: You're my Saviour Lianne's POV "Heyy, you alright?" I shook my head. Lalo akong naiyak kasi buti at pinakinggan ni Papa God ang paghingi ko ng tulong. Lord, thank You po talaga. Pramis, papakabait na po ako. Di na po ako mangungupit ng pangload kay Mama. "Get me.. out of... here.. please..." medyo nahirapan talaga akong makahinga nun kaya naiyak na lang talaga ako. "Okay okay. Uhh.. Just grab my hand." Wala nang tingin tingin at hinawakan ko na ang kamay ng angel na pinadala sakin ni Lord. "Hold it tightly, okay?" I nodded. Dahan dahan niya akong hinila mula sa pagkakaipit. With a split second, hindi ko namalayan na nasa unahan niya na pala ako. Para kaming magkayakap. Nakasandal ang ulo ko sa malaman nyang chest. At... at.. Ang lakas ng tibok ng puso niya… Natigil ako sa pag'iyak. Hindi ko ata matake na naririnig ko ang tibok ng puso ng Saviour ko. Nanlalambot ako… Nakayakap siya sakin. But di naman as in yakap. Nakawrap ang isang malaman niyang kanang braso sa buong katawan ko at ang isa naman ay hinahawing nya dun sa mga taong nakaharang. Pero sa totoo lang, sobrang naiilang ako. As in!! Feeling ko nga sobra ng pula ang mukha ko e! Pero kaya niya siguro ginagawa 'to ay para nadin ata maiwas ako sa mga di sinasadyang pananakit ng mga taong walang pakialam na nagsisisayawan. Wala pang 1 minute ay nakalabas na ako nang buhay...mula sa mga halimaw. At tulala pa din ako. Hindi ako makapaniwala na makakalabas pa pala ako. Akala ko katapusan ko na. Akala ko di ko na makikita ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, ang mga crush ko, ang school ko,ang mga walang kwentang professor namin, ang mga halaman ko, ang mga flowers, ang mga puno, ang mga animals, ang mga gadgets ko, ang tindahan ng icecream at burger, ang pinagkakautangan ko, ang mga-- Ayun.. Tulala pa din ako. "Uhh.. Miss? Are you okay now? Want some water?" Nabalik na ulit ako sa sarili ko nang may narinig akong nagsalita mula sa likod ko. Humarap ako. At.. At... Ang kulay ng paligid.. Biglang nag.. nag.. *BOOOOOM!!* Tine's POV Ang tagal naman ata ni B.. Nakain na ata ng bowl yun e. Naku, wag naman sana. "Uy, ang tagal naman ni Lianne." sabi ko. "Anong matagal?? Kakaalis lang kaya. Mga ilang minutes pa nga lang nakakaalis yun e. Tch. OA mo friend." sabi naman ni Aya sakin. Ah ganun ba? "Eh?? Tologo?" sabi ko ulit. "Oo nga. Kulet." sabi ulit ni Aya. "Twice pa lang kaya ako nagtatanong.." "Whatever." "Red day mo din?" "Huh??" "Wala.." Sinimangutan niya naman ako. Chapter 13: Bad Kiss.. Lianne's POV "Uhh.. Miss? Are you okay now? Want some water?" Nabalik na ulit ako sa aking uliran nang may narinig akong nagsalita mula sa likod ko. Humarap ako. At.. At... Ang kulay ng paligid.. Biglang nag.. nag.. *BOOOOM!!* Nagred ang buong paligid. May mga usok na lumabas sa mga decorated pipes. At.. May lumabas na tao mula sa ilalim… Nagsigawan ang mga tao. "WHOOOOO!!" "GO DJ BADKISS!!" "WHOO!! DJ BADKISS! MARRY ME!!" "DJ BADKISS ROCKS!!" May lumabas na isang magandang nilalang. Maganda talaga siya as in. "D'YOU GUYS ENJOYED THE NIGHT??" sabi niya sabay itinapat ang mic sa crowd. "YEEAAAAAAHH!!" Ang ganda ng buhok niya.. Ash dark brown and long with curly pa sa dulo. Bagay na bagay sa kanya ang malaking headset na nakasabit sa leeg niya. At ang skin nya, kahit red ang kulay ng paligid ay kitang kita padin ang sparkling white skin nya. Totoo, para nga may glitters siya e. Simple lang damit niya pero ang cool niya tingnan. Tapos.. Tapos ang mga mata niya.. WHOOA.. talaga!! Parang manika!! Oo, nakalens siya pero super duper bagay sakanya!! Grabe lang.. Ang ganda niya. "LET'S GET THE PARTY STARTED!!" sabi nya at nagposition na para sa song na ipplay niya. "Whooo!!" Nakalimutan ko nga pala, may kasama ako. Si kuyang Saviour. "Uhh.. Excuse me." sabi ko habang kinakalabit siya. Mukhang nag'enjoy ata masyado kakapanuod kay DJ.. Uhh.. Sino nga ba yon? "Whoo!! I LOVE YOU BADKISS!!" Ah, ayun. Si DJ BadKiss. Thanks kay kuyang sumigaw. Yun nga kaya ata di ako mapansin at marinig ni Saviour kasi busy sya. Ayoko namang sirain ang moment nya sa pagpapantasya kay DJ Ganda. Kaya... Hmm.. Anu nga bang gagawin ko? Dapat di sya madi'disturb. Hmm.. Isip Lianne. Think. Isip. Think. *TINGG!!* (c/n: Thinking Lightbulb! ^o^) Lumapit ako sa bartender at nanghingi ng papel at nanghiram ng ballpen. Syempre, mahal na kaya ballpen ngayon noh, wala ng hingi hingi. "Hi Miss, pwede ba akong mag'apply?" Eh?? Anu namang aapplyan nya? Isa lang naman akong hamak na estudyante na nanghihingi ng baon araw-araw. Hmm. Pero cute sya ah. May pagkakahawig sya kay Nickkhun ^^. Konti lang naman. "Di na. Madami na kaming Boy sa bahay e." sumagot ako nang hindi nakatingin sa kanya. Nag'iisip kasi ako kung anu isusulat ko. At habang nag'iisip,shumushoopi na ako. Baka sumegwey pa yun eh. Mahirap na. Pero wala din naman syang chance e. I have my Mr. Smiley slash Superman na. :"> Natuwa ako, "Ganda ng sulat ko." Andun ulit ako sa counter. Binalik ko yung ballpen kay Bartender. "Eto na kuya oh. Solomot." ang laki pa ng ngiti ko nun. "Sure ka bang di talaga pwede? E tingin ko naman pasok naman ako sa mga qualifications" at nagposing siya ng pang Mr. Pogi then nagsmile ng sobrang wide. Huh? Pinagsasabi nito?? "Uhh.. May pinagdadaanan ho ba kayo? Pasensya na talaga kuya ha. Isa lamang akong hamak na estudyante ng isang pamantasan. Kaya hindi kita matutulungan sa kung anuman ang problema mo. Ang magandang gawin mo ay.." sinenyasan ko sya na lumapit at bumulong. "..habang hindi ka pa sinisibak dito, mag'apply ka na agad sa iba. Yung mas malaki ang sweldo ang piliin mo." inilayo ko na ang bibig ko sa tenga nya. "O kung gusto mo.. mag'artista ka!! Tama! May future ka kuya pramis! Dapat maging wais ngayon kuya ah. Okay?" Then shoopi na ulit ako. Sana natulungan ko si Kuya. Bumalik na ulet ako sa kung saan si Saviour. At aba.. Behave ah. Andun lang sya, nakatayo pa din. Nag'eenjoy pa rin sya. Nakatingin nga lang sya kay DJ Ganda at nakasmile ng napakawide e. And like what I have said a while ago.. I don't want to disturb him. So ang ginawa ko ay.. TENTENENEN!! Nilagay ko na lang sa loob ng damit niya. Since loose naman ang damit nya, nilagay ko dun sa likod nya. Di naman siguro malalaglag yun noh? Hehe. Oha. Ang talino ko! Dahan dahan akong umalis sa likod nya. Baka madistruct sya sakin eh. Hehe mukha pa naman siyang in love. Pero actually, di ko masyadong nakita mukha nya.. Hmm.. Chapter 14: She's Gorgeous Lianne's POV Nawala man ang pagkaihi ko, I still decided to go to washroom na lang. I manage to have a retouch on my face since medyo na haggard ata ako sa nangyari sakin kanina. Well, I'm like trauma about what happened but c'mon! no big deal na, okay na. Thanks pa din kay Papa God at pinadala nya sakin si Saviour :"> Pagkatapos kong mag'ayos, lumabas na ako at iniisip kung paano ako makakatawid nang buhay pabalik sa pwesto namin. Hmm.. Eh kung hanapin ko kaya si Saviour? Pero. Nah.. There are several people here. I think it's impossible for me to find him and beg a favor again. Not unless if di pa sya umalis dun sa place kung saan ko siya iniwan kanina. Oh, CRAP. Haaay.. Kainis. Nagsearch na lang ako ng iba pang ways papunta sa pwesto namin. Tsk! Para lang akong nagsosolve ng isang braintwister na ang hirap sagutin! Walang wala talaga akong madaanan! Kainis pa. Ang pi'PG ng mga nagsisisayaw na 'to! Pwede bang magsitigil muna sila at padaanin ang maganda?! Halos 15 minutes na akong nakatayo dito. Nag'iisip pa din. Nag'iba ulit yung music. Yung niri'remix ngayon ni DJ BadKiss ay Look at Me Now tska Do The John Wall. Medyo nakikijive na din ako ng konti habang nag'iisip. Hmmm.. Ken's POV Andito kami ngayon sa isang Club dito sa TM. Wala lang, nang-aya lang ang barkada. Magchill out daw muna. Puro bad vibes na lang daw e. Panget daw sa image! Nakakabawas daw ng kagwapuhan yun. "Oyst." napalingon ako sa right side ko. Si Josh. Isa sa mga kabarkada ko. "Oh?" sabi ko habang nakataas pa ang kilay. "Ayan na naman yang itchurang yan e. Tanggalin mo nga yan dre! Kakadiri! Kaya wala atang nalapit na chikkas dito e. Mukha mo pa lang, panira na ng mood!" sabi ni Josh. Aba't dino-duro duro pa ako nito ah! "Tss.. Wag mo nga kong ganyanin. Upakan kita dyan e. May naalala lang kasi ako." sabi ko. "Oh, ano na naman ba yun? Or better yet, SINO NA NAMAN BA YUN??" sabi nung isang kumag sa tabi ni Josh. Si Jake. "Intrigero mo rin ano? Bakla ka ba?" I said sarcastically while shoting a glass of a strong vodka. "Lul! Baka nga ikaw BADING dyan e. Di ka makagetover sa babaeng yun! Move on na dude! Daig mo pa ang na brokenhearted na iniwan sa ere! Ang gay!" pang'aasar pa niya. I shot him my deadly glare. "Tara, inom pa tayo. Cheers sayo dude!" sabi niya. Loko talaga 'tong Jake na 'to. TSK. Yeah, I was thinking about that Sadist Annoying Amazon. She almost broke my left leg. If you can remember… Chapter 7. She punched me on my right handsome face and kicked me so hard on my left precious leg! Urggh.. The nerve of her! She also left a blue chewing gum on my favorite pants! Damn that b1tch! Now, I don't think I can wear it anymore. It's a total trash! I went home that night na parang di pantay ang paa ko. And that really hurts! While driving at my car, I'm like cursing her by ruining my day! Sabi ko nga, pag nakita ko ulit yung babaeng yun, malilintikan talaga siya sakin. Yeah, no big deal. Pero sa iba yon! Para sakin, it was so big deal na ginanun nya ako at the front of many people. Errr.. That moment really made me pissed off! I hate being embarrassed. Yeah, sounds gay but I f*ckin' hate it. Then when I came home, hinanap ko agad yung book. Sh1t lang! I just remembered that isa sa mga book na yung ang pinag'ipitan ko ng pinaka pinaka precious note! I tried to find it but I can't. I think dun ko ata naipit sa book ng Amasonang yun!! Napakaimportante pa naman nun! Hindi ko alam kung saan ko hahagilapin ang panget na babaeng yun! Grr. Inom lang kami ng inom. Maganda yung kanta ngayon. Remix ni Bad Kiss e. Look at me now tska Do the John Wall. "Look pare oh! A hot chick. Woow.. Sexy body huh." sabi ni Jake. "Lapitan mo dali! Baka makascore ka dyan!" sabi naman nung isang kumag na si Josh habang tumatawa. Well, oo nga. She's sexy. But we'll never know. Behind that sexy body is a nightmare type of face! Tss.. Bahala na nga sila dyan. Nilapitan na ni Jake ang girl. Well, usap usap sila. Approuchable naman siya, yung sexy daw... Medyo matagal tagal na silang nag-uusap ni Jake. Tingin ko maganda ata yung babae e. Nakatagal kasing kausapin ni Jake. Todo tawa pa nga. Normal lang yung tawa nung babae. Alam mo yung hindi maarte? Yung ganun. Then suddenly, napaharap siya sa pwesto namin nang tinuro yun ni Jake… Nanlaki bigla yung mata ko sa nakita ko. It’s her!! The Sadist Annoying Amazon!! And.. and.. I can't believe that.. She's sexy as that? I mean, last night that I met her, she was so plain. I was expecting that madami siyang bilbil na tinatago kahit na maganda siya but I'm wrong... Totally. She's.. she's.. Gorgeous.. "Huyy!!" Nagising ulit ako sa katotohanan. Nang dinikit ni Josh ang isang malamig na bote. Grr. But HELL NO!! I'm not fantasizing! Sh1t. Err.. That Amazon girl. >:( Tumayo ako at lumapit sa kanila ni Jake. But every step I make, there's someone saying on my head to calm down. I don't know. But I obey him. I walk towards them with cool expression. When I stopped infront of them. Nanlaki naman ang mata niya. Tss.. "BAT KA NANDITO!!?" with her index finger pointing at my handsome face. I just smirked. "Wait. Wait lang ah.. Magkakilala ka kayo??" Chapter 15: Round 2! Lianne's POV "BAT KA NANDITO?!!" Shems. Sinusundan ba ako ng kulangot na Chinito Boy na to!? Pero. Wuu.. Baka hinahunting ako nito dahil sa ginawa ko sakanya last night! Hala.. Wag naman niya sana akong ipasalvage agad. Marami pa akong mga pangarap sa buhay. "Wait. Wait lang ah.. Magkakilala kayo??" umentra si Kuyang Cute. Pero wait din. Huh?? Magkakilala sila?!? NO WAY!! Pero bago pa ako makapagsalita, naunahan na niya ako. "Definitely. Siya lang naman yung sinasabi ko na Sadist Annoying Amazon na who almost broke my leg." sabi ni Chinito Boy. ABA? At anu namang pinagsasabi nito?? "HOY! Mahina lang yun ah! NAPAKASENSITIVE MO NAMAN! ANU KA? BABY?! MABILIS MABALIAN NG BUTO?! Tch." at nagcross arms ako. "HOY KA RIN! MASAKIT KAYA YUN! NAPAKAHALAGA SAKIN NG LEG KO BILANG MVP SA CAMPUS!! TAPOS SISIPAIN MO LANG NANG GANUN?!" MVP pala tong mokong na to? Di halata ah. "SUS! CAMPUS LANG PALA EH! AT ANG OA MO, TSONG! PRAMIS!" Kakapang'init ng ulo to. Ang OA. "Hep hep hep!! Tama na nga! Pinagtitinginan na kayo oh! Dinaig nyo pa yung lakas ng music sa lakas ng mga boses nyo!" Napatigil kaming pareho ni Chinito Boy. Wow ha. May referee na naman kami ngayon. Tumingin siya kay Chinito Boy. "Hoy ikaw. Angas mo e noh? Pangalawa ka lang kaya bilang MVP. Tss." sabay harap sakin. "At ikaw naman Ms. Ganda, ikaw pala yung sinasabi niya na sadistang amazona. Grabe, parang di naman halata sayo." Aba't! Loko to ah! Pasalamat siya at cute sya! Kundi nasapok ko na din to! Naconvince daw ba na sadistang amasona talaga ko? Tsk. "FYI LANG. Kasalanan niya yun! Kung di niya ko minanyak at ininis nang todo! Di mangyayari sakanya yun! Kulang pa nga yun e!" kainis. Totoo naman. Kung di niya ko ginalit e di walang bugbugang naganap. Tss. "Ops. Chill ka lang Ganda. Wa poise ka na." sabi pa nung Kuyang Cute. Gosh.. Panay 'Ganda' tawag niya sakin. Kainis. Kinikilig tuloy ako. >///< "Wag mo ngang tawaging Ganda yan. Baka lumaki ulo. Tss.." Tokwa! Nagsalita pa ang isang 'to! Panira ng moment! "Kapal ng mukha nito. Makaalis na nga! Bad vibes dala ng mukha mo e." Kala mo ha. Hmp. Aalis na talaga ako dito. Nakakadalawang steps pa lang ako nang biglang may humawak sa wrist ko.. "And where d'you think you're going?" sabi ni Kulangot. At nakataas pa ang kilay niya huh? Yabang! "Sa HELL. Wanna come with me?" I replied sarcastically. Tinaasan ko din siya ng kilay. Taasan kami. Tch. "May atraso ka pa sakin. You won't get away with this.." medyo mahigpit na yung paghawak niya pero di naman masyadong masakit. "O bakit? Sasaktan mo din ba ako? Sasapakin?! Sisipain?? Katulad ng ginawa ko?! O sige! Gawin mo! Sinisira mo gabi ko! Dali na! Gawin mo na!! DALI!" inilapit ko ang mukha ko sa kanya yung aktong nagpapasapak? Kakapang-init ng ulo e! Parang yun lang di pa matahi-tahimik! "You're crazy. I won't do that! I'm a gay if I’ll do it. Iba ang gagawin ko sayo..." then he gave me an evil grin. As in evil! Gosh! Hindi ko alam pero parang natreathened ako bigla. Wah! "Whoaa! Y-YOU!" tinuro ko siya, "Y—you're planning to do s—something evil to me! Uwaaa! Heeeeelp!" "Now you're overreacting." Tumawa siya ng sobrang lakas then hinawakan niya ang balikat ko, "Asa ka miss.. Di ko ata maaatim na magbalak ng masama sayo tulad ng iniisip mo!" tumawa pa ulit siya, "Yuck kaya." Then serious face again. Aba't Choosy pa tong lalaking to ah. Panu niya nalaman yung iniisip ko na baka yurakan nya pagkatao ko? Nakareserve kaya to sa future husband ko no! Hmp! "WHATEVER!! NOW, LET ME GO!!" nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak niya. Pero imbes na makawala ako, hinawakan pa nya ang isa kong kamay. Errr! Darnit! "Not so fast." iniyuko nya mukha nya kapantay ng mukha ko, "May kailangan pa ako sayo." "Ano na naman ba yun?! Wag mung sabihing ibubugaw mo ko!! Nakoo! Estudyante pa ako!! Nanghihingi pa lang ako ng baon sa mam—" "Damnit! YOU'RE FREAKIN' PARANOID!!" inis niyang sabi. Natahimik na lang ako. Oo nga, paranoid talaga ako. And people at the club were staring at us. Wew. I hate being an attention-getter. Shizz. "F*ck! Pwede umupo muna tayo dun?" tapos tinuro niya yung tinurong table ni kuyang Cute, "Gumagawa na naman tayo ng eksena eh!" Hindi na niya ko hintay pang sumagot. Hinatak na niya agad ako sa kung saan.. Hatak Boy ba to? Panay hatak neto sakin e! Namumuro na! Tss. Pinaupo niya ako sa kabilang side. May isa pa siyang kasama. Well infairness, ang popogi ng mga kasama niya huh? Taob sya!! "Now WHAT?!" naiirita kong sabi. Naiirita na kasi ako e. Gusto ko nang bumalik kina Babe… :( "Stop yelling, will you?!" Okay. I'll stop. Mukha nang puputok yung mukha niya dahil sa inis sakin. "Who's that chick, bro?" sabi nung isang pogi sa left side ni Chinito Boy slash Kulangot slash Hatak Boy. "She's the Amazon I am talking about." "Oww.. Hot chick huh?" sabi pa nung nagtanong. Nakasinghot ba sila? Nakakailang compliment na ako ah. "Whatever." Whatever din. Epal na ‘to. Psh. "Hoy. Anu ba? You're taking too much of my time. Imbes na mag'enjoy ak—" hindi na naman nya ako pinatapos. Haneeep. "May nakita ka bang maliit na papel na nakaipit sa book mo?" Aba, parang ang bait bait nyang nagtatanung ngayon ah. Hmm.. Wala naman akong naaalala na meron. Actually, di ko pa nga nasisilip ng maayos yun e. "Huh? Ewan. Di ko pa naman nagagalaw yun e. Diretso agad sa shelve ko yun. Bakit?" "I'check mo mamaya. Oh itype mo cell number mo." tapos inabot niya sakin yung phone na hawak niya. Napataas lang ako ng kilay. Okay lang ba sya?? DI KO KELANGAN NG TEXTMATE!! "Why should I?" Kapal niya ah.. Makautos pa siya. Kala mo boss. "Because I said so. Any problem with that?" OO! Malaki!! Kapal ng mukha nito! "My cell number is exclusively for the people whom I am closed with. We're not even friends. So, why would I?" Tumingin lang siya sakin.. Aba't tinaasan lang ako ng kilay!!? "Kelangan ko yung pinapahanap ko sayo so you have to contact me. Don't be such a feeler. You Amazon." ERRR.. THE NERVE OF HIM!! He really wants to piss me off again!! And 'Feeler'?? THE HELL!! "Kapal din ng mukha mong tawagin akong 'Feeler' ah! Hmp! Pero okay. Tingnan ko nalang pagkauwi ko.." kinuha ko na yung phone niya at itinype ang number ko. Tch. "Makakaalis na ba ako??! Baka harassin nyo pa ko dito e." Tss! Upakan ko tong Chinito Boy na ‘to e. "AS IF. Hell yeah, you may go now. I'll text ya later!" I just glared at him. Ang kapal talaga! Makapag 'AS IF'! Tumayo na lang ako at nagmadaling maglakad. "See ya again Ms. Gorgeous!!" Medyo napangiti ako. Hihihi. Si Kuyang Cute ang sumigaw nun. At least kahit papaano naman, may pampalubag loob. :”> Chapter 16: Super Extraordinary Normal POV: (Hehe.. May abnormal ba? XD) Tine: Huyy guys.. Antagal ni B. I'm so worried na :| Aya: Alam mo kanina ka pa. Daig mo pa ang mama niya sa pag'aalala. Psh. Tine: Okay ka lang ba talaga? Baka natamaan ka ng Cookie Virus. Nagwoworried na din ako sayo Bebs. *niyakap si Aya* Aya: Ano ba yang pinagsasabi mo? (dumating si Lianne) Lianne: Oh? Bagsak na ang lahat? Aya: Obviously, OO.. At etong si Tine, parang ewan lang. Kanina pa 'to ganto. Tine: B? Andito ka na. Wah! I thought… I thought you're eaten by the bowl. Aya: O kitams? May tama na tong babaeng ‘to. Susme! Tine: B. Bebs is sick. She has the so-called Cookie Virus. We need to send her to the hospital immediately. Before it's too late! Lianne: Huh?? (Clueless..) Aya: See? Naabduct na ata ang totoong Tine natin kani kanina lang e. Tine: Err! *binatukan si Aya* Don't talk too much Bebs!! The virus might circulate rapidly into your brain!! Aya: Err! Tine! That hurt ha! You're really insane!! Lianne: Haynakunaku.. Tine's POV Pagkadilat ko.. morning na pala. Yawn. Nagunat-unat muna ako bago tumayo. "Ouch" Ouchie my head… It hurts like hell. Ano bang nangyari sakin? Err.. Ano nga ba? Ayy muntange lang. Andami ko atang nainom kagabi. At andito ako ngayon sa…. bahay ni B. Si B..? "Bibi Liaaaannnne!" Mula sa baba, narinig ko ang boses ni Bibi ko. "WHAAAAT BAAABE?!!" Oh well.. I love her so much! :) Nagtataka ba kayo kung bakit weird ang endearment namin? Babe-Bibi? Hehe. Wala lang. Everytime kase na may mga nagkakagusto sakin na ayaw akong tantanan, sya ang nagsesave sakin. Alam nyo yung nag'iimpersonate na boyfriend? Ginagawa nya yun. Especially kung pati sa phone, ayaw akong tantanan at text sila nang text pati din sa pagtawag. Si Bibi ang nag'aact as my boyfie. Oh well, dahil sa pagkasuperb ni B, napapaniwala nya yung mga mokong. Hehe. Kaya nga love na love ko yun e. I feel safe when I'm with her :) Naligo muna ako then kumuha ng damit sa cabinet. Yep, my damit ako dito sa kanila. Well, para maging ready sa mga times na di inaasahan kaya ayun. May sarili rin akong cabinet sa kanila pero syempre maliit lang no. Pagkababa ko sa dining area, nakaready na ang lahat. Di naman sa nagpi'feeling ako dito pero para narin akong nakatira dito. Remember? Since 2nd year hs we're close na. Magkumare din sina Mama at si Tita Lea kaya madalas din akong nagpupunta dito. Kaya di na din ako iba sa kanila. Mahal din ako ng maid at yaya nila kaya okay lang. "Wala…ba tayong…classh…today?" she manage to speak while eating. "Lutang ka pa din ba B?" Gosh. Wala na talagang pinagbago tong babaitang ‘to. "Well, just to make sure lang naman.. Aalis kasi ako later." Aba.. May date ang bruha? "Hoyy. Date ba yan ah?? Sino naman yang kasama mo? Ba't di mo pa pinapakilala sakin? Baka masaman—" "Babe…" sumubo siya, "Wala akong date…Okay? Asha namang….idate ko yung…asdjkmlobds na yun no." "Ano?? Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo e! Tska ubusin mo nga muna yang nasa bibig mo." Abnoy talaga ‘tong babaeng ‘to. "Kfly." Then we ate silently. But suddenly my phone vibrated. Fr.: 09178698*** Hello. GdMorning Jazz. :) Si Marc nga pala to. Pwde ka ba later? Mga 3pm. Aayain sana kitang magcoffee. Pls..? Reps ka kung pwede ha? Sana pwde ka.. Thanks! :* Takecare always :) -end- Kape sa hapon?? Tss. And ERR.. di ba talaga ko tatantanan nito?? Wala naman akong ginawa. Di din naman ako nanggayuma. Shet lang.. Kairita na talaga. "Wuy!!" "Oh?" napataas ko bigla yung isa sa mga magaganda kong eyebrows. "Problema mo??" mukha namang naguguluhan si B. "Ah wala." "Wala daw.. E bakit mukha kang angry bird dyan?" "Tch.. E kasi.. Eff! Ayaw pa din ako tantanan!!" "Nino? Siya na naman ba?? Lakas talaga ng fighting spirit nun e nu?" "Err.. Nakakairita talaga siya." "Lam mo Babe, sa totoo lang nung una ayaw ko talaga dyan sa Marc na yan.. Pero sa almost 4 years na panunuyo at pagsunod sayo nyan, ngayon alam ko na na may taong matyaga talaga. Swear!" at itinaas pa nya yung right hand niya. "Eh!? Don't tell me, YOU LIKE HIM NA FOR ME??" Nagnod lang sya habang ngumunguya. WTH?? "No way!!" pagdidisagree ko. "I think he's mabaet naman ah. And he's totally smart. Tapos kahit ilang times mo nang nireject, ganun pa din sya. He never change. Loyal talaga sayo! Ang tibay nya ah! Tapos, tapos..ahm.." nilagay pa nya yung kamay nya sa chin nya at nakatingin sa ceiling. "Oh tapos??" I'm a wee irritated na talaga. "Ah!" itinaas niya yung right hand niya, "Never ka pang pumayag na makasama ka nya. Tapos tuwing nasa in trouble ka, sya kagad yung to the rescue sayo before me but di mo masyadong inaappreciate. Tsk. Aww.. Alam mo bang kawawa sya? Ayy hindi, hindi mo nga pala alam yun. Lagi mo naman kasi syang iniindyan, nirereject, binabalewala tska—" "FINE! Eh di ba nga?? you know naman the reason eh.. I REALLY DON'T LIKE HIM, PERIOD." "Why don't you give him a chance? Just for once lang." Chance?? WHATEVER. "A—YO—KO" "Haays.. Ikaw din.. Mahirap nang maghanap nang ganung lalaki ngayon. Naabduct na ang lahat ng matitino at ganun ka tiyaga. Ang sweet niya kaya." "Whatever. Ayaw pa din." "Nakoo. Bahala ka nga. Geh, ligo lang ako ah. Uwi ka na ba agad?" Tch. Buti naman at nagtigil na ‘to. Hmm.. Uwi na nga ba ako? Eh.. Later na lang kaya? Hmm.. "Uy, aalis ako ah. And.. uhm.. Di kita maisasama." "IKR. Sabihin na kasing date. Deny deny pa e." "Hindi nga. Kulet talaga ng lahi." "Yeah right. Bilisan mo na. Maligo ka na, wait kita para sabay na tayo umalis." "Wag mo na kong iwait. Baka matagalan ka pa—" "Aysows! Papaganda pa eh! Okay fine!" then I rolled my eyes. Arte nitong babaitang 'to. -__- Tumayo na siya at lumapit sakin. "Hinde no!" then tumawa siya, "Geh, bye Babe. Ingat ka ah?" tapos nagbeso na siya then naghug. "I'm not done pa nga kumaen tapos pinapaalis mo agad ako.." "OK. Loveyou!" At naglakad na siya paakyat ng stairs. "Loveyou too." then nagsmile ako. Lokaret talaga yung babaeng yun. :) Lianne's POV Mag 3pm nadin nang makarating ako sa mall. Usapan namin ni Chinito Boy na 2pm. Oh well, mabait ako e. Lagi kaya akong late. It took one look And forever laid out in front of me One smile and I died Only to be revived by you.. Nagriring na naman yung phone ko. And guess who's calling.. BWAHAHAHA. Infairness, kanina pa siya tawag ng tawag sakin. Haha. Nakaka 87 missed calls na siya sakin. WAHAHA. Hinayaan ko nga siya. E sa di pa ko nakakarating ng mall e. Hehe. Am I too harsh to him? I bet not. He deserves it. It took one look And forever laid out in front of me One smile and I died Only to be revived by you Ba naman yan! Ring ng ring.. =__= "Hello." (Aw thank God! Sinagot mo din! San ka na ba?! Alam mo bang kanina pa ako naghihintay dito?!! F*CK!! Where the hell are you now!? Damn! You're taking so much of my time!! Sh1t—) "Ay.. Sorry ah? Di naman kasi ako ang may kailangan di ba? And ME?? I'm taking so much of your time?? Hah! Then, bahala ka dyan! Di ako magpapakita sayo!! Hanapin mo ko dito sa mall kung gusto mo!! Err! Poophole!!" (Hey! Wait!! You—) Inend ko na yung call. Bahala siya. Loko sya ah. 'You're taking so much of my time' WHAT THE HELL?? Siya may kailangan so dapat sya mag'antay! Amp. Bahala talaga sya. And he kept on cussing. Err! I hate people cussing! Lalo na't kinakausap nya pa ko sa phone?! Hah! Mamatay siyang kakahanap sakin! Ang lawak kaya ng mall! Tsk. Kakapang'init siya ng ulo! >:( Nagpunta na lang ako sa SB. Kelangan kong magpalamig ng ulo. Ayokong maBV ngayong araw. Nagfrappe lang ako and I seated at the 3rd to the last table on the left side, near the window glass… Well, halos lahat ng nasa side na 'to ay puro love birds. DUH! E di kayo na! Ako na loner. -.- Nilabas ko ang iPod ko para makapag-WiFi. Pampastress out na din to e. ... ... I stayed here for almost 30 minutes na.. Ayun.. Fb-Fb lang. Dugdugdug. Huh? Bat parang nagpapalpitate na naman ako? Ang alam ko nagkakaganito lang ako nakikita ko siya.. Lumigon-ligon ako sa paligid ko... Wala naman akong nakikitang kakaiba na reason para ikakaba ko. *Ting!* (C/N: tunog po ng detector sa pinto. Saree sa poor sound effects. :D) Napatingin ako sa pinto… Napatulala na lang ako bigla ng may nakita ako… Grabe lang. Ewan ko sa mga taong 'to! Kelangan talagang mag'PDA??! HELLO?! Public place po ito! Kumakapagkiss, parang wala ng bukas! Tskkk. Err.. Kainis. Nagsoundtrip nalang ako at tingin tingin din sa labas. Sa totoo lang nakakatuwa kahit papano tingnan yung mga dumadaan. Medyo napapaisip tuloy ako.. Well, according to Reader's Digest, at the age of 16, 80% of people have met the person they are going to marry. Eh panu ba yan, 18 na ako. Lagpas na sa 16. Kasama kaya ako sa 80% na mga taong nameet na ang mga future partners nila? Amp.. Lagi naman kasing wrong ones e. "Haaay.." Makapagbuntong hininga naman ako. Akala mo napakalaki ng problema. "Baliw talaga ko." Soundtrip soundtrip lang. Ubos na nga frappe ko e. Para akong may hinihintay na wala naman talaga. But yeah. I am waiting for someone. That someone who is impossible to show up right now. Urggh.. I need my insipiration. "Superman ko.. Where art thou?" waaah.. Need some energ— may biglang kumalabit sa akin. Huh? At dahil sa nakatingin lang ako sa window glass, lumingon ako sa kumakalabit sakin at paglingon ko… Para na naman akong ewan na nakatulala at gulat na gulat. Grabe. Totoo ba to? De, baka naghahalucinate lang siguro ako! Iniwas ka ang tingin ko… Then tumingin ulit. Nanlaki na naman ang mata ko dahil nakikita ko pa rin yung nakita ko kanina!! WAIT! Baka epekto lang ‘to ng pagkamiss ko sa kanya? Pikit muna ako, baka nagugutom lang ako eh at kelangan ko na atang bumili ng donut or cake! Pumikit ako ng ilang seconds... Then dinilat ko ulit at tumingin sa kanya. Then GULP. "Oh Sh1t.." Gosh. I just cussed! Kasasabi ko lang kanina eh!! Nagpanic ako at dali dali kong tinanggal earbuds ko. Whoa! Baka narinig niya! Bakit siya nandito?? Panung… panung andito din siya?? Whoa! Am I dreaming?? "Uhh.. Y-yes?" Men! I don't know what to do! I don't know what to say! Whoa! OMG. "Uhm.. May kasama po ba kayo?" "H-huh?" may kasama ba ko? Wala wala! Pero bat niya tinatanong? I shook my head. "Can I sit on the opposite side? May hihintay lang kasi ako. Okay lang ba?" "H-huh?" Parang nagbuffering muna ang utak ko. Hindi kaagad nagregister sa utak ko yung mga sinabi niya kanina eh. "Ahm, I said, kung pwede ba akong makiupo.." "Ah! A-ah.. S-sure!" nataranta ako. Gosh. I'm stammering! "Thanks." then he smiled. WOW. HEAVEN. *___* Alam niyo yung 'Lutang kasi kinikilig'? Ako yun eh! Ako yun!! He just smiled at me!! Grabe na ‘tooooo. Nakaupo na siya. Drinking his Latte na di ko alam kung anong flavor. He's wearing a maroon printed shirt and shorts. He has a black watch and bitz on his ears. Omo. Why so handsome? I'm just staring at him while he's staring at the window glass. Mukha nga talagang may hinihintay siya. "Ahm, why staring like that?" Geez! Nahuli niya ako!! "H-huh? Uhh.. S—sorry sorry!" with actions pa. Deym.. just deym! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya! Err.. This is so embarrassing! He just smiled.. Then bursted out of… laughter?? Huh? Bakit? "You're blushing." Napahawak ako bigla sa mukha ko… I feel like my face is burning. OMG. Nagulat naman ako sa sinabi niya pagkatapos niyang tumawa ng mahina, "Cute." Like… What the perk? OMO! Lalong uminit yung mukha ko!! Totoo ba talaga yun?! Di nga?!? Tell me if this is true! Pwede na akong mawala sa mundo! *poke poke* *BLAAG!* "Ouch.." Err.. Ang sakit naman sa mukha.. Ouch talaga. Hinimas-himas ko ang mukha ko. Tumama ata sa table eh. Tskkk.. "Uh, ma'am. Yung gamit niyo po, nalaglag." Napatingin ako sa right side ko. Ah, yung waiter pala.. "Huh?" tiningnan ko siya at hawak niya yung bag ko. "Nalaglag po yung bag niyo ma'am." "Ah, thanks." inabot ko na ang bag ko at umayos ng upo. I look at my watch. Wew. Mag 5pm na pala. Nakatulog pala ko.. Pero—Huh?? Katapat ko lang si Superma—WHAAAT?? "Meeen.." kinusot kusot ko mukha ko. Bakit panaginip lang!? Grabe, sana naging totoo na lang yun! Tumayo na ako. Nadedepress ako e. Bakit naman ganun.. "Uh, Miss.." Para akong binagsakan ng langit at lupa habang naglalakad.. Nakakalungkot.. Akala ko totoo na.. Sana di na lang ako nagising. "Miss." Ang saya na nun e. Kinikilig na ko! Parang totoo na e! Tapos.. Tapos.. "Miss!" Then I stopped. Someone grabbed my wrist pero light lang. Lumingon ako pero di ko siya masyadong tiningnan. "Oh... Anu po yun?" "Uh... Miss. Are you okay?" Nagnod lang ako. Pero di padin ako nakatingin sa kanya. Nakayuko lang ako. "Uh, I think this is yours.." Inangat niya ang right hand niya at may hawak siyang panyo. Inangat ko narin ang mukha ko. "A-ah.. Yeah. Thank—" WAAAAAIT! De javu???! WEH? Totoo na ba talaga 'to? Kung hindi papakamatay na talaga ko!! "Miss, okay ka lang ba talaga?" binaba niya ng konti yung ulo niya. Grabe. Sa totoo lang… this moment is really extraordinary. Iniisip ko lang siya at napanaginipan pa. Pero ngayon.. He's now holding my wrist. "Uh, h—hindi.. O—okay lang po talaga ako. Salamat." Men! Parang gusto ko ng magtatalon dito sa loob ng café dahil sa tuwa at kilig! Grabe! Meant to be ba kami? Haha—ASA. Pero… ang saya ko lang talaga kasi nagkita ulit kami at sa imposible pang lugar!! Isn’t that amazing? "You're welcome." Then he smiled. The smile that I saw in my dream. HAAAAA! Dream come true din pala! Tumawa siya pero mahina lang, "You're blushing." Feeling ko mas nakakagulat yung sinabi niya ngayon kesa sinabi niya kanina sa panaginip ko. Ohmy! Super totoo na talaga 'to. And I'm totally not dreaming! I am so happy. Napayuko na lang ako at nagpipigil ng super wide smile. Alam ko din na super init na ng mukha ko. Medyo nakakahiya din! And the last one... May last pa! Say it, say it! "Sige. Ingat na lang." Aww.. Di niya sinabi.. Ampupu naman. "Ge. Thank you ulit. Ikaw din.." Lumabas na ako sa SB. Medyo nalulungkot.. E kasi naman, di nya sinabing 'Cute' ako. Pero happy and fulfilled! Kasi super nagkatotoo talaga! This day is super extraordinary! Marami na naman ang maisusulat ko sa diary ko. Nakakakilig lang. :”> Chapter 17: Stupid Ken's POV Sh1t sh1t! Nakakainis talaga yung babaeng yun!! Siya na nga tong pinaghintay ako ng isang oras tapos siya pa tong galit?! What the fcuk!!? She really took so much of my time!! Isang maliit na papel lang at pinapahirapan pa niya ako ng ganto? Napakasadista niya talaga! Ang sama ng ugali niya! Napakapangit ng ugali! Sh1t lang! Nakakaturn-off!! "ARGHH!!" ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis ko sa babaeng yun! "Wuy pare. Problema mo??" Kasama ko nga pala si Jake ngayon. Tae lang. Dapat kanina pa kami nakaalis at nakalayas e!! Bwisit na amasona na yun! Panira siya ng araw. "EFF!! San ba natin hahanapin yung bwisit na babaeng yun?! SABIHIN MO NGA SAKIN JAKE!!" "Whoaw! Chill ka lang pare. Anong malay ko ba dun?? Ikaw tong inaaway away yung chick e tapos sakin mo tinatanong? E kakarating ko lang kaya! Tapos—" "F*ck! Hindi ka naman nakakatulong!! Kaibigan ba talaga kita?!" kainis tong kumag na ‘to. "Ayan na nga.. Dyan tayo nagkakatalo e. Pagdududahan mo yung pagkakaibigan natin. Grabe ka tol! Ang sakit mong magsalita!! Hi—" "LUL. Nagdrama ka pa. Tsk. Asan na ba sina Josh pati si Warren ah?" "Si Josh daw di makakasama. Sumasideline yun ngayon e. Ayaw man lang tayo ipakilala sa chick niya." "Eh si Warren?" "Andyan lang daw sa tabi tabi. May sinamahan lang. Itext nalang daw natin siya kung alis na tayo." "Mga g*go talaga yang mga yan.. Kung kelan kelangan e, saka pa di lumilitaw. Argh!" Kabadtrip. Nasan na ba kasi yung bwisit na babae na yun?!! Tae! Kung di lang ganun kaimportante yung maliit na papel na yun, I'm not gonna waste my freakin' time on waiting here!! Takteng yan! "Gaano ba kasi kahalaga yung papel na yun at ganyan kainit ang ulo mo kasi ayaw magpakita sayo yung si.. Sino nga ba yun? Yung maganda? Ah basta. Bakit ba ‘tol?" "BASTA IMPORTANTE. Tara nga, hanapin natin yun. Damnit! Hindi ko alam kung ano yung magagawa ko sa babaeng yun kapag makita ko yun. Wala akong pake kung babae man siya. Masyado na niyang pinapainit ang ulo ko!!" Nagulat naman ako sa ginawa ni Jake. Ang g*go, pahimas himas pa sa likod ko sabay sabing, "Kalma ka lang dude" parang tanga lang. Naghiwalay kami ni Jake ng way para libutin ang buong mall. Nagbabakasali na mahanap ko yung nuknukan ang pangit ng ugali na babaeng yun. Ang masama nga lang nito. Baka umuwi na yun. Antae! Sobrang manggagalaiti talaga ko nun! Tumigil muna ko kakalibot. Tae, pagod na ko. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Pagtingin ko, nanlaki ang mata ko dahil 5pm na din pala! Di ko pa din siya nahahanap. Shet lang! Baka nga umuwi na nga yun!! Kinuha ko ang phone ko at sinubukan ulit siyang tawagan. Tae. Kung lambing lang ang gusto niya, ipapalambing ko siya kay Jake!! "Sh1t! Bat ba ayaw mong sagutin?!" I called her several times na. Pero di niya pa rin talaga sinasagot!! Amputek naman!! (The number you're calling is not yet in service or out of coverage area. Please try again later. Toot toot toot) Kinusot kusot ko ang mukha ko "Arrrrrrgh! F*ck!" Dahil sa nawalan na din ako ng pag'asang makita yung bwisit na babaeng yun, nag'aya na ko kay Jake na lumabas na. Tae lang talaga! Yare ako kay Mommy nito! I am so dead. Oy. Di ako Mama's boy ah. Mga pinag'iisip niyo dyan. Nasa labas na kami ng mall ngayon. Hinihintay si Warren. Leche yon. Kung san san nagpupunta. Di man lang ako tinulungan. Tsk. "Asan na ba yang si Warren?" naiiritang tanong ko kay Jake. Kainis. Isa pa yun, kinakain ang oras ko. "Ayy, saglit lang SIR AH. Tinatawagan na nga po oh!" sarkastikong pagsagot niya. Loko tong lalaking to, "Leche ka.. Ginagawa mo na kong alipores mo. Pektusan kita dyan e." dagdag pa niya. Sus. Tinatanong lang kung asan si Warren e. Naggaganun agad. Abno. -.- "HOY! IBALIK MO YAN! AAHH! TULOOONG!! HOLDAPER! MAGNANAKAW! MATINGGERO! PANGIT! MUKANG KULUGO! MUKANG PAA! TULONG!" Sa di kalayuan, may nagsisisigaw na babae sa gilid ng kalsada. Hindi ko masyadong makita ang mukha ng babae. Ang daming tao, pero tiningnan lang nila ang nangyari. Wala na atang good samaritan ngayon. At grabeng babaeng yun ah. Nilait pa yung holdaper. Grabe talaga ang mga babae ngayon. Tsk tsk. Mga saksakan ng sama ang ugali. "Hala. Kawawa naman yung babae oh. Wala man lang tumutu—Teka!" Napatingin naman ako kay Jake. Ang loko, makapagturo at nanlaki pa ang mga mata. Psh. "Tol tingnan mo oh!!" tinuturo nya yung direksyon kung san yung may isnatchang naganap. "Oh??" sagot ko naman at tumingin na din sa tinuturo niya. "Kawawa yung babae, nadapa pa! Tsk!" G*go talaga ‘to. -____- Nung tumingin ako, nakita ko ngang nakaupo lang sa sahig ang baba— "TEKA!!" "Oh??" "Sh1t!" Dali-dali akong tumakbo sa lugar kung asan ang babae. "HOY KEN! SAGLIT!" Di ko alam kung bakit pero parang nagka'adrenaline rush ako nang makita ko siyang nakaupo sa lupa at mabilis na nakarating sa kung san siya. Napastop ako sa tabi niya. "Ouch.." hinihimas himas niya ang tuhod niya pati na rin ang left ankle niya. Naiiyak na sya. "Waah.. Yung bag ko.." ayy, naiyak na nga. "Ibalik mo bag ko mukang kulugo ka.. " nakatungo lang sya habang umiiyak at hinihimas ang mga parte ng katawan nya na masakit. "Ken! Tae ka." hinihingal naming nakalapit sa amin si Jake, "Ang bilis.. bilis mong tumakbo langya ka talaga.." "Bantayan mo siya!!" Tumakbo ako sa direksyon kung san pumunta yung snatcher. Luckily, naabutan ko naman siya. "Huli ka!!" nakahawak ako sa may likuran niya. Nagpupumiglas ang holdaper. Nagulat naman ako nang kamuntik na kong matamaan ng hawak nyang balisong. Buti alerto ako. "G*go ka ah!" Di ko na napigilan ang sarili ko at nabugbog ko sya. Wala din syang binatbat sakin e, ang tangkad ko kaya at musculine pa. Inuntog ko nga sa mga abs ko e. De, joke lang. -__- Nagsidatingan na din ang mga pulis. Tsk. Parang tanga lang. Saka na talaga sila dumadating pag tapos na ang bakbakan. Psh. Naglalakad ako pabalik sa lugar kung saan iniwan ko sila Jake tska si Sadist Annoying Amazon.. Yes. Siya nga. Ang babaeng nuknukan ang kasamaan ng ugali. Psh. At katulad nga ng inaasahan ko.. "Babe, tahan na. Maibabalik din yun ng kabarkada ko yung bag mo. At tska yung mga sugat mo, wag kang mag'alala gagamutin ko yan. Kaya tahan na, baby." Leche talaga tong Jake na to. Nanananching na naman.. At sa kanya pa talaga ha! E ang pangit pangit naman ng ugali ng babaeng yan. -__- "Oh." iniabot ko kay Amasona yung bag nya na noo'y nakayuko lang. Inangat nya ang mukha nya, tiningnan nya ko saglit at yuyuko sana sya ulit pero biglang bumalik ulit yung tingin nya sakin na halata namang gulat na gulat. "T—thanks." sabay singhot pa. Pinunasan na din nya ang mga luha nya. Tiningnan ko yung tuhod niya. Parehas na magkabilang tuhod may sugat. Parang grabe ang pagkakadapa niya. Kita agad ang mga sugat niya kasi naka-above knee shorts naman siya. Inilevel ko ang sarili ko sa kanila ni Jake na nakaupo sa pavement. Then I examined her wounds. "Tsk.. Stupid." "Huh?" Naguguluhang tanong ni Amasona. "Tara." "Saan?" tanong naman ni Jake. Tumayo ako. "We have to go to the hospital, para magamot yang mga sugat mo." Maglalakad na sana ako nang sumagot si Amazona. "Wag na. Arte, sugat lang to sa tuhod. Malayo sa bituka 'to." Aba't talaga namang?? "Hindi pwede." "Huh?" Ayy tae. Ba't ko ba nasabi yun?! Baka isipin ng bwisit na babaeng yun na concerned ako sa kanya. Tsk! Ang bobo mo Ken! "Wag na nga sabi." sabay hinihipan ang sugat niya sa kanang tuhod. "O sige. Ihatid ka na lang namin." sabi ni Jake. Oo nga, yun nala—ANO?! Bakit namin siya ihahatid?! May kasalanan pa nga siya sakin e! Galit ako sa kanya! "HOY." sabi ko. At iningat naman niya ang ulo niya para tumingin sakin. "OH??" Aba't loko talaga 'tong babaeng 'to ah. Tinatarayan pa ako. "Pinahirapan mo ko kanina sa paghahanap sayo ah. Grabe kang babae ka, ikaw na nga 'tong late, ikaw pa 'tong galit. Alam mo bang—" Pinutol niya ako sa pagsasalita at tumayo na siya na medyo hirap na hirap. "Kapal nito. E sinong may kasalanan? Ah? Tama ba yung sisigawan at pagsalitaan ako ng mga bad words? Magsosorry naman ako e. Ikaw lang tong—" "FINE! I'm sorry. Happy?" sarkastikong sabi ko. Takte lang! Ako na naman ang tinalo nito ngayon! "Okay." tapos nagcross arms pa sabay tingin sa ibang side. "Oh asan na?" "Ang alin?" SHET!! Kabadtrip talaga tong babaeng to!! ARGH! "Aish." "Oo na. Parang jinojoke ka lang e." Umupo sya ulit at may kinuha sa loob ng bag niya. "Oh!" inilagay niya sa kamay ko ang maliit na papel na may pagdadabog na parang gusto niyang sabihing 'Oh! Lamunin mo!' "Tara na Jake." "Huh? Di ba natin siya ihahatid? Madilim na oh—" sabi ni Jake. "Wag na." sabi naman Amasona na parehas naman kaming napatingin ni Jake. "You sure about that, babe?" tumingin naman sa kanya si Jake. "Yea… And STOP CALLING ME BABE." tiningnan naman niya ng masama si Jake. Tss. "Ooh.. Beautiful Monster huh?" tumawa lang ‘tong isa. "Whatever." Nauna na akong naglakad. Bumabanat na naman yang Jake na yan e. Pumunta na kami ng parking lot para makuha ang kotse ko at ganun na din si Jake. "Ano pare? Tuloy pa din ba tayo?" tanong ni Jake. "Ewan ko. Ako didiretso ng umuwi. Napagod ako. Pass na muna ako ngayon." sabi ko. Totoo namang napagod ako. Imbis na magsasaya at rerelax ako, pinaexcercise ako ng sobra nung bwisit na Amasonang yun. "Ba naman yan. E panu yan? Naghihintay sakin sila Amy pati narin si Mimi dun. Bahala ka. Miss ka na din ni Cesz doon." "Basta, pass muna ako tol." at pumasok na ako sa sasakyan ko. "Kayo nalang ni Warren kung gusto niyo." "Geh!" Nakalabas na ako sa parking lot at dumaan ako doon sa place kung saan namin iniwanan ang Amasona. 'Wala na sya. Umuwi na siguro.' Dumiretso na ako palabas ng street and unexpectedly, I saw her again. She was standing on the side of the road. Naghihintay siguro ng masasakyan. 'Oh anong tinitingin tingin mo dyan?? Diretso na!' Tsk para lang akong tanga na kinakausap ang sarili ko. -___- *BEEP! BEEP!* Tumabi naman siya at may sinasabi na di ko naman marinig at maintindihan. Binuksan ko ang bintana. At inilabas ang left arm ko. "Oy." pagtatawag ko sa kanya. "Oh?" nagulat naman siya nang makita niya ang gwapo kong mukha. "Hop in." "WHAT?!?" Aba't gumaganun pa sya ah? Ako na nga tong nag'ooffer na maghatid sa kanya e. Tsk ang arte pa. "Sige. Ikaw din. Ako na nga tong nagmamagandang loob e. Ayaw pa. Tsk" "Ang kapal mo din talaga ano? Ikaw na nga tong nag'ooffer, ikaw pa tong nag'iinarte dyan." What the hell?? Parang binaliktad pa niya ako sa sinabi ko ah? "No, thanks na lang. YABANG." "Okay. Up to you." at nagsmirk ako. Bahala siya. Ako na nga 'tong nagpapakagentleman. Ako pa 'tong nakasabihang yabang. Akmang isasara ko na ang window ko nang biglang umulan. Isang bagsak ng malakas na ulan. "Ayy.. Shooocks!!"  Walang mapuntahan si Sadista. Di ko alam kung saan na siya nagpunta. Nalingat lang ako saglit e. *Tok tok tok!!* Bigla naman akong nakarinig ng malakas na pagkatok, kaya napalingon ako. Binuksan ko ang pinto at pumasok na nga siya. "No, thanks pala ha.." then tinawanan ko siya. "Tss.. E umulan e!" "Wala... wala."  At niroll nya ang mga mata nya. Tsk. Arte talaga nitong babaeng to. Pinaandar ko na ang sasakyan. Tsk. Ang tahimik.. Ang awkward ng atmosphere. "San ka—/Anu bang—"  OKAY. Sabay pa kami ang bumasag sa katahimikan. Psh. =_= "Sige, ikaw na mauna." sabi ko. "Ikaw na." sabi naman niya. Tsk. Parang tanga lang. "San ba kita ihahatid?" Tinitigan niya lang akong parang alien.  Shet! Baka isipin naman nya type ko siya at may pahatid hatid pa kong nalalaman!! Wrong question!! Rephrase! Rephrase!! "Ayy, san kita ibababa ka ko." Natauhan din naman siya kaya sinabi na niya, nag-OK lang ako. Tsk. Tanga ko lang. "Oh ano yung itatanong mo?" sabi ko habang diretcho ang tingin ko sa daan. "Ahm.. Wala naman. Ahm.." "Ano?" "Ahm.. Gusto ko lang sana mag-s-sorry.. At.. at tska.." parang nag-isip ata siya, "T-thank you na din." sabay tingin sa bintana. "Ah yun ba. Ge, you're forgiven and you're welcome." Marunong din naman pala tong babaeng to na kumalma e. Tsk. Pasalamat talaga sya at andun ako kanina. Kundi, wala na lahat ng gamit na iniyakan nya. Pero natawa ako nung nakita ko yung itsura niya kanina. "Anong tina-tawa tawa mo?" sabi niya habang nakataas ang isa niyang kilay. "Nakakatawa itsura mo kanina na nakalupasay sa lupa." At ayun na nga, di ko na napigilan then I bursted out of laughter. "Err.. ANG SAMA MO!!" Nagsmirk naman ako, "E sinong tanga?" sabi ko na natatawa pa din. "Kapal nito! Syempre... Yung… yung bato!" tapos yumuko siya. "Kung nakita mo lang talaga!" tumatawa pa rin ako. "TSE!! Geh tumawa ka dyan. Ginusto mo yan e." HAHA. Ewan ko ba. Natatawa talaga ko eh XD Chapter 18: Eerie! Lianne's POV Parang adik lang tong lalaking to. Parang kanina lang todo galit siya sakin na halos sumabog na ang bungo niya sa inis. Tapos.. Eto siya. Tumatawa pa din. Joke ba yung ginawa ko? Bakit ngayon lang siya naging masaya e tapos na nga ang palabas? Tch. "Oh ano? Tapos ka na? OA mo ah. Pwede ka ng tagatawa sa mga gag show.. Tch." ang epal kasi. Tumahimik na siya at nagtuloy tuloy na magdrive. SILENCE. Ang awkward na naman ng atmosphere. Ayoko namang makipag'usap sa kanya kasi di naman kami close. In fact, three times pa lang kami nagkikita, kasama na yung ngayon. Tsk. Ayoko naman talaga makisabay e. Di kami close or should I say.. WAR KAMI. Pero no choice. Err.. Pesteng ulan na yan nauso pa. -.- Nakatingin lang ako sa window habang binibilang ang mga patak ng ulan na nagsaslide pababa. Lobat na ko e. Wala na kong makalikot at magawa. Haay. Ayoko dito.. Ang bigat ng feeling. May kasama akong 'stranger' TSK. Out of nowhere, may biglang nagsalita. Alien ata? Napalingon ako. "Masakit pa ba yang sugat mo?" tanong niya habang nakatingin sa harap niya. Ayoko man sagutin kasi tinatamad ako.. Pero sinagot ko pa din. "Mm.. Yea. Konti." At aba ha? Nag'abala siyang magtanong. Hmm. "Kung gusto mo, may alcohol ako dyan. Maglaga—" "E di lalong sumakit yun?!" "Stupid. Para di maimpeksyon yan!" "OA naman. Alam ko no! Pero.. Masakit pa din yun! Tska ikaw ha. Nakakadalawang 'Stupid' ka na sakin. Namumuro ka na." yabang nito. Hmp! "E totoo naman. STUPID." "Tch. Yabang talaga." bulong ko. Ayaw ko ng makipag'away sa kanya. Wala na kong energy. Kaw ba naman e, tumakbo ka ng pagkalayo layo. Tapos sabay hampas ng mga tuhod mo sa lupa. Kainis lang. Wala man lang tumulong sakin. TSK. Pero buti na lang.. Dumating siya. Oh well, bawi nalang ako next time. Ayoko ngang magkautang na loob sa kanya noh. NO WAY. Medyo traffic sa Pasay ngayon. Tsk. Naulan kasi e. Wala kaming imikan. Di nga naman kasi kami close kaya bakit kami magkukwentuhan? Pero WAIT. Sabihin nyo nga? Bad ba ako? Bakit ba iritado ako sa kanya? Dahil ba sa una naming pagkikita na pinakita na niya agad yung kayabangan niya? Ewan. Abnormal kasi eh. Ako pa naman pag di ko feel yung tao, di ko talaga siya mapifeel hanggang bandang huli. Haay ewan. Di naman talaga ako war freak or something e. Mabait po kaya ako. Ewan ko ba. Di lang siguro talaga kami compatible sa isa't isa. Huwaw! Compatible?? Whatta word! Pero onga pala. Gaano ba kahalaga yung pinakuha nya sakin? Seems so important to him. DUH. It's just a piece of paper. Matanong nga. "Oy." ganda ng tawag ko sa kanya no? Di ko naman kasi alam kung ano pangalan nya e. 'Chinito Boy' lang yung tawag ko sakanya simula nung nagkita kami. "Oh?" tumingin naman siya sakin pero saglit lang. "Ano bang meron sa maliit na papel na yun at mukhang napakaimportante?" Tumingin lang siya sakin ng 2 seconds na may expression na iritado. At binalik niya ulit ang tingin niya sa harapan. "Wala ka na dun." E di OKAY! "Tch. Parang nagtatanung lang." pabulong kong sabi. Hindi ko na siya kinausap ulet. Tsk. Okay na yung kanina e. Di na siya hot tempered tas makatawa pa kala mo nun lang tumawa ulet. Tapos ngayon.. Naku. PMS? Whatever. Medyo mahaba ang byahe namin kasi wala namang pinagkakaabalahan kaya parang ang boring din. And after 1,2,3,4,5,6 and so on years, nakarating na kami sa bababaan ko. "Thanks." di ko na hinintay yung reply niya at bumaba na ko. I'm about to walk away pero naalala ko nga pala, "Ano nga ba pangalan nito?" Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse pero bigla ng umandar. "Errr!! Letsugas talagang lalaking yun! Argh!" Walanjo! Panu kung nahagip niya ko?! ERR! Mabilis akong nakarating sa bahay. Ewan lang. Ang bilis ko kasing maglakad. Di ko alam kung bakit. Dumiretso ako agad sa kwarto ko. Pagod ako ngayong araw. Sobra. Kainis lang kasi. Ganda na ng araw ko e, umepal pa yung mukhang paang snatcher na matinggero na yun. Tapos! Tapos.. Ang sakit pa ng tuhod ko Waah! Super magkakapeklat to! Kainis lang… :< Habang nakahiga sa kama, napaisip ako bigla.. Naisip ko si Superman ko. "Haay. Stressed out na." Fourth time na nagkita kami kanina. Eeek. Tumayo ako. Nagbihis at naghalfbath. Nagcharge na din. Drained parehas yung dalawang phone ko e. Bumaba na din ako para kumaen. "Ate, anung oras po umalish shi Tine dito?" sabi ko habang kagat'kagat ang chicken. "Mga limang minuto pagkatapos mong umalis." "Ah ganun po ba." Halos magkasabay lang rin pala kami. Tumuloy kaya siya? Hmm. Matext nga yun. Pagkatapos kong kumain ay umakyat ulet ako sa kwarto ko. At ayun na nga, tinext ko siya. To: Babe.tine Babe, tumuloy ka ba kanina? Ayie. :D btw, may wento ako sayo tomorrow! See yah! :) mwa. Ily! :* -end- Hindi ko na mahintay na magreply pa si Tine. Naantok agad ako eh. Tulog. Nung sumunod na araw, 6am pa lang ay gising na kaagad ako. Ayaw ko munang magpalate ngayon! Kahit ayaw kong sundin ang sinasabi ni Sir Macapuno a.k.a Barney, no choice ako. Kinabukasan ko ang nakataya rito! Wew. Malapit na din akong mapuno sa kanya. Pero wala lang. Sabi ko lang yun. Mga 8:10am, naglalakad na ako papuntang school. Well, mga 8:30am ko naman talaga nakasalubong nun si Superman. E kaso.. Haay. Baka hindi ngayon. Di ko naman alam sched nya. Baka nagkataon lang na nagkasalubong kami ng ganung time. Hay. Kelangan ko pa naman ng inspiration ngayon para makapagreport ako ng maganda. *Lakad. Lakad* Nadadaanan ko na yung mga trees kung san ko siya nakakasalubong noon. Tingin tingin sa kanila. Finifeel ang mga falling leaves. "Haay." Wala kong kaenergy energy ngayon. Amp. "Superman.. Where art th—" Di ko alam pero sobrang wide ng ngiti ko ngayon... Malayo pa lang nakikita ko na siya. "Thank You po." sabay tingin sa itaas. Binigyan kasi ako ni Lord ng inspiration. :") Malapit na siya. At kinikilig na naman ako! ^_^ Pero.. Hmm. Mukhang nagmamadali siya huh? At may bago sa kanya ngayon… What's with the face? Today, he's wearing an awful face. Nakakunot ang noo niya at magkasalubong ang makakapal niyang kilay. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalayo na siya... Hala? Bakit kaya? Nakarating na ako sa campus then sa room namin. Medyo naging affected ako sa expression ng mukha nya ngayon. I dunno. Sanay akong makita ang charming smile niya. Kakapanibago lang. "Bakit parang ang lungkot mo? Parang wala ka sa sarili." "H-huh?" Wala pa prof namin. So tinutulungan ko muna si Tine sa pagseset up ng presentation niya. "Oh kitams. Ni hindi mo nga narinig yung sinabi ko. Tsk.. BH ka ba B?" Mukha ba akong broken hearted? "Huh? Hindi naman Babe ah. Uninspired lang." "Ngek? Bakit naman?" Hindi ko na siya nasagot kasi biglang dumating ang prof namin. Nagstart na ding magreport si Tine. At ako? Panay isip ko sa 'kanya'. I don't know. Iniisip ko kung bakit talaga ganun yung itchura nya. Hmm.. Baka.. NagLQ sila ng girlfriend nya? Pero wait—GIRLFRIEND?? Ah, Yea. Girlfriend nga. Sa gwapo ba naman niya e.. Impusibleng wala siyang lovelife. "Haay." Nagpalakpakan na sila. Isa lang ibig sabihin nun. Ako na next kasi tapos na si Tine. Waah. Di ako inspirado ngayon! And there, nagreport ako ng pagkahaba haba. Well, kahit naman wala ako masyado sa mood, naging okay naman ang pagrereport ko. Kahit papanu, pasok naman kay baklang dinasaur. =_= … … Naglalakad kami ngayon ni Tine sa hallway. Well ang bilis nga ng araw e. Uwian na namin. "Haay." then napakamot naman ako bigla sa ulo ko, "Aray naman. What was that for??" grabe tong babaeng ‘to. Makabatok. Ang sakit kaya. "Kanina pa ko naiirita dyan sa pagbubuntong hininga mo. Ano ba kasing meron??" Di ko pa nga pala nakukwento sa kanya about sa crush ko na stranger, si Superman. "Wala.." "Anu nga?! Grabe ka.. Naglilihim ka na sakin." So there, naupo muna kami ni Tine sa ilalim ng puno ng mangga. Or UTMT or under the mango tree. Dito nalang namin hintayin ang barkada since dito nga naman talaga ang original hintayan namin. Kwinento ko sa ko kay Tine ang lahat. Simula't simula ng pagpapantasya ko. Yung pagka' crush-at-first-sight ko sa kanya. "Alam mo, parang kang ewan. Ayy hindi. Isa't kalahati kang ewan. Sobrang affected ka naman agad dun!" "Ee.. Ewan. Pero alam mo naman di ba? Ganun talaga ko. Oh well, ang OA ko na nga e." yep. OA talaga ako. Daig ko pa ang nabasted. "Wala lang yun. Ngayon lang naman ganun e. Wag mo ng isipin yun B." "Hmm. O sige" Dumating na din sila Arkin at ang iba pa. Well, good thing sabay sabay kami. Pumunta lang kami ng mall at nagbonding na din bago umuwi. Ayun, kahit papaano, napagaan nila ang loob ko. Yea. I am sensitive. Lalo na sa taong gusto ko. Hmm. Gusto? Crush lang. Pero parehas lang ba yun? Hmm. I wonder. Nagkakantahan kami ngayon. Parang adik lang at parang mga lashing. Kinanta na nga namin yung I will Survive, Picha Pie, This Guy Is Inlove with You Pare at madami pa. LAPTRIP lang. Si Ian na ang kumakanta ngayon. Ewan ba dito, nagpapakaemo. Haha! Friend of mine kasi yung kinakanta niya. "Whoo! Ikaw Ian ah. Para kanino ba yan?" sabi ni Jin. At tamang trip naman tong si Ian, sabay tingin kay Ella na may pafacial expressions pa. You tell me things I've never known I showed you love, you've never shown But then again when you cry I always at your side Sinampal naman ni Ella si Ian pabalik sa harap. Pero hindi as in. Mahina lang at joke lang yun. Gets nyo? Tawanan nga lang kami e. Haha. Parang ewan. Mga 9pm na kami natapos sa kabaliwan namin. Pauwi na kami at inilabas ko ang cellphone ko. *4 new messages received* Tiningnan ko isa isa habang naglalakad kami palabas ng mall. May tatlong text ng unregistered number. Fr: 0926851**** Magandang gabi :) 7:13pm Fr: 0926851**** Hi :) 7:23pm Fr: 0926851**** Hey Ms. Beautiful Monster. Reply reply din. XD 8:08pm Huh? Sino naman kaya 'to? Hmm. Teka. May naaalala akong nagsabi nito sakin e. Sino nga ba yun? To: 0926851**** Who's dis po? -sent- Medyo matagal tagal siyang magreply. Ayy, hindi. Di pala siya nagreply. "E di okay." Andito na ako ngayon sa Fx at nakapagpaalam na din sa lahat. Hanep magpasoundtrip itong si manong driver. Favorite songs niya ata mga pang'folk dance? Tehee. Kabobo lang lalo. Medyo okay naman na ako. Nawala nga sa isip ko yun e. Pero syempre—Hay naku! Wag na nga. At ayun, TADAIMA!! ('I'm home' in Japanese). Si Aya bebs nagturo sakin nyan. :) And there, bihis-kain-gawa schoolworks slash surfing the net lang ako. Medyo inaantok na din kaya nagligpit na ako. Naghalf bath na din to get ready to sleep na. Zzzzzz.. . *Ding dong* Zzzzzz… *Ding dong* "Arggh!! Eto na!" Kainis naman. Dis oras na ng gabi, nambubulabog pa! Wala ngayon sila Mama e. Pati na din si Manang, yung kasamahan namin dito, wala din. Kaasar lang. Bumaba na ako at panay doorbell pa din yung tae este yung taong nasa labas. "Weeeyyt!!" Tsk. Excited much. Lumabas ako ng pinto at tiningnan ang gate. At musta naman ang itchura ko? Nakapantulog pa ko. Pajama pa na may winnie the pooh na print. Ge, Okay lamang yan. Sinilip ko muna sa gilid kung sino yung makulit ang lahi na doorbell ng doorbell. Pero.. "Geez.." GOOSEBUMPS!!! Wala akong nakitang tao! Kinakabahan ako.. Waah Mama!! Halos di ako makaalis sa pwesto ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Malamig pa naman!! At baka…. Baka pag lingon ko nasa likod o sa tabi ko na pala siya!! Tehee.. Natatakot na ako.. Baka may lumabas ng kung ano dito! WAAAAH!! Kinalma ko muna ang sarili ko.. Inhale, exhale. Nanginginig na talaga ako! *Ding dong* Ayan na naman!! >_< Wah. Mama, Papa, Louie, asan na kayo.. :( Dahan dahan kong inangat ang isang paa ko habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa mukha. Dahan dahan akong maglalakad papalayo sa gate. Tama! Ganun na nga. Pero. Natatakot na talaga ako. "Tsk! Mukhang tulog na ata yung mga tao. Badtrip naman.." Whoaa.. May multo palang nagsasalita?? Napatigil ako sa paghakbang. Baka may tao ata talaga? "Uh... S-sino po s-sila??" naglakas loob na akong magtanung. Baka di naman talaga multo yun e. Di ko lang ata talaga natingnan ng maayos kanina. "Huh?" Nawala ang takot ko. Tsk. Ang bingi naman nito. -___- "Ka ko, SINO KA??" Ang bingi naman kasi e. Kaasar lang. Tinakot pa ako. "Ah. Ahm, dito ho ba nakatira si Lea Sarmiento?" Tama bang sagutin ako ng tanong din?? Naku ha. Hmp. "Opo. Bakit po? Anong kailangan nila?" "Nila ka dyan. Isa lang ako. Mag-isa lang." Aba't pilosopo pa ‘to ah! Yea. PILOSOPO. Lalaki po ang kausap ko ngayon. Tss. Kainis to. "Whatever." "Di mo ba ako pagbubuksan ng gate??" "Why would I? Baka mamaya, kasama ka sa mga akyat-bahay gang or mga rapist dyan sa tabi tabi." tama. Baka masamang tao ‘to. Nakakatakot lalo! "Tss.. Asa ka miss. With the face like this?? Nah. Sobrang mali ka dun." OKAY. Ang yabang pa ng isang to. May pinagmanahan kay—uh... Never mind. "E panu pag ayoko ko??" "E di sisirain ko 'tong gate niyo." Whoa! Hanu daw?? Sisirain niya daw?? Waah! Baka masamang tao nga itey! What to do! What to do! "WEH?? Talaga? Kaya mo??" tama Lianne! Ang galing mo! Kunwari di ka natatakot! "Oo naman." pacool na sabi niya. Whoa! Isip ka pa Lianne! "Ah. Sige kuya. Pasok na ako. Tawag lang ako ng pulis." ayoko na! "Ngek? Bakit naman?" "Para ready." wew. "Ready, saan?" "Basta." Gusto ko ng pumasok sa loob! Ayaw ko na siyang kausap. Nikikilabatutan na ako. >.< "O sige na nga! Balik na lang ako bukas.. Alam ko naman na takot ka na eh." habang sinasabi niya yun, naiimagine ko sa utak ko yung 'Evil Grin' niya. Waah talaga!! "Okay. Bye!" tumakbo na ako pabalik sa loob ng bahay. Ayoko ng kausapin yun!! Wuu.. Eerie Monday. Chapter 19: Shocks Ken's P0V At last, nakauwi na din ako sa bahay. Nakakapagod. "Oh, kamusta?" Katabi ko nga pala si Mommy dito sa sofa. "Tomorrow na lang ulet mom. Gabing gabi na e." "Hmm. O sige. Don't forget to bring you're pasalubong to your ninang ah." "Yes mom. Geh, gotta sleep na" "Okay. Goodnight son" then nagkiss na ako sa cheeks kay mom. "Goodnight mom" Pagkarating ko sa room, bagsak agad buong katawan ko. Ikaw ba naman eh, galing school tapos practice then may dinaanan pa, di ka ba naman mapagod nun? YAWN. Zzzzzzz… -_____- *The Next Day* "Oh pare, tuloy ba tayo mamaya?" sabi ni Jake. "Ah, hindi eh. May lakad ako." sabi ko naman. "Teka nga pare ah, nahawa ka na din ba kay Warren? Hanep kayong dalawa, nang-iiwan na kayo." *BOOG!* "Aray naman! Masakit yun ah." sabi ni Jake habang nagkakamot sa parte ng ulo nyang tinamaan. Parang tanga kasi. Binato ko nga ng bola nang matauhan. Did I mention that I am a varsity player? Well, ayun, practice game namin ngayon. At after this, diretso na kaagad ako kina ninang. Natatandaan nyo yung maliit na papel? Badtrip lang, address lang pala yun. Pwede naman kasing kunin nalang yung number di ba? Adik din tong si Mommy e. =_= Nakita ko namang pumasok sa locker room si Warren. "Start na daw ng practice. Tara na." "Geh." Yea. Magkakasama kami. Pare-parehas kaming mga varsity players. Si Josh lang wala saming apat. Taga'ibang school kasi siya. "KYAAAAAH!! WE LOVE YOU KEN!!" "WARRENATICS FOREVER!! WHOO!" "L-O-V-E JAKE!!" Yea yea. We have lots of fans in here. Practice pa lang namin to pero puno na agad yung gymnasium namin. Tss. "Hi girls!" kaway kaway pa tong kumag na Jake na to. "Kyaaaah!! Kinakawayan ako ni Jake ko!" -Girl 1 "No you're not. Ako kaya!" -Girl 2 "Hindi noh! It's me kaya!" -Girl 3 Haay. Ewan. =______= "Rinig mo yun pre? Oha! San ka pa!!" sabi ni Jake na bilib na bilib sa sarili. Sige, magyabang ka lang dyan. Kala mo ah >:) Habang naglalakad, tumingin ako sa isang side na madaming magagandang dilag. Sabay WINK. "KYAAAAAH!!" -Girls "Waah!! Nakita nyo yun!? Nakita nyo?!" -Girls "Ken Hernandez just wink on us!?! KYAAAAH!!" -Girls *WIDE GRIN* "Oha. Ano? Palag ka pa?" sabi ko habang naka'smirk. "Tss.." "HAHAHAHA." Sumunod na lumabas naman si Warren, kasama yung iba pang players. "KYAAAAH! WE LOVE YOU WARREN!!" Tapos nagsmile lang siya. Wala yung kaway o kindat na kung anuman. "WAAH!! WE SUPER LOVE THAT SMILE!! KYAAAAH!" Effortless?? Nagkakagulo ang mga girls dahil lang sa smile nya? TSS.. Di hamak naman na mas maappeal ako sa kanya. Yun nga lang, maganda lang talaga siya ngumiti. Di bale, pogi pa rin naman ako. *evil laugh* … … "PRRRRRRRRTTTT!!!" Natapos na ang practice game na parang totoong game na din. Puno kasi talaga ng mga girls ang gym. Dapat pala nagbibenta kami ng mga ticket para dito e, yayaman na siguro yung team namin pag ganun. "Okay guys. Let's call it a day." Nagpunta na kaming lahat sa shower room para makapag'ayos na. "Oyst. Hindi ba talaga kayo sasama?" Si Jake yan. Ang kulit ng lahi nito eh. Mapilit. "Next time na lang. Basta pass muna ako." sabi ko habang nagbibihis. "Ako, call ako dyan." Aba, himala. Sasama ngayon si Warren. Tss. "Oh sasama din daw to. Pati nga din si Josh e. Ikaw lang wala. Tsk" sabi ni Jake habang umiiling. "Tss.. Drama mo Jake. Umayos ka nga!" sabi ko. Tawanan naman yung ibang teammates ko. "Ah, drama pala ah." tapos binato niya ako ng bola. *Whooop!* Well, nailagan ko yung bolang binato niya. Haha. "Kala mo ah." sabi ko. "Agawin ko sayo si Cesz e." sabi naman niya. "E di agawin mo. Madami pa namang iba dyan e." "Langya ka talaga." "At tska ASA KA naman no." tumawa ako, "Kung magpapa'agaw naman yun sayo." "Parang di mo naman alam yung karisma ko. Mwahaha!" tss.. Parang adik pa kung tumawa. Well.. Malakas ang nyan paniniwala sa sarili. Sabay-sabay na kaming lumabas ng gym at nagpart ways na. ... ... Nagpunta na ako sa pupuntahan ko talaga ngayong araw na to. Pero pumunta muna ako ng supermarket para bumili ng fruits. Sabi kasi ni mommy dalhan ko daw ng pasalubong si ninang. Tsk. Parang ewan talaga. -___- 4:00pm *Ding dong* Medyo matagal tagal na akong andito sa labas pero wala pa ring nagbubukas sakin. Tsk. Kainis lang. Pero, parang kagabi naman, mabilis lang ah. Tsk! Tagal! Yea, galing ako dito kagabi. Ang ewan lang. Parang nakadrugs yung babaeng nakausap ko kagabi. Gabi na rin kasi nun. As in LATE na. Kaya siguro natetense din siya kaya natakot siya na makita ang gwapong tulad ko. *smirk* (c/n: Ang yabang e nu? XD) *Ding dong* Pang 101 na doorbell ko na 'to.. De, JOKE LANG. Ang tagal kasi!! I HATE WAITING. Tapos mamaya oh wala palang tao. SYET!! "WEEEEEYYT!" Phew. Buti naman at may nakarinig na. I'm about to piss off. -.- Narinig kong binuksan niya ang pinto. At papupunta na siya sa direksyon ko. SA GATE. "Sino po sila?" The girl asked. Girl. Kasi babae siya. Tss. Maid ata siya dito. "Ako yung kagabi" I answered. "Sino.." parang nag-iisip pa siya, "..Ah! Yung kuyang—" Ba naman yan, nagbuffering pa. Di ko na sya pinatapos sa pagsasalita. Medyo napapagod na din kasi ako at kelangan ko ng maupo. Tsk! "Yea. Yea. Dito nakatira si Lea Sarmiento di ba?" "Uh.. Yep. Bakit?" "Andyan ba siya?" "Bakit? Sino po sila?" Aish! Yan na nga ba ang sinasabi ko e! Mga Pinoy talaga. Pag tinatanong, sasagutin ka ng tanong din! Or even worse ang lalayo ng sagot! "Would you mind opening the gate? Hindi naman masama di ba?" OO. Nag-uusap kami sa gate. Gate mismo! Tss. Hindi ko maintindihan sa babaeng 'to. Takot magbukas ng gate! "Ayoko nga. Sino ka muna?" AISH! Ang kulit!! "Inaanak niya 'to. Si Ke—" "LIANNE!! Ang tagal moo! Sino ba yan!" Boses ng babae mula sa loob ng bahay. "Wait lang!!" sigaw nung babae, "Fine." The she opened the gate. And the moment she opened the gate, I was like…. WHAT. THE. EFF. Chapter 20: Mean Lianne's POV I can't believe it. Ayaw ko na nga makita tong isang 'to e pero nagpapakita pa din sakin. TSK!! "Nak, pagtimplahan mo ng juice yung kinakapatid mo." "Okay po." TSK!! I really can't believe it! ERRRRR! Tama. Tama nga yung nabasa niyo. May kinakapatid nga ko. At isa po siyang abnormal na nilalang. -.- *FLASHBACK* Parehas kaming nanlaki ang mata nung nakita naming ang isa’t isa. Grabe meeen!! "ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Errr.. At nagsabay pa kami. Tsk. "Bahay namin 'to. May problema?" Loko 'tong lalaking 'to. Ako pa tinanong. "TSS." "Oh anong ginagawa mo dito?" "Wala ka na dun. Di naman ikaw yung ipinunta ko." Ang kapal niya talaga!! Akmang papasok na siya. Ang kapal talaga ng Chinito Boy na 'to! Sarap tirisin ng buhay!! Hinarangan ko siya. "Not—So—Fast." sabi ko habang nakaharang ang sarili ko mula sa dadaanan niya. "At bakit? Narinig ko nga boses ni ninang e." sabi niya habang nakastraight face lang. Tsk! "Naku! WALA. TULOG. NAGLAYAS! Kaya umalis ka na dito!" "WEH?" Letsugas talaga 'to. "Oo nga! Kaya umali—" "Lia—Oh, we have a handsome visitor." WALA NA. Wala na talaga!!! Lumapit si mama sa gate. At yun na nga. EPIC FAIL. Di ko na siya mapapaalis nito!!! "Hello po! Uh.. Ninang?" sabi ni kumag. Walanjo ‘to. Di naman pala sure. TSS. "Huh?" napaisip naman si mama. Haha! Tama. Kalimutan mong may inaanak ka DAW, Ma! "I'm the son of Kristine Hernandez and Jay—" "AH!!" Taerr.. Makapag'AH naman 'tong si mama. Ayaw niyang manggulat ha? "Ikaw si Kenneth! Tama! Wow! Ang pogi mo na! Ang laki laki mo na rin!" OO. Ang laki laki niya… ANG LAKI NIYANG EPAL -__- "Dali-dali! Pasok ka! Ang gwapo gwapo na ng inaanak ko!" "Uh.." napakamot na lang siya sa batok niya. TSK. Sabay hinila na siya ni Mama. Waah. Wala na talaga. Nakapasok na ang intruder!! Peste yun. Pakamot kamot pa sa batok. Kunwaring nahihiya. E nuknukan naman ng kayabangan. Tss. *END OF FLASHBACK* Ayan, wala na akong nagawa. Si Mama na kasi mismo ang nagpapasok sa kanya. At THE HELL! Pinapatimpla pa ko ng juice! E di naman siya welcome dito! *evil smile..* Oh yeah. Si Mama talaga... Ang galing. >:) ... ... "I wasn't expecting you to be here. Akala ko kasi yung mommy mo yung pupunta dito—" "Ito na po." dala-dala ko na yung masterpiece ko. >:) "O ba't isa lang ginawa mo? Saan na yung para sa atin?" "Ayy? Kasama pala tayo? Kala ko sa bwisita lang e. Saree." then nagpeace sign ako. Sinadya ko talagang isa lang. Tinatamad ako e. Haha! "O hijo, inumin mo muna yan. Alam kong napagod ka pag punta dito" "Ah, thanks po Ninang." todo ngiti naman siya. Sige.. Magpakahumble ka lang dyan. Mamaya ka lang. Ayan na... "PFFFFTT!! ELLLKK!!" BWAHAHAHA!!! >:D "Oh bakit hijo?! Ano nangyari?! LIANNE?!" napatingin sakin bigla si Mama. "Oh bakit?" haha, painosente effect pa ako. Lumunok muna siya bago magsalita, "A—ang alat!!" "WHAT?!" napatingin na naman sakin si Mama. "H—huh?? Hala! Sorry! Baka.. Baka asin yung nailagay ko! Ayt . Si manang naman kasi e. Di nilalagyan ng label kung san dun yung sugar at salt. Uy sorry." nagkunwaring concerned ako nun pero ang totoo, gusto ko ng gumulong-gulong sa tawa nun, pinipigilan ko lang. XD "Yea. It's okay" tapos inilagay na niya sa mesa ang baso na diring-diri. "Haay naku kang bata ka. Wait lang Ken ah. Gagawa na lang ako bago." at tumayo si Mama. "Thank you po." Whatever, major loser! "Bakit ba ang laki ng galit mo sakin?" sabi niya habang nakatingin sakin ng napakaseryoso. "Wala ka na dun." HAHA. Linya niya yun sakin lagi e. Nakigaya lang. :D "IKAW—!!" *END OF IMAGINATION* Oh well… Akala niyo totoo no? Di ko kayang gawin yon. Sobrang mean ko na pag ginawa ko yun. Mabait po kaya ako. Angel ring. "I wasn't expecting you to come here. Akala ko kasi yung mommy mo yung pupunta dito—" "Ito na po." Tatlo ang dinala kong orange juice at nagdala nadin ako ng tatlong slice of cake para sa amin. Hindi ko po kayang gawin yung iniimagine ko kanina. Pramis! Mamatay man ang mga kuko nung kumag na yun sa paa. x) UNA, papangit ang record ko kina Mama at Papa. Baka bawasan pa yung allowance ko nun! PANGALAWA, why would I? I mean, grabe naman ako para gawin ko yun nu. Ano ako, BATA? I've grown enough naman na. Hmm... Somehow :D "Thanks nak." Ngumiti naman sa akin si mama. Naupo ako sa tabi ni Mama. At kahit naiirita ako sa pagmumukha ng hambog na lalaking 'to, gora lang. Kaharap po kasi namin siya. Errr. "Kamusta ka naman, hijo? Matagal tagal na tayong di nagkikita ah. Dami ko ng utang sayo." tumawa naman ng malakas si mama. Parang ewan lang. -.- "Ito, gumagwapo." tumawa din siya, "Ayos lang po yun ninang! Uso naman po yung bumawi di ba?" At ang kapal talaga ng pagmumukha ng Instik na hilaw na 'to. "Yes, tama ka." bigla naman akong hinawakan ni mama na ikinagulat ko at napatingin sa kanya bigla, "Ibigay ko na lang kaya sayo 'tong anak ko? Bawing bawi na ako nito." hala siya, tumawa naman na parang ewan si mama. WHAT. THE. HELL? Napatingin sakin si Mama habang tumatawa na sinamaan ko naman ng tingin, "De, joke lang. Hehe." Ang ganda magjoke ni Mama. Sobra. Sobrang nakakainis!!! Ibugaw ba naman ako? Whatda?! "Ikaw talaga ninang, masyadong palabiro." Napatingin ako sa kumag. At alam kong sumasakit na ang kaloob-looban nyan kakapigil ng tawa nya. Arrrrgh!! "Mabenta ba joke ko?" tumatawa pa rin si mama. Si Mama naman, masyadong pabagets. Like DUH! Ang corny kaya! Nakakairita pa! TSK! Tumawa din naman ang loko, "Opo." Shemay talaga!! Errrr! "Oh Lianne. 'Di mo ba kakamustahin yung kababata mo?" "Eh??" Wala akong matandaan na naging kababata ko siya. As in, WALA. "Siya si Ken-ken. Di ba yun yung tawag mo sa kanya?" dagdag pa ni Mama. "Oh??" napakamot naman ako sa ulo. Wala talaga akong maalala e. At ayaw ko ding alalahanin. -__- "Grabe kang bata ka. Kebata-bata mo pa, may SM ka na agad!" "SM??" OKAY. Pauso na naman 'to panigurado si Mama. =__= "Ano po yung SM?" sabi ni kumag. "Ayst. Hindi nyo pala alam yun?? Grabe kayo. SM. Senior Moments. Naku!" "Ah." medyo napaisip siya, "Yun pala yun!" then tumawa siya ng tumawa. Hala sige. Matuwa ka sa kacornihan ng nanay ko. Naku. "Sige, akyat muna ako Ma. Nice to meet you..?" "Ken. Call me, Ken." tapos ngumiti siya. TSS.. Ang plastic. "Yea. Okay Ken. Nice to MEET YOU." I said sarcastically. Peste yun. Makapaggrin. Nahalata niya siguro na naiirita na ako sa mga pinaggagawa nila ng corny kong nanay. Tsk. "Bakit naman? Ayaw mo bang makipagkwentuhan muna sa kinakapatid mo?" OO. Ayaw. Don't wanna. =___= "Inaantok na po ako e. May next time pa naman di ba? Sige bye!" At tumakbo na ako paakyat ng hagdan. Dinahilan ko lang talaga na inaantok ako. Ayoko talagang magstay doon. Ewan ba. Di ko rin alam sa sarili ko. Muntange lang. Asar na asar ako sa kumag na Ken na yun. Ayun, Ken pala pangalan nya. Duh, Like I care!? Di naman talaga ako inaantok e. Kaso.. Knockout. ... ... Yawn. Tumingin ako sa wall clock ko. 7:52pm Mag'8 na din pala. Not bad. Makakagawa pa ako ng school works ko. Naghilamos muna ako. Baka may panis na laway ako e. Oh well, JOKE LAMANG. Asa. Haha Bumaba na ako. Medyo nagugutom na din ako e. Pero diet ako. Tumataba na daw kasi ako e. Maya-maya lang, may narinig akong malakas na nagtatawanan sa baba. "Oo nga e. Haay. Namimiss ko tuloy yung mommy mo." Huh?? Sino naman yung kausap ni Mama? Pero—Hindi kaya..? Pagkapunta ko ng dining area. Nakakita na naman ako ng masamang ewan. Yea yea... He's still here. Wala ba syang balak umalis? WTH. "Oh gising ka na pala?" nauna akong mapansin nung kumag na si Ken kasi nakaharap siya sa side ko. "Ayy hindi. Nagsisleep walk lang ako. Tss." sinimangutan ko naman siya. Obvious naman kasi di ba?? What a dumb question. "Ayy, masama ata gising." sabi niya uli then tumawa. Masama talaga. Siya ba naman ang bumungad sakin e. Tsk. "Oh nak, come here na. Kain na tayo." sabi ni Mama. Ayun, tabi ulit kami ni Mama. Ayoko nga siyang katabi no. At nandito nadin si Manang. Buti at nakabalik narin. *Blaag!!!* (c/n: Biglang pagbukas ng pinto. Intindihin! Haha XD) "Tadaima!" Kapatid ko yan. Si Louie. Tinuruan ko din siya ng kakarampot kong kaalaman sa mga Japanese word. Syempre kelangan magpasikat ang kapatid ko sa mga chicks noh. Kung meron man. =_= "At bakit—" Di naman natuloy ni Mama ang pagsesermon sa kanya kasi biglang sumingit itong si Louie. "At bakit ngayon lang ako? Di ba sabi nyo umuwi ako ng maaga? Naglalakwatsa na naman ako! Nambababae! Kebata-bata ko pa! Hindi ito gawain ng isang matinong lalaki! Dapat--" "Sige, umupo ka na." Walang kafeelings feelings na sagot ni Mama. Hay, ang ewan talaga. =__= "Ma naman... kinabisado ko pa yun." ngumuso siya habang inilapag niya ang bag niya sa sofa at papalapit sa amin. "Oy Louie, tumigil tigil ka nga. Nagmumukha kang bakla sa pagpapout mo. Tss" sabi ko naman. Aba, baka matuluyan 'to. Hindi pwede yun! HAHA. Pero natatawa ako sa effort niya ah. Lalo na sa lines niya na 'Nambababae! Kebata-bata ko pa!' Haha. Tunay nga naman. First year high school pa lang eh. Nanglalandi agad. Pero at least sa babae nanlalandi, hindi sa lalaki. "Blehh!" Pero kahit ganun, isip bata pa rin. Pinat ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. Nabigla naman ako nung nilapit niya ang mukha niya sakin at bumulong. "Sino siya ate? Boyfriend mo?" sabay turo dun sa kumag. Bigla namang nakisali si Mama sa bulungan namin. "Oo. Boyfriend yan ng ate mo." TSK. Bumulong nga. Rinig naman. "MA!!" suway ko sa kanya. Grabe, ang pasaway ng nanay ko. >.< Nakita ko naman si Ken na tumatawa. Errr lang. Narinig niya yun malamang! "Whoa!! Talaga??" sabi naman ni Louie sabay tingin kay Ken. Arrrrrgh! Ang kukulit! >.< "Oo." sabi ulit ni Mama. "Hindi kaya!!" gosh! Spare me please! Kahit sa dreamland, hindi mangyayari yun! Nakita ko naman ulit si Ken. Gosh, nakagrin na siya ngayon! ARRRRRGGH!! "E di okay. Tara kain na tayo." sabi ni Louie. Ang ewan talaga. Pang-asar na nanay at kapatid 'to. TSK -____- Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan pa sila. Nakisali na din si Louie sa kwentuhan nila. "Wala ka ba talagang balak umalis??" Yan ang gusto kong sabihin pero di nga pala pwede. Lianne, ang record. Remember. -__- "E ninang, kelan niyo po ba balak lumipat?" HUH?? "Lilipat tayo??" Naunahan pa akong magtanong nito ni Louie. PERO—Bakit? Paano? Anong—Tsk. Di pa nababanggit ni Mama sakin 'to ah. "Basta. Hmm.. Di pa namin alam e. Siguro pagdating na lang ng ninong mo dito sa Pilipinas." sabi ni Mama. "Ah ganun po ba." sabi naman ni Ken. Grabe lang! "Oy Lianne, wag kang mag'alala bebe girl. Ikukwento ko sa inyo mamaya yung tungkol dun. Kaya wag mo na akong titigan ng ganyan." sabi sakin ni Mama. Yea. Nakatingin ako kay Mama. Naguluhan ako bigla e. Eh ang tagal tagal na namin dito e? Halos dito na nga ako lumaki. Lahat ng sulok, ultimo bahay-bahay dito kabisado ko. Tapos lilipat kami?? Anong joke na naman yun? Tss. "Uh, ito nga po pala yung number ni Mommy. Dito niyo na lang po siya contakin, nawala po kasi yung phone niya e, nasama pati sim." tapos may inabot si Ken na isang maliit na papel kay Mama. "Ah ganun ba. Kaya naman pala di nagrereply sakin yun. E pinapadaanan ko pa naman ng GM yun." "Huh?" bigla namang kumunot ang noo ni Ken. Natatawa ako sa mga pinagsasabi ni Mama. Reyna ng kacornihan at kaewanan talaga. HAHA. Pati narin sa reaksyon ni Ken. Haha. Gulat sya oh. Anong akala nya kay Mama, di marunong magtext? Ewan lang kung sang lupalop niya napulot yung word na yun. HAHA. "De, joke lang." tumawa naman si mama, "Ano ba yung GM? Nakuha ko lang yun kay Louie e." tapos pinat niya sa ulo si Louie. "Ah.." nag-isip muna siya then tumawa na, "Joker ka talaga ninang." Nagkwentuhan pa sila ng kung anu-anong chenes ever then after 123456789 years.. Lumayas na po siya. Buti nga at naisipan niya pa yun. Akala ko may balak pa siyang tumira dito e. Tss. Time check: It's 10:14pm Ewan ko ba dito kay Mama. Pinagbaunan pa nya si Ken ng coco jam. E binili lang naman nya yun sa supermarket. Psh. =___= Chapter 21: Hummingbird Lianne's POV Sinabi na sakin yung reason kung bakit kami lilipat. For practical reasons daw. Ewan lang. Bakit pa? E okay naman kami ah? Tss.. Haay. Di ko talaga magets. 8:18am Medyo maaga na akong pumapasok dahil sa madaming kadahilanan. Una, baka makita ko si Superman ko. Pangalawa, baka makasalubong ko si Superman ko. Pangatlo, baka ganitong oras pala pumapasok si Superman ko. Pang'apat— *______* "Eee.." Sabi ko na nga ba e… Makikita ko siya! And there... I saw again his handsome face and his oh-so-charming smile . Pero... Bakit ba laging nagssmile yun? Ipinanganak ata siya ditto sa mundong ibabaw ng nakasmile rin. Di bale, basta nabubuo niya ang araw ko sa tuwing nakikita ko siya at nakangiti. :) Ayun, nakarating naman ako sa school on time. Medyo boring first at sumunod na mga subject namin ngayong Wednesday. Wala namang pumapasok sa utak ko. Puro bla bla bla.. Kaya ayun, puro day dreaming lang pinaggagawa ko. "Hey! Day dreamer! Na na na na na na" Saktong kumakanta naman 'to si Tine. Wala din sigurong magets 'to. XD Ella's POV "Uy, ano nangyari sa inyo?" "Wala. Di ko din alam e.." "Ngek? Ano kaya yun?" "Ewan." Naabutan kami nina Lianne at Tine dito sa cafetiria. Ewan lang. Nag'eemote kasi 'tong si Sab e. And wala din ang mga boys. "Oh, ba't kayo lang tatlo?" tanong ni Lianne. Nagtataka ata. "Ayun, kinakausap naman si Jin." sabi ni Aya. "Huh?? Bakit? Ano bang nangyari?" tanong naman ni Tine. "LQ" sagot ko. "Ayt. Ano bang nangyari Sab?" umupo naman si Lianne sa tabi nya. "Hindi nya daw alam. Lokaret din e, anu?" sagot ko ulit. Eh pano, di rin naman kami sinasagot ng matino nyan. Baliw-baliwan lang 'tong babaeng 'to. "Sab.. Friends nyo kami. So ishare mo naman yung problema nyo. Damot nito." sabi ni Lianne. Sana umepekto. Kanina pa kasi namin kinukulit yan na sabihin kung ano ang problema e pero ayaw talagang sabihin. Tch. Humarap siya samin na noo'y nakatalikod. "Hmp. Naman kasi e.." ayun, naiiyak na siya. "Oh ano?" sabi ko. So yun na nga, nakwento nya na 'kinalimutan' daw at hindi 'nakalimutan' yung anniv nila. Well, sa bagay, kahit sino namang girlfriend yun ay aawayin talaga ang makakalimuting boyfriend. Pero natutuwa ako kasi dati never naman nakalimutan ni—uh.. never mind. "Kalahating araw na at ganun pa din sya. Hindi nya talaga naaalala.." Kawawa naman 'tong friend namin. Nagsimula na syang umiyak e samantalang walang reaksyon naman yung mukha nya nung di pa namin alam yung dahilan. Ang adik talaga nito. Pero sa totoo lang, ngayon lang sya umiyak ng ganito. As in. Di naman kasi iyakin yan kahit may LQ sila minsan. "Baka naman kasi busy?" sabi ni Tine. "O baka may surprise sayo?" sabi naman ni Aya. "Or.. Hala! baka nafall out of love na sya sayo friend!" at naghyperventilate na si Lianne. *POOOK!* "Aray! Mashaket!" dagdag pa ni Lianne. Binatukan ko nga. Isa pa 'tong baliw e. Kita na ngang umiiyak na yung tao, ginagatungan pa. Tss. "H-huh? Eh.. Impusibleng maging busy sya! E wala naman kaming ibang school works e. Tas kung may surprise man siya sakin, ba't wala man lang akong makita o maramdamang signs? Tapos.. Yung, yung, nafall out of sya sakin? B-bakit? P-paanong? E okay naman kami ah? Pero.. Uggh! Hinde! Huhu.. Baka nagsasawa na sya sakin.." Okay… Di na talaga kami makakakaen nito. OPERATION COMFORT. ... ... Tapos na ang last subject. Good thing, pag Wednesday, pare-parehas kami ng sched ng mga girls kaya eto, kinocomfort pa din ang isa. And the boys? Mga bwisit sila. Pati kami di pinapansin! Ano yun? Kampihan?! Tch. "Gusto ko ng umuwi..." Di naman halata kay Sab na umiyak siya ano? Grabe... Bulgy eyes. Halata tuloy lalo yung mga eyebags niya. "Eto na nga oh, pauwi na tayo. Kaya tahan na Sab.." Hinimas-himas ko ang likod nya. Actually super linis na ng kamay ko. Kakapunas siguro sa likod nya. Hoho. Ayy, ang adik ko. -.- *bzzt.bzzt* May nagtext. Whoa! Vice?? XD Fr: Ian.ü Ella. Wag muna kau umuwi ah. Weyt nyo kmi. Tska mga 6pm, punta kau sa dating classrum natin nung 1styr. Ok? Thnx :* -end- Leshe 'tong lalaking 'to. Ngayon lang nagparamdam tapos papaghintayin pa kami?? WHAT THE HELL. Tumingin ako sa wrist watch ko. Well, it's already 5:46pm na. So we still have time to retouch. At least di na kami maghihintay ng matagal. *u* "Retouch muna." Pumasok muna kami ng CR and we do our thing. Si Sab naman, ayon tulaley sa salamin. "Sab.. Tahan na." sabi ni Lianne. "Di naman na ako umiiyak." sabi naman ni Sab. "Ah, e di mag'ayos ka na. Tingnan mo, ang dugyot mong tingnan. Muka ka ng nirape na dora." Yea. Parehas kasi sila ng haircut ni dora and obviously, nakafull bangs sya. Pero hindi sila magkamukha ah. Mapayat si Sab compare naman kay dora na ang laki ng ulo. Tas fair skin si Sab namin, di tulad kay Dora, kulay pula. Ayy pula nga ba yun? Wait. Bakit ko nga ba sya kinocompare? At nilalait ko pa? Haha! Saree naman XD "Bubog ka talaga Lianne." sabi ni Sab habang magkayakap sila ni Lianne. Kumalas sila sa pagkakayakap. "Kapal nito. E baka ikaw nga yung Bubog dyan e. Kanina mo pa ko pinagnanasahan habang umiiyak ka, makayakap ka sakin kanina tas may 'Waah Lianne. What am I gonna do? Nakakaiyak.' " sabi naman ni Lianne at ginagaya ang boses ni Sab. "Eew. Di kaya." "Eew ka din. Oo kaya." At nagtawanan na ang mga bruha. Parang kanina lang iyak ng iyak e. Ngayon nagiging aning na naman. Nagmana kay Lianne. Tsk (c/n: BUBOG - Lesbian, lesbo, or tibo. Haha! Modern word po yan! :D Uuy, may nalaman sila XD) "Bebs, halika rito." tawag ni Tine kay Aya na nakatitig lang rin sa salamin. May pinagdadaanan din ba 'to? Haha. "O, bakit?" tanong ni Aya. "Imma put some lipstick on you. Bago 'to. Bigay ni tita." "Eh??" clueless naming lumapit si Aya. "Dali na. Ee! Naeexcite ako. Parang bagay sayo to!!" "Eh ano pa bang magagawa ko." At ayun nga, nilagyan na nga ng lipstick ni Tine si Aya. Well, bagay nga talaga kay Aya kasi nga bukod sa may kaputian sya, maganda din ang form ng lips nya. Perfect! ^_^v "Hey Ella, peram naman nung mascara, naiwan ko kasi sa bahay yung akin eh." sabi ni Tine habang naglilipstick. "Yea. Sure. Kunin mo na lang dyan." "Thanks!" 6:05pm Hala! Late na kami ng 5 minutes!! "Girls! Tara! Bilisan nyo! Dali!" Hinila ko na sila papunta sa room namin first year. Grabe, malamang sira agad yung make-up namin pagdating dun. "Uy, akala ko ba uuwi na tayo?" tanong sakin ni Sab. Hawak ko nga pala sya sa right hand ko habang hawak naman nya si Lianne. "Sa dati nating room." sagot ko naman. "Nge?? Bakit naman? At tsaka, malamang masisira agad tong make-up natin kakatakbo." reklamo naman ni Tine. Hawak ko naman sya sa left hand ko habang hawak naman nya si Aya. "Eh. Basta, pumunta daw tayo dun e. Tska yaan nyo na. Magaganda pa din naman tayo. At wala silang magagawa dun." okay. Haha! Habang papalapit kami sa room, may nagkalat na petals ng roses. Medyo nakakapagtaka. Pero tingin ko, pakana 'to ni Jin. Sus! Loko yun! May paganto ganto pa! Haha! Namimiss ko tuloy si-- Ayyt nakarating na pala kami sa tapat ng room na hingal na hingal. Pumasok kami at pagpasok namin.. LINTYAK!! Walang tao!! >_< "Oh anong ginagaw natin dito?" tanong ni Sab na obviously, naghahabol din ng hininga kasi nga tumakbo kami di ba? Aish. "Urggh! Bwiset! Are they playing with us?! What the hell is this?!" Shems lang. Nakakaineees!!!! Paalis na sana kami nang biglang magsalita si Lianne. "Wait lang Girls. Relax. May sobre dito oh." At ayun, kalma muna. Tiningnan muna namin ang laman sobra at may note ito. 'At the back of the holy place.' "Nge? Anong ano yun?" sabi ni Tine. "Direction ata." sabi naman ni Aya. OKAY.. So, may balak silang makipaglaro, ganun? "At the back of the holy place?? Anung holy place?" sabi ko. Tsk, dapat kasi kinumpleto na lang e! "Kaya nga e. E wala namang simbaha—WAIT! Sa chapel! Oo tama! Sa chapel!" sabi ni Lianne. Okay, sya na matalino. Haha. Tumakbo kami pababa. Yea. Umakyat pa kasi ng tatlong floors. NakngPutik! Pinapagod lang kami! Nakarating na kami sa chapel at nagsimula ng maglakad papuntang likuran nito. "Ayan na sila! Ayan na!" May narinig akong boses. Hmm. Boses ata ni Ian yun ah? Sabay sabay kaming naglakad. And as we walk on the aisle este sa daan pala, may nakikita kaming nakakalat na petals ng white at red roses. Valentines' day?? Suwiit! (Sweet)^___^ Ayan na.. May naririnig kaming tunog ng gitara. And there's a light. I like you Girl you don't got nothing to prove to me I know the times have been rough for the both of us But I'll pray For a change Sab's POV Hummingbird. Yan yung kantang dinedicate at kinanta nya sakin noong nagconfess sya, that he likes me. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa ko. Actually, hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Heto ako, nakatulala. Grabe, mali pala ako. You see this world has lots to offer, But in time it will go dark And if this love is what we say it is I'm sure we will go far And with a girl as sweet as you There's not much else I can do But fall for you I am starting to melt and I'm about to cry.. Ayy hindi. Umiiyak na pala ako.. Tears of joy. You know that I'm a wreck And you know I can't breathe At the edge of my seat at each word Binigyan ako ng isang red rose ni Arkin na may nakalagay na letter 'I'. As the months turned into years Just know that I'll wait..here For you Coz I pray for a change Lumapit naman sakin ngayon si Ian. At binigyan din ako ng red rose na may nakalagay naman na 'You'. "Huh??" nauna pa yung 'You'? Tss. You see this world has lots to offer, But in time it will go dark And if this love is what we say it is I'm sure we will go far And with a girl as sweet as you There's not much else I can do But fall for you (for you) Papalapit na sya sakin.. (for you) Inilapag nya ang gitara nya.. (for you) Di pa rin tumitigil ang luha ko sa pag-agos.. Then he gave me a rose, a WHITE one. Na may nakalagay na, 'Like' 'Want' 'Love' "Happy Anniversary" then he kissed me on my forehead. And me? I gave him my sweetest smile in return kahit umiiyak ako. "Sssh.. Tahan na." at pinupunasan nya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki nya. "I-i thought.." humihikbi na ako, "N-nakalimutan mo eh." hindi ko na napigilan, niyakap ko na sya. Sobrang higpit. "Tss.. Ako? Kakalimutan ko? Hindi noh. Impusible." then he hugged me back. "Sorry.. Sorry talaga..*" "Ssshh.. Tahan na. Nararamdaman ko na yung sipon mo oh. Tumutulo sa polo ko." tapos tumawa siya. Kumalas ako sa pagkakayakap. "Ee.. Langya ka talaga. Kainis to." hmm. Baka nga tumulo. Nakakahiya!! Tumawa naman siya ng malakas, "I love you boo. Ayy aso pala." And there.. he kissed me on my lips. Smack lang naman. "I love you more. Kapal mo. Kagatin kita dyan e" then I hugged him again. "Happy 'Happy Day'… Happy Anniversary." I added. Chapter 22: Fishy Lianne's POV ^___________^ "Oh? Ba't ang saya mo? Hmm.. Inaraw araw mo na yan ah. Not bad." Napapansin pala ni Tine yun? Hanubeh. ^///^ "Nakita ko lang naman ang aking COML.." then niwave ko ang buhok ko, "And take note, halos everyday na. KYAAAH! Super happy ko talaga Babe!" tapos niyakap ko sya. "COML?? Di nga halata sayo e. Walang time na di kita nakikitang pangiti-ngiti dyan. Medyo nawiweirduhan nadin sayo sila Arkin." "COML. Crush Of My Life! Eeee! Kinikilig kasi talaga ako.." "Crush Of My Life??" "Yup!! Yup!!" Nagulat naman ako nang bigla na lang akong alugin ni Tine, "B! Kelan ka pa naging ganyan? Kelan ka pa naging corny?!! Yuck ka." "Ewan. Siguro nung una ko siyang makita, I think?" ngumiti naman ako na habang iniimagine na naman siya. "Huh??" tinitigan naman ako ni Tine na para akong alien. "Wag ka ngang ganyan! Ngayon nga lang ako lumalandi e!" "Anong ngayon lang?? Eh ang dami-dami mo ngang crush dito sa school." "Iba naman yun. Iba 'to eh." hinawakan ko siya sa braso. Totoo naman e, iba talaga ‘to. "Yea right. CR lang ako." tsk.. di talaga na niwala. "Tao ka Babe. TAO." Inikot niya ang mata niya, "Ang corny mo." then tinawanan ko lang siya. Tine's POV Nagpunta muna ako sa CR. Naloloka ako sa mga pinaggagawa nito ni Lianne. Naku. Pagkapasok ko sa CR, may narinig akong kumakalabog. Medyo kinabahan ako. Baka kasi totoo ngang may ghost dito sa school. Ohmygolly. Sinearch ko ang buong CR kasi medyo may kalakihan ito. And WHAT THE HECK. "EHEM." Eew. I saw two people kissing sa pinakadulong cubicle. May balak na din silang gumawa ng milagro dahil sinisimulan na nung guy na tanggalin ang shirt ni girl. Hindi ba sila marunong maghanap ng place?? I mean, BEST PLACE? Kadiri naman, sa CR pa. At tska, nakakahiya ha. Nasa school sila at maggaganunan? Tumingin sakin ang dalawa. "Get a room." then I rolled my eyes. Nag-walk out ako. Nagmadali din silang lumabas. And then I do my thing. Nag-ayos muna ako at lumabas na. Well, medyo nagugutom din ako e at sakto, I saw Arkin. Mukhang magkakasalubong kami. "Hey Arkin!" tumakbo ako papalapit sa kanya. "Oh, hi Tine!" kumaway naman siya sa akin. "May klase ka?" "Meron. Pero walang prof. Ikaw?" "Meron din. Pero tinamad ang prof." "Ah." tumawa siya, "San ka punta?" "Magpapasama sayo." then nagbeautiful eyes ako para samahan nga ako. "Saan naman?" "Punta tayo canteen." at pinulupot ko na ang kamay ko sa braso nya with puppy eyes pa. "Okay, okay. Ano pa nga ba ang magagawa ko." "Yey!!" Pumunta na kami sa canteen para makabili ng makakakain. And thanks to him HAHA Libre lang yung pinamili namin. "Oh, balik ka na sa room niyo." nagstop kami sa baba ng building naming, hinatid niya kasi ako. "Thanks a lot Arkin!!" ang laki ng ngiti ko nun, "Don't worry. Next time, my treat naman!" "Sure! Sige bah!" ngumiti din siya, "Pero wait, nasa room niyo rin ba si Lianne?" "Oo, iniwan ko siya dun." sumimangot naman ako, "Ang weird na nun e. Ang corny pa. Sarap isako." "Sige, idagdag mo 'to." at ibinigay nya sakin ang mga pinamili niya. "Huh? Bakit?" "Ibigay mo yan kay Lianne. Gutom lang yon kaya ganun." "Okiez! ^_^v" At umalis na siya. Hmm.. Matagal na kong may nasesense dun kay Arkin ah. Pero not sure. Gotta make my hypothesis muna bago magconclude. Ayy, experiment muna pala. Haha. Hmm.. FISHY. >:) Lianne's POV "Oh." may inilapag siya na mga pagkain sa harap ko, tiningnan ko lang siya. "Alam ko gutom lang yan. Kaya magtigil-tigil ka dyan. Hmp." umupo naman siya sa tapat ko. "Nge? Di naman ako gutom e? At tska, dami nito ah. Baka naman ubos na agad baon mo nito?" "Nope. Arkin's treat. Nagkasalubong kami kanina e!" "Sus. Nangburaot ka na naman." Napataas naman siya ng kilay, "Ano ba yang mga words mo B. Pangkanto. Bagay talaga yung tandem nyo ni Sab" "Mwodeungan-e" tapos nagroll siya ng eyes. Tch. "Pangkanto na naman ba yan?" "Nah, it's a Korean word." "What's the meaning?" "Shikreto.." Haha. At kinain ko na ang fudgee bar na binigay nya sakin. Kumuha na din ako ng mga gusto ko pang kainin then walk out. Trololol ^o^ (c/n: BURAOT - salitang kanto nga yan na napulot ko lang sa tabi-tabi XD meaning, nanghingi or nagpalibre.; MWODEUNGAN-E - means 'Whatever'. Oha, pwede na akong gumawa ng Cookie's dictionary XD) "Oyst, san ka pupunta?" "Maghahanap ng kaligayahan." Tapos tinaas taas ko yung dalawang kilay ko then tumawa. Tinitigan lang ako ni Tine sabay sabing, "Baliw ka na." then umiling-iling siya. "Magkacutting ako.." Haha. Pero biro lang yun. Inaasar ko lang siya. Nanlaki naman yung mata niya, "Abnormal ka na talaga." "Haha! Joke lang." tapos nag Peace sign ako, "Dun lang ako sa likod. Baka isako mo na talaga ako sa kacornihan ko e." then tumawa na naman ako. Umupo naman siya sa totoong upuan niya, "Buti alam mo." Medyo badtrip na si Babe. Tayayayayayah XD Chapter 23: Undescribable Lianne's POV Mabilis dumaan ang mga araw… at ngayon? OCTOBER NA! Yipee! Malapit na mag'SemBreak. :”> Naglalakad ako ngayon sa street na maraming puno. Di ba nabanggit ko na nga 'to sa inyo? Dito ko lagi nakakasalubong si Superman ko, my COML. ^_^v Wash day namin today kaya obviously nakacivilian ako. Super okay kasi sinuot ko yung bago kong bili na damit. Sale lang to e. Haha. At tska… ang cute din kasi. Habang naglalakad, nagsasoundtrip lang ako. Gusto ko ng ilipat yung kanta na nagpeplay sa phone ko kaya pinipindot ko galing sa labas ng bag yung phone ko. "TSK." Kanina ko pa pinipindot pero ayaw pa ding malipat. Kaya ilalabas ko na lang pero hindi ko sya mahagilap. Nakatingin lang ako sa daan kasi baka madapa ako or something, ang dami pa namang kapwa ko students ang nakakasalubong ko. At since naka'body bag naman ako, yung kamay ko lang yung naghahanap. "Nasan ka na ba kasi? Kainis ha." Dugdugdug. NGITI. Tingin ko makakasalubong ko sya. :) May mga times kasi na hindi ko sya nakikita e. Kaya sana, SANA. Fingers crossed. Hindi ko pa din talaga mahagilap yung phone ko kaya sinamahan ko na sya ng mata ko. Medyo bumabagal na din ang paglalakad ko. Mahirap kaya maglakad ng di nakatingin. *BOOOGSSH!!* "A-aww.." Ken's POV Takte! Late na ko!! Bwisit! Ba't pa kasi ngayon pa nawalan ng gas yung kotse ko!! Tapos ngayon para akong kabayo kakalakad takbo. Putik talaga. Habang naglalakad-takbo ay chineck ko na yung mga gamit ko kung kumpleto ba lahat ng materials ko para sa presentation ko mamaya. Ayun, lakad pa. Mukang kumple— "Ah. Sh1t!" F*cker! Ang tanga ko!! Ngayon ko pa naiwan yung notebook ko!! Anak ka talaga ng tatay mo Ken! Ang tanga m— *BOOOGSSH!!* "A-aww.." "Aw.. Sh1t." Parehas kaming natumba. Ang lakas ng impact. Parang nanlabo ata paningin ko na nahihilo. Tanga naman kasi nito! Di tumitingin! "Ouch.. Ano ba yan kuya, di ka naman tumitingin. Aww" Babae pala yung nakabunggo ko. Tsk.Tumayo ako agad kahit medyo hilo, parang nagkauntugan ata kami. Since nakayuko ako, noo nya tapos ulo ko tumama. Saket. Tindi ng noo nito. "Baka ikaw yun Miss. Urggh." Ouch. F*ck talaga. Nagmamadali pa naman ako. Pinulot ko ang mga gamit ko. Obviously, they're scattered on the ground since nakabukas yung bag ko. "Ikaw kaya yung hindi tumiti—KEN??" HUH? Lumingon ako dun sa babae. Medyo parang pamilyar yung boses— "LIANNE??" AnakngTinapa naman!! Nagkita na naman kami?! Bakit ba feeling ko minamalas ako pag nakikita ko 'tong babaeng 'to? "Tch." At aba. Inirapan pa ko ah. Siya nga 'tong may kasalanan eh. Umayos na ako ng tayo at akmang papaalis na pero biglang may tumawag sakin. "Oy Ken!" Parehas kaming napatingin ni Amasona sa likod. "Oh Warren! Late ka din?" "Oo eh. Nasira yung alarm clock ko kaya late na kong nagising. Ikaw ba? Oh an'yare dyan??" nakalapit na siya sakin. "Wala..." then tumingin ako kay Lianne, "Stupidity." "Ah," tumingin din si Warren sa kanya. "Uy. Tarana, late na late na oh." dagdag pa niya. "Mamaya na kayo magLQ." bulong niya at saka ngumiti ng nakakaloko. "Lul. Tarana nga." At tiningnan ko lang si Lianne. Tumawa naman yung ungas. 'What's with the face?' Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang itsura ni Lianne kanina. Nakatitig lang siya sa tuwing napapatingin ako sa kanya. Ganun din kapag tumitingin si Warren. Bakit? Naalog ata yung utak nun nung nagkabungguan kami. Tsk tsk. "Bye." Lianne's POV Umalis na sila.. Umalis na siya. Siya yun. As in, SIYA. Di ako nagkakamali… Siya talaga yun eh. THUMP. Bumilis ang tibok ng puso ko.. At ang feeling? Undescribable. Yung Superman ko slash Mr. Smiley slash COML ko ay WARREN pala ang pangalan.. Di ko alam. Gusto kong sumigaw. AS IN. Kaya napatakip na lang ako ng panyo na sobrang diin at sumigaw. "EEEEEEEEK!!!" Habang nag-uusap sila kanina, nakatitig lang ako sa kanila. Ni hindi nga ako makagalaw. GRAABE. Hindi ko akalain na mas gwapo sya kapag sobrang lapit, as MALAPIT. At natatamaan pa ng rays ng sun yung maganda nyang mukha. Para siyang anghel.. Tapos eto pa, mas naloka ako nung ngumiti sya at sinabi niyang "Bye". Syeeet!! Napapamura ako ng hindi dapat dahil sa kilig!!! Ganun ba talaga siya kabait?? O friendly?? Pero.. Di niya ba ako naaalala?? Ako yung nakita nya sa SB e. Nung nalugmok ako kasi napanaginipan ko lang sya tapos yun pala magkakatotoo din. Ah basta! Kinikilig ako!! Ang ganda pa ng boses nya! Malalim pero ang sarap pakinggan. Lalo na ang tawa nya. WAAAAH! Baka maadik ako sa kanya! >__< Pero hindi. Adik na nga ako e, maaadik pa? Pwede rin! Kyaaaah!! Nagsisitaasan yung mga balahibo ko sa kilig! Then hindi ko namalayan, nakarating na pala ako sa school. Siya pa rin kasi yung iniisip ko. WARREN. WARREN. WARREN. Yan lang rin yung nasa isip ko. Parang kinakabisado ko nga e kasi paulit ulit. Ang adik lang kasi one word lang naman yun. Pero si WARREN talaga, as in. Siya na. Siya na talaga! Siya na ang nakapagpakilig sakin ng ganto! At ang OA ko pa.. =___= Ee, ba't ba! Kinikilig ako e. Feeling ko para akong lalaking nangliligaw tapos sinagot agad. Hindi, ang layo pala nun. Basta. Ang masasabi ko lang. Undescribable ang feeling kapag nalaman mo ang name ng Super Crush mo. Yun lang. BOW. Chapter 24: Epic Fail Lianne's POV WARREN. Yun pa rin yung naiisip ko. Yang pangalan na yan ang nagpaulit-ulit sa utak ko. Hehe. Parang ewan lang. Paulit-ulit ko din yun sinusulat sa likod ng notebook ko na may kasama pang smiley tapos may heart sa gilid. Lagi nga akong tinatanong ni Tine kung sino si 'Warren' tapos yung lagi ko lang sagot '*NGITI*' as in nakasmile lang. At ang sagot nya? "Ah okay". Haha. Nababaliw na talaga ako at alam kong yun din yung iniisip nya na baliw na ang bestfriend nya. Naabduct na yung totoong Lianne na kalahating aning lang. Di bale, bitter kasi yun e. Bitter sa mga boys. Haha. Peace tayo Babe kung san ka man ^_^v Isang linggo na din ang nakakalipas nang magsimula ang SemBreak namin. Ayun, ang dami kong ginawa. Nakakapagod. Nakakapagod TUMUNGANGA. Wala naman kasing get-away or something eh. Pero noong isang araw, sinugod ako ni Tine dito sa bahay at napagtripan.. Mga kaibigan, kinulayan po ni Jazztine Cloe Navarro Santos ang buhok ko. Color Red Bleech Blonde. At sya'y tuwang-tuwa. New look daw eh. Sus, inuuto lang naman ako na bagay daw sakin. Ewan lang, sabi naman ni Louie pati ni Manang, bagay daw kaya gora na lang. Natapos na ang unang linggo at simula naman ng second week ngayon. Boredom. As in B-O-R-E-D-O-M. Boredom strikes me everyday. Naman kasi e.. Sana sinama na lang kami ni Mama sa pagpunta ng province para naman may magawa ako at adventure na din. Namimiss ko na din yung mga relatives ko dun. Madalas text, movie marathon at magdamag sa computer lang yung ginagawa ko. Gusto ko nga gumala e. Kaso.. Tinatamad ako. At ayaw ko ding gastusin yung iniwan sakin na allowance ni Mama. Ang gulo ko noh? Facebook-Tumblr-Twitter-Facebook ulit-Tum— "Ah!" Parang biglang lumabas yung thinking light bulb ko. As if na kung meron. XD Di ba magkakilala sina Ken at Warren, my-crush-of-my-life? Itry ko kayang isearch yung facebook ni Ken tapos dun ko hanapin yung facebook ni Warren, my-crush-of-my-life? Whoa! Tama! Ang talino mo Lianne! Click, Search. Type, Ken— Engk. Engk. EEEEEEENNNGGK.. "Di ko nga pala alam kung ano ang surname nIya." Achuchu. EPIC FAIL. Nakakainis naman… Bakit hindi ko alam?! Bakit?! Wala ng chance para sumaya ako this Sem— "Ah!" Lumabas ulit si thinking light bulb! "Tatawagan ko si Mama." Tama. Tatawagan ko talaga. Dun ko tatanongin kung ano ang surname nya. Tapos kapag natanong ko na, masesearch ko na. Pag nasearch ko na, lalabas na profile nya. Pag lumabas na yung profile nya, titingnan ko yung list of friends nya. Pag nakita ko na yung list of friends nya, makikita ko na yung profile ni Warren, my-crush-of-my-life. Pag nakita ko na yung profile ni Warren, my-crush-of-my-life, i-aadd ko sya. Pag na-add ko na sya, what's next? MAGIGING KAMI NA!! \(^o^)/ Charot. Sobrang fast forward naman nun. Haha. In my dreams. ^,^ Matutulog na lang ako habangbuhay. Haha. "Sus. I-dial mo na kaya yung number ng Mama mo Lianne. Dami pang satsat." Baliw na po ako, kinakausap ko ang sarili ko. Haha. Dial. Ringing… Ring pa din. Ring ulet. Ring ring ring. TOOT TOOT TOOT. Strike 1. "Waaah!! Ba't ayaw mong sagutin, Ma!" T^T Dial ulit. Ringing…. Ring pa din. Ring ulet. Ring ring ring. TOOT TOOT TOOT. Again. Strike 2. "Mama naman eh!" Para akong bata sa pagwawala ko. May pandyak pandyak pang kasama. Nakakainis naman kasi eh! Ba't ayaw sagutin ni Mama?!? Epic fail talaga. AS IN. Grabe lang, ayaw akong pagbigyan ng tadhana. -.- Chapter 25: November Sucks Lianne's POV SECOND SEMESTER. And makikita ko na ulit si Warren ko. :) *crickets are singing..* Okay PAYN! Makapag 'KO' ako noh? Practice lang naman yun. Pagbigyan niyo na ko. XD First day ulit today. First day of school ngayong second semester. At masayang masaya ako kasi nakalaya ulit ako boredom! Hoho. Sana makita ko today si Warren. Naglalakad ako ngayon sa Elm street… De joke lang. Walang ganung street dito sa Pinas.. ata? Haha. Di ko alam. Wala naman kasing pangalan yung street na 'to eh. Itong street ang lagi kong dinadaanan pagpasok. Ang street kung saan lagi ko siyang nakakasalubong at nakikita.. Tumingin ako sa wrist watch ko.. 8:26 na. Ito yung oras na madalas ko siyang makasalubong sa street na 'to. Binagalan ko ang lakad ko.. Hoping na makita ko sya today. Actually, I have a class on 8:30 pa rin but I have to see him talaga.. Kelangan. Dagdag energy man lang. Tinatalasan ko lang yung mata ko pati na rin pakiramdam (kung posible ngang matalas yun) baka nasa malayo pa siya at kelangan ko siyang lapitan. Pero nakakaasar lang. Walang sign na makikita ko siya. Maski detector ko, nananahimik lang dito sa kaloob-looban ko. Ang puso ko. Ito naman kasi laging kumakabog ng malakas pag andyan siya, kaya kung ito, nananahimik ngayon, isa lang ibig sabihin nun.. WALANG WARREN. Maghintay ka lang Lianne.. Makikita mo din yun. Just wait and believe. Patience is a virtue. Honesty is the best policy. Don't judge the book its cover. Cleanliness next to Godliness. No guts, no glory. No retreat, no defeat. No I.D, no entry. Time is Gold. Bi— "Time is Gold!" Waah! Kelangan ko ng pumasok! 8:33 na kaya late na ko ng 3 minutes. Tapos tatakbo pa ko ng 5 minutes! Anu ba yan! Tumakbo na talaga ako kahit nirape na naman ng hangin ang buhok ko. Lagot ako eh. First day, late! Ganun talaga si Lianne! Di na nagbago! >__< 8:40am. Nakarating na ako sa pinto ng first class namin ng parang basang sisiw dahil sa pawis. Inakyat ko kaya yung apat na palapag! Tagtag na talaga yung taba ko! Sumilip muna ako ng konti sa pinto. Tahimik kasi eh. Malamang, nasa loob na yung prof namin. Balita ko pa naman, masungit yun. Yay!!! At yun na nga.. TANTANANAN!! "Are you Miss Sarmiento?" "Uh.. Y-yes ma'am. I'm sorry I'm—" "You may take your seat now then pass your registration form." "Ahm.. Yes ma'am." At tumakbo ako sa likod. Di ko naman kasi makita yung seat ni Tine kasi dumami yung population namin sa klase. Kaya di ko rin magagamit ang vacant seat na inihanda sakin ni Tine. "Make it faster Ms. Sarmiento." medyo nakakatakot siya, sa totoo lang. Ang taray pa ng pagkakasabi niya. Halatang masungit. Halos nanginginig ako noong lumapit ako sa harap at binigay ang reg form ko. Buti nga e, di ako ginisa ni ma'am. Mamantikain pa naman ako kasi di ko pa masyadong napupunasan yung pawis ko. Kaderder lang para sa iba. Naupo na ako pero laking gulat ko na bigla ulit akong tinawag. Kinakabahan ako… "Follow me on my office after class." "Y-yes ma'am." "You may take your seat again." "Thank you ma'am." Hala naman!! Major offense ba ang maging late ng almost 15 minutes?! Nabasa ko naman sa Student's Handbook na 15 mins. lang ang time na pwedeng malate at hindi yung major offense! Pero bakit?? Waaah! Ayoko ng mga ganito. Feeling ko minamalas ako… I am so dead. Waah. Habang nasa upuan ako, kinakabahan talaga ako. Di pa naman masyodong naglelesson e. Sinasabi pa lang nya ang coverage ng ilelesson namin na nasa syllabus. Tapos konting introduction din. *TRRIIIINNG!!* "Class dismiss." Ayan na… Kakainin na nya ako ng buhay!!! >.< Sinundan ko lang siya papunta sa office niya. And poof! Tingin ko bagong faculty 'to. Parang bagong lagay palang sa mga gamit niya eh. "Maupo ka dyan Ms. Sarmiento." And as she said, umupo na nga ako. Nakakatakot talaga eh. Matandang dalaga kasi. Pero may 'K' si ma'am ah. Maganda sya. Pero mukha talagang masungit. And ang dami dami ng pumapasok sa utak ko na kung anu-ano. Kinakabahan kasi talaga ako e. Never pa akong napatawag sa faculty or guidance office sa tanang educational life ko. Yea, I have a good record. At ayokong sirain ang record na yun dahil sa late ako! Nakakainis naman! Amp.. Pero Lianne, hindi kaya nagiging OA ka lang? Malay mo, ikaw ang gawin niyang Pet, the so-called 'Teacher's Pet'. Yay. Ayoko rin naman nun. "Okay, how do I start?" nagsisimula na siyang magsalita.. Ohmygolly. "..I know that you're a scholar of this university. Am I right?" nagnod lang ako. "..Well then, Mr. Macapuno recommended you to join us in our joined project to the other school. Yung school na yun ang dating school na pinapasukan ko.. You're not aware that I am a new here, aren't you?" tumango lang ulit ako ng may pagtataka. Ano bang meron? At bakit napasama si Barney sa usapan? "..Okay, to make the long explanation short, you have a project to make." "P-po?" Nabingi ako bigla. Hanu daw?? Project?! Ang aga naman ng ata project ko?! Late lang naman ako ah?? Ganun na ba ang sistema ngayon? Una na pala ang project ngayon kesa examination? Grabe naman!! "Alam kong nagulat ka kasi napaaga ang paggawa mo ng project. Pero kasi hija, this coming Febuary na ito. And we will be joining with the other schools. Simple lang naman gagawin nyo e, you have to make your original and creative presentation for your dear clients as a future business managers. May mga international guest speakers and exchange students ang mag'oobserve at magccritic ng magagawa nyo. Actually, it is a contest and at the same time, your project." Whoa. Heavygat. Pero bakit ako? Nakakastress!!! "P-pero.. Bakit po ako? May mga higher years pa naman po, hindi po ba?" "Sabi kasi ni Mr. Macapuno na ikaw ang pinaka outstanding sa buong klase nya na gumawa ng presentation, and I took a look at it too, tama nga yung mga sinabi ni Sir tungkol sayo." Whoa… As in, WHOA. Nakakapanlaglag panga ang mga sinasabi ni Ma'am. Ako?? Si Lianne ba?? O si Alisson?? Eh lagi ngang mainit dugo sakin nun eh, maski ako mainit dugo ko sa kanya tapos ako? Pupurihin at irecommend ng ganun? Huwaw!! Nakakain ata ng bakal si Sir kaya ganun! "Wag mo ng pag-isipan yun Ms. Sarmiento. Bukod sa nakasalalay ang grades mo dun sa major mo, marami namang benifits kapag nanalo kayo lalo na ang school natin e." napaisip naman ako.. Tatanggi pa ba ako? E kinabukasan ko pala nakasalalay dito? Tsk. I heavily sighed. "Okay ma'am. Wala din naman po akong magagawa eh." wala nga naman talaga. Lagot pa ako nito kay Mama kung ito ang magiging dahilan ng pagbagsak ko. Haays. "Okay, so we're settled. You're gonna meet your partner from the other school as soon as possible para makapagready na kayo." "Okay po ma'am. Thank you po." "Okay, see you around." At lumabas na ako. ... ... "Nakakastreeeeesss!!!" inihiga ko ang ulo sa balikat ni Arkin. "Nakakarami ka ng sabi ng ganyan." sabi ni Arkin habang kumakain ng Piatos. "Ilan?" sabi ko habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa kanya.. "Nakalimutan ko na." sabi niya. "Waah! Nakakastress talaga! Bakit pa kasi ako?!" amp.. Bakit nga ba kasi? Naman eh. "Late ka kasi." singit naman ni Tine. "Hindi naman dahil dun eh!!" Andito kami sa UTMT ngayon.. Under The Mango Tree. Nakaupo lang. Tambay. Hapon na din at mamayang 4pm, last subject na namin. "Kaya mo naman siguro yan Lianne nu. Paabot naman nung Nova." sabi ni Ella. Inabot ko naman, "Ee.. Kinakabahan ako.." "Sus. Malayo pa yun Tol. Galingan nyo na lang, kung sino mang partner meron ka." sabi ni Ian na katabi naman ni Ella. Di naman naghihiwalay yan eh. Bigla namang nagsalita si Sab, "Tama. Malay mo, genius pala yung kapartner mo tapos yummy—" "Yummy?!" napaangat naman ako bigla dahil dun sa sinabi ni Sab. Lokaret talaga. "Yummy! I mean, kung boylet ba tapos gwapo. Yung ganun." bigla naman sya pinitik ni Jin sa noo, pero di naman malakas. "Aray naman. Nag-eexplain lang naman po ako e! Masakit yun ah." dagdag pa ni Sab. Haha. "Parang nagtransform na yung vocabulary mo Sab ah? Badesa ka na ngayon?" sabi ko. "Oy, anu na namang word yan B ah?" sabi ni Tine na nakasandal na din kay Arkin. "Salitang bakla naman yun. Meaning, bakla, bading." Sagot ko naman. "Dami mo talagang alam sa mga ganyan." sabi naman ni Aya na nakatingin lang sa field. "Bading yan e." sabi ni Sab. Napataingin naman ako sa kanya, "Heh. Bubog." sabi ko na lang. Nung sumunod na araw, ganun ulit ang ginawa ko.. Bumagal maglakad. Naghintay. At nakiramdam.. NO SIGN. NO WARREN. Nalate na naman akong nakarating sa school. Pero 5 minutes lang. Nauna pa nga akong dumating kaysa sa bago naming prof eh. At ayun.. Sinong malungkot? SI LIANNE. Sinong ‘di buo ang araw? SI LIANNE. Haay. Nakakatakot. Baka sunod-sunod na 'tong ganito na hindi nagpapakita si Warren ko. HAAAA! Hindi pwede ‘yon. :( ... ... *The Next, Next, Next, Next Day* "Oy, ba't ganyan ang itsura mo? Ilang araw ka ng ganyan ah. May sakit ka ba? Parang ang tamlay mo na." nagtatakang tanong sakin ni Tine. Pero bulong lang. May klase kasi kami ngayon at magkatabi kami. (Obviously.) "Wala na akong vitamins.." at iniubob ko ang mukha ko sa table. "Huh? E di magpabili ka kay Tita Lea. Para kang lantang gulay oh. Tsktsk." "May mabibilhan ba na Vitamin Warren? Kung meron, bibili ako ng madami.." tumingin ako kay Tine. Seryosong tingin. Waah. Kung meron nga talaga, bibili ako. E kaso, di naman vitamins si Warren. Parang adik lang ‘ mga pinag-iisip ko. Tsk. *Poook!* "Aww!" Nagulat ako nang napasigaw ako ng malakas. E panu, batukan ba daw ako? Ang sakit pa naman. "Any problem Ms. Sarmiento?" tumingin ang mga classmates namin sa akin. Ayy, samin palang dalawa ni Tine. "Ah, nothing Sir. Naipit po kasi sya." si Tine na ang sumagot kay Sir. At yun, back to the business ulet. "Gaga ka talaga. Abnormal ka na." bulong nya. "Ee.. Ewan ko ba." napakamot na lang ako ng ulo kahit wala akong dandruff at kuto. HAAAY.. "Babe.. Bakit di siya nagpapakita sakin?" "Aish.. B, as if naman na magkita nga ulit kayo. E second sem na, kaya malamang, iba na schedule nun!" Hindi halatang naiirita na talaga si Tine sakin nu? Ang kulit ko naman kasi.. Buti na lang, mahal ako nito.. Kundi.. wala lang. Pakamatay na lang ako. JOKE!! Madami nading araw ang nagdaan.. Weeks pa nga eh. At lumalamig na din ang simoy ng hangin. One week and three days to be exact, before December. "Okay.. Pero—Haay.. Nga pala, sa Saturday lilipat na kami ng bahay. Uuwi na si Papa sa Friday eh." "Oh?? Bakit naman kayo lilipat?" "For practical reasons daw.. Ewan." "Buti uuwi na si Tito Alex." "Yea. Miss ko na nga yun eh. Gusto mo bang pumunta ka sa Friday samin? Salubungin mo din si Papa.." "Nah, I'm not free on Friday after class. Kung gusto mo sila Arkin na lang." "May date ka noh? Ayiee." tinutusok-tusok ko siya sa tagiliran. "Date your face! Hindi noh." Tumawa lang ako. Ang bitter lang kasi nito eh... Naku. Kay gandang nilalang, napakabitter sa mundo ng pag-ibig. Pero sa bagay.. Siguro pag bitter ka di ka malulungkot ng ganito Lianne.. Ano ba sa tingin mo Alisson?? Tingin mo ba pag bitter, masaya?! Urrrrgh! Kinakausap ko na sarili ko, inaaway ko pa! >__< SIGH. Walang wenta ang November. Hate it. Chapter 26: Bus Ride Lianne's POV Hindi naman ata tama yung umakto ako ng ganito dahil lang sa di ko lang nakikita si Warren. Parang ewan lang. Crush lang yun tapos magkakaganito ako? Ang OA ko. Nagiging OA na ako. May sira na ata talaga ang utak ko. "Tama. Sira ka na talaga B." Andito na nga pala kami sa new house namin. Maaga uwian namin ngayong Tuesday kaya sumama na sakin si Babe para matingnan ang bagong bahay, ang bagong nilipatan namin. "Mind reader ka na ba ngayon?" tanong ko kay Tine. Tama. Paano nya naman kasi nasagot ang nasa utak ko di ba? "Hindi. Sinabi ko lang yung naiisip ko." Andito kami sa new room ko. Hindi pa masyadong naaayos ang mga gamit ko. Di ko pa din sya napapaganda. All blue sya. Favorite ko kasing color ay blue. "At kailan mo naman balak mag'ayos aber?" tanong sakin ni Tine habang nakahiga sa kama ko at nakatingin sa kisame. "Sa susunod na araw na lang. Tinatamad pa ko." sagot ko habang nakahiga rin sa kama at nakatingin lang sa kisame. SILENCE. "Tara, tulog na lang tayo." "Wala ka bang balak i-tour ang neighborhood niyo?" "Next time na lang. Nakakapagod eh." "Nakakapagod e wala ka namang ginawa kundi mag-isip ng mga kung anu-ano. Tch" Di ko alam... Baliw ako. Ang OA ko di ba? Sarap kong ihulog sa dagat at puluputan ng mga sea weeds. Kainis. "Uy!" "Oh?!" "May nakita nga pala ako sa fb.." "Oh anu naman yon?" "Chineck ko yung fb ng Matthew mo." "Tss.. Oh anong bago? Ayoko na dun." "Woo. If I know. Ayun, dalawa pala account nya? Yung isa personal account tapos yung isa naman parang fan page. Ang dami ngang naglalike e tska nakasubscribe. Puro girls." "......" Silence means nag'iisip si Tine. Haha. Did I mentioned na nagkalovelife yan? Lovestory on Simbang Gabi nga lang ang drama. Tapos di alam nung guy na tinamaan pala 'tong si Tine sa kanya. E bihira lang 'tong magkagusto sa mga guys noh. Halata naman di ba? Bitter kasi. "Any comment or violent reaction??" "Tsk. Di bale, maganda pa rin naman ako." Haha. Tunay nga naman. "Mga mukha ngang sossy yung mga girls na naglike eh. Halatang mga schoolmates niya." "Errr.. Tsk. Oh well, I still have the edge pa din naman.." "Like?" "Nakakatext ko siya. Tinetext niya ako.." "Sapat na ba yun?" "Yea. I think so." "Tingin mo, magkikita ba ulit kayo this December?" "Ewan lang. Sana—" *bzzt.bzzt* May nagtext kay Tine. "Oh sino yan? Ganda ng ngiti ah." pang-aasar ko sa kanya. Kilala ko naman kasi kung sino yung nagtext eh. Talanding bata. Haha. "Sino pa nga ba." "Oh ano sabi? Nagpapakita si cheekbones oh." nakangiti pa din kasi sya. "Gm lang yun." "Eh bakit kung makangiti ka eh, kala mo Pm yung tinext sayo." Tapos pinakita niya sakin yung message. "Kaya naman pala.. Mm-hm.." "Bukas December na nga e. Ee! Kinikilig ako!" Nagtext kasi sa kanya si 'Matthew NYA' na excited na daw sya kamo mag-December. May gusto daw syang makitang tao. At nagbigay pa ng Clue, nakilala nya daw noong simbang gabi na may reddish colored hair na straight. At eto, kinilig naman ang bruha. Pero di ba? Baka di naman siya yun. Baka ibang babae naman yun na may color red ang buhok.. Sa gwapo ba naman nun e! Mukha pa namang artista. Well, bagay naman sila ni Tine. May pagkacelebrity look kasi siya. Hmm. Yaan na nga. Minsan lang rin to kiligin kaya pagbigyan na lang. Haha. ... ... UMAGA. December na nga. Ang dami ko ng nakikitang mga Christmas decors sa mga bahay-bahay dito sa village namin. Hmm. Nakakatuwa namang tingnan. Compare dati, mas maaga na ako pumapasok. Medyo malayo na kasi ang school namin mula dito sa tinitirhan namin. Nung Monday pati Tuesday, hinahatid ako ni Papa gamit ang kotse namin. Pero today, magcocommute na ko. Bus ba o FX? Tss.. Tinatanong pa ba yan?? E di BUS! Happiness ko kaya ang pagsakay ng bus. Yea, I know. Ang babaw ng kaligayahan ko. E ba't ba! So yun, umakyat na ako at naghanap ng vacant seat. Di pa masyadong puno yung bus kaya medyo maluwag pa. Umupo na ako sa may right side, sa tabi ng bintana ng bus. Panay tingin ko din sa wrist watch ko. Baka malate ako e. Pero di bale, medyo maaga pa. At tska 1 hour lang naman yung magiging byahe ko kaya sure na makakaabot ako before mag'8:30. Tama. Think positive Lianne! Tingin-tingin. Napansin ko lang na ang dami palang mga estudyante ang nanggagaling ata sa village namin na sasakay din dito. Wow lang. More on mga students kasi yung nakasakay dito sa bus kaya nagmukhang school bus yung bus. Ayun, bilang-bilang, tingin-tingin lang sa bintana habang naghihintay. THUMP. Warning: WARREN Alert! WARREN Alert! Napatingin naman ako sa paligid. Tch. Wala naman.. Masyado lang siguro ako nag'iisip. Baliw na talaga ako. Pumikit muna ako para umidlip. Medyo inaantok pa din kasi ako eh. Ilang minutes lang ay naramdaman kong umaandar na yung bus at may katabi na din ako. Umayos ako ng upo pero nakapikit pa din. Matutulog na lang muna talaga ako. Zzzzzz… Dumilat na ko at tumingin sa wrist watch ko. Halos 45 minutes na din pala akong nakatulog. Buti na lang at nagising na ko kundi baka nalagpasan ko na yung school namin. Inayos ko muna ang sarili ko pero nakaharap ako sa bintana. Nakakahiya naman sa katabi ko, baka may panis na laway pa ko. Yayks! At yun, pagkatapos kong magsuklay at lahat lahat, I'm ready na to face my seat mate. Hanu daw? XD Umayos na ako ng upo. Tapos pasimple akong lumilingon para makita naman kung sino katabi ko. Wala lang. Trip ko lang. Hahah— O____O Di ko alam pero parang napastiff ako bigla. Di ko din alam kung nananaginip ba ako. Magpapasampal nga ako kay Tine mamaya. Di ako makagalaw sa inuupuan ko… At ang cheekbones, ayaw magtago. SUPER NGITI. Para akong baliw na pangiti-ngiti habang nakatingin ako sa may bintana. Kinikilig kasi akoo! SUUUUPER! *Thank you Lord. :") Nakarating na ang bus sa bus stop na katapat ng school namin at yung ibang tao ay nagsibaba na. Nasa likod nya lang ako. Habang tinitingnan ang maganda nyang likod. Tapos ang bango pa nya. Ee.. Ang landi ko! Kinikilig ako! ^////^ *Thank you din fate. :") Nakababa na kami at nagpart-ways na. Grabe lang. Ang bilis ng tibok nito. Nito oh. Ni puso. Lumalandi din tulad nung may-ari. Haha. Kinakabahan kasi ako eh. Ikaw ba naman, tabihan ng crush mo di ba? Parang namawis na lahat ng pwedeng pagpawisan sakin! At kilala niyo ba kung sino yun? Sino pa nga ba? E di ang nagpapatibok nito! E di si WARREN KO. :) GRAAABE. AS IN. Ang liit ng mundo.. Ang liit ng Pilipinas.. Ang liit ng Pilipinas dahil pinagtagpo ulit kami. Unexpected. As in suuuper unexpected! Nagkasabay kami sa bus at nagkatabi pa! Grabe lang! Ang gwapo pa nya.. Kahit saglit ko lang ulit nakita. At hindi ko rin sure. SANA. Sana lang talaga. Di kaya magkavillage lang din kami? Waah! Sana talaga! Sana! *fingers crossed* >_< *Thanks nga din pala kay papa kasi di nya ako hinatid. :") Ayun, andito na ako sa room. Hindi pa ako late kasi may 5 minutes pang natitira. May 5 minutes pa ako para makwento 'to kay Tine! Yey! Nasan na nga ba yun? "TIIIIINNNE!!" "Oh?!" sinalubong ko agad sya sa may pinto at niyakap. "Oh anung meron? Wow ha. Ang ganda ng aura mo today. At gusto mo ng talunin ang mga cheekbones ko. Nakangiti dyan?" Umupo muna kami bago ako magsimulang magkwento. So ayun, kwinento ko sa kanya. Detailed lahat, mula sa paglingon ko at pagkabog ng puso ko. Ayun, normal reaction sya. Pero nagulat din sya kasi nga naman, parang sobrang liit nga naman ng mundo at nagkataon na nagkita ulit kami. At dun nya ko tinalo, sa pagkagulat. Ako naman, super happy! Nafifeel kong maganda ang December ko ngayon. Wuu! Go good vibes! Come with me! Ow yea! Smooth lang ang takbo ng mga klase namin bawat subjects. Parang di nga ko nabobored eh. Kahit nagkaklase kami kanina sa pinakaboring naming prof. Himala pa, ang active ko ngayon. Na pinagtataka ko din kung bakit. Haha! Eh kasi nga masaya ako. Dumagdag pa si Lourence (Isa ko pang crush sa school ^o^) na nakita kong dumaan sa tapat ng room namin, e di ano pa nga ba? E di ngiting umabot na hanggang mata! Ganun ata yun para di ko mafeel ang pagiging SMP ko. Huwaw! XD Natapos na ang morning classes namin and ngayon.. lunch na! Andito kaming lahat sa cafeteria, kaming magbabarkada. Benta lang. Nakikiride din sila sa good vibes ko. Haha. Tama lang yun. Kelangang simulan ang December ng may good vibes para masaya! ^___^ "Ang hyper mo ngayon ah?" sabi ni Arkin na katabi ko ngayon sa left side. "Porket nagjojoke lang Hyper agad? Hindi ba pwedeng masaya muna?" haha.. Ang adik lang kasi. Wuu, good vibes Yeah! "Okay, sige na nga. Kaysa naman sa mukha kang zombie, mas maigi na yan." sabi nya. "Eh? Hmm. Ganun ba talaga ako nung mga nakaraang araw? Grabe naman.." Parang di naman. Ang O.A lang ng pagkasabi nito. Tch. "Di mo man lang narealize yun?! Eh mukha ka ngang lantang gulay na di maintindihan na nangangailangan din ng brain. Tss." sabi ni Arkin. "Oo kaya Lianne. Para kang brokenhearted nun, e wala ka namang lovelife." sabi pa ni Ella. "Aray ah. Okay na yung mukha ng zombie at brokenhearted. Tas ginatungan pa ng walang lovelife?? Tsk tsk." sabi ko habang umiiling. Tawanan naman sila. "Yaan niyo na. Masaya siya ngayon eh kasi nakatabi nya sa bus yung crush niya." sabay siko sakin ni Tine na may ngiting pang-aasar. "Sus. Madami namang crush nyan eh." sabi ni Arkin. "Correction. Hindi lang naman yun crush no. Super crush." sabi ko habang ngiting-ngiti. "Oo na. Oo na. Itago mo na yang ngiting yan. Kanina pa namin nakikita yan." sabi ni Arkin. "Tsk. Kontra 'to!" ayun, pinalo ko nga. Makontra e! "Aray! Ang bigat ng kamay mo." sabi nya habang hinihimas-himas yung part na pinalo ko. Binelatan ko nga. So yun, nagpatuloy kami sa pagkain. Nag'iba na din ang topic. Tinanong ko kasi si Ian kung kamusta na sila ni Ella. Okay naman daw. Tapos nagfollow up question naman ako. Kinamusta ko naman ang panliligaw nya kay Ella. Ayun, nabulunan si Ian. Haha. Sign yun. XD Nagulat naman si Ian kaya napatingin siya sa akin, "O—oy.. Nililigawan ka dyan. 'To.. Mga pinag-iisip mo" "Oh bakit? If I know, may gusto ka kay Ella eh. Ayie!" pang-aasar ko sa kanila. "Ang abnormal mo talaga Lianne." sabi naman ni Ella. Wahaha! At namumula ang pisngi nya. Aminado din ata ‘tong isa eh! "Kaya nga. Kami naman napagtripan mo. Tss." sabi ni Ian habang di makatingin ng diretso. "Wuu. Defensive yung dalawa oh!" sabi ko. Haha nakakatuwa silang intrigahin. "Ang ingay mo." sabi sakin ni Arkin pero di naman seryoso. Napatingin naman ako sa kanya.. Aba. Hindi kaya..? Parang may balak ata tong makigulo sa love team nila Ella at Ian ah. Sya lang tong ganyan makareact habang kami nagtatawanan eh. "Kaw ha.." kiniliti ko yung tagiliran niya. "Ano na naman?!" Tumawa ako, "Wala!" "Ang kulit mo ngayon." hala.. Galit ata sya sakin? "Galit ka ba sakin? Hala.." "Para pang timang." "Ang bad!" tapos pinalo ko ulit siya. Ang bad e! "Pangalawa na yan ah!" tapos tinatawanan lang kami ng buong barkada. Pagkatapos ng lunch at mga afternoon class, uwian na. Yey! Masaya pa din akooo. Nakauwi na din ako ng bahay. Hinatid lang ako nila Arkin sa sakayan ko na nasa kabilang street lang ng school namin. So in short, di na kami sabay-sabay makakauwi.. Pero di bale na. Makakasama ko parin naman sila sa school eh. Ayun, binagsak ko ang sarili ko sa kama. Medyo napagod din sa byahe. Pati na rin siguro sa pagiging active ko kanina. Tingin ko naman nakapagburn na din ako ng mga fats nun. At least benificial ang pagiging hyper. Haha. Ngayon nakatitig ako sa blue na kisame.. Buntong hininga. Sana tuloy-tuloy na 'to no? Para laging masaya. Haha. Demanding ba?? Ang gusto ko lang naman kasi ay lagi syang makita eh. Yun lang. Katulad sa mga iba crush. Para laging inspired. Pero di ako umaasa. Mahirap kasi yun. Di ba nga nagpaka-OA na ako nung mga nakaraang araw? Nag-expect kasi.. Yun tuloy. Pero SANA. Sana lang talaga. Na bukas ay magkasabay ulit kami! ^_^ ... ... MAGANDANG UMAGA! Ganun ulet ang gising ko. Ganun din ulit ang oras ng pagpasok ko. Baka kasi ganitong oras ulet.. Magkatabi ulet kami ni Warren. Yiee! Pag naiisip ko yun, kinikilig ako! So yun, sumakay na ako sa bus. Wala ng masyadong vacant seat, halos lahat occupied na. Pero kahit ganun, naghanap pa din ako ng seat na pangdalawahan. Syempre, alam na :) Good thing. May nahanap nadin ako. Sa may left ng bus. Naghintay ako ng ilang minutes. Hoping na papasok din sya ng ganitong oras. Waah. Sana talaga. And POOF! Ayan na sya…. WAAAAH!! PERO— Waaah!! Dun sya tumabi sa right side. Pang'limang row ng seat. Kaya ayun. Haay.. *Ting!!* Thinking lightbulb on! Tumayo ako.. At naghanap ng vacant seat na malapit sa kinauupuan nya. Buti meron. Sa left side. Pang'anim na row ng seat. So yun, okay na din ako sa pwesto ko. Nakikita ko naman ng malaya yung maganda nyang mukha kasi nakatagilid at the same time, nakatalikod din saken. Whoaa. Ganda ng view. ^_^ Buong byahe ay nasa kanya lang ang atensyon ko lalo na ang mga mata ko. Pwera na lang yung paghingi ng konduktor ng bayad sakin kaya nabawasan ng ilang minutes. Waah. Kung yelo lang sya. Kanina pa talaga sya tunaw kakatitig ko! Minsan nga napapatingin din sa left side tapos ako, iiwas agad. Then pag nasa harap ulit sya nakatingin, ganun ulit, tititigan ko ulit sya. Pambawi na din 'to sa isang buwang di nya pagpapakita sakin noh! Haha. XD "Ehem." Ano ba 'tong katabi ko. Kanina pang 'ehem ng ehem'. Paulit ulit. Tsk. Medyo panira sya ng moment ha. Ayun, di ko na lang pinansin. Back to work ulet. ^^ Sa sumunod na araw.. FRIDAY. Hindi na 8:30 ang pasok ko. 7:00 na.. Kaya ayun, expected ko na na hindi ko sya makakasabay o makakatabi sa pag pasok ngayon. SIGH. Medyo madilim pa.. 5:38am pa e. Pero nakakatuwa ding bumyahe ng ganitong oras kahit inaantok pa. Nakikita ko kasing unti-unting umaagat ang araw. Ang ganda lang pagmasdan. Masarap sa pakiramdam. Hmm… San kaya nakatira yun? Si Warren ko.. San kaya nakatira? Ayoko namang magpakastalker no. Gusto ko lang talaga malaman. Well, sana malapit lang samin yun. Kung pwede nga e, sana magkasubdivision din kami. Ayy… Haha. Sobra na akong humiling ngayon. Baka di na ako pagbigyan sa susunod. *EEEEEKKK!!* BUS STOP. Bababa na ako. Dito na kasi ako sa tapat ng school. *poke* Lumingon ako. May kumalabit sa likod ko eh. TULALA. Oh my gosh. Parang ang swerte ko naman ngayong week na 'to. Tingin nyo? Lord, thank you po… "Yung panyo nyo po." "H—huh? T—thank you.." Nakakautal! Of all people na makakapulot ng panyo ko.. Siya pa. Si Warren pa! Ayun.. KILIG. Kinikilig ako. Kinikilig ako AS IN! 3 straight days.. 3 straight days ko syang nakikita at nakakasama.. Di ba ang ang saya nun?! Ang makasama ang crush mo kahit sa bus lang.. Haha! Okay! Ako na! Ako na over! XD Haay.. Best bus ride ever. :) Chapter 27: Mundo nga naman.. Kay liit. Lianne’s POV SATURDAY. Wala kaming pasok ngayon. Five days lang kasi pasok namin ngayong sem. Kaya eto, inaayos ko ang mga gamit ko sa kwarto. Naglinis na din at inilagay sa mga dapat kalalagyan ng mga gamit ko. Medyo nakakapagod. Pero keri lang. Nagpahinga muna ako saglit habang pinapakinggan ang kantang ngumangawa sa cellphone ko. Ilang saglit pa, hindi ko na namalayan na nasa labas na pala ako ng bahay. Ang ewan lang. Bigla kong nafeel na lumabas. Siguro yung makapagpasyal na din sa village at pati na rin subdivision. Ayun. Lumabas ako ng nakamaong na shorts at t-shirt lang. Normal na pambahay. Dinala ko rin ang cellphone ko at umalis ng may nakasalpak sa tenga ko na earbuds. Ayun.. Lakad. Unlike sa lugar ng dati naming tinitirhan, wala akong masyadong makitang bata rito. Although meron naman pero iilan lang. Wala atang hilig maglaro sa kalye yung mga bata dito. Chuchal! Mga rich kids ata! XD Lakad ulet. Magaganda naman yung mga bahay dito. Medyo naglilista na ako ng mga pinakamaganda at pinakabonggang bahay. Haha! Kaelibs lang kasi. Tas may mga tindahan din. Yung mini store ba, yung ganun. Ayun, okay naman. Lakad. Liko. Lakad. Liko ulet. Laka— "Wow. May playground pala rito." Una ko agad na pinuntahan ay ang swing. Ang epic. Benificial din pala ang wala masyadong tao. Ang tahimik kasi sa playground e, na unusual kasi dapat maraming bata rito na nagpapagulong gulong sa buhanginan. Pero heto ako, may iilan lang na kasama dito. Isang magyaya, dalawang magjowa at isang maliit na babaeng nagbabike na mukha ng high school pero mukhang elementary. Ewan. Muni-muni. Ang sarap ng hangin. Matamis.. Haha. Ayun, di naman kasi masyadong maaraw ngayong araw. 2pm na ata pero sakto lang ang panahon. Mukha namang di uulan. Maulap lang. Ako ang taong di masyadong palaisip.. Pero madalas talaga, madami akong iniisip? Ginagawa ko kasing kumplikado kahit ang napakasimpleng bagay lang. Ewan. Ako ang tipong masayahin. Masayahin na to the point, na nagiging O.A na din. OA ako lalo na sa mga bagay bagay na di naman talaga big deal. Mababaw lang kaligayahan ko e. At higit sa lahat, abnormal din akong tao. Kinakausap ko kasi ang sarili ko. Pero—Eh ba't ba?! Pinapakilala ko lang naman ang sarili ko sa sarili ko no. Baka sakaling nakalimutan ko ang ako. Ano daw? Hindi ako ang tipong emo pero eto ako, tulaley.. Pero wala akong pinagdadaanan ah. Nag-iisip nga ako ng iisipin eh. *BLAG!!* Ayt. Sumeplang yung babaeng mukhang hayskul. Sakit nun malamang. Una ba naman ulo e! De, joke lang. Tuhod lang naman. Haha. Tumingin na lang ako sa ibang side. Nahiya naman ako sa part niya kasi nasaksihan ko ang pag'eexhibition niya. Haha. Benta lang. Ayun, medyo pagod na akong magswing nang magswing at mag'isip ng wala. Gusto ko ng matulog. *YAWN* Tumayo na ako. Naglakad na papalayo sa playground. Next time na lang ako ulit babalik dito. Dalhin ko din si Tine para may mapagtambayan din kami. Medyo malapit lang naman ito samin e.. Siguro? Yea siguro. Lakad. Lakad. "Tsk." Yari ako!! Di ko alam kung san na ang daan pabalik samin. Kung bakit naman kasi napakalawak ng subdivision na 'to eh. Hala... Hala naman!! >_< Lakad. Lakad. Ano bang street kasi yun? Yung bahay? Ano bang itsura nung last na bahay na dinaanan ko galing samin? Waah! Inaantok na ko. -____- Naghanap na lang ako ng taong mapagtatanungan. Pero buhay nga naman…. Walang tao!! Mga vampire ba sila at sa gabi na lumalabas?! Halos nalibot ko na ata ang buong subdivision eh! Nadaanan ko na nga ang clubhouse pati basketball court. Pero di ko pa rin makita ang entrance nung subdivision. Balak ko sanang maggo back to zero na lang baka sakaling makauwi pa ko na may suot na tsinelas. Feeling ko kasi mapudpod na to kakalakad ko eh! So yun. Hanap. Hanap. Wala talaga!! Maliban sa isa… Yung batang sumemplang na mukhang hayskul! Ang ganda ng tuhod niya... Puro galos. Di pa ata nakontento sa exhibition niya kanina. "Uh.. Miss!" Pakapalan na ng kilay este mukha pala. Magkaneighborhood naman kami eh. Kahit nalampasan nya ako. Bumalik pa din sya. Waah. Thank you po Lord. Hindi ko na po trip magexcercise sa hapon. "Uh.. Anything I can do for you?" Whoa... Siya na. Siya na talaga! Tingin ko dadanak ng dugo dito! Dugo mula sa ilong ko. Kalurkey! Medyo pagewang gewang siya sa bike. Siguro nga nagpapractice palang 'to. Kaya ayan ang inabot. Kawawang bata. "Uh.. Pwede ba akong magtanong?" "You're already asking.." E DI OKAY. Ikaw na ingleshera! Pilosopang bata! Hmp! "Okay.. Pwedeng magtanung ulet?" "Go ahead." "San ba yung papuntang Mississippi street? Medyo.. Naliligaw ata ako eh. Medyo lang naman." "Ah.. Tara." Aysows! Marunong naman palang magtagalog! Tapos tumalikod siya pati bike niya… Napakunot-noo naman ako, "Huh?" "Angkas ka po, ate. Ihahatid kita dun." Nagtatatlong isip ako.. Nakakatakot. Di ako natatakot sa bata pero dun sa pag'alok niya sakin na umangkas. Ee. Goodluck na lang. Baka mamaya madamay ako sa mga binabalak pa nyang susunod na exhibition. Kawawa ang magaganda kong tuhod, magsasacrifice para makauwi. Tsk. "S-sure ka?" tumango lang siya. Ayt. Mag-isip ka Lianne!! Pwede naman kasing maglakad di ba? Pero pagod na din ako eh. Tanggapin ko na lang kaya yung alok niya? AH!! "Ako na lang kaya ang magpatakbo ng bike. Tapos ituro mo na lang sakin yung daan. Mukha ka ng pagod e." Ayan. Tama yan. Magpakahumble ka. Tss. "Mm.. Okay. Are you good in biking?" at bumaba siya sa bike. "Hindi. Marunong lang. Tara." nakapwesto na ako at ready to go na. Nakaready na din siya habang nakatayo sa likod ko. "You're new here, right?" Habang naglalakbay kami, nagtatanong-tanong sya sakin ng mga kung anu-ano. Kung kelan kami lumipat, bakit kami lumipat, ilang taon na ko, san ako nag-aaral, ano ang hilig kong gawin, bakit yun ang hilig ko at madami pa. Slambook?? Hindi halatang madaldal siya. Akala mo rin na ang haba ng nilakbay namin sa dami ng mga tanong nya. Pero hindi e. Andito na nga agad kami sa tapat ng bahay namin in less than 15 minutes. "Thank you ah. Ano nga ba pangalan mo?" "I'm Kesha. How 'bout you? What's your name?" "Ah, ako si ate Lianne." Huwaw. Makapag'ate Lianne ako parang kiddie show lang. Haha! XD "Ah, sige po ate Lianne. Ciao!" "Ah, sige. Bye Kesha. See you around! Lagyan mo agad ng alcohol yang sugat mo!" sabi ko tapos nagwave. Tumalikod na ako para buksan ang gate. Pumasok ako at nagulat din sa nakita ko. "Bye ate!" tapos nagwave sya. Siinundan ko siya ng tingin na napailing naman ako ng hindi ko maintindihan. Nanlaki rin ang mata ko sa nakita ko. Shemay lang! Sa tapat lang pala namin nakatira yung batang yun?! It’s… wow. So ayun, di na niya ko hinintay na magbabye din ulit sakanya at pumasok na siya. Wow. Ang liit lang pala ng subdivision namin. Tulog. ... ... Ayun, wala naman akong ginawa kahapon. Tapos na din naman ang mga school works ko nung Friday kaya pahinga mode na lang ako. Sunday na ngayon. Complete Family day na din namin ngayon since andito na si Papa. Pero babalik daw ulit sya after ng New Year sa Germany para sa trabaho na naiwan nya dun sa company nila. As usual, nagsimba muna kami tapos kumain sa labas. Ayos naman. Masaya. Masaya kasi kumpleto kami ngayong araw na to. At masaya din kasi napromote daw si Papa three weeks ago kaya nga daw sya nakauwi dito. "Oh Lianne, may bisita tayo mamaya ah. Tulungan mo kami ni Manang na magprepare ng dinner." sabi ni Mama "Huh? Sino naman po, Ma?" "Si ninang Kristine mo. Basta mamayang gabi, makikita mo din yun. Ah-kay?" "Ah-kay." Wow. Bongga ah. May bisita agad kami. Chuchal! ^o^ Before kami umuwi, naggrocery muna kami. Para rin kasi yun sa dinner mamaya. So yun, nagpahinga muna tapos mga 4pm, nagready na para magluto. After magluto… Voila! Ang daming nakahanda. Anung meron? "Isang barangay ba ang bisita natin, Ma? Dami oh." "Tss. Loko ka talagang bata ka." napailing naman si Mama habang tumatawa, "Hindi. Isang pamilya lang. Special kaya sakin yung pupunta mamaya. Ninang mo yun e!" "Oh? Ah.." Wow. May ninang na namang susulpot. Haha. Sa totoo lang kasi, di ko kilala ang mga ninong at ninang ko. Siguro, dahil bata pa ko nun nung HULI ko daw silang nakita. Kaya ganun. 7:00pm. Eto daw yung oras na dadating ang bisita namin. Ayun, may nagdoorbell at binuksan naman ni Manang ang gate. "MAREEE!!" Parehas sila ni Mama at ng bisita nya sumigaw ng 'Mare' tapos sabay yakap. "Mare, kamusta ka na!" tapos pinalo niya sa braso si Mama in slow motion. "Okay lang ako mare. Ikaw ba? Naku, salamat nga din pala sa—" "Eto na ba si Yan Yan?" "Ah oo. Yung bebe girl ko. Lianne, magbless ka kay ninang Kristine mo." Kahit nagulat at nagulumihanan ay ginawa ko pa rin ang sinabi ni mama. Actually, hindi ko pa talaga siya nakikita. Never. Wala nga kong maalala na may ninang pala akong Kristine ang pangalan eh. Wow. "H-hello po ninang." Ngumiti ako at nagmano. "Wow.. Ang laki mo na ah. At ang ganda ganda pa." BLUSH. "P-po? Thank you po." ang labo na pala ng mata ni ninang. Tsktsk. Pumunta na sila sa dining area ni Mama. Nagtataka lang ako… Bakit mag-isa lang siya ang pumasok?akala ko ba isang pamilya ang pupunta ditto? Sisilip na sana ako sa labas ng pinto. At sa hindi ko malaman na dahilan.. Nanigas lang naman ako. "Kuya! I don't like her for you! Iba na lang, PLEASE?" "No. E bakit ba?! You don't have to interfere on my—" "Wala. Basta. Dali na ku—Oh! Hello there ate Lianne!" todo wave siya sakin. Kesha? "H—hi?" Nakita ko namang tumaas ang isang kilay ni kumag. Kuya? E di…. Magkapatid sila. Teka, teka. M-MAGKAPATID?! Whatda. "I'm so glad to see you again. C'mon! Let's go inside!" tapos hinila na niya ako papasok sa bahay. Homygulay. o_o Nandito na kami ngayon sa dining area. Medyo mahaba naman ang table namin kaya nagkasya kaming pito that suppose to be 'walo'. E kasi, hindi daw makakapunta sa dinner ang asawa niya, busy daw sa work. So yun... Ang sitting arrangement namin? Kesha - Ken - Ninang TABLE Papa Louie - Ako - Mama Napakaliit talaga ng mundo.. Hindi ko pa rin matanggap na magkapatid pala si Kesha at yung si Ken-kumag. Eh kasi…. Ewan. Tumingin ako sa magkapatid habang busy silang kumain.. Napansin ko lang… Di sila magkamukha! Kaya panung—? Di talaga ako makapaniwala. "Na alin?" napatingin naman ako kay Mama. "H-huh?" Hala! Baka habang nagdadaldal ako dito sa utak ko, nasasabi ko na pala nang hindi ko nalalaman. "Kumain ka na nga anak. Wala ka sa sarili mo." So yun. Pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko habang sila Mama, Papa at si Ninang ay nagtatawanan at nagkukwentuhan. Napatingin naman ako sa tapat ko. Nagulat ako na nakatingin din pala sakin si Ken. Pero hindi yung tinging nakakatunaw na katulad sa mga romantic lovestories ah. Tinging gustong mangtorture.. Joke! Magkasalubong kasi ang kilay niya so I assumed na gusto niya akong iligpit at ilagay sa sako. Ayun, inarapan ko nga. Haha. Natapos na kaming kumain at dumiretso na sa sala para doon ipagpatuloy ang masarap na pagkukwentuhan nila Mama. Dun ako sa arm chair ng sofa nakaupo. Wala naman akong balak na makipagkwentuhan din. So kahit presence na lang. Kaya eto, makikinig na lang ako ng music. Pero pagkaplay ko ng music, bigla naman tumingin si ninang at kinausap ako. "Po?" "Ka ko, pagpasensyahan mo na ko kasi ngayon lang ako nagpakita." tumawa naman ng malakas si ninang, "Ang dami ko na tuloy utang sayo." "Naku, okay lang po yun." ngumiti lang ako. "Talaga? Pero hindi. Kelangan kong makabawi. Hmm." nagpause naman siya na parang nag-iisip, "Ibigay ko na lang kaya 'tong anak ko sayo?" tapos tinap niya si Ken. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni ninang. SERIOUSLY?? Naku! Magbigay na si ninang ng kahit ano, wag lang yun! Di ko siya pinangarap na hingin! "Alam mo mare, parehas tayo ng dialog. Sinabi ko rin yan sa anak mo e." tumawa si mama, "Magkumare talaga tayo." Oo nga no… Parehas nga sila ng sinabi ni Mama. Ganun ba talaga yun pag magkumare or magbestfriend? Parehas ang takbo ng utak? WTH. Ayun. Kwento… Tawanan… Then kain ulit. Yung dalawang bulinggit este dalawang nagdadalaga at nagbibinata ay tahimik lang. Anong malay ba nila sa pinag'uusapan nila Mama. Yung isa, nagtetext. Tapos ako? Ayun, back to my monkey business, nagsasoundtrip lang. Mga 10:30pm ay nagpaalam na sina ninang. Sabi naman ni ninang sakin, babawi daw talaga sya. Magshshopping daw kami next weekend. Huwaw. Chuchal! XD Nung sinasara ko na ang gate. Nakita kong nagbabye sakin si Kesha. Nagbabye din ako sa kanya then nagsmile. Umakyat na ako at nagpunta na ng room ko. Sabay tapon ang sarili ko sa kama. Grabe lang. Nakakapagod ang araw na 'to. Napagod din ako kakaisip ng mga kung anu-ano. Nawindang ako eh. Tumayo ako at papunta sana sa banyo. Pero may isang bagay na naman ang ikinawindang ko. "What the hell." Grabe. Nakakailang WTH na ba ko?? Alam kong madami na. Gaaaah! >_< Napatago naman ako bigla, at di ko napigilang sumilip sa bintana. Magkatapat... As in, magkatapat kami ng kwarto ni kumag!!! Nakakainis at nakakagulat. Pwede namang room na lang ni Kesha di ba? E bakit sa kanya pa? Buti na lang never ko pang naiisipang maghubo't hubad dito sa kwarto at lagi ako sa banyo nagbibihis. Nakakailang tuloy! >_< Sinarado ko na ang kurtina. Ayokong makita ang karumaldumal niyang katawan! Mukha kasing magbibihis siya eh. Tsk. Napahiga ulit ako.. Grabe. Bakit ganun? Ang liit. Sobrang liit… Ay hindi. Maliit lang pala. Pero ang galing, na ewan. Una, si Ken at ako ay parehas na ninang ang mga mama namin. Pangalawa, we're childhood friends DAW. Yuck. Panu nangyari yun? Pangatlo, andito ako.. Andito kami sa iisang village. Iisang subdivision. At magkatapat pa. WTH di ba? Tapos pang'apat at huli… Magkakilala sila ng Super Crush ko. Magkaibigan pa sila ni Warren! >_< Nakakaelib ba yung ganun? Halos pinagkokonekta kami? Eh?? Yuck. Ano ba 'tong iniisip ko? Erase. ERASE. Lahat naman ng tao magkakakonekta.. Tama. Yun nga yun. Pero ang liit talaga ng mundo no? Chapter 28: Torpedo Normal POV Ella: Aya! Aya! Nakita mo yun?! NAKITA MO YUN?! Kyaah! Aya: Hindi. Hinde. Paulit-ulet? Paulit-ulet? Unli? Unli? Ella: Aya naman eeh. Aya: Paulit ulit ka kasi eh. Oh go. Ano ba yun at nangingisay ka dyan? Ella: Si.. Si AR. Aya: Huh? AR what? Ella: Si AR! Yung crush koo~ *u* Aya: O what about him? Ella: Nyek! Di mo nakita?! Kakadaan nya lang kanina eh~ Aya: Oh? Sya ba yung freshman na kacollege mo na mukhang Korean? Ella: Oo! Sya nga! Tama ka! Tama ka! Aya: Oo na. Ayan ka na naman sa paunli unli mo na yan e. Ella: Ee~ Aya naman eh. (Ian, lumapit..) Ian: Sus. Bading naman yun e. -___- Ella: Heh! E ba't ba? Okay na yun noh at least walang girlfriend! Hmp. Aya: Wala ngang gf pero may boyfriend naman. Yak. =___= Ella: Ee~ at least di ko naman pwedeng paginsikyorahan yung bf nun no. Tska wala kayang bf yun. Based on my source. Ian: Sus. Mukha lang Koreano yun e. Mas *asdjkledfmntadgja. (*gwapo naman ako dun) Aya&Ella: ANO?? Ian: Wala. Asan na ba sila? Aya: Malay. Ella: Haay~ *u* (nagdedaydream) Ian: Tsk tsk tsk (umiiling) Lianne's POV "Bibi.." *u* "Ow?" "Eee~" ^///^ "Huy. Para kang adik dyan. Ano ba yang pinagdadaanan mo Babe?" "Naeexcite na ko." "San? At anong meron?" "Duh! Magsisimbang gabi na kaya! At.. Eee~ Makikita ko na ulet si Matt." "Ah.. Kaya magpaliit ka na ng braso ngayon.. Tingnan mo oh. Tsktsk" sabi ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Joke lang." ^_^v Malapit na nga pala yung Simbang gabi.. And this is our last week in the university this year. And then? Christmas vacation na!! Sa Friday daw may Lantern Parade e. Sayang lang, di sumali yung section namin. Pero sino nga pala gagawa? E mga tamad kami. Haha XD One week... Eh? E di kelangan ko na palang mamili ngayon! Para sa gifts ko sa mga minamahal kong kaibigan. Hmm.. Ano kaya? "Oyy." Si Arkin pala. "Ow?" "Tara na. Kain na tayo." Then pumunta na kami ng cafeteria. Tine's POV Wushoo.. Sumasideline talaga 'to si Arkin oh. Grabe lang. Ngayon ko lang napansin na yung mga simple gestures niya kay B ko ay lagi niya palang ginagawa yun. At kay LIANNE lang. Pano ko nasabi? E di nagobserve ako. First, he really makes sure na nakauwi na si Lianne. Panay text pa nga yun kay B kung nasa bahay na daw siya. Although ganun din naman siya sakin kasi kami yung madalas magkakasabay umuwi pero mas ramdam mo yung pag-aalala ni Arkin kay Lianne. Second, parati niyang hinahanap si Lianne. Laging 'Asan na si Lianne?' 'San siya nagpunta?' yung ganun. Concious siya pag di namin kasama si Lianne. Pero di namin napapansin yung mga ganung tanong niya. Walang meaning. Next, bukambibig niya ang pangalang 'Lianne'. As di nawawala sa topic namin si Lianne sa tuwing kami na lang dalawa yung natitira pag nahatid na namin siya. Well, I took it as the number 1 sign na may gusto ang isang tao, bukambibig mo ang pangalan niya. Ayun. Madami pa e. Pero medyo mga simpleng bagay lang. Tulad nito, inaaya na ni Arkin kumain si Lianne tapos ako hinde! See? Kadayaan. Tch. -___- Andito na kami sa cafeteria. Ang dami ng tao. Buti may nakuha pa kaming pwesto. Kumpleto na din ang barkada. "Arkin. Pasabay naman ng pagbili ng juice." sabi ko. Tingnan nyo mamaya, aalukin din nya si Lianne magpasabay sa kan-- "Ikaw Lianne? Magpapasabay ka ba?" O' kitams? Nagmumoves like a jagger tong si Arkin e nu? Haha XD "Di na. Sama na lang ako sayo." sabi ni Lianne. Kung kaparehas lang siguro ang mga lalake sa mga babae, makikita mong kinikilig yan with matching blush pa. E wala e. Kaya ayan. Pangiti-ngiti lang sa tabi. Wuu~! Landi mo Arkin! "Ngumingiti-ngiti ka dyan?" ow. Napansin niya pala. "Pakelam mo?!" pataray na sabi ko sa kanya. "Tsk tsk." umiiling iling na lang siya. And then poof! They left. Okay naman si Arkin. Actually, he's pogi talaga. Ewan ko ba dyan kung bakit nagsasalamin pa din e hindi naman gaanong malabo ang mata nya. Nagmumukha tuloy syang nerd na gwapito. At kung may balak syang ligawan si Lianne, e di gora! Wala namang masama kung magkainlaban ang magkaibigan, right? Mas okay nga yun e. Boyfie mo yung bestguy (bestfriend na guy XD) mo, at least, compatible na din kayo with each other. "Hindi kaya!" "Huh?" Napatingin naman ako bigla kay Aya. Akala ko nagooppose sya sinabi ko e. May kausap lang pala sa phone. With matching magkasalubong pa ang maninipis na kilay niya. Anyway, where are we na ba? Ahm, ayun. Bet ko naman si Arkin para sa bestfriend ko. Wala rin namang lovelife si Lianne kaya okay na yun. Magpapakatulay na ba ako? Nah, wag muna. Magoobserve muna ako. ^__^v Arkin's POV (Waah~ PumiPOV din! Haha! XD) Tss.. Parang ewan si Tine.Ngumiti-ngiti pa. Wew.. Nahahalata niya na ba? Yari ako. "Ey Arkin. Bili ka na." "Ah, oo." Kasama ko ngayon si Lianne. At ang saya ko.. Oo na. Lagi ko nga syang nakakasama. Pero iba pa rin kung kami lang dalawa. Parang... nasosolo ko sya. "O tara na. Ano ba bibilhin mo?" "Mmm.." nagpout siya then nilagay nya ang hintuturo nya sa baba nya. Tss. Pacute talaga 'to. E di siya na cute. "..Tara punta tayo dun! Dun!" tapos sabay hila nya sakin. Tss. Para talagang bata. Pero ang cute. Kung tatanungin nyo ko kung kelan nagsimula to? Ang masasabi ko ay HINDI KO ALAM. Nagulat na lang ako na isang araw, napapangiti na ko pag magkakasama kami...at kasama sya. Actually crush ko nga 'tong humihila sakin e. Naging crush ko sya nung first year kasi.. Ewan. Iba yung pagiging hyper nya. Ang kulit. Tapos mahilig rin sya sa mga rock and accoustic songs, nun lang kami naging close sa pagkukwentuhan namin sa mga kantang yun. Pero ngayon... Wala na. Di ko na sya crush.. Gusto ko na sya. Magkaiba ang crush sa like, hindi ba? Lumivel up lang. Ewan. Narinig ko lang yung sa mga babaeng nagchichismisan. E di ko naman sinasadyang makinig. So yun. Ang crush daw ay paghanga. Nagkacrush ako sa kanya dahil attitude nya na weird. Ang gusto, gusto mo na talaga sya. Ayy? Ang ganun nga din pala yun. Basta. Gusto ko na sya. Ang buong pagkatao nya. Kahit hindi mawari. Kahit naiinis na yung ibang tao sa pagkaOA niya. Kahit 1 and a half year palang kaming nagkakakilala, sapat na yun para magustuhan ko ang babaeng nagsasabing boring daw sya. Abnormal lang 'tong babaeng to. Hindi siya boring. Nakakatawa nga e. Di ko alam kung nababading ba ako o kung ano. Di ko kasi masabi na gusto ko sya. Kung may mga pagkakataon man tulad nito na magkasama kami, wala akong lakas ng loob para magsabi. Ang torpe ko.. Oo, ang torpe ko. Di ko alam kung bakit may nabubuhay na nilalang na tulad ko dito sa mundo. "Nakabili na ko. Tara na." sabi niya. "Ang bagal mo." sabi ko. Ayan, lagi ko namang ginagawa yan eh. Syempre para di mahalata na may secret feelings ako sa weirdong babae na 'to. "Ayy sorry ah!" sarcastikong sabi niya. Haha. Nakakatawa lang. Chapter 29: Electric shock Lianne's POV Ilang days ko ng di nakikita at nakakasabay sa bus si Warren.. HAAAY.. Kelangan ko ba ulet malugmok sa kalungkutan para magpakita lang sya? Lagi syang ganun e.. Pasulpot-sulpot. Pero hindi. Paano ako magiging malungkot, e masaya nga ako? Ayt. Bahala na nga. Last day namin today.. Ang bilis ng araw no? Lantern Parade na ng university mamaya tapos simbang gabi na mamayang gabi. Then bukas, simbang gabi naman sa madaling araw. Haha! May kilala akong naeexcite dyan at gusto pa akong isama. Para daw makita ko sa personal yung Matt niya. Kahit ako naeexcite din para sakanya :> "Oh, di ka pa ba uuwi?" "Maya-maya na. Tapusin ko muna tong Lantern Parade." "Akala ko ba excited ka? E ba't parang di ka nagmamadali?" "Pampatense-out." "Hanu daw?? Gawa gawa ka na naman Babe ah. Haha." "Natetense kasi ako eh. Di ko alam ang gagawin ko pag nakita ko si Matt. Eee~! Kinikilig ako na kinakabahan!" "Haha. O sige." Andito kami ngayon sa UTMT. Ang favorite tambayan. Kitang kita din kasi dito ang quadrangle kung san magpapaikot ikot ang mga naglalakihang parol. May choral contest din kaya okay na din 'to, at least may mauupuan kami. "Ayy! Oo nga pala!" Kinuha ko ang bag ko. Andun kasi yung mga gifts ko sa kanila. "Guys, here oh." sabi ko. "Kyaah! Thank you B!! Super duper Alabyusomuch!! Waah! May 'xoxo' na ko!" sabi ni Tine. "Waah! Thank you sis~! ^__^" -Ella "Thanks tol." -Ian "Thanks Lianne." -Jin "Oy, bading. Thanks!" Tapos niyakap ako ni Sab. "Thank you Lianne! Mwa." niyakap din ako ni Aya. "Wow! Thanks Lei." sabi naman ni Arkin. "Lei??" "Ang haba kasi ng Lianne eh. Kaya Lei na lang."sagot naman niya. "Eh—" "Wag ka ng kumontra." E di okay! Isa pa 'tong imbentor e! Pero, ang cute. Haha, sige Lei na lang. ^___^ Nilagay na nila sa mga kanya kanyang gusto nilang paglalagyan yung binigay ko.. Halos lahat sila sa cellphone. Yeah, keychain kasi ang mga gift ko sa kanila. Wala kasi akong maisip e. Maganda naman yung keychain. Pangalan nila yung nakalagay. "Ang kuripot mo talaga Lianne. Nung last year, magic pencil yung binigay mo na may first letter ng mga names namin. Tapos ngayon, ito. Imba ka talaga." sabi ni Jin habang tumatawa. "Ang bad mo! At least nga nageffort ako e! At tska lumevel up na kasi buong pangalan nyo na yung nanjan!" ang sama ng lalaking 'to. Di man lang naapreciate! Hmp. "Haha. De joke lang. Thank you let." O___O Hala yare. Niyakap ako ni boyfie ni Sab-bubog. "Wuy, Jin! Awat na. Yare tayo sa asawa mo!" "Yaan mo siya. Di ko asawa yan." *POOK!* "...Aray naman. Joke lang. Nagtethankyou lang e." Haha! Ayan tuloy. Nabatukan. XD Tapos nagbigay na din sila ng mga kanya-kanyang gifts para samin. Ayun. Ang kucute :"> Lalo na yung bigay ni Arkin! As in niyakap ko na talaga sya dahil sa tuwa! Binigyan nya kasi ako ng keychain na Cookie Monster! My favorite! Yung parang maliit na stuff toy? Sobrang tuwa ko talaga kasi ang CUUUTE! Super! ^____^ "Thank you! Thank you talaga Arkin!!" Di ko na napigilan at niyakap ko si Arkin. Haha! Ang saya kasi! "Oo na. Oo na. Walang anuman." Tapos bumitaw na ko sa kanya. Haha! Nasakal na ata siya. XD Ayun. Nanuod na kami ng Lantern Parade. E magse-7pm na din kaya hinatid muna namin ni Arkin palabas si Tine. At nagpaalam na din siya sa iba. "Bye B. Merry Christmas." tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit, "Mamimis kita. Magpakataba ka ah." "Haha! Baliw ka Babe! Nagdidyeta nga ko e! Merry Christmas din. Iloveyousomuch." "Iloveyoumore." then kumalas na siya sa pagkakayakap. "Good luck para mamaya Babe. Aja!" "Thanks. Geh. Aja!" tapos pumunta siya kay Arkin para magpaalam na rin. "Thanks sa gift! Merry Christmas!" "Thanks din." Nagbabye din siya tapos nagbeso, "Geh babye! Merry Christmas!" Arkin's POV "Thanks. Geh. Aja!" tapos lumapit sakin si Tine para magbabye. "Thanks sa gift! Merry Christmas!" "Thanks din." tapos dinikit nya ang pisngi niya sa pisngi ko. "Ngayon mo na sabihin.." Tapos nagbabye na siya. "Geh babye! Merry Christmas!" Wow. Wow lang talaga... Ganun na ba talaga ako kaobvious?? Yare! "Wuy. Tulala ka dyan? Tara na. Start na ata yung choral contest." "Huh? Ah, oo. Sige." Tsk. Biglang sumakit ang ulo ko. Anak ng?? PANO NIYA NALAMAN YUN?! Tsk. Grabe talaga. "Wuy, okay ka lang ba?" Sasabihin ko na ba talaga sa kanya? "Wuy. *poke.poke*" E kaso... Baka magbago naman ang lahat pag sinabi ko sa kanya.. Ayoko naman nun no. Yung pagkakaibigan nga lang namin ang pinanghahawakan ko eh.. Tapos mawawala pa? Di pwede yun. *POOK!* "Aray naman Lei!!" grabe tong babaeng 'to. Batukan daw ba ako? Lakas nun ah. "Kanina pa kasi ako WUY ng WUY e! Para kang nakadrugs! Di mo ko naririnig! Nakatitig ka lang saken!" Oh? Di ko napansing nakatingin pala ako sakanya? Tsk.. "S-sorry." "Ano ba nangyayari sayo? Okay ka lang ba? May sakit ka ba?" tapos inilagay niya ang kamay nya sa leeg pati sa noo ko. ERR! Ito na naman!! Nakokuryente talaga ako pag hinahawakan niya ko. Ano ba yun?! Kanina din e, para talaga akong nakuryente nung niyakap niya ko. Para ngang nagsitaasan lahat ng balahibo ko kaya pinabitaw ko siya. TSK! I hate this kind of feeling! "Hindi okay lang ako. Wag mo na akong hawakan." umiwas ako, "Nanananching ka lang eh." "Ang kapal mo talaga!!" tapos pinalo nya ko. Ayan na naman!! Naglakad na ulit kami papuntang UTMT. Psychology students ang mga kumakanta. Ayun. Maganda naman. "Ang galing nila.. Wow." "Mas magaling ka kaya." "Hmm?" di niya ata narinig yung sinabi ko eh. Bingi talaga. "Wala." Nakabalik na ulit kami sa pwesto namin.. Sina Ian, todo kung makinig. Music lover din kasi. Magaganda naman kasi ang mga performance ng mga contestants. Pero mas maganda yung... katabi ko. "Wow." Kanina pa sya 'Wow' ng 'Wow'. Manghang mangha talaga siya e nu? Dati daw kasi kasali sa choral group. Kaya ayan, super kung maka'Wow. Ang cute pa niya kasi tumataas taas yung kilay. Habang nakatutok siya sa stage, ako naman nakatutok sa kanya.. Ang ganda ng mga ngiti niya. Halatang masayang masaya siya. Sana pala sumali ako dyan e.. Para isa ako sa mga nagpapasaya sa kanya. Siguro magiging proud din siya sakin pag ganun. Sayang lang. Bagsak ako sa tipo niyang lalake.. Pero, palangiti naman din ako ah? Sabi nila gwapo daw, tapos matangkad din, matalino. Yun nga lang, nasa ilalim ng isang makapal na salamin.. Hindi ako cool dude katulad ng mga crush nya dito sa school.. At tingin ko wala din akong pag-asa.. Meron syang sobrang gusto e. Mas higit pa sa mga crush niya dito? Gusto ko sanang makita yung maswerteng lalaking yun para makita ko kung anong nakita sa kanya ni Lei. Para sa ganun.. Mapapansin niya din ako. *Snap* "Wuy. Problema mo?" Sheet. Nahuli na naman niya ako!! "Ang dungis mo. Magpunas ka nga!" ayan. Magdahilan ka. Ang engot mo talaga Arkin. "Huh? San? Ituro mo dali!" "Dito oh." Tapos pinunasan niya ng panyo yung parteng tinuro ko sa kanya, "Eh, pinupunas ko, parang wala naman." "Akin na nga!" kinuha ko yung panyo at tinatanggal ko ang kunwaring dumi na sinabi ko. "Wala na?" "Yea. Wala na." Para-paraan nga naman.. Mas natitigan ko ang magandang mukha niya. Lianne's POV Tapos na ang Christmas program! Ang ganda at ang saya pa! Ayun. Uwian na. Hinatid na ako nila Arkin papunta sa sakayan ko at nagbabye na sa kanila. Habang bumabyahe ako.. Di ko namalayang nakatulog pala ako. Siguro napagod ako kanina kaya ayun. Buti na lang pala at nagising ako kasi malapit na ako sa bababaan ko. Kundi.. Lagot na. Nung nakababa na ako sa bus.. Nagtrike pa ako. Grabe, sobrang inaantok na talaga ako. Gusto ko ng mahiga sa kama. Waah.. Ayun. Buti naman at nandito na ako sa tapat ng bahay namen. YEY.. -__- Sa likod ko, narinig akong sasakyan tapos tiningnan ko.. Ayun, pinark nung driver yung sasakyan dun sa tapat nila Ninang. Hmm. Hula ko si...? At lumabas na siya mula sa kotse. Sabi na nga ba. Bago siya pumasok sa loob ng gate nila, napatingin siya sakin. Ang tagal ng tingin niya.. Parang, parang kinakibisado niya ang mukha ko. At mukha siyang.... Lasing. LASING? Pero nagulantang ako nang bigla siyang magsalita na nagpalaki naman ng mata ko... "Hoy... Panget." WHAT THE HELL?! ASDJKLMNDEF!! "Kapal mo! Kala mo kung sinong gwapo. Mas panget ka sakin noh!!" At ang kumag!! Di ako pinansin! Dumire-diretso lang sa pagpasok… Bwiset talaga yun! Chapter 30: MATTinding MATTindi Tine's POV Naeexcite na talaga ako! Kyaah! Pero at the same time, kinakabahan ako... Makikita ko na kasi ulet si Matt ko :) Oo na. Ako na feeler! E ba't ba?! Hindi niya naman alam... Ayy oo nga. DI NAMAN NIYA TALAGA ALAM. Di nIya alam na may gusto ako sa kanya. At hindi ko alam kung panu nangyari yun... Basta. Bigla na lang nung unang araw na nagkita kami... Unang araw ng Simbang Gabi. Ayan, napapangiti na naman ako! Haha. Ang landi ko ba? Fine! E sino ba naman kasi ang hindi magmiminalandi kung ganun kagwapo naman ang nakita mo di ba? I bet that you would feel the same, too. Siya una kong nakita nun e. As in siya lang... *FLASHBACK* Weee.. Andito kami ngayon sa USTE. ^__^ I'm with my other bestfriend. Actually, she's my childhood bestfriend. As in simula pa nung 5 years old ako na nasa prep pa ko, we're friends na talaga. That's why she's my bestfriend the first! Her name is Cindy. Kilala din siya ni Lianne and at the same time, close din sila. Pero ako kasi kapitbahay ko si Cindy and si Lianne ay medyo malayo ang bahay nila mula samin kaya bihira lang sila magkita. But we're bonding together pag may time. "Wow. Buti nakaabot tayo Top! Di pa nagsstart yung mass." says Top. "Top" yung endearment namin. Dapat kasi "Toffy" eh. E kaso ang haba kaya ganun. Hihi. "Oo nga e! Ang traffic naman kasi sobra!" sabi ko habang naglalakad papunta sa loob ng church. Grabe kasi ang traffic papunta dito. E galing pa akong school. Mga 7pm na kasi akong nakaalis e. Tinapos ko pa yung Lantern Parade. E naexcite naman ako kasi first time ko yun na makapanuod ng isang parada ng mga naggagandahan at naglalakihang parol. Kaya ayun, di ko napansin ang oras. E may mass ngayon ng 8pm! Thank God talaga at nakaabot kami. Pumasok na kami sa loob at naghanap ng mauupuan. Madami na din kasing mga tao. Good thing, nakahanap agad kami. Di pa man kami nakakaupo ay biglang sinapian tong si Cindy. EH?? O_o "OMG Top! My gosh!" Aray... Aray talaga. She kept on pinching me while whispering those words! What the heck? "Aray ko Top! Sinisira mo ang magandang balat ko!" >.< bulong ko naman. Kelangan naming magbulungan. Nasa simbahan kami e. "E kasi.. Eeeek! May hebor!" bulong niya naman. WALANGYA. Kaya naman pala nagwawala ang kaluluwa nito kasi may hebor nga daw. Hebor means gwapo or pogi in our terms. Oh well, pauso kami e! "Huy," tinapik ko naman siya, "mamaya ka na magminalandi dyang bruha ka. Nasa simbahan tayo!" bulong ko ulit. "Aray naman Top." hinimas himas nya ang braso niyang pinalo ko, "Tingnan mo muna. Over talaga as in!" tapos tinuturo niya yung sa kabilang side. Actually medyo mukhang malapit lang naman yung hebor na sinasabi niya. Nasa may dulo kasi kami nakaupo after nung isang babae. Then malapit kami sa aisle. Nasa kabila naman daw yung sinasabi nya na malapit din sa may aisle. Sisilip ba ko O sisilip? Err.. Why silip? Ah. Kasi baka mahalata kami. Dahan-dahan kong inuring ang ulo ko. Adjust ng konti. Lingon-lingon. And there… OH MY. Kinurot kurot ko na si Top! Shocks! Totoo nga yung sinasabi niya. He's a drop dead gorgeous…As in! "Wuy! Ikaw naman nagkaganyan! I told ya." sabi naman ni Top habang sumisimpleng tingin pa din. Actually, there are group of guys and they're all handsome! Pero isa lang talaga yung napansin ko dun sa mga hebor na yun. Yung may Justin Bieber hairstyle then may pagka blonde yung buhok. "Top... Ang hebor niya.. Shocks." medyo nabubuang na ko kakasmile. Ang gwapo niya talaga... Ang gwapo ng mukha. Matangos ang ilong. Has tantalizing eyes although, medyo nakatakip ang buhok niya sa eyes niya. May pagka Justine Bieber kasi ang hairstyle niya na mahabang version. Medyo umabot na kasi sa may leeg niya. At ang nakakaloko pa, nagsmile siya! Nagkukwentuhan sila ng mga kasama niya. Grabe, kinikilig ako! "Ona. Tama na. Magstart na ang mass." sabi naman ni Top na kinikilig kilig din. Haha. Natapos na ang homily and stuff then magpipeace offering na. Nilapit ko ang pisngi ko kay Top para ibeso siya. Habang nakabeso ako, nakita ko namang nakatingin ang grupo ni Hebor. Napaalis naman ang mukha ko bigla kay Top. Shocks! Nakatingin sila! >///< "Top. Timingin sila dito.." sabi ko habang nakakapit sa shirt ni Top. "Oo. Hanggang ngayon nga din e." nakatingin siya sa side nung Hebor. "Eh?" Nagsmile naman si Top then nagpeace sign dun sa kabila. Tch. Kaw na kinikilig dyan. "Uyy Top." kinalabit niya ko. "Oh?" Tinuro niya gamit ang mata niya yung group of guys kung saan yung hebor. "Huh?" Natapos na ang peace offerring. Then nagtuloy tuloy na. End na yung mass. "Tara na." sabi ko. Hindi ko na inintindi yung Hebor. At least medyo nainspire naman ako kahit papanu. Haha. "Alam mo ba Top, hinihintay ka nila na tumingin sa side nila? Ang adik mo." "Eh. Yaan mo sila." pero deep inside. Nanghinayang ako dun. Di ko naman kasi agad nagets yung ginawa ni Top kanina e. Parang nagroroll lang ng eyes na ewan. Nakalabas na kami ng USTE para umuwi na. Habang nagkukwentuhan kami ni Top, bigla namang may nagsalita na 'Ingat kayo Baby'. Nacurious naman kami then napatingin naman kami sa likod.. And BOOM!!! Yung group of hebors nasa likuran namin! Nung napatingin naman kami sa kanila, lahat sila nag 'HI' then nagwave with a charming smile. Pito silang lahat. Hala ka. Ayun! Hinila ko si Top para maglakad ng mabilis! Di ko matake yung nararamdaman ko lalo na nung napatingin ako sakanya at nagsmile sa sakin! >///< "Take care, Baby!" Err! Goosebumps! *END OF FLASHBACK* And there. After nung pangyayaring yun, lagi na namin silang naabutang magsimba dun. Dumating pa nga yung time na nauna akong nakarating sa church before Top and I think sinamantala nila yun kasi wala nga kong kasama na HINDI PA DUMARATING ay kinuha nila yung number ko. And y'know what? Cellphone ni Matt yung inilabas nila para paglagyan ng number ko! *FLASHBACK again* Hala ka! Lahat sila nagsipuntahan at umupo sa mga vacant seat sa inuupuan ko tas yung iba naman, sa harap pati likod! Anung meron? "Hello po!" sabi nung isang cute guy. Cute lang sya kasi medyo maliit sya. Pero he's handsome. "Hello din." ngumiti ako pero ngiting parang natatae. Naguguluhan ako, ba't sila nagsilapitan dito? Tapos si Top, ang tagal! Dapat pala sinama ko nalang si Lianne para may kasama akong naghintay dito! Naiilang ako e. "Ahm, pwede po bang malaman ang name mo?" sabi naman nung isang maputi na gwapo din. "H-huh? Ah. Eh.." Anu? Sasabihin ko ba? HINDI KO ALAM! >_< "Pasensya na pala kung ganito kami ah. Ang ganda mo kasi eh.." OH. EM. GEE. Sino yung nagsalita?! Shocks!! MAY ANGHEL NA NAGSALITA MULA SA HARAP KO!! Si JB look alike!! >///< "H-huh? Ah. Eh.. Okay lang po." napayoko ako bigla. Di ko talaga alam yung gagawin ko! At anu daw? Maganda daw ako? Oh my goodness! "Ahm, ate, pwede ba namin malaman ang name mo?" sabi naman nung katabi nya! "Huh? Uh... Jazztine po." ayan na! Nasabi ko na tuloy! "Ah.." sabi nung isa. Tapos siniko nya yung gwapong matangkad then bumulong "Kaya naman pala maganda e, ganda din ng pangalan." Tch. Bumulong nga, rinig naman. Nakayuko pa din ako. Feeling ko nakatingin silang lahat sakin e! Natutunaw ako! >_< "Uh... May kasama ka ba Jazztine?" sabi nung gwapong matangkad. "Uh... Meron po. Papunta pa lang po kasi sya." panay 'Po' ako. Di ko naman kasi sila close! "Ah. Pwede po bang makipagfriends?" sabi ulet nung cute guy. Tumango lang ako then nagsmile. Shocks talaga! Anu ba tong ginagawa nila?? Nasa simbahan tayo mga gwapong nilalang! Maghunos dili kayo! Oy! "Thanks. Pwede po ba namin makuha yung number mo?" sabi niya ulet. Wow ha, bilis! Galing rin niya kasi siya yung spokesperson nila! PERO. Ibibigay ko ba? Napatingin naman ako bigla kay JB look alike! Nagsmile siya sakin! Ohmygolly.. o///o "Uhm.. Sorry. Di ko po kasi pinamimigay yung number ko." Oh. Akala niyo yan yung sinabi ko? HINDI NOH! Nagayuma ata ako sa smile nya at kinuha ko yung cellphone na inabot nila sakin then nagtype… Di ko alam kung panu nangyari yun! "Thanks Jazztine. O, Matt oh." tapos inabot niya kay... Kay… "Hello, I'm Matt." "H-hello." Gusto kong sumigaw! AS IN! Nakipagshake hands pa siya sakin! >///< Tapos isa-isa nang nagpakilala sila. Pero kay Matt lang ako nakipagshake hands. Grabe! *END OF FLASHBACK again.* Oo na! Ako na! Ang lambot kaya ng kamay nya. Swear! After nung nakuha nila nung number ko. Super ngiti naman sila. And ako? DOBLE ANG NGITI KO SA NGITI NILA. The next night, ganun ulet. Nasa kabilang side kami ni Top with her cousin Dahlia. Then SILA. As those group of handsome guys, nasa kabilang side. Di pa nila ako tinetext nun but I was expecting to someone to text me... Si Matt. That time, nung Peace Offering na. Sinabi ulit sakin ni Top na hinihintay nila akong tumingin sa kanila. So anu pa nga ba magagawa ko? Tumingin ako sakanila then I smiked with a peace sign. Pero yung mata ko, na kay Matt lang. As in talaga sa kanya lang. Buti nga di nila napansin e. The next night, which is the fourth night of Simbang Gabi, ganun pa din. Pero this time, nasa harap na namin sila ni Top. Unlike dun sa mga pwesto namin na nasa magkabilang side namin. Ayun. Nagcelebrate ang buong kaluluwa ko! Mas nakikita ko kasi sya ng malapitan. Nasa may left side nya ako nakapwesto kaya nakaside view siyang tinititigan ko. 'Grabe... Ang gwapo nya talaga' sabi ko sa utak ko. Antae lang! Di ako makapagconcentrate kasi imbes na sa pari ako tumingin, sa mukha nyang napakagwapo ako napapatingin! Nakakainis. Then for the second time around, I saw him smiling again. Then medyo tumatawa sya. Mga loko loko talaga yun.. Pero, ang gwapo talaga nya :"> He's one of my Biggest Crush na talaga. Bihira lang kasi akong magkacrush sa isang tao. Ewan. E ganun ako e. Pero after nung fourth night na yun. Dumaan ang fifth, sixth, seventh, eighth and ninth night.. WALA NA. They never attended the mass again. Or maybe, madaling araw na sila nagsisimba. I don't know but I kinda felt sadness on those nights. Pero medyo lang. Syempre kasi di ko na siya nakikita. Di nga rin nagtetext e. Di ko naman alam kung na-add na ba nila ako sa fb kasi di ako mahilig magopen ng mga social networking sites. Di naman kasi ako mahilig sa computer. Si Lianne lang. And speaking of Lianne. Nakwento ko sa kanya yung about dun nung January na. Di ko kasi siya macontact nung bakasyon. Ang abnormal na babae, e nawalan pala ng phone kaya pala ganun. =_= So yun, after ko makwento. Kinikilig at nanghihinayang daw siya. Ang adik lang. Then nung January din, I didn't expect it. SOBRA. One night, habang nakahiga ako sa kama ko, may biglang nagtext sakin. Unregistered number. 'Good evening! Hi Jazztine :)' Nagtataka naman ako kung sino tong nagtext. Di man lang sinabi kung sino sya. 'Who's this po?' 'Haha. Kahit sa text talaga nagpo'PO ka ah? Si Paolo po ito.' Huh? Paolo~ wala ata akong matandaang Pao—nagtext ulit siya. 'Si Paolo to. Yung nakipagfriends sayo nung simbang gabi' Ahh! Yung gwapong matangkad. Siya pala yun! 'Ah. Ikaw po pala yun. Kamusta po?' So yun. Nagkatext kami. Yet, I felt disappointed... Although, medyo crush ko din siya. Ee.. iba kasi ang ineexpect ko na magtext sa kin nun. Si MATT. Siya yung ineexpect ko na unang magtetext sakin kasi nasa phone niya ang number ko. Medyo nakakalungkot lang. Pero days passed, natuwa ako kasi yung hinihiling ko ay natupad na din. Nagtext na kasi sya saken nung mage-end na yung January. Ayun, syempre kinilig ako ng bongga. Ayun, nakakatext ko sya pati din si Kuya Paolo. Kuya Paolo tawag ko sakanya kasi 2years ang gap namin. 17 ako, 19 sya. Kaya ayun. And to make the long story short, kaya ko inangkin si Matt ng bonggang bongga ay dahil nafall na talaga ako sa kanya.. I don't know. He always called me on the phone. Mostly, every night lalo na nung bakasyon. Grabe, di ko ineexpect na ganun pala sya. Ang kulit nya at madaldal din. Ganun din naman ang impression nya sakin nun kasi lagi kaming nagkukwentuhan sa phone ng kung anu-ano. Pero dumating yung time na nawindang ako sa sinabi nya thru text. Magkatext din naman kasi kami no. 'Oh ikaw naman. Bakit wala kang boyfriend?' 'Huh? E wala e. Haha.' 'Ganun? Bakit naman?? Sa ganda mong yan?! Impusible' 'Oo nga. Wala talaga :)' di ko alam. Nagmiminalandi ako nun. haha 'Wala ka bang mga suitors?' 'MGA suitors talaga ah? Haha. Meron naman..' 'Haha. Ganun ba? Ako kaya, kung manligaw ako, may pag-asa ba ko? Haha! JOKE! XD' 'Haha.' yan reply ko. Yun! Yung word na JOKE na yun! Okay na eh! Ayun na! Pero may JOKE!? Tapos may 'XD' pa? What the hell! Sana tinototoo niya na lang! >_< Lagi siyang ganun e. Everytime na babanat sya or something na papakiligin ako, laging may JOKE! sa dulo! Amp. Ayoko rin naman kasing mag'assume... So yun, kahit puro joke lang. Ganun pa din ako sa kanya.. Actually after that fourth night, di ko na sya ulet nakita. Thru phone lang talaga kami nagkakausap. And now? I. AM. SO. EXCITED. Super excited ako na makita ko sya ulit! Nakahanap na kami ng mauupuan ni Top at Dahlia. Actually, DUN PA DIN. The same chair and place when we met. Tumingin-tingin ako sa paligid. Hoping na andyan lang sya somewhere. Pero... Dumami na ang tao at nagsimula na ang mass, di ko pa din sya nakita.. "THANKS BE TO GOD." Then everybody clapped, including me. Andito na kami sa labas ng church ngayon at pauwi na. Ayun, umuwi akong luhaan. Di, Charr lang. Malungkot ako, syempre. I was looking forward for it to see him again. SIGH. "May bukas pa naman. May 8 nights pa. :)" I said while looking at the stars on my window. Ang emo ko e no? Haha! See you soon, Matt :) Chapter 31.1: MR. CLICK! Lianne's POV Wee! Yehey!! I think I will enjoy my vacation this year! Kasama kasi namin ngayon si Papa at kumpletong kumpleto kami! Wee! Ang saya! Makakasama namin ngayon si Papa this Christmas and this coming New Year din! Last year kasi di umuwi si Papa dito sa Pilipinas e. Yung boss niya kasi.. Amp. Oh well, mag'a out-of- town nga pala kami. Somewhere in Visayas Region. Dun ata kami sa Resort ng Lolo ko pupunta. Huwaw! Nakakatuwa! Dun daw kami magki-Christmas. :3 "Oh Lianne. Okay na ba yang mga gamit mo? Baka may makalimutan ka ah. Naku." sabi ni Mama. Inaayos na namin ang mga bags namin sa loob ng van. "Opo, Ma. Wala na akong nakalimutan. Kumpleto na po lahat." sabi ko. "Okay. Good." "Mareee!!!" Huh? Napatingin ako sa likod. Si ninang Kristine pala. "Oh mare, are you ready?" sabi ni Mama. "Kanina pa! Let's go!" sagot naman ni Ninang. At nakita kong lumabas si Ken-kumag sa bahay nila dala dala ang mga bagahe nila.. Wait. BAGAHE?! "Ninang, sasama po kayo?" sabi ko. "Yes, hija. It'll be much happier kung magkakasama tayong mag-Christmas, ‘di ba?" "Ah.. eh. Oo naman po. Hehe." then tumawa ako ng pilit. Waah! It can't be! Okay lang ako kung tatlo lang sila Ninang, Tito Jayvee, at pati na rin si Kesha! Pero wag lang yung maliit na matang yun!! Inilagay na nung Kumag yung mga bagahe nila sa malaking van. Tsk! Wag na nga kasi siyang sumama! >.< "Oh Lianne, pumunta na kayo dun. Aalis na tayo." sabi ni Mama. Amp.. Bubuksan ko palang ang pinto ng van pero bigla naman akong pinigilan ni Mama. BAKET?? "Oh, san ka pupunta?" "E di dito po. Papasok sa loob." "DUN. Dun kayo sasakay." tinuro ni Mama yung black na Ford. *Beep. Beeep!!* "Oh, ikaw na lang ata yung hinihintay dun! Pumunta ka na!" aray naman. Makatulak 'tong nanay ko. =_= Ayun. Papunta na ko dun sa tinurong kotse ni Mama. Tss. Bakit ba kasi hindi ako dun sasakay? E andun nga si Lou— "Ate ang bagal mo!" Huh? Andun din si Louie sa kotseng black!? Binuksan ko na ang pinto at papasok na sana e kaso, nabaliw na ata tong kapatid ko. "Oh ba't ka nandito?! Du—" "Malamang dito ako sasakay! Umurong ka nga!" umurong naman siya. "Ee, wag ka dito ate. Masikip! Napakataba mo!" Huh?! ANO DAW?? Lokong bata 'to ah! "Hoy! Ang kapal mo! Anung napakataba dyan?!—" "Dito ka kaya sa tabi ko! Nakikipagsiksikan ka pa dyan e." napatingin naman ako sa harap.. Si KEN?? "Bilisan mo! Ang bagal!" dagdag pa niya. I rolled my eyes then pumunta sa passenger seat na tabi niya. KAASAR!! Bakit dito ako?! Sana dun na lang ako sa bubong o kaya sa gulong ng van na sinasakyan nila Mama! Errr!! Nagcross-arms lang ako then I look away. Badtrip talaga ako. Tsk! Ewan ko ba! Inis na inis ako dito sa katabi ko! Hay ewan! "Magseatbelt ka kung gusto mo pang mabuhay." Tiningnan ko siya. Tinaasan naman niya ako ng kilay.. Tsk. E di nagseatbelt!! Noong una, smooth pa lang e.. Then biglang naging… WAAAAAAH!!... Loko tong lalaking 'to. Ang bilis nga magpatakbo! Ano 'to car racing?! Sarap niyang batukan! "Nagdadrive ka ba talaga?! Ba't di mo alam ang speed limit?!" naasar na talaga ko e. Halos tumilapon na kaming apat sa loob! Oo. Kasama namin sina Kesha at Louie! Tsk. Badtrip lang. Ayun. Drive lang siya ng drive. Di nya ko pinansin!!! Then I rolled my eyes. "Meron ka ba ngayon ate? Kanina ka pa ganyan. Nakakabingi boses mo!" sabi ni Louie habang ibinalik niya sa tenga niya ang malaking headset niya. "Shut up, Louie!" I said angrily. Then I saw him smirked. Errr!!! This guy—Arrrrrggh!! WHATEVER!! >_< Habang nasa byahe kami, sa daan lang ako nakatingin. Naiirita ako sa pagmumukha ng tabi ko e. Ayun. After 123456789 years. Nakarating na kami sa paroroonan. Andito kami ngayon sa port area. Ewan ko ba. Pwede namang mageroplano di ba? Pero wala e. Trip ng mga magulang namin. E di go lang. We have 2days and 1night stay in this ship. Hmm.. Not bad. Andito na kami sa loob at nagsisimula na kaming lumayo sa Luzon. "Wow! This is so great!" sabi Kesha habang nagtetake ng pictures sa dagat pati sa mga bundok na nadadaanan namin. "Ang astig.." sabi naman ni Louie. Parehas silang nasa may gilid. Parehas nga pala sila di pa nakakasakay ng barko, ano? Kaya ganyan sila mamangha. "Hey ate Lianne, can you do me a favor?" sabi sakin ni Kesha. "Huh? Sure. What is it?" sabi ko naman. Nyak! Tae lang. Nakapagenglish ako ng di oras! "Can you please take me a picture? Mmm.." tapos hinila niya si Louie at saka kumapit, "...with Louie!" nabigla naman si Louie kasi nga bigla siyang hinila ni Kesha. "Oh go. Dikit kayo." Then, CLICK! CLICK! CLICK! "Oh okay na." ibinigay ko na kay Kesha ang camera niya. CLICK!! "Huh?" Napatingin naman ako sa gilid ko.. And OMO! May nagpicture sakin!! Tiningnan ko ulit yung nagpipicture saken, then he smiled at me. Err! Ba't ba niya ako pinicturan?! Eee! Baka mamaya... Ang panget ko pala dun!! CLICK!! "Oy kuya! Tumigil ka nga!" sigaw ko habang siya nasa di kalayuan. Tinakpan ko mukha ko. Loko yun! (/>__<\) "Last one..." narinig kong may nag-click na naman, "Heheh... Cute." sabi niya. Mygulay! May baliw dito sa barko!! Ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses ni Mama, "Kids, kakain na!" then yun. Nagpunta na kami. [ Sa dining area ] "Y'know what ate, he'sh cute." sabi ni Kesha habang kagat kagat yung steak sa tinidor niya. Magkatabi kami e. At nagulat ako sa kanya. "Huh? Sino?" sinong cute na pinagsasabi nito? "The one who took pictures on you a while ago.. I think, you two are bagay.." sabi naman niya. BAGAY?? Yung picture stealer na yun?!! "Huh?? Ayt. Pasaway kang bata ka.. Kumain ka na nga." "Hihihi.. Uuuy!" Well, infairness nga. Ang cute nga talaga nung kumuha ng pictures sakin. Or let's say... Gwapo talaga siya. Medyo pamilyar yung mukha niya e.. Feeling ko nakita ko na siya... San nga ba yun? Hmm.. (?_?)\ Natapos na kaming kumain at dumiretso naman ako sa room ko. Share kami ni Kesha. Sila mama naman ay pumunta sa taas. Ewan ko kung ano gagawin nila dun. Waaah.. Ang sarap mahiga! Ang lambooot! Makatulog nga muna. 4:23 pm Yawn. Okay. Napasarap pala ang tulog ko. Malapit ng gumabi. Ang lambot kasi e! Naghilamos muna ako bago lumabas. Ayun. Ganda ng eyes. Bagong gising. Lumabas na ako para hanapin sina Kesha. Wala kasi siya sa room namin. Chineck ko naman sa mga rooms nila, wala rin. Hmm.. San na kaya yung mga yun? Halos malibot ko na ang buong barko.. Wala pa din. Di ko pa din sila mahanap. Hmm.. Libutin ko na lang kaya yung buong barko? Di naman siguro ako maliligaw no? LIBOT. Ayun, sa dinami dami ng narating ko. Dito ako sa isang maliit na bookstore ako napadpad at napastop over. Actually, mahilig nga kasi talaga akong magbasa di ba? Kaya eto. Lalalalala~ CLICK!! What the?? Napatingin ako. Then CLICK! again! Arrrrggggh!! Ayoko namang magkagulo sa loob ng maliit na bookstore, kaya hinatak ko na siya palabas! "Ano ba talaga ang problema mo, kuya ah?! Di ko na gusto—" CLICK! ulit. "You're so cute." BLUSH. My Gaaahd! Ano ba?! Ganito na ba talaga ako kaganda?! Charot! Namumula na mukha ko! >///< At mukhang di niya ata nagets ang sinabi ko! Badtrip ha! "You don't understand what I am saying a while ago, do you?" sabi ko habang nakapamewang. "Hmm. Yea? I think so. *CLICK!!*" he said while smiling. Gosh. Kung nakakapagpatunaw lang ang mga ngiting yan, kanina pa siguro ako nagevaporate. Ang cute niyang magsmile e! Parang.. Parang si Warren. Awp.. Namimiss ko tuloy siya. Pero ang kulit ng lahi! Picture pa din picture!! "Quit taking pictures on me, will you?!" sabi ko habang nakaraise yung right hand ko sa may camera niya. Ang kulit kasi! "Haha. No, I won't. You're the cutest Filipina I've ever seen in my stay here in the Philippines. You know, I'm just a tourist here. That's why I always grab those chances on taking pictures on that cute face of yours. 'Coz I know tomorrow, we will not be able to meet up again.. Will we?" BLUSH. As in feeling ko namumula na talaga ako! Or NAMUMULA NA talaga ako! My Gosh! Bakit niya ko pinapakilig ng ganito?! Lumalaki na din ata yung ulo ko! "E-eh?" nakangiti ako na parang natatae. Di ko to matake!! He chuckled. "Uhm, can we take a picture together? Please..?" then pinagdikit niya ang magkabilang palm niya para dun sa 'Please' with matching puppy eyes pa. "S-sure!" wala ng tanggi tanggi! Gora na! XD Nagpasuyo siya sa isa sa mga dumadaan. And there, lumapit na siya sakin then inaakbayan niya ko. Eeeek :”> CLICK! CLICK! CLICK! Nakathree shots kami. Yiee! Ang kucute ng mga pose namin. :3 "I don't know you yet. May I know what's your name?" sabi niya sakin. Nakasmile pa din siya. "Huh? Uhm, I'm—" "Ate!!" Napalingon ako sa left side ko. Si Louie. "Wuy. Wag ka ngang tumakbo! Mamaya madapa ka pa!" sabi ko. Tumakbo kasi siya papunta sakin. "Tara na, ate! Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap?? Kung san-san ka pumupunta!" *Pook!* "Aray naman ate!" "Kayo kaya yung nawala dyan!" "E-ehem." ayy nakalimutan ko nga palang may kasama ako. Napatingin naman ako. "Sorry. Hehe" "Uh, Louie. Si ano—" "Halika na ate! Kakain na tayo! Kumekerengkeng pa e!" "Kumekerengkeng?!!" "Uhh.. Ate?" napatingin naman ulet ako kay anu—sino nga ba to? "...Ate? Your name is Ate?" dagdag pa niya. "No! No, my name is—" Hinila naman ako agad ni Louie! Bastusing batang ire! >.< E anu pa nga ba ang magagawa ko? E di yun. Nagpahatak na lang ako. Di ko alam, ang lakas na pala nito ni Louie. Pero panu si—Arggh! Di ko nga pala alam ang pangalan niya. Hmm.. Mr. Click na lang. Chapter 31.2: Complete Stranger Ken's POV GRAR!! This vacation really sucks!! Ba't nga ba kasi ako sumama?! Badtrip!! Kung di ako sumama, e di sana nagliliwaliw na ko ngayon!! Ginulo ko buhok ko. Ang boring!! Wala man lang akong magawa dito! Walang chicks na magpagdidiskartehan! Wala ding bar! Resto bar lang pero walang kwenta! What the heck?! Is this how I spend my Christmas vacation?! D4MN!! Narinig ka naming may kumatok. "Tsk. Wait up. I'm comin!" Tumayo ako. I opened the door then I saw Mom. "Labas ka nga dyan nak! Tara. Sama ka samin." ang laki pa ng ngiti ni mommy. Err.. "Huh?? Eh. Ayoko, ma. Kayo nalang." pabalik na sana ako sa higaan ko nang hinila ako ni Mommy. "Ee! Halika na! You need some fresh and sea air! Pampaalis bugnutin!" At yun. Wala na akong nagawa. PSH. -__- Umakyat kami sa pinakataas ng barko. Allowed naman daw e. May swimming pool pa nga dito. "Let's go swimming!" sigaw ni Kesha, tumalon talon pa. "No, princess. Tomorrow na lang. Makakapagswimming ka din naman dun sa resort e. Want to sawa pa." sabi ni Dad. "Dad's right, baby. Maglibot libot na lang tayo." sabi naman ni Mom. Then she heavily sighed. "Okay then." Medyo mahaba at malawak ang barko kaya mahaba haba rin ang nilakad namin papunta sa kabilang side. Okay na din. At least nakapagexercise ako ng konti. "Naku mare. Nakakapagod pala yung nilakad natin. Di pa nga natin nalilibot ng buo, ubos na agad energy ko." sabi ni Ninang Lea habang nakaupo sa isa sa chairs na may malaking payong. "Oo nga e. Ako man.. Naku. Mukang sign na ata 'to na tatanda na tayo." ganun din si Mommy, umupo din. Andun lang sila. Nagkukwentuhan ulit. Walang katapusang kwentuhan. =__= Sina Dad naman pati Tito, nakaharap sa dagat at nag-uusap din. Yung dalawang bata naman, which are Louie and Kesha, ayun, nagpipicture lang. Ang galing. Close agad sila? Psh. San na nga pala yung Sadistang Amasona na yun? Ang daya. Ako pinasama sa pagliliwaliw nila dito tapos yung babaeng yun, hindi? Unfair!! Tss. Umalis na lang ako. Lahat naman sila busy e. Eh ako? Nganga lang? Wag na oy! Bumaba ako. Gusto kong maghanap ng kaligayahan. Napakaboring ng buhay!! =____= Lakad. Liko. Laka— There's something caught my eye.. "Whoa.. This great. Really great." ang laki ng ngiti ko. I'm walking towards to what I saw.. "Miss.." Tumingin naman siya.. "Mmm?" "Pagbilan nga ng 10 scoops of ice cream." "Anung flavor po?" "Two flavors. Rocky Road and Double Dutch." "Okay, Sir. Rocky Road and Double Dutch comin’ up!" then she left. Yeah bah!! Ayos 'to!! Buti naman at nakakita ako ng Ice Cream Parlor dito! Matagal tagal na din akong di nakakakain ng ice cream! Woohoo! Di ko pa ata nababanggit na mahilig akong kumain.. And my favorite? ICE CREAM! Yep. So gay. E ano naman? E sa favorite ko to e. Wala kang magagawa. Dumating na ang inorder ko. At nakahanap na din ng mauupuan. Mmm.. Yummy! Kumain lang ako ng kumain. Nakapaground two pa nga e. At doble pa ang scoop na ipinalagay ko. Whoo! Sarap talaga! Habang kumakain, napatingin naman ako sa left side ko.. I have a feeling that someone's lookin at me. At tama nga ako.. It's the girl on the counter who served the ice cream. She's still lookin at me, thinking of something.. I guess? Then she's wearing a seductive smile. Haha. I just winked at her then I smiled back. I also gave her a seductive smile that she might be contented. And voila! She blushed. Oh well, this is Ken, Ken Hernandez. I always expect this incident, this scene. *smirk* I am somekind of the every girls dream.. ALMOST. One thing why some girls don't like about me is that I'm a flirt. Hell yeah, FLIRT. What can I do? Every girls want to flirt with me. Most of them want to be my girl.. Well of course, I like it. Uh, no. Scratch that. I love it. Yet, I never sleep with them. NEVER. My wink and killer smile is enough to make them love and like me more, I guess. Oh yeah. Pasensya. Gwapo ko talaga. *smirk* Natapos na akong kumain. Then lumabas na sa Ice Cream Parlor. But before I went outside, the girl asked for my number. Then I gave it. We exchange our numbers with each other. She said she'll text me later after her duty. And it's something.. Well, she's pretty but not my type. Hanggang number na lang yun. "Ano ba talaga ang problema mo, kuya ah?! Di ko na gusto—" Napalingon naman ako. "Huh?" uy. Si Amasona yun ah. At may kaaway na foreigner? Tsk. Warfreak talaga ang babaeng yun. =__= Papalapit na sana ako, nang... CLICK! "You're so cute." the foreigner said. Ow.. So pinagkakainteresan niya pala tong Warfreak na babaeng to? Psh. BLUSH. Whoa! Di nga?? Nagblush si Amasona?! Marunong palang magblush yun? E di tao pala siya. "You don't understand what am I saying a while ago, do you?" sabi niya habang nakapamewang. "Hmm. Yea? I think so." Then nagclick pa ulit siya. "Quit taking pictures on me, will you?!" sabi niya habang nakaraise yung right hand niya sa may camera. Sus.. Ang arte pa. E gusto din naman. "Haha. No, I won't. You're the cutest Filipina I've ever seen in my stay here in the Philippines. You know, I'm just a tourist here. That's why I always grab those chances on taking pictures on that cute face of yours. 'Coz I know tomorrow, we will not be able to meet up again.. Will we?" WEH? Sinungaling din 'tong isang 'to e nu? Bolero! "E-eh?" nakangiti syia. Yung ngiting gustong magbanyo. Natatae ata. Tumawa naman yung foreigner. "Uhm, can we take a picture together? Please?" "S-sure!" Oh see?? Nagkunwari pa 'tong naiirita kanina tapos papayag din pala? Mga babae nga naman.. Tss. Ayun. Nagpicture picture na sila. Bahala na nga yan. Malaki na siya. Kaya ayan, naglumandi. CLICK! CLICK! CLICK! Umakyat na ulit ako sa taas at nakasalubong ko naman sina Mommy. "Oh Ken. San ka galing? Bigla kang nawala ah?" sabi ni Mommy. "Dyan lang sa tabi tabi." sagot ko. "Ah.. Let's go. Kain na tayo." Bigla namang lumabas sa kwarto nila Kesha si Louie. "Ma, wala e. Baka naglibot libot." sabi ni Louie kay Ninang. "Huh? Naku. Pasaway talagang batang yun." napatingin siya sakin.. "Uh, Ken. Nakita mo ba si Lianne?" "Uh, opo. Andun po siya sa baba. Sa may bookstore dun." "Ah okay, thanks nak." tumingin naman sya kay Louie, "Oh nak, puntahan mo na dun si ate mo. Then diretso nalang kayo sa dining area ah?" "Opo." Umalis na si Louie at nagpunta na kami sa dining area ng barko. Wow lang. Kakakain ko lang kanina, kakain ulet ako? Haha. Di bale, mamemaintain ko pa rin naman ang magandang katawan ko. Balance diet pa din ang solusyon. x) It took almost 20 minutes at dumating na sina Lianne at Louie. "Langya ka Louie! Panira ka naman ng moment!" "Ang landi mo ate.. =_=" "Che!!" Natapos na kaming kumain at bumalik na ulet sa aming mga respective rooms. 11pm Matutulog na sana ako pero bigla kong naalala na kay Kesha ang headset ko. Wala akong magagamit na pangsoundtrip. So I went outside then kumatok sa kwarto nila. Binuksan ni Kesha ang pinto at nagulat naman ako sa nakita ko. "Oh kuya?" suminghot naman siya, "Why are you here?" "Oyy. Ba't namumugto yang mata mo ah??" "Huh? Ayy. Haha! It's because of P' Shone.." "Huh?! Sino yun?! Boyfriend mo?! Langya yun ah!!" "Whow. Kuya. Calm down! He's a character on a movie! Psh." "Huh?" Ayy, Putek! Akala ko kung sino na! Naging OA pa naman ako! "Haha! You're so funny, Kuya!" "Yeah right. Asan na yung headset ko?" "Ah, wait." then umalis siya sa pinto. Pumasok naman ako kasi ayoko namang magstay sa labas. Pero pagpasok ko, nagulat na naman ako sa nakita ko. *sniff* Umiiyak din si Lianne a.k.a the Sadist Amason?? WEH? Buh, mas mugto pa ang mata niya kaysa kay Kesha. Nakita naman niya ako bigla. Umupo naman siya ng maayos at nagpunas ng mga luha. "Oh, anung ginagawa mo dito?" sabi niya sakin habang tinaasan ako ng kilay. Di ko sya pinansin.. Instead, lumapit ako at umupo sa sahig, katapat ng TV. "Anu ba kasi yang pinapanuod niyo??" sabi ko. "It's Crazy Little Thing Called Love.. Here." sabi ni Kesha then binigay na niya sakin ang headset ko. "Oh, you may go na kuya. Bye!" tapos tinulak tulak ako. Lokong batang to ah. "Tss.. Ang corny niyo. May paiyak iyak pa kayong nalalaman." "CHE!!" Aba't. Nagchorus pa ang dalawa ah. Psh. Lianne's POV Aww.. Ang sakit ng mga mata ko. Nagmovie marathon kasi kami kagabi ni Kesha. Sakto, may mga dala syang DVDs. So yun. Ang ganda ng napanuod namin.. SUPER. Naiyak nga ako sa sobrang ganda. Although di ako ako masyadong makarelate kasi di ko pa naman naranasan yung magkagusto ng matagal sa isang tao at malalaman mong napunta na pala siya sa iba dahil sa hindi mo sinabi ang totoong nararamdaman mo. Yung ganun? Haha. Ang dami ko kasing mga crush. Paiba-iba pa everyday. XD Pero sa movie, in the end sila pa din ang nagkatuluyan.. Dahil nga kasi sa TL nga sila sa isa't isa kaya naging sila pa din ni Shone and ni Nam :) Hihi. I so much love that Thai movie. Favorite ko na siya, big time! :3 Well, it's already 3pm. And malapit na kami sa may port area. Wee~ I'm so excited and I just can't hide it! *POOOOOOOOOOTTTT* "We're here! O kids, grab your bags na." sabi ni Ninang Kristine. Nakababa na kami at hinihintay na lang sina Papa pati si Ken-kumag. Kinuha kasi nila yung cars dun sa may ilalim ng barko. CLICK! Nagulat ako. May nagflash sa kung saan kaya hinanap ko. And I knew it. It's him again. "Hey, Mr. Click!" then kumaway ako. Lumapit sya. "Hey, Ate." Natawa naman ako. Ate talaga ang tawag niya sakin ah? Ow.. Cute as always. Pero WAIT. May kahawig siya. Hmm... Sino nga ba yun? Kahawig niya si... "You know what, you look like P' Shone.." sabi ko. Grabe. Kahawig niya talaga. "Huh? Who's P' Shone?" mukhang naguluhan naman siya. Sa bagay. Malamang, di naman siya nanunuod ng mga movie na ganun. Di rin naman sikat yung movie. "Uh, never mind. Ahm, I'm sorry about what happened yesterday.. We've been interrupted by my little brother. So.. Can I ask what's your name?" Ee. chance ko na 'to. Haha! "I'm Mario." then he stretched his arm. I stretched my arm, too. "And I'm Luigi.." Then we both shake our hands. "Ayy! Este Lianne pala! My name is Lianne.. Hehe?" Tehee. Kung anu-ano sinasabi ko! Ee naman kasi sya eh, nakared siyang shirt tapos ako nakagreen. O di ba, pang Super Mario ang dating? Tumawa naman siya sakin, "You're so funny, Lianne.. So cute" then he pinched my left cheek. HAAAAAA! Heto na naman po tayo mga kaibigan. Namumulang kamatis na naman ang lola niyo!! >///< "Uh... Eh... Hehe." napakamot na lang ako ng batok ko. Yiee! Parang si Nam lang! ^///^ *BEEP BEEEEP!!* "Ay palaka!!" Walanjo naman!! Napatingin naman ako sa likod ko.. Tsk. Si Ken-kumag. Humarap ako kay Mario. Then nagpaalam na. Nagpaalam na din siya. And he gave me a special gift... It's me in a picture together with him.. :) He's a complete stranger but he left me such a small yet a memorable moment in my life.. For once, may nagsabi na ang "Cute" ko. And I know he mean it. Woo! dagdag confidence din ito! Chapter 32: Nakakahiya!! Ken's POV "Whoow. Ang astig naman pala dito kahit papano." Ayun. Andito na kami sa resort ng Dad ni Tito. Astig! Ang ganda ng place at ang ganda ng sight-seeings. At syempre, ano pa nga ba? E di chicks! Ang daming mga bakasyonista dito. Aba! E di tiba-tiba ako nito! Naayos ko na ang mga gamit ko sa loob. Dito kami magsstay ngayon sa isang malaking bahay. It is separated to the two buildings with rooms for rent and overnights ng resort. Bahay ata nila 'to eh. Pero ang galing ah. Nasa loob talaga ng resort? Cool! "Mom, alis lang ako. I'll just roam around." "Hmm.. Okay then. Oy, Kenneth ah, I'm warning you.. BEHAVE." then mom shot me her deadly glare. "Haha. Yes, mom. I will." then I left. Oh well, alam na agad ng nanay ko kung ano ang binabalak ko. Eh what's the use of my stay in here kung hindi naman ako mag-eenjoy, di ba? I'd better find my happiness right now before boredom strikes me again. Baka magpumilit pa akong umuwi pag nangyari ulit yun. Woohoo! Girls out there! Here I come!! Lianne's POV Ang ganda pala ng resort dito ni Lolo... *u* Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming bakasyonista ngayon dito. Andito ako ngayon sa beach. Yep. May beach dito. Ang galing nga e. May resort na, may beach pa! Oha! Lakad. Lakad. Almost 5pm na din kaming nakarating dito. Kaya ito, malapit ng magsunset. Hmm.. Aabangan ko na lang. And besides, di pa naman ako nagugutom, nakapagmeryenda naman na ako. Napatigil ako sa paglalakad. "Wow. Ang cute.." May nakita akong shell ng Hermet crab. May touch of blue siya na may white and gray. Unusual ang kulay. Nagsimula na akong mamulot ng mga kung anu-anong shells. Pero hinahagis ko rin ito sa dagat pero yung may blue na shell lang yung naiwan saken. Sayang.. Masaya sana kung may kasama. Tsk. Dapat sinama ko din pala dito sila Tine. Wawa ako, ang loner ko :( May nakita akong isang malaking bato na pwedeng maupuan. Dun na lang ako uupo. Habang papalapit ako sa may bato, may namumukhaan akong lalake na papunta sa direksyon ko... And to my surprise… It's Ken. "Tch." May kasama siyang babae. At kung makapag akbay at yapos, wagas ah. Yung babae naman todo yakap. Psh. Di ko na sila pinansin at umupo na lang ako sa may bato. Medyo malayo layo pa sila sakin. Di ko maiwasang hindi mapatingin sa kanila kahit ang layo nila. Like, DUH! Ang harot kaya nilang dalawa. Kaya pansinin. Tas may pahabol-habol effect pa!! Tch. Pero teka. Ang bilis ng kumag na to ah? Tindi. Nakabingwit agad. Tss.. -__- Hmmm.. E ako kaya? Mamingwit din kaya ako? ^_^v Di ko na talaga sila tiningnan. Baka mainggit pa ko at biglang manghila ng kalampungan din dito. Haha. Nakakahiya yun. Tumitig na lang ako sa dagat. Hmm. Ganda ng sunset.. Mapicturan nga. CLICK! Ayy, ANAK NG?! So kelangan umepal?? "Ano ba yan, Ken?! Kitang may nagpipicture ee!!" "O bakit? Di ba kami ang pinipicturan mo?" then nag smirk siya. Err! The nerve of him!! "Hindi din makapal ang mukha mo e nu? Asa ka naman." then i rolled my eyes. Tumawa lang ang loko. Tapos umalis na sila. Errr! Bwiset! >.< Makaalis na nga! Bumalik na ulit ako sa loob ng resort. Nabadtrip ako. Nawala na ako sa mood magpicture ng sunset. Hmp. Bukas na lang. Nung sumunod na araw, 24 na! Wee! It’s Christmas Eve! Nandito ngayon yung iba naming relatives. Huwaw! Reunion? Yung iba sa kanila nakita ko na. Yung iba naman ngayon pa lang. Ang cool nga e, si Ninang Kristine kasi close nya ang mga relatives namin. How come? Di ko talaga maalala na may ninang akong katulad niya.. Madaldal, cool, friendly at napakaapproachable. Gusto ko na siyang maging favorite ninang!! ^__^ Nga pala, nagshshopping kami ngayon dito sa mall. Tatlo kami ni ninang pati ni Kesha. Mamimili daw kami ng Christmas gift niya sakin. "Oh Lianne, hija, ano ba gusto mo dito? Pili ka na." sabi ni ninang. Andito kami sa isang boutique ngayon. Namili naman ako at nagsukat. Medyo mahal ang mga damit dito pero sabi naman ni ninang, okay lang daw, afford naman e. Pagkatapos naming mamili ng mga gifts para sa iba, kumain kami sa isang fine restorant. Wow.. Chuchal! Nakabalik na kami at mukhang hinahanda na din ang malaking party mamayang gabi. Eee! excited na ako! Nagstart na ang party kaninang 9pm. May isang mahabang table dito na puno ng mga pagkain at may small dance floor din dito sa garden. Andito kami sa bahay ni Lolo ngayon. Yung sa loob naman ng resort, may nakaseparate na celebration. May banda pa nga e. Para naman daw magenjoy din ang mga guests ng resort. Natatawa nga ako sa mga nakikita ko ngayon.. Ang kulit lang kasing tignan. Yung mga adults ang saya saya nilang sumayaw. Haha. Ang cute :">> Kami namang mga bagets kumakain lang. Pero nageenjoy naman kaming panuorin sila. Si Lolo nga e, panay din ang tawa niya dito. Nakaupo lang siya sa wheel chair niya. Medyo hindi na kasi makalakad dahil sa katandaan pero malakas pa naman at eto, masayang tumatawa at nanunuod din. :) After ng maikling sayawan. Nagbigay na ng speech si Lolo. Oo nga, reunion nga to ng pamilyang Sarmiento. At ang saya. Nakakatuwang nakita ko na halos lahat ng relatives ko. Yung iba daw kasi hindi nakarating kasi nasa ibang bansa. At nalaman ko din, na si Ninang Kristine ay super close friend ng family namin. Kaya hindi nakakapagtakang close nya ang relatives namin. After nung speech and stuff. Nagkainan muna at nagpartey partey ulet. "Whoo! Merry Christmas everyone!" sabi ni Tito Andrew. It's already 12mn. Yey! December 25!! "Wee! Merry Christmas!" sabi ko sa lahat. Happy birthday Papa Jesus! I love you so much!! Nagbatian na kami sa isa't isa at kumain ulet. "Oh, find your partner. Let's dance everyone!" announce ni Tita She, kapatid ni Papa. Tumayo naman ang iba at nagsimula ng sumayaw, kahit yung mga bata batuta din, nakisali. May kumalabit sa akin. Lumingon naman ako then nakita ko.. Nakita ko si ninang at ang wide ng smile niya... Huh? "Bakit po?" "Dali, dance ka." "Po? Eh…" ano ba 'to… Ayoko nga e, tinatamad ako. At isa pa, wala na akong kapartner, kapartner na ni Louie si Kesha. "Dali na." tinayo niya ako. "O anak, partner na kayo ni Lianne." Nagulantang naman ako. Hanu daw?? NO WAY!! Ipinagdikit ni ninang ang mga kamay namin. "Oh go na!" tapos hinala kami sa dance floor. "Tsk. Badtrip naman." then humawak siya sa waist ko.. Wala na akong nagawa kundi humawak sa balikat niya. Taerr. Slow dance pa! "Tss. Choosy ka pa." tapos nag smirk siya. Eh ang kapal talaga nito e no?! Balatan ko kaya para numipis!? He's so annoying!! "Feeler ka talaga." I rolled my eyes tapos tumingin sa ibang side. Heartbeats fast Colors of promises How to be brave How can I love when I’m afraid to fall OKAY.. Ano yan Lianne? Pasmado ka ba? Ba't naiilang ka? Tsk. Bwiset! "Uuuy.." napatingin naman ako sa kanya. "Bakit nanginginig ang mga kamay mo?" sabi nya habang nakangiti. Yung ngiting nakakaloko. "O-oy! Ang kapal ah.. h-hindi kaya.." "E ba't ka nauutal?" he said. His face is inches away from me and he's grinning! Lokong lalaking to! "Kapal talaga.. Di kaya." I raised my eyebrow then looked away.. Crap! Tingin ko namumula na ang mukha ko! Buti na lang medyo madilim. Di nya makikita ang nangangamatis kong mukha. I heard him chuckled. TSS. Playboy! Flirt! Sanay na sanay siguro siyang mangganito? Ayoko na nga! Nang kakalas na sana ako, higpitan naman nya ang pagkakahawak sa waist ko. "O bakit? Ayaw mo na? Di pa tapos yung kanta oh." tapos ngumiti ulit siya ng nakakaloko! Errr!! I have died everyday waiting for you Darling don't be afraid I have loved you For a thousand years Tsk... Wala akong maisip na idadahilan dito. Di ko naman pwedeng sabihin na naiilang ako. Malamang aasarin lang ako lalo nito. "Tss.. Ang pangit mong sumayaw." sabi ko na lang. Tumawa lang siya. TSK! E di ayun, di na ko nakaalis. Peste. "Aww!" "Ayy! Ano ba yan!" "Aray!" "Ouch!" *BOOGSH!* "A..aray.." Pagkadilat ng mata ko… para na naman akong nakakita ng alien at diring-diri! Tumayo agad ako at bumitaw sa kanya. My gosh! Ang sagwa ng posisyon namin! Tumawa lang siya. "Yak!!" (/>__<\) "Ang choosy mo ah.. Ikaw na nga 'tong nangyayakap dyan e. Nakapatong pa. Tss." naggrin siya tapos tumayo na, "tska.. Alam mo, parang wala akong naramdaman. Natural na flat ba talaga yan?" dagdag pa niya habang nakangiting nakakaloko. Bigla namang nanlaki ang mata ko… OMO! alam ko na ang sinasabi niyang flat!! How dare he?! Napatakip naman ako sa sinasabi niya. Ang kapaaaal!! Manyak 'tong isang 'to!! "Ang kapal mo talaga!! Kadiri ka!! PERV!!! PERV!! Manyak ka!!" pinagpapalo ko siya. Nakakainis!! "Hala siya oh—A..ARAY!! Aksidente lang naman yun!! Makapagtawag ka sakin ng—AW!! Ng perv! Aray! Aray!" pinagpapalo ko nga siya. Nakakainis e! "I HATE YOOOUU!!!" "Bakit? Sinabihan ba kita ng 'I love you'?" tapos nagsmirk siya. Arrrrrrggh!! I can’t stand this—this… Errr!! "Oyy, tama na yan, love birds. Para yun lang e.." sabi ni ninang habang nakangiti na kinikilig. Para yun lang? Anong PARA YUN LANG?! Nakapatong kaya ako! At nakakahiya yun! Sobra! Pinagnasahan pa ko!! Gosh. WALK-OUT. "Hala ka, Kesha.. Ikaw kasi e! Kung hindi mo ko tinulak, e di sana di nag-e LQ sina ate at kuya ngayon.. Tsk tsk" narinig kong sabi ni Louie. "Heyy! It's not my fault!! You're the one who is responsible for this! Hmp!" sabi naman ni Kesha. Bahala kayo dyan! >.< Chapter 33: Reconciliation Lianne's POV It's been five days mula nung nakabalik na ulet kami dito sa home sweet home namin. Right after kasi nung Christmas, kinaumagahan ng 26, umuwi na agad kami. May mga work pa kasi kinabukasan nun sina Mama, ninang pati ni Tito. At nageroplano na lang din kami para mabilis. Dito na din daw kami magsasalubong ng bagong taon. Syempre, gusto namin dito kami sa bagong bahay namin na magcelebrate para good vibes at suwirti. ^^ At yung about dun sa nangyari nung Christmas? DUH! Di ko na ulet kinausap si Ken o pinapansin man lang. Pinagtabi pa nga kami nung nasa eroplano kami e. Pero walang pansinan, usapan o awayang naganap. Ganun din naman sya e. Di man lang nagsorry. Tch. E di okay! Di sya kawalan. Pero... Errr. nahihiya pa rin kasi talaga ako! Yea. No big deal. Pero kasi—Err!! Hmp. Buti nga yun lang yung nangyari. Magkapatong lang kami at hindi yung.. Anu. Ahm. Yung nangyayari sa mga movies and other stories? Yung ganun? Aaah! Basta! Nakapamili na nga din pala kami ng mga bilog na fruits at yung mga lulutuin namin. Maya maya lang magluluto na din kami. 31 na kaya. And I can't wait for 20XX to be over. "Nak, bili ka naman ng corn starch dun sa mini store. Nakalimutan kong bumili e.. Ito pera oh." sabi ni Mama. "Okie dokie." Lumabas na ako ng bahay. Napatingin naman ako sa tapat ko.. Wew. Yung batang ingleshera na madaldal na makulit na sosyal. "Hey there, ate Lianne!" bati nya sakin, sabay nagwave. "Oh, hello there, Kesha!" at nagwave din ako. "Where are you going?" "Ah, dyan lang sa mini store. May bibilhin. Ikaw? San ka pupunta at dala mo bike mo?" "Uh.. I just want to practice biking again. Hey, wanna take a ride?" "H-huh? Ah..eh.." Uhm.. Ayoko. Nakakatakot pa din! Although wala na yung mga sugat sugat na natamo nya at medyo natututo na syang magbike, eh.. Di pa din yun sure na di sya sesemplang! Ayokong makisali sa exhibition ng batang itey! Magiging kawawa lang ako.. "Tara. Let's go!" "Ah. Wag na. Dyan lang naman e. Magpractice ka na lang para mas lalo kang gumaling." ayan. Utuin mo lang yan Lianne.. "Ganun? Well then, okay! See ya later. Happy New Year ate!!" then she left. "Sige! Happy New Year din! Umingat sa mga paputok ah!" sigaw ko naman kasi papalayo na siya. "Okay!" sigaw niya. Naglakad na akong papuntang mini store. Malapit na sana ako pero.. ERRR.. May group of guys. Nakakailang bumili pag may mga nakatambay na ganun. Pero panu yan. E kelangan na nina Mama yung inuutos nya sakin? Haays. Bahala na si Batman! Hingang malalim Lianne.. Okay. Good. Oh gora na! Naglakad ako sa gitna nila. Ayun, dedma lang ako. Bumibili din sila. Sangkatutak na case na beer nga lang.. Tss. Drunkards! "Wuyy! May dadaan oh! Paharang harang ka eh!!" sabi nung isa dun sa isang lalake. "Ayy.. Sorry miss." tapos nagsikuhan at tulakan sila. Tss. Di ko sila pinansin. Pero di naman ako nakasimangot or something. Saktong walang expression lang. Nakabili na ako pero di pa rin sila um aalis. May hinihintay ata. Actually, di naman talaga sila mga mukhang tambay sa kanto.. As if kung meron man dito noh? Eh mga mayayaman nga ata yung mga nakatira dito e.. At yea, may mga itchura sila. Okay, malamang, may mukha yan e. Hmm.. Cute sila. Uh, NO. Scratch that. Pogi pala. Pero walang wala sila sa mga crushes ko, lalo na kay Warren. Dumaan ulit ako sa gitna nila.. Nakatambay kasi sila dun sa bawat gilid. Kaya ayun. Buti nga e. Di nila ako inano.. E kasi di naman ako bagay anuhin.. Di naman kasi ako ano.. Uh, ano daw?? Haha XD Nakalagpas na ako sa kanila at naglakad nang naglakad. Narinig ko rin na umalis din sila. Hmm. Ayoko mag-assume.. Pero ako ata hinintay nila? De, joke lang pala. Ayun, malapit na ako sa amin. Nasa loob na kasi ako sa street namen. Maybe, five houses pa. Pero.. Parang napifeel kong may sumusunod sakin. Lumingon-lingon ako.. Wala naman. Pakiramdam ko lang ata yun. Naglakad ulit ako.. *Boogssh!!* Hala! May nag'aaway ba?? May nagbabatuhan ata ng bote! "Anu ba yan! Ang bobo mo, pre! Ba't mo binitawan?!" "G*gu! Sabi ko saglit lang eh! Mangangamot lang! Tas dumire-diretcho ka lang!" "Anu ba yan ang tatanga niyo!! Panu pag narinig nung babae?!! Tang*na!!" "Di yan!! Tingnan mo—" Kumaripas na agad ako ng takbo!! Shoooocks!! May mga balak pala sakin yung mga yun!!? Wala kayong mahihita sakin!! PANGIT PO AKO!! At hindi kami mayaman!! Sakto lang! Kaya wala kaming pangransom!! At hindi din maganda ang katawan ko! Puro abs!!! Takbo lang ako nang takbo. Hindi ako dumiretso samin! Baka kaya nila ako sinusundan kasi gusto nilang malaman ang bahay namin! Waaaah!! Nakakatakot! Baka dun nila ko gawan ng masama!! Naririnig ko ang mga footsteps nila. LANGYAA!! Kelangan ko ng bilisan! Liko. Takbo. Liko. Takbo. TAGO!! Nakahanap ako ng pagtataguan. Actually nasa medyo gitna na ata ako ng subdivision. TSK! Anu ba yan! Ba't naman kasi nila ako pagkakainteresan?! E walang wala naman ako!! Nakadrugs ata sila e! Mga sabog! Nagtago ako sa may pader. Medyo maliit lang na space sya na hindi mo aakalaing pwedeng pagtaguan. Hala! Ayan na silaaa! "F*ck!! Where the hell is that woman!?!" hingal na hingal na sabi nung isa. AnakngTipaklong naman!! Bakit dito pa sila nagstop over?! Waaah!! HEEELP!! Someone help me, please… "PUT4!! Ang bilis naman tumakbo nun! Tae!!" "G*gu ka kasi eh!! Tatanga nyo!!" "Wag na nga kayo magsisihan!! Tara na! Hanapin na lang natin. Kung wala, malilintikan na satin yun sa susunod!" tapos tumakbo na sila. Nakasilip ako sa may gilid kanina.. At nakita ko mga itsura nila! Mga basang sisiw na galit na galit! Mga Angrybirds?! Pero in fairness ah, ang hawt nung isa dun. Wet look.. AYYY!! Anu ba Lianne! Rapist na nga pinagnanasahan mo pa! Uh… Yuck? Ilang minuto din ang itinagal nung naramdaman kong wala na sila at nakalayo na. Medyo nanginginig ako.. Dahil sa takot at kaba. Lumabas na ako.. Pero ichcheck ko muna kung wala na ba talaga sila.. SILIP. "AAAAAAAAAHH!!!!" Ken's POV Tss.. Nasan na ba kasi yung nakakabwisit na babaeng yun? Syet lang. Ang hirap hagilapin. Kelangan ko syang hanapin ngayon eh. Yare ako kay Mommy nito pag hindi ko yun nakausap. Bakit ko siya kakausapin? Tss.. Di pa din kami close no. ASA. Kakausapin ko lang yun dahil sa kaartehan nya at pagkaoveracting niya. Muntange lang. E anu naman kung magkapatong kami? Buti sana kung nabuntis ko siya dahil dun. Tss.. Sinabihan pa ako ng 'Pervert' o 'Manyak'. ASA? As if na papatulan ko siya. Ni wala ngang dibdib e. Wala akong mahihita doon. -__- *Boogssh!!* Huh? Anu yun?? Napatingin ako sa may kabilang street. May mga lalake. "Anu ba yan! Ang bobo mo, pre! Ba't mo binitawan?!" "G*gu! Sabi ko saglit lang eh! Mangangamot lang! Tas dumire-diretcho ka lang!" "Anu ba yan ang tatanga nyo!! Panu pag narinig nung babae?!! Tang*na!!" "Di yan!! Tingnan mo—" TEKA. Si Lianne yun ah?? Napatakbo na din ako dahil sa hinahabol na ng mga lalake si Lianne. Ngek? Bakit? "Bilisan niyo! Wooh, p*cha!!" G*go 'tong mga lalaking 'to ah. Mukang pagtitripan pa ata si Lianne. Sinundan ko lang sila pero hindi ko sila sinugod kahit nag'iinit na ang dugo ko. Saka ko na lang babangasin ang mga pagmumukha ng mga g*gong 'to pag ginalaw nila si Lianne. >:( Nagstop sila. At nakita ko naman kung saan nagtago si Lianne. Ang ikinakabahala ko lang, baka nakita rin nila yung babaeng yun. Baka makorner pa nila! Sh1t!! "PUT4!! Ang bilis naman tumakbo nun! Tae!!" "G*gu ka kasi eh!! Tatanga niyo!!" "Wag na nga kayo magsisihan!! Tara na! Hanapin na lang natin. Kung wala, malilintikan na satin yun sa susunod!" tapos tumakbo na sila. Nakita kong sumilip silip si Lianne na halata namang takot na takot. TSK! Sa susunod kasi, wag nang aalis nang mag-isa! Tsk! Talagang babaeng yun, nakakabwisit!! Nung nakalayo na yung mga ungas. Lumapit ako dun sa pinagtataguan ni Lianne. Sumandal muna ako sa may pader. At saka sumilip.. SILIP. "AAAAAAAAAHH!!!" Ayy, Langya. Nagsusumigaw, wala naman akong ginagawa. "Huy!! Ano ka ba!" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. Nakapikit kasi at eto, umaarte na naman. Sakit sa tenga nung tili niya. "Huh?" Tss.. buti naman at natauhan na. "Wala na... engot." sabi ko habang tinanggal ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya. "KEN!!!" Nagulat naman ako nang bigla nya akong niyakap. Dugdugdug. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya... Ang lakas. Pati rin ata yung akin… TSK! Ang bading naman pakinggan nun! Anu ba yan! "Ken..." humihikbi na siya. Hala?? Umiiyak yung amasona? "Sssshh.. Tahan na. Wala na yung mga ugok." Huh?? San galing yun? Naging mabait na ata ako?? TSK! Bigla na lang lumabas sa bibig ko yung mga yun! At wala na rin naman akong magagawa kundi himas-himasin ang likod niya OH. Likod lang yun ah! Mga pinag-iisip niyo. -.- Umiiyak lang siya. Tae. Grabe sigurong takot ang naramdaman nito. Tss. Malamang! Ikaw ba naman habulin ng mga aso! Este.. Mga adik! na walang magawa sa buhay! Kaya ayan. Di pa din sya tumatahan.. Nakayakap pa rin sya. Puro sipon at luha na nga ata tong t-shirt ko eh. Tsk! Bago pa naman to! Ilang minuto lang ang nakalipas ay nahimas-masan na siya at bumitaw na din sa pagkakayakap. "Uh... T-thank you." sabi niya habang pinupunasan ang mga luha nya. Ngongo siya ngayon. "No prob." Ngayon ko lang siyang nakitang sobrang umiyak ng ganito.. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, matapang siya. Iiyak siya pero hindi naman ganun kagrabe. Magkababata nga kami di ba? Pero ngayon...it seems like she's so fragile.. Namumugto ang mga mata niya na may pink pa na ilong. Nagsimula na siyang maglakad at sumunod na din ako. Nakatungo lang siyang naglalakad habang ako naman, nasa likod niya lang na parang bodyguard. "Aww.. Shizz.." sabi niya habang hinihimas niya ang noo niya. "Pffffftt!" nagpipigil naman akong tawa. E panu kasi. Nauntog siya sa poste. Di lang ako makatawa kasi nga di ba? Emo 'tong kasama ko ngayon! Natrauma e. "Wag mong pigilan yan. Baka sa iba pa lumabas yan.." sabi niya habang nakasalubong ang kilay. "BWAHAHAHAHAHA!" Ayun na nga, di ko na nga talaga napigilan. "ERRR!! Nakakainis ka talaga!!" sabi niya habang nagmamaktol na parang bata. "Oh bakit?" Natatawa talaga ako. Ganda pa ng pagkakaemote niya e, sabay ganun? Laptrip! XD "I hate you! Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na may poste pala?!!" Haha! Oo nga. Poste nga yung kinalaban niya "E sino bang engot ang hindi tumitingin dyan?? Hahaha." "Ang sama mo talaga. Nagkaganito na nga ako e.. Ganyan ka pa.." Hala. Naiiyak na naman siya! Antae naman oh. Ang babaw naman ng luha nito. Lumapit ako sa kanya. "Wuyy.." hinawakan ko siya samay balikat ulit. "Sorry na. Ikaw kasi eh, ang eng—ah basta. Wag ka ng umiyak.. Lalo kang papanget nyan, sige ka." TSK! Ito na naman ako! Di bagay sakin yung mga pinagsasabi ko! Bully kaya ako dito! Tapos ganun yung mga pinagsasabi ko?? Tss.. Ow kamon! Napigilan naman niya ang luha niya. Di na tumulo. "Nakakainis. Ang cry baby ko na.." sabi niya habang nagpatuloy ulet sa paglalakad. Medyo malayo pa yung street namin mula dito sa nilalakaran namin. Eh kung takbuhin na lang kaya ulit namin? Para mabilis! Sumabay ako sa paglalakad niya. Sasabihin ko sana na takbuhin na lang namin pero may bigla akong naalala.. "Lianne." Tumingin lang siya sakin at itinaas ang dalawa niyang kilay na parang nagsasabing, "Ano?" "Uh...ahm.." Panu ko ba sasabihin? Syeeet. "Ano yun?" tanong niya. "Ano... Uh.." napakamot ako sa batok ko "Y—yung about nung C—christmas.. I uh..." ay tae! Ba't ba ako nauutal?! Parang napakaguilty ko naman!! "You're forgiven." Napatingin naman ako sa kanya. "O—oh?" syeet! Why am I stuttering?! "Yep.. In return dun sa pagdating mo kanina. Thankful ako kasi pumunta ka.. Hindi ko kasi alam kung paano ako makakauwi gayong...nanginginig pa ko sa takot." sabi niya habang diretsong nakatingin sa daan. Pero yumuyuko siya paminsan. Ewan ko kung anong elemento na naman ang sumapi sakin at hinawakan ko ang ulo nya at pinat siya. Langya. Nakangiti pa ako. "Wala yun." Ngumiti naman din siya. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. "Pero... Wala naman talaga akong kasalanan nu." binawi ko ulet. Totoo naman e. Dapat pala di ako nagsorry. "Sabay bawi?? May kasalanan ka rin kaya." sabi niya. "Oh ano?" sabi ko. Tumingin lang siya sakin.. "Hmp. Basta.." "Sus. Alam ko yan. Hindi kaya nu. E ikaw nga e. Mas nakapoints ka sakin. Ang haba ng panananching mo. Ang higpit pa." sabi ko habang nakaevil smile. "Anung nakapoints?? Panananching? Anong mahigpit??" Sus! Deny pa. "Yung yakap. Di ka naman umiiyak e. Chinachansingan mo lang ako nun! O sino sa atin ngayon ang Perv? Uh?" ngumiti naman ako ng nakakaloko. Bigla namang namang nag-iba yung itsura niya, mula sa namumulang ilong dahil sa iyak, namumula na ngayon ang mukha dahil sa galit. Hahaha. "Chinachansingan?! Yuck! Asa ka, dude!" Galing talaga magdeny. Hinayaan ko na lang, then we walk again. Chapter 34: I'll be your Cupid! Lianne's POV Ayun... HAPPY NEW YEAR!! Bagong taon na. Bagong buhay ulit. Tapos bukas...PASUKAN NA NAMAN! Tsk. Tinatamad pa rin ako. -.- "Checkmate!" "Whoa! Ang daya! Bakit ganun?!" "Haha! Kasi ganto yun.. Blah blah blah blah blah" Naglalaro ngayon ng chess sina Louie pati si Ken dito sa bahay. Oh well, wala ng "-kumag" na karugtong sa name niya noh? Medyo bati na kasi kami.. Di niya lang alam. At medyo lang naman ah, hindi as in. Ang lakas pa rin kasing mang-inis at mambwisit sakin. Kaya kumag pa rin siya. "Tapos ganito. Blah blah blah blah.." Pero di pa rin kami nakakapag-usap ng matino. Kung di kasi tarayan, awayan naman ang ginagawa namin. "Ano? Gets?" Tapos panay tambay pa niya dito sa bahay these past few days. Kaya ayun, panay away pa din talaga kami. Ewan ko ba. Gusto ko siya laging awayin. Madalas naman pag nananahimik ako, siya naman 'tong nambubwisit. Sarap lang ibitin patiwarik. =.= "Ah... Tsk! Isa pa ulit!" "Yoko na. Nakakatamad." "Nyay. Dali na, idol!" Weh.. Naku Louie! Wag mong matawag tawag na idol yan! Lalaki-- "O sige na nga!" Langya. Yun na nga. Lumaki na ang ulo. Tss. Ayun. In fairness to him, magaling talaga siya. But oh well, di lang siya ang magaling noh. EHEM..! I'm here! Ready to have a match on him. Tingnan lang natin kung matatalo niya ko. MWAHAHAHA >:D *The Next Day* Off to school. Haay.. Kahit medyo tinatamad pa ako.. Gora pa din. Kelangang pumasok. Magsisipag na akong mag-aral eh. Hmm.. Saan na kaya si Warren? Andito na ako sa bus ngayon. The usual time na papasok ako sa school. Ganito ring oras yung nakakasabay ko siya e.. Pero bakit wala pa siya? Haaaay.. *few minutes passed* Amp.. Paalis na ang bus. Di ko nga talaga sya makakasabay. [ Campus ] Tine's POV Minsan.. Kahit SINGLE ka.. Brokenhearted ka pa din.. .< "Sige. Ipaparating ko rin sa kanila ang bitter na smile na yan. Tsk. Wag ka na nga! Think positive, dude." "Psh.. Oo na." Okay. Sana nga marealize ni Matt yun. Sana din marealize nya na ang pinili nyang maganda at mukhang inosente ay isang b.tch! Hindi nababagay ang hitad na Arianne na yun sa tulad ni Matt! She'll never be. EVER. By the way.. "Heyy, how's your confession? Ginawa mo ba?" Gulat na expression ang niresponse nya. Hula ko.. Di niya nagawa. Hmp. "Hindi no? Naku. Wala kang mararating nyan.. Tsk tsk." "H-huh? A-anung confession na pinagsasabi mo dyan?? At bakit naman ako magcoconfess? E wala—" "Heh! Nek nek mo! Palusot ka pa e! It's obvious kaya!" lokong lalaking to. Halata kaya mga pinaggagawa niya. Pero ako lang ata nakapansin nun. "Weh.." then he looked away. Tss. Ayaw pa umamin. Tch. "What's with the stuttering effect? Wag na ngang magdeny! Lalo kayang nahahalata." palusot talaga to e nu? Tss.. "Tss.. Oo na." Sus! Umamin din! "Oo na, may gusto na ako sa kanya.. Pero di ako magcoconfess no. Saka na.." "Nge? Ba't di pa ngayon? Grab the opportunity na. You have the edge kaya! You're close to each other.. Advantage na yun di ba?" "Yun ang kinakatakot ko.. Ang friendship namin.. Baka mawala pag sinabi ko ang nararamdaman ko para sa kanya.. Tsk. Suko ang tapang ko dun. Di ko kaya.." "So you're also making the wrong move and decision for not telling her what you feel, right? E pare-parehas naman pala kayo e.. Tsk." pero di ko naman sure kung ganun nga din si Matt. Sana.... "Sadyang di ko lang talaga kayang sabihin." "So you're weak?" "No, I'm not." "Yes, you are." "Tss.. Akala mo siya, hindi." "Magkaiba tayo." "Wala tayong pagkakaiba. Pare-parehas tayong may nararamdaman para sa mga taong wala namang kasiguraduhan kung may nararamdaman din sila satin.." "Fine. Pero magkaiba pa din.. Lalake ka at prangkang tao pa. Kaya alam kong makakaya mo." "Hindi yun basehan para masabing makakaya ko.. Kaya nga may naimbentong salita na 'Torpe' e. Para yun sa mga lalaking matapang at prankang tulad ko na hindi kayang masabi ang nararamdaman nila. Kahit prangka ako, umuurong din dila ko. Lalo na sa kanya." "Well, magkaiba pa din." "Ayy, ang kulit. Ikaw nga, torete e.." "Eh? E kasi.. Parang.. Parang di naman kami bagay.. Masyado siyang gwapo para sakin..at ako.." Tumingin naman siya sa akin na parang naiinis, "So tingin mo sa sarili mo, pangit ka? E samantalang halos ikaw yung pinapangarap ng mga lalake dito na maging girlfriend. Kami lang ata nila Ian at Jin ang di mo nagayuma... Tsk. Pabatok nga nang matauhan ka!" weh? Haay.. Ewan. Basta feeling ko di kami bagay... "TSK. E pano pa ko? Friendship namin ang nakataya dito pag sinabi ko.. Mas malaki ang pinuproblema ko kesa sayo." sabi niya ulit. "Yea, fine. E di ikaw na may mas malaking problema.." "Tas yung sayo. Napakasimple lang. Di mo ba naiisip na baka ang pinuproblema mo ay pinuproblema niya din? Sigurado akong gusto ka din niya.." huminga siya ng malalim habang nakatingin sa malayo, "Ako wala akong pag-asa dun... May iba ng gusto yun e.." "Tsk! Ano ka ba! Crush lang yun no!" baliw talaga to. "Na may 'Super'? Di lang yun crush..." Ah..eh. Panu ko ba sasabihin? "Super crush kasi above all ng mga crushes niya, yun ngayon ang pinakarecent kaya ganun yung tawag nyia. Ano ka ba. Don't lose hope. Crush lang yun.. Magkaiba yun sa Gusto.." Tama naman diba? Crush is different from like. Hmm.. I think so. "Bahala na.. Basta kung san siya masaya, dun ako." sabi niya habang kumukuha ng bato tapos hinahagis niya sa field. "Magtigil ka nga! Alam mo bang impusibleng di ka magustuhan ni Lianne?" ayan. Ichcheer up ko talaga siya. "Bakit naman?" "Because of your character traits! Mabait, makulit, maaasahan, matalino at... GWAPO! Kaya di malabong di rin nagkacrush sayo yun.. Lam mo naman, halos lahat crush nun." yea. Totoo yun. Malanding bata yun e. "Di rin.. Tingin ko, talo ako dun sa Super crush nya.. Tingnan mo." tumingin ako at tinuro niya ang mukha niya.. Adik ba siya? "O, e ano naman? Gwapo ka kaya! Ikaw lang e, tinatago mo kasi ang gwapo mong mukha sa malaki mong salamin at... Uh.. You're get up.. It's.. Jologs? Mmm.. Nerd." "E sa ganito ako manamit e.. At.. Dito ako sanay. Di naman ako fashionista." "Naku! Dami mong mga pinagsasabi! Inoopposse mo lang rin ang sarili mo!" Kawawa 'tong kaibigan ko. Naku.. I have to help him.. Pero paano? *TRRRRRIIIIIIIINNNG* Aish! Nagbell na! "Tara. Medyo madrama at mahaba ang naging usapan natin ah. Haha" sabi nya with a FAKE laugh. Galing niya ding umarte. "Don't worry, my friend. I'll be your Cupid. I'll help you.." "Cupid ka dyan? Haha. Tara na nga." Then we walk together papunta sa mga building namin.. Tutulungan ko talaga siya. At yung kay Matt? Hmm.. I'll pray for it na sana marealize niya that he really made a wrong decision. I'll wait for him.. Chapter 35: Ohmygosh! Lianne's POV 4 days na ang nakakalipas mula nung nagsimula na ang klase. Friday na ngayon. NAKAKATAMAD. "What time tapos ng class nyo?" tanong ni Arkin sakin. "Ah. Di ko pa alam. May group meeting kami. Text ka na lang namin ni Tine kung anong sure na time." "Ah. Osige." As usual, dito kami sa tambayan naming puno. Break time namin. "Nagugutom pa ko. Tara, bili pa tayo!" sabi ni Ella. "Ene be yen! Nagnew hair cut lang tapos nagkabrace, naging gutumin na?!" sabi naman ni Tine. "E sa nagugutom pa ko e.." sabi ni Ella. "Bahala ka. Tataba ka nyan." sabi naman ni Tine. "Payat payat ko nga e.." "Payat lang. Payat payat, ako yun e." sabi naman ni Sab. "Oo nga. Gano ba kadami ang alaga mo sa tyan? Tapos nagpagupit ka pa ulet. Lalo ka tuloy nakikigaya sa hairstyle ni Dora. Idol mo talaga yun e, noh?" sabi ko. Haha. Pero joke lang naman yun. "Tinanggal ko lang yung kulot. Naku, wag ka ng magtanong. Di ko pinamimigay ang mga alaga ko." sagot naman niya. Haha. Medyo madaming nagbago ngayon in terms of looks. Yung iba nagpagupit. Yung iba naman nagpakulay ng buhok. Para daw new. Oh well, di ko ginalaw tong buhok ko. Mahirap kaya magpahaba ng buhok no! [ Sa Room ] Pagpunta namin sa room… Shocks! Nauna na pala samin yung prof namin! At mukhang nagkaklase na sila.. >_< "Sorry ma'am, we're late." sabi namin ni Tine. "Okay. You may take your seat." Phew. Buti di kami pinagalitan. Isa pa 'tong masungit e. Papaupo pa lang ako nang bigla ulet ako tinawag ni ma'am. "You'll not be attending my class right now." Ohmygosh. May ginawa na naman ba ko?! Wala akong alam!! >.< "B—but why ma'am?" Waah! Kinakabahan ako! "Ms. Flores want you to come in their faculty room. Inexcuse ka na niya sakin." "P—po?" Huh?? Bakit naman? Wala akong ginawang offense ngayon. Ngayon na lang ulit ako naging late! >.< "Pumunta ka na daw!" sabi sakin ni Tine. "Hah? ah. Osige sige po!" tae. Nataranta naman ako sa pagsigaw ni Tine! Palabas na sana ulit ako nang bigla ulet ako tinawag ni ma'am. Be nemen yen. "Bring your things up. Walang magdadala nyan." "O-okay po.." [ Faculty Room ] "Uh.. Excuse me po ma'am.." sabi ko sa isang prof. "Yes?" "Ahm.. Si Ms. Flores po?" "Ayy. Ikaw ba yung estudyante nya na 2nd year?" "Ah. Ako nga po." "Naku hija. Nauna na. Puntahan mo na lang siya." "Po? Saan po?" "Dun sa Trinity Institute. Tapos magtanong tanong ka na lang kung saan yung faculty room ng B.A. Andun siya." "H-huh? O-osige po. Thank you.." Lumabas na ko… Walanjo! Anong gagawin namin dun?! Buti na lang alam ko kung saan yun. [ Trinity Institute ] Okay naman ang mga estudyante dito.. Infairness... Ang susungit. -.- Parang magtatanong lang e, tinatarayan agad ako. Hmp! Napunta ako dito sa isang malaking building. Dito sinabi ni Manong Guard e. "Hmm.. Faculty room" sabi ko habang palinga linga sa bawat rooms na nadadaanan ko. Ang hirap naman maghanap! Buti pa sa school namin, madali lang. "Ouch! Watch your step, you moron!" Moron? ME? Kapal ha! Siya nga tong di tumitingin e!! "Miss, ikaw kaya yung hindi tumitingin dyan." Naku.. Di porket na mas matangkad sya sakin at school niya 'to, matatakot na ko sa kanya. Hmp "At ako pa ha?! Tsk! Get out of my way, you freak!" "A—aww..." Ang sakit ng likod at ulo ko… Ang lakas pala nun. May lahi atang Godzilla. >.< Ayun. Tinulak niya ko at napunta ako sa may pader. Tss. Ngumiting aso naman yung mga alipores niya. Badtrip lang. -.- Wow lang. Sakit ng ulo ko. Naalog ata. Naramdaman ko naman na may papunta sakin.. "Miss, are you okay?" A guy. "Uh. Yea yea. I—I'm fine.." di ko maangat ulo ko. Ang sakit e. "Tss.. Grabe talaga yung mga yun. Tara, let me help you up." "Th—thanks.." Hinawakan niya ang braso ko.. Dugdugdug. Huh? "Pagpasensyahan mo na yung mga yun. Oh, by the way, I'm Warren." tapos inoffer niya ang kamay niya para makipagshakehands.. Tiningnan ko muna ang kamay niya then up.. O-M-G. "Wa—warren?" "Yep. I'm Warren. And you are?" Anak ng..? Am I dreaming?? Pakisampal nga ko! Totoo ba talaga ‘to?? O epekto lang ng pagkauntog ko?? Wah! Tell me please!! "Li—lianne.. I—I'm Lianne." at tinanggap ko ang kamay niya. Waah totoo nga!! Dito pala siya nag-aaral?!! "Ah. You must be the student from Leviathan University." Ohmygosh! Ohmygulay talaga! Panu niya nalaman?! Baka naman... Eeek! Naaalala niya ko! ^///^ "Your I.D lace.." he said while smiling. "A—ah." napanganga ako dun ah, "Hehe.. Opo." napakamot na lang ako sa batok ko. Tss. Nabasa niya ata kung ano ang nasa utak ko. "So ikaw yung 2nd year na sinasabi ni Ms. Flores?" Whatda..? Kilala niya din si Ms. Flores! Ibig sabihin ba nito.... "O-opo. Kayo po ba yung—" "Yep. Tara, hinihintay ka na ni Ma'am." ASDFGHJKL!?!?! This is so good to be true!! Waaaaaaah! "Hey." "Hah?" bumalik na ulit ako sa sarili ko. Nasa malayo na pala siya. Ako nandito pa rin. Waah! Grabe lang! Ang saya ko naman!! Siya ang makakapartner ko! "Punta na tayo." "O-okay!" Tahimik lang kaming naglakad papuntang faculty room. Sinusundan ko lang sya at nasa likod niya lang ako.. Nakakahiyang tumabi e. At imbes na sa daan ako tumingin, sa magandang likod nya ako nakafocus. Grabe lang... Kahit likod, ang gwapo nyang tingnan.. *drools* Habang naglalakad. Nagtataka lang ako kung bakit ang daming nakatingin samin. May dumi ba ko sa mukha? O gwapo lang talaga tong kasama ko? Anong meron?? "Hey, girls. Look! Si Prince Warren! Kyaah!" "Hala! Oo nga! Wah! Kakilig." "Handsome as ever! Ngayon ko lang sya ulet nakita!" "Sabi nung classmate ko sa Advance Algebra, naging busy daw sya e." "Ayy ganun? And who's with him?" "Waah.. Who's that b1tch?!" OMO... >.< Ako ba yun? Nagulat naman ako nang biglang nagsalita si Warren. "Wag mo silang intindihin. At bakit ba nasa likod kita? Dito ka nga." tapos hinawakan niya ang braso ko.. Oh my God. Ang dami kong kilig… Mga bente! Magkatabi na kami ngayon.. Sumasakit na din ang tenga ko sa mga naririnig ko. "Sh1t! Did you see that?! Prince Warren just held her arm!!" "Oh?! Ang kapal! Sino ba yung b1tch na yan?!" "I don't know. Ang landi niya!" Wah… grabe sila. Wala naman akong ginagawa ah? Pero teka… PRINCE WARREN?? What the hell?! May mga ganun ganun pa dito?? Grabe lang. They're college na but they're acting like highschoolers! Pero… Pwede din. Tanggap ko yun. Mukha naman kasi talagang prince itong katabi ko ^__^ "We're here." SMILE. Ang ganda talaga ng smile nya... Nakakainlove. "Ito na yun?" tanong ko. Tama na muna ang pagpapantasya. Baka di ko mapigilan ang sarili ko, maibulsa ko pa siya. Gusto ko siyang iuwe.. *u* "Yep. Let's go inside." Then he opened the door for me. Waaah.. nakakailang 'waah' na ba ko?? Ang gentleman niya kasi e! Pagkapasok ko. Nakita ko agad si Mam Flores. She's sitting beside the table. May kasama din syang ibang faculty at si— Whatda?? "OH?? ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Chapter 36: Salamat Ken's POV "OH?? ANONG GINAGAWA MO DITO?!" At nagsabay pa kaming magtanong. Psh. "Ikaw! Anong ginagawa mo dito?" sabi naman niya habang nakapamewang pa. Tss... =_____= "I'm a student here. Any problem with that?" "Tch..." then she rolled her eyes. "Pano ka nga pala nakapasok dito? Bawal iyakin at pangit dito ah.." sabi ko tapos umupo ako sa tapat ng upuan ni Ms. Flores. "Gwapo mo e, no?" ayun, halata naman sa kanya na nairita siya sa sinabi ko. Iniinis ko lang siya. I just winked at her. Ayun, nanlaki naman ang mata niya. "Okay kids, enough." awat naman ni Ms. Flores sa amin, "So magkakilala na pala kayo?" sabay tingin saming dalawa. Tumango naman yung isa. Ako, di ako sumagot. Badtrip e.. Tsk. Ipinagdikit niya ang bawat palad niya na parang nagclap. "Well, that's great! E di hindi na kayo mahihirapang gumawa ng proj—" ANO DAW?! "WHAT?!" "PANONG?!" "NO WAY!" Parehas naman kaming umapila kay ma'am. BAKIT KAMI?! "Wait. Wait.. Both of you don't have any choice. Ikaw Mr. Hernandez, if you will not do this project, then you might be suspended for 1 month, for those offenses you've done last year up until now.. And you, Ms. Sarmiento," tumingin naman siya kay Lianne, "…your grades on your major depends on this project.. So any violent reactions?" "Pero..." nag-aalangang sabi ni Lianne. "Tsk." Nakakainis. Ang malas ko naman ngayong taon na to! Badtrip!! "Okay. So we're settled. I'll give some references that can be your source of infos in making your project. And feel free to contact me for the consultation. Here." binigyan niya naman kami ng mga xerox copy na hindi ko alam kung anong meron at isang calling card. Argh. Anong gagawin ko naman dito?! "Magstart na kayo next week. Tapos by the end of the of month of Febuary, that's the day of presenting your presentation.. Galingan niyo ha." ngumiti naman siya sa amin, tsk "Okay, you may go now.. Kung may mga klase pa kayo, go back to your respective classes. Bye and goodluck." Sheeet.. Why do I have to do this?! F*ck! Lumabas na agad ako. Tsk. Badtrip talaga! Lianne's POV "Magkakilala pala kayo?" tanong kaagad sakin ni Warren nung nakalabas na kami. "Mm-mm." sabi ko habang tumatango. "How come?" tanong niya ulit. Pero hindi siya nakatingin sakin. Dire-diretso lang kaming naglakad. "Kinakapatid ko siya at magkapitbahay din.." sabi kong matamlay. "Oh? Talaga?? Asdfgjklmnbv..." May sinabi siya pero hindi ko naman naintindihan at narinig. Naout of focus na ako eh. Eh panu, nalulungkot kasi ako.. And at the same time, naiinis... Bakit sa lahat pa ng makakapartner ko ay yung kumag pa na yun?? At bakit ang epic fail?? Hindi si Warren ang kapartner ko..? /sad face. "Hey.." Di ko namalayan, nasa labas na pala kami ng building. And this only means.. hanggang dito ko na nga rin pala siya makakasama.. Haay. "Uh. S-sige. Dito na lang ako. Thank you po." sabi ko nang hindi tumitingin. Ayaw ko nga tumingin. Baka mamaya di ko pa mapigilan yung sarili ko at maiuwi ko pa yan. Kidnapin ko kaya? Joke. -___- "Wag mo kong ipo-Po. Third year pa lang naman ako. Isang taon lang siguro ang tanda ko sayo. Kaya Warren na lang." then he smiled at me.. A sweet one. SHOCKS. Gusto ko ng himatayin dito... AS IN, NOW NA! Di ko mailabas ang kilig ko eh! "Uh.. O-okay po—ayy Warren pala. S-sige, thank you ulet. Bye!" at tumakbo na ako palayo. Grabe. Para akong mamamatay sa kilig at tuwa. At... Ang bilis ng tibok ng puso ko... Parang gustong kumawala sa ribcage ko. Nakalagpas na ako sa school nila. Di na siguro ako babalik ng school namin. Last subject na rin naman namin nung inexcuse ako ni ma'am kanina eh. Kaya uuwi na lang ako. Aist. Nauuhaw nga pala ako. Good thing may malapit na 7-eleven dito. Pumasok ako at bumili ng slurpee. Kumuha na din ako ng siopao, nagugutom na nga rin pala ako. Nagutom ako sa sobrang kilig. Ayy.. Ang landi ko na. Haha. Nang papunta na ako sa counter. May bigla namang sumulpot. "Tss..." Di ko siya pinansin. Di din nyia ako pinansin eh. E di quits lang! Para kaming mga strangers.. FINE. Malamang badtrip din siya kasi nalaman niyang ako ang magiging kapartner niya. Naku! As if naman na natuwa ako na siya pala ang kapartner ko no? And one thing is for sure, making a project with him is gonna be a disaster. Mag-aaway lang kami at hindi makakatapos ng project. Psh.. -___- Lumabas na ako pagtapos kong magbayad. Sa bus ko na lang 'to kakainin. Tutal mahaba haba naman yung byahe ko. Naglalakad na ako papuntang sakayan. Wala kasi atang bus dito papunta dun samin e. Walang nadaan. "Ay!" Nakalimutan ko nga palang itext si Arkin! Baka naghihintay na yun! E malamang umuwi na din si Tine e. Mas maaga kasi uwi namin ngayon kesa sa kanya. Wait. San na nga ba cellphone ko.. *kapa. kapa..* "San ka ba kasi.." *PEEEEEP! PEEEEEEEEEEEEEEEEP!! EEEENNNNGGGK!* Huh? Anong nangyari? Napatingala ako.. "Sh1t!" Hindi ko alam kung ano ang nagyayari… ang alam ko lang… nakayakap siya sa akin. Naramdaman ko… ang bilis ng tibok ng puso niya. Maya-maya lang, binitawan niya ako at hinawakan sa makabilang balikat. Nagulat naman ako dahil para siyang naging monster nung nagsalita na siya. "IKAW! ANO BANG NASA UTAK MO AT GUSTO MONG MAGPAKAMATAY?! HA!?" Tulala lang ako.. Magpakamatay? Bakit? Tumingin lang ako sa paligid ko. Maraming tao, may truck na nakastop, at may taong nagagalit sa akin at nagsasalita sa harap ko ngayon. "PWEDE BA?! KUNG MAGPAPAKAMATAY KA! WAG KA DITO! AT WAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN KUNG GAGAWIN MO YUN! KOKONSENSYAHIN MO LANG AKO!" at saka niya binitawan ang mga balikat ko na parang nagdadabog. Ang mga tao... Nakatingin lang sa amin. Ang iba nama'y nagbubulungan lang. "Ano ba 'tong babaeng 'to. Buti na lang dumating yung lalaki, kundi NAKOW! Basag na bungo nyan. Truck ba naman e" "Buti kamo dumating yung boypren" "Nag-away ata sila kanina kaya wala sa sarili yung gelpren" "Oo nga. Ayan. Nag-aaway ulit sila" Biglang lumabo ang paningin ko. Naramdaman ko na lang na may nangingilid ng mga luha sa mga mata ko. "Dyan ka na nga!" tapos naglakad na sya papalayo.. Grabe... Di ako makapaniwalang kamuntik na akong mamatay. Ngayon, di ako makakilos. Parang nagingnapako na yung mga paa ko dito sa kinatatayuan ko. "Ahh.. Sh1t. Halika nga!" hindi ko alam na bumalik pala siya.. at eto, hila-hila niya ako. Nasa state pa rin ako ng pagkashock, kaya hindi ko namalayang nasa loob ulit kami ng 7-eleven. "Oh. Magpaghinga ka muna dyan." tapos binigyan niya ako ng mineral water. Tinanggap ko lang ang tubig. Ewan ba. Parang ayaw bumuka ng bibig ko. Paano? Paano kaya kung di siya dumating? Paano kung hindi niya ako iniligtas?Nakaupo pa rin kaya ako dito? "S-salamat... Ken." Chapter 37: Smile Ken's POV Di ko alam... pero sobra talaga akong kinabahan kanina. Pero, malamang naman di ba? Sinong hindi kakabahan kung makakakita kang ng taong masasagasaan? At kakilala mo pa? Nakakasura. -__- "S-salamat.. Ken." At last, nagsalita na din siya. Tae lang kasi. Ba't kasi kahit kailan ang engot niya?! Tama ba naman yung maglalakad ka sa may highway nang hindi nakatingin?! Stupid talaga nitong babaeng 'to! Putek! Kabadtrip lang. Napahawak naman ako sa dibdib ko.. Ang lakas pa din ng kabog ng puso ko. Parang gustong kumawala sa dito. Tsk. Langya! Lalo na noong nagsalita na siya. Huh? Ano na naman ba yun?! Badtrip talaga. Umupo ako sa katabing upuan niya pero one seat apart. Gets? Baka kasi pagkamalan kami ditong magboyfriend eh. Pero napagkamalan na nga pala kami kanina.. Deym. Akala ko kanina iiyak na naman siya. Kaya hinila ko siya papunta rito. Sino ba naman kasing hindi maiiyak dun? Kamuntik nang mamatay e. Pero sa nakikita ko ngayon... nakatulala lang siya. She looks wasted. Mixed emotions ang makikita mo sa mukha niya. Teka. Ba't ko nga ba siya tinititigan?! Tss.. *Kroooooooo krooooooo* Oh, tyan ko ba yun?!! Nalaglag nga pala yung mga pinamili ko kanina. Err.. Nagugutom na ako. "Oy." walang anu-ano'y kinalabit ko siya. Tama na muna senti, nagugutom na ako ngayon. Lumingon naman siya. "Bayaran mo ko." sabi ko habang nakaspread ang palad ko sa harap niya. Yung itsura niya, nakatulala lang. "Nalaglag yung binili kong pagkain dahil sayo. Kaya bayaran mo ko para makabili ulit ng makakain.. Nagugutom na ako." antae lang. Wala na kasi akong dalang pera. Naiwan ko wallet ko sa kotse na nakapark sa school. Nakatitig lang siya kamay ko… Err.. I think it can’t help. "FINE." umalis na ako at lumabas sa 7-eleven. Badtrip. Nagugutom na talaga ako. Lianne's POV Wala na... Iniwanan na niya na ako. Nagalit siya sa akin... Malamang magagalit talaga yun. Nagugutom na daw kasi siya eh, ginutom ko pa lalo. Ako? Eto, wala talaga ako sa sarili ko. Naiwan ko ata yung kaluluwa ko sa may highway at ganito na ako ngayon. Sa ngayon, ang daming pumapasok sa utak ko kung anuman ang maiiwan ko dito sa mundong ibabaw kung nasagasaan nga talaga ako. Hmm.. Marami kayang malulungkot? Kung natuloy yun, sobrang iiyak ang kaluluwa ko kasi ngayon ko nga lang nakausap at nakasama ng matagal si Warren e. Tapos ganun?? Pero joke lang. Ang babaw pala nun.. Magmumulto na lang ako kasi di ko man lang natikman ang siopao ko bago mamatay. Tinitigan ko yung tubig. Nagpapasalamat talaga ako kay Ken ng marami... Kawawa naman siya. Ginutom ko pa. Sa totoo lang, di ko talaga masyadong narinig ang mga pinagsasabi nya sakin kanina. Pero alam kong masasakit na salita yun. Ganun yun e. Nagsara lang talaga ang utak at tenga ko sa nangyari.. Lord, patawarin niyo po ako. Ilang minutes na din ang nakalipas... Andito pa rin ako. Ang OA ko na no? Sorry talaga. Ganito talaga ako. Hindi ko magising gising ang sarili ko. Hindi ko din alam kung anong oras na ako makakauwi nito… "Oy." napatingin naman ako sa kaliwa ko. Si Ken. Parang bigla ako sumaya. Nakakatuwa lang. Hindi niya pala ako iniwan.. Di niya ako natiis. "Tara. Umuwi na tayo." halata sa kanya na inis pa rin siya sakin dahil sa katangahan ko. Tumayo naman ako at sumunod sa kanya palabas. Nakita kong nasa labas ang kotse niya.. Kinuha niya pala yun kaya siya umalis. Pumasok na ako sa loob. Grabe. Kahit mainit ang dugo niya sakin ngayon, isasabay niya pa din ako. Then, pinaandar na niya ang sasakyan... Habang nasa byahe, nakatingin lang ako sa labas... Kelangan ko nang ibalik ang sarili ko. Para na talaga akong ewan sa hindi pagsasalita dito. "Sa susunod… mag-iingat ka." napatingin ako sa kanya.. Halata naman sa mukha niya ang inis at pag-aalala ng isang taong concerned. "Hindi sa lahat ng pagkakataon, may magliligtas at tutulong sayo." Tama.. Tama siya. Maraming beses na niya ako tinutulungan at inililigtas. Pangatlo na ngayon. Lumingon na lang ako sa labas ng kotse. Ayokong for the third time around ay makikita na naman niya akong umiiyak. Teehee. Bakit ba habang humahaba yung kwentong 'to nagiging iyakin na ako? Akala ko ba sadistang amasona ang role ko dito? Akala ko ba matapang ako? Haaay. Di na siya ulit nagsalita. Nakafocus na lang siya sa pagdadrive ngayon. Habang ako, eto, ang mga pasaway kong luha ay nag-uunahan pababa sa mukha ko. Pinipilit kong di niya mapansin na umiiyak ako. Sobra na akong nagpapakahina dito. Saglit lang ang iniyak ko. Siguro kaya nagtubig ang mata ko ay para bumalik ulit ako sa sarili ko na kani-kanina lang ay tulala. Malapit na din kami. Buong isa't kalahating oras mahigit, walang nagsasalita samin. Gustuhin ko mang magsalita pero di ko pa rin maibuka ang bibig ko eh... Ang OA ko lang. Di naman ako namatay pero para akong ewan dito na parang kagagaling lang sa isang pahirapang operasyon sa dila. Di ko namalayan, nandito na pala kami sa tapat ng mga bahay namin. Then, itinigil niya ang kotse. Lumabas naman ako at ganun din siya. O, Lianne.. Ano sasabihin mo? Magpapakapipi ka pa rin ba? Malaking bagay ang ginawa niya sayo! Pero imbes na lumingon ako sa kanya, dumire-diretso lang ako at binuksan ang gate. Hingang malalim… Bago ko binuksan ang pintuan. Nagkaroon na din ako ng lakas ng loob para lumingon sa kanya. Ken's POV O-K. Nakalimutan na niyang magpasalamat. Eh pa'no, dumire-diretso lang siya pagkalabas ng kotse ko. Hinihintay ko pa naman na magthank you siya sakin kahit papaano kasi isinabay ko siya. And for the third time around… I just saved the day, I saved her. Hey. Show some gratitude men. Nakatingin lang ako sa kanya. Tsk. Badtrip lang. Pero kelangan ko siyang intindihin. Kahit ganito ako, mabait pa rin naman ako. Tss.. Yaan na nga. Tatalikod na sana ako pero bigla siyang lumingon. NGITI. Naramdaman ko na naman yung feeling na… kinakabahan. Ewan. Ang bilis ng tibok ng puso ko nang makita ko yung ngiting yun. Teka. Takteee. Anong meron? Tumalikod na siya at ganun din ako. Habang papasok sa loob, napansin ko na lang na may curve na nabubuo sa mga labi ko. Shet. Ba't ako ngumingiti? Dahil ba sa ngiti nya? Ok, badtrip ka Ken. Ang korni mo na. Pero di nga… Sa totoo lang yung pagkainis ko biglang nawala at napalitan ng saya. Ngayon lang siya ngumiti sakin ng ganon. Chapter 38: Stuttering Lianne's POV Mabait na ako. HINGANG MALALIM. Mabait na talaga ako eh… Relax Lianne. RELAX. PERO KASI!! "Ano ba, Ken?! Hindi nga pwede yun!!" Nangungunsume pa talaga ako sa kanya! Gosh! Di niya ba talaga ko tatatanan sa pambubwisit niya?! "Sa ating dalawa nga inassign yung project di ba?? Sa ating DALAWA. So it's not fair if you're the only one who'll make the decisions on making this project." sabi niya habang pinaikot-ikot niya yung libro sa kamay niya. "E hindi nga kasi pwede yung sinasuggest mo eh! Third year ka na ba talaga?? Bakit hindi mo alam yun?! Gosh!" Sumasakit na ang ulo ko sa kakapilit niya sa gusto niya! Malapit ko na ring matanggal yung mukha ko kakalamutak dahil sa kunsume! "Alam mo ate, ang ingay ingay niyo." Ayan na. Bumaba pa 'tong isa. Psh! Yea. Andito kami ngayon sa bahay nagmimeeting para sa concept ng project namin. Dapat nga dun kami sa kanila eh. Kaso, baka kung anong gawin sakin nito, wala pa naman sina Kesha dun. At malamang, dalawa lang kami dun kasi pati katulong nila, wala. E hindi ko pa naman alam sa taong 'to.. Perv yan eh. Tch. "O tama na yan. Ito na yung merienda niyo oh. Kumain muna kayo." tapos ibinaba na ni Manang ang pagkain. "Salamat po." sabi ko na lang. Marami na ring araw ang nagdaan pagkatapos nung nangyari na yun. Nakagetover din naman ako agad pagkatapos nun at naging sobrang maingat na ako. Syempre nadala din ako no. Pagkatapos naming magmerienda, tinapos na kaagad namin yung meeting. Naiistress akoo. Mid-term week kasi namin ngayon. Tsk. Nakidagdag pa 'tong kumag na 'to. Lalo tuloy akong naiistress. =.= "Manang, labas lang po ako ah." Tapos lumabas na nga ako ng gate. Saan nga ba ako pupunta? Habang naglalakad may natatanaw na ako.. Wow. Yung playground. Yay! Ang galing ko! Buti nakarating na ako dito nang hindi naliligaw. Babalik din ako sa bahay nang hindi naliligaw. PRAAAAAMIS. Umupo ako... Pero this time, sa ilalim naman ng puno at hindi na sa swing. Blockbuster hit eh. Daming nakapilang bata. Di naman pwedeng makipila pa ko at makipag-agawan sa swing. Adik lang. Mmm.. Sarap ng hangin. Nilagay ko ulit ang earbuds ko sa tenga ko. Tinanggal ko kasi kanina. "I don't even know..nananana..to me mmmm mm.. To me. My lips.. tinenenenen..more. Nanananana..feelin' mmm mmm mmm." haha. Hindi ko kasi alam masyado yung lyrics eh, kaya para akong ewan na kumakanta dito. "I'm stutterin' oh oh oh oh oh.. I'm stutterin' oh oh oh oh oh.. I'm stutterin' oh oh oh oh oh.. What's happening to me.. I keep stutter—Ouch!!" Ang sakit! Napakamot na lang ako sa ulo ko kung saan ako tinamaan. Napatingin naman ako sa baba. Langyaa!! Mangga yung tumama saken!! At sinong hinayupak ang nagtama sakin nun!? SINO?! Tapos tumingala ako. May tao sa taas! He's a guy specifically.. Hmp! Loko yun ah! "HOY!! Unggoy ka!! Bakit mo ko binagsakan ng mangga?! AH?!!" Loko yun! Sarap na sarap ako sa pagrerelax ko habang kumakanta na di maintindihan with matching sayaw pa sa upuan tapos ininterrupt niya lang ako sa paglalaglag niya ng mangga?! Aba't hindi makatarungan yun! Hindi siya sumagot. Aba't unggoy nga talaga!! Inalog ko ang puno (as if na maalog ko. E ang laki nito) EH! Nakakainis eh!! Naistress na nga ko kay Ken tapos nakikidagdag pa 'to!? "HOOOY!! BUMABA KA DITOOO!! HARAPIN MO KOOO!! WAG KANG DUWA—" Nakikita kong bumaba na siya sa kabilang side ng puno. Ayy! May balak pa ata 'tong tumakas ah! Pumunta ako sa kabila. At nakita ko siya. Hmm.. Pamilyar ang likod niya, o epekto lang yun ng pagkabagsak ng mangga sa ulo ko? Ewan. Nakaharap siya sa mga bata at may binibigay yung…. MANGGA??? "Salamat po kuyaaa!! Tara na! May mga mangga na tayo! Yey!" sabi nung isang bata tapos tumakbo na kasama pa yung ibang bata. Huh?? Nakatalikod pa din yung lalaki. Nakoo! Kahit naging concerned citizen siya sa kabataan, hindi ko palalagpasin yung paglaglag niya ng mangga sa akin no! Masakit kaya… "Hoy! Ang sakit nung ginawa mo sakin ah! Sana nag-ingat ka nama—" "Lianne??" SHOOT. Para na namang may nagreracing sa loob ng ribcage ko… Si detector, nagana na naman. "Wa..warren??" Totoo ba talaga to?? Pag sinuswerte ka nga naman! Papalapit na siya sakin... OMO!! "Ikaw ba yung naririnig kong sumisigaw kanina? Sorry ah. Kasi—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. "H—hindi.. Okay lang." okay lang... Okay lang talaga sakin yun. WAAAAH!! Kinikilig talaga ako ngayon! Ang swerte ko naman! Super coincedence 'to.. Na nagkita ulit kami. Ang saya ko. "Masakit ba?" Geez. Sa ginawa niya, para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Warren naman eh! "H-hindi.. O-okay lang." tsk. Inulit ko lang yung sinabi kanina. Nagkamental block ako bigla! Tinanggal na niya ang pagkakahawak niya sa ulo ko… Buti naman! Kahit gustong gusto ko ang pagtouch niya sa ulo ko, hindi pwede... Baka hindi na ako makauwi nito eh. Baka maging statwa na lang ako sa playground forever. "Sorry talaga ah.." Ngumiti na lang ako. WALA AKONG MASABI EH. I am speechless.. ..Sa SOBRANG SAYA AT KILIG. Nakaupo na kami sa bench sa ilalim ng puno. "Sabi na eh.. Alam kong one of these days, magkikita rin tayo." tapos ngumiti siya. ANO BAAAAAH. Kinikilig ako sa ngiti niyang ganyan. My gulay. At anong sabi niya? OMO! He's expecting to see me?! Really? "H—huh? B—bakit naman?" Ano ba yan! I'm stuttering!! Napaghahalataan tuloy ako. "Mm...Bakit ka nauutal?" Ayan na nga bang sinasabi ko eh! Hindi mo pa time magconfess Lianne! Masyado pang maaga. "H—huh? Ah..." ano bang sasabihin ko? "B—baka epekto lang ‘to ng pagkabagsak sakin nung manga... Tama. Y—yun nga. Hehe?" napakamot na lang ako sa ulo ko.. ANONG KLASENG DAHILAN YON?! Ang engot ko talaga. "Oh? Tsk. Sorry talaga.. Di ko sinasadyang nabitawan yung manggang yun.. Naapektuhan tuloy yung ulo mo." nawala yung ngiti niya at nakatingin na siya sakin ng seryoso. HALA! Naniniwala talaga siya? "Nakoo. Okay nga lang talaga ako. Tamo.. Okay na ulit ako. Saglit lang yun.." pinilit kong hindi mautal.. Nagiguilty kasi siya sa kasinungalingang ginawa ko eh. Pero naman! Di nga ko nauutal… Nanginginig naman. "Ah. Ganun ba." tapos bumalik ulit yung ngiti niya, "Basta sorry ulit." napalanghap naman ako agad ng hangin nang wala sa oras. Pinat niya ko sa ulo!! Para talaga ako nagiging bato pag hinahawakan niya ko! "He..he.." parang hindi ako makahinga, "Wala nga po yun.." "'Po' na naman.." sumeryoso naman yung mukha niya. "Ayy." napakamot na naman ako sa ulo.. Ba naman yan. Para tuloy akong may kuto nito. SILENCE. Natahimik lang kaming dalawa. At sabay na nanunuod ng mga batang naglalaro sa playground, mga yaya at alagang naghahabulan, at iilang naglalampungang magjowa. Nakakailang. . Pero ang sarap nito. Ang sarap sa pakiramdam. SOBRA. Ngayon kasi...kasama ko ang Suuuper crush ko. At KATABI KO PA. Isn't it amazing? Ang saya lang talaga. "Ah. Nga pala." napatingin naman ako sa kanya, may kinukuha siya sa bulsa niya. "Panyo mo ba 'to?" at inabot niya sakin. Oo nga. Ito yung ginamit kong panyo nung pumunta ako sa school nila. "Ah, oo. Wow.. Salamat." And for the third time around...nahawakan at nakuha na naman niya ang panyo ko! Gaah. Di ko na naman 'to papalabhan ng isang linggo! Hahawakan ko lang siya at aamoyin. "No prob." "Ang galing..." nakangiti kong sabi, "Pangatlo na 'to." natauhan naman ako bigla. Oh my.. nasabi ko yung nasa isip ko! Lagooot. "Huh?" Halatang nagtataka siya. Sasabihin ko ba talaga?? ANO BA YAN! Ang daldal ko kasi e! "Ah..eh.. Kasi.. Ano.." Naghihintay siya ng matinong sagot. Bahala na nga. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita, "Eh kasi... pangatlong beses mo na napupulot yung panyo ko.." napapikit na lang ako pagkatapos kong sabihin yun. Malamang may mga follow up questions na 'to! Ohmy. "Oh? Talaga?" "O—oo." "Kaya pala.." "Huh?" this time, ako naman ang napatingin sa kanya. "Kaya pala familiar yung mukha mo sakin.." "Oh???" WOW! E di big sabihin, naaalala niya ko? "Oo.." Ngumiti na lang ako. Sobrang ganda na talaga ng araw ko dahil sa kanya.. Stay like this...PLEASE? 5 pm na.. At malapit na ring lumubog ang araw. Ang sarap panuorin ang sunset kahit walang dagat, basta kasama ang crush mo.. Kakilig lang :>> Bigla ko nga pa lang naalala… Ba't siya nandito? Ibig sabihin ba nun...taga rito din siya?? "Uhm.." di ko alam kung pano ko siya tatanungin. Baka isipin nito, Usi ako >.< "Mmm?" sabi naman niya habang napatingin siya bigla sakin. "Uhm...bakit ka nga pala nandito? I mean...taga rito ka rin ba dito sa village? Saang subdivision?" ayy, Dami kong tanung. Tsk Tumawa siya, pero mahina lang. Ang sarap pakinggan… "Oo." "Oo?" medyo naguluhan ata ako sa sagot niya. Pareho bang 'oo' ang sagot niya dun sa mga tanong ko?? "Nasabi ko na yun sayo di ba?" tapos tumingin lang siya sakin, naghihintay ng sagot. "Oh??" hindi ako sure dun. Hala.. Wala akong maalala. "Oo kaya. Nung sinabi mo sakin na magkapitbahay lang kayo ni Ken. Sinabi ko na magkalapit bahay lang tayo." "Oh???" Ano ba yan! Puro na lang ako 'Oh?' tsk. Totoo ba talaga yun?? WEH?! E di ibig sabihin— "Taga Sunny Brooke Subdivision din ako.. 4 streets away from your street." tapos ngumiti siya. WOAH! Sobra na! As in sobrang liit na ng mundo namin! "Wow.." yun na lang ang nasabi ko.. Di ko alam kung panu iexpress eh. Ang saya, kilig at pagkagulat, naghalu-halo na. "Ang liit ng mundo no?" Oo, SOBRA. Pero super saya ko kasi isa lang ibig sabihin nun...We're destined for each other. Oo na. Feeler. "Oo nga eh.." yun na lang ang isinagot ko. Mahirap na. Baka madulas. Silence ulet. Ayun.. Magdidilim na. Sa totoo lang, kanina pang walang mga bata dito eh. Yung dalawang pair na lang ng magjowa ang nagdidate ngayon dito. Ano 'to, PARK?? Tss. Pero… para rin pala kaming nagdidate dito ni Warren no? "Mm..Di ka pa ba uuwi?" tanong niya sakin. Aww. Siguro naiinip na siyang kasama ako? "Huh? Uhm.. Uuwi na din. Ikaw?" "Ganun din." "Ah.." Tumayo na ako. Baka nga kasi naiinip na siya. "Uuwi ka na?" tanong niya ulit. "Uhm..oo eh. Magrereview pa kasi ako. Mid-term week slash HELL WEEK na din. Hehe" langyang tawa na yun. Peke. "Oo nga pala no." tapos tumayo na din siya. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa subdivision namin.. Wow. Makapag 'namin' ako. Haha. Syempre, dito rin siya nakatira eh. Ayun, nakapasok na kami sa loob. Haaay. This is it. Maghihiwalay na naman kami.. At malamang lamang..matagal na namang di magkikita. Tsk. "O, bakit?" tumigil kasi ako sa paglalakad. "Mm... San ka dadaan? Dito na kasi ako." nalulungkot talaga ko.. Although ilang hours ko din siya nakasama at nakausap ng mas matagal, nakakalungkot talaga... Sana magkita ulit kami. "Dito din." "Huh?" Eh di ba nga 4 streets pa yung kanila pagkatapos nung samin?? Kaya hindi dito ang daan niya. "Ihahatid na kita." Wait. Totoo ba yung naririnig ko? "S—sigurado ka?" sabi ko. Gosh! Sana sigurado siya dun at hindi yun joke! "Oo." diretsong sagot naman niya. Feeling ko kinilig ang buong katawan ko dun.. Ulti mo, kuko, buhok, ngipin at pati na rin libag! Kinikilig din. Oh my gulay talaga. Di ko na 'to matetake... Baka macardiac arrest na lang ako bigla dito. o_o Nagulat naman ako nung magsnap siya sakin. Err.. Nakakahiya. "Lianne? Okay ka lang ba?" "H—huh?" Di ko alam.. Nakatitig lang pala ako sa kanya. Anu ba yan. "Let's go." tapos ngumiti siya.. Parang hinila ako nung ngiti niya. At eto, naglalakad na kami.. <3 "Mmm.." Napatingin naman siya sakin. "Mm..Sorry ah." sabi ko, napataas naman yung kilay niya, "Ah..eh.. Ang boring ko kasing kausap di ba? He..he" Kelangan ko na siyang daldalin ngayon bago kami makarating sa bahay. Kasi nga, lam ko na rin naman na matagal tagal pa kaming hindi magkikita ulit. Drama ko no? Ayun, napangiti lang siya. "Di mo ba napapansin na...feeling close ako?" tapos ang sumunod niya ginawa ay pinat niya ang ulo ko. Eee. Para akong tuta na may poging amo. "Huh? Bakit? Pano mo naman nasabi?" "Tulad nito..." hinahawakan naman niya ang mahaba kong buhok. Ohmygulay, "Kahit nung isang araw lang tayo nagkita at nagkakilala, tapos ngayon, ngayon lang rin nagkausap,ganito agad ako sayo." Well... Kahit namumula na ako dito at gusto ko nang maglabas ng kilig, hindi na lang ako huminga. Sinong nilalang ang hindi gustong hawakan ng crush ang buhok niya?? Geez. "G—ganun..?" Nagnod lang siya. "Kaya wag mong isipin na naboringan akong kausapin at kasama ka.. Nagenjoy kaya akong kasama ka. Mm?" tapos tinanggal na niya ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Errr. Bakit mo tinanggal? Anyway, ang saya. Di naman pala siya nabored na nakasama niya ako. Di ko namalayan na andito na pala kami sa tapat ng bahay namin. Amp. It ends today. "O sige. It's nice to meet you again.. Bye Lei." tapos nagwave siya habang nakangiti. Wait... LEI? "Lei?" sabi ko. Yun rin kasi tawag sakin ni Arkin. "Masyadong mahaba yung Lianne kaya Lei na lang." sabi niya habang naglalakad patalikod. Ngumiti na lang ako. Ayokong magsabi ng ba-bye sa kanya... Goodbyes are for endings, eh magkikita pa naman kami di ba? "See you next time!" yun na lang ang sinabi ko kasi MAGKIKITA PA KAMI. OK? And ang ending... binigyan niya lang ako ng napakagandang ngiti niya. Chapter 39: Siya Ella's POV   "Samahan na nga kasi kita.."   "Ee. Wag na nga kasi.. Mag-aral ka na lang. Mid-term week ngayon kaya magreview ka." sabi ko habang nililigpit ang mga gamit ko.   "Nakapagreview naman na ko. Wala na din akong klase ngayon kasi absent prof namin." sabi naman ni Ian habang nililigpit ang gamit nya.   Ang kuliiiiit!!!   "Sssssshhhh!"   Ayy. Napagalitan na tuloy kami ng librarian. Tsk.   "Kulit mo kasi e. Yan tuloy." bulong ko sa kanya. At umalis na kami sa table namin.   Nakalabas na kami ng library..   "Bibili lang naman ako ng book e.. Kaya okay lang kahit wag ka na sumama." sabi ko ulit.   Pinipilit nya kasing sumama sakin.. Naku. Kay kulit na nilalang. Lagi na lang kasi ako nanghihingi ng favor dyan e. Nakakahiya na.   "Ayaw mo lang ako kasama e.."   Tamo 'to. Nagdrama pa!   "Ang drama mo.." sabi ko habang natatawa pa. "Sa mall lang naman kasi ako e. Saka alam kong marami ka pang gagawin. Di ba may project ka pa ngang gagawin?" natigilan naman sya.. Nag-iisip na yan.   "Oo nga noh--" di ko na sya pinatapos sa pagsasalita. Abnormal tong lalaking to. Inuuna pa ang mga hindi mahahalagang bagay. Tsk. Malamang kinalimutan na nya yun. Tss..   "O kitams? Kaya gawin mo na la—" this time, ako naman ang di niya pinatapos. Loko loko.   "E di tara."   "Anung tara ka dyan??"   "Di pa ko nakakabili ng mga materials e. Kaya sasama na talaga ako." he said while smiling widely.   Nakoo naman.   "Fine."   No choice naman din ako.   "Amin na yang libro mo."   Binigay ko naman.   Lagi syang ganyan.. Ay, no. Kami pala laging ganun.. Sa tuwing magkasabay kaming umuwi or kahit dito sa school kung magkasama kami. May mga iba pa syang mga pinaggagawa sakin na ewan. Naku. Akala nga ng mga classmates ko na kami nung Mr. Fine Arts 20XX e. Nanalo kasi sya last sem nun. At kilig na kilig sila pag nakikita nila kaming magkasama. EH?? Bakit naman kaya nila naisip na 'kami'? Eh magkaibigan lang naman kami..   We're friends. Best bud ko sya. At hanggang dun lang yun.   I'm still not ready to enter on such relationships.. Di ko alam. Parang naging manhid na ako.. My first love broke my heart so hard...that I almost died. And it's too much for that.. Kaya siguro parang wala na din akong maramdaman.. And I don't know.. I also don't know when will I fall in love again.. I don't know when will I feel the same feeling that I had before. I already moved on with that stupid jerk, and I don't love him anymore... The only feeling that I have now is hatred.. I hate him. Yah, bigtime.   Nakalabas na kami ng campus.. With all eyes are on us.   "Alam mo, minsan bawas bawasan na talaga natin ang magsama. Di malayong magkakaroon na ng pinakaunang Haters Club dito dahil sa mga pinaggagawa mo." sabi ko. Eh panu? Hinawakan ba naman ang kamay ko.. Para tuloy kaming nag-HHWW. Psh   "Bakit naman? Kung sila iniintindi mo, pwes wag mo na lang sila pansinin.. Mga inggit lang yun."at hinigpitan pa nya ang pagkakahawak nya sakin.   Sa totoo lang.. Di ko alam kung bakit ko sya hinahayaan na hawakan ang kamay ko ng ganun ganun lang.. I used to hate guys. Yeah, man-hater ako. DATI. Nung di ko pa nakikilala sila Arkin nun.. Ewan ba. Simula nung sinaktan ako ni Jacob, naging mailap at galit na ako sa mga guys.. Kahit na ang mga classmates kong boys na medyo close ko ay iniwasan ko nun.. At simula din nun.. Di na ulit ako nagkacrush. Letseng crush na yan e. Dyan kasi kami nagsimula... Haay.. Ay! Ano ba yan! Bakit ko na naman ba siya iniisip?!   "Tsk."   "Bakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.   "Ah. Wala.. Wala, wala." at tumango lang sya.   Haaay. Ngayon lang rin ako nagkaron ng bestfriend na lalake.. Bestfriend ko na tong abnoy na lalaking to e. Since kami naman ang laging magkasama simula pa nung first year. Panu nangyari yun? Ewan. FC kasi to eh. Feeling close sakin na lagi niya akong inaasar and stuff. Ako naman itong si asartalo. Kaya in the end, ayon, naging close kami.   "Gusto mo kain muna tayo?" tanong nya sakin nang makarating na kami dito sa mall. Hmp. Laging gutom to.   "Gutom ka na naman?? Naku ha.. Baka tumaba ka na nyan. Ayokong magkaron ng bff na bonjing!"   "Tss.. Asa? Di nu. At saka ikaw ang pinapataba ko, hindi ako." tapos inangat nya ang braso ko"..Buto't balat ka nga e. Nakakadiri."   "Napaka mo!" pinalo ko nga. langya. Nang-asar pa. >_<   Tumawa sya.   "Pero kahit payat ka.. asdjmlgkdxtvprs.. (ikaw pa rin naman ang gusto ko..)"   "Ano?!" tsk. Parang nagtatongue twister lang siyang nagsasalita kanina eh kaya di ko tuloy narinig ng maayos. Amp.   "Wala." tapos ngumiti lang siya.   "Ewan ko sayo."   Naglakad na kami papunta sa fast food chain.   "Anong gusto mo?"   "Kahit ano na lang. Mamaya ko na bayaran."   "Sinong may sabing magbabayad ka? Libre 'to.. At saka walang mabibiling kahit ano dito.."   Nga pala, lagi nga pala ako nililibre nyan. Ang bait noh? Pero minsan talaga nakakabwisit 'tong taong 'to. Pilosopo masyado. =_=   "Hanapan mo ko ng kahit ano. Bahala ka dyan." and nag-walk out na ko. Kaasar talaga yun.. Hmm.. Hanap na lang ako ng mauupuan.   Alam ko na itsura ng mokong na yun. Natuwa na naman kasi naasar ako. Tch.   Wala akong makita sa may labas kaya tumingin na lang ako sa loob.   "Ayun."   Buti nakahanap na din ako. Pang four seats sya. Sa tabi ng glass window.   "HAHA! Di ko nga alam kung panu nangyari yun e! Bigla na lang ako hinila at hinalikan! Haha"   Anu ba yan.. Ang ingay ah. "Sus! Wala ka. Nung pumunta ako dun, para akong magnet. Lahat ng mga chickas dun nagsipuntahan sakin. Haha"   "Weh? Yabang mo dude!"   "HAHAHAHA!"   OKAY. So kelangan iparinig ang kayabangan nila? Kailangan sumisigaw? Kailangan malakas na tumatawa? Taerr. Nakakairita.   Tumatawa pa rin sila at ang lalakas ng boses. Ano ba!? SILA LANG BA ANG TAO DITO?! Ang lilikoooot! Hello?! Hindi ba nila alam na may ibang customer dito?! Ang gulo-gulo nila sa likod ko! >.< Kelangan pag tumatawa pati upuan ginagalaw? BADTRIP!!!   "Uy. Wag ka ngang magulo! HAHAHA"   Ang tagal pang dumating ni Ian. ERRRR! Yoko nito! Ang loner ko! Tapos yung mga kumag na nasa likod ko, NAKAKABWISIT!!! Arggh!!   "EXCUSE ME!?"   Di ko alam nakatayo na pala ako sa upuan ko at humarap sa kanila. Nakakainis!!! Nalaglag ang mga gamit ko dahil sa kalikutan nila!!!   "Hala. Sorry Miss!"   "Anong sorry sorry?! Ang lilikot nyo kasi! Ang iingay nyo pa! Bar ba to?! BAR?! Para kayong mga lassinggero!"   "Oy. Bakit? Anong meron?" may nagsalita sa gilid ko. Di yun si Ian. Isa ata sa mga kasama nila. Tsk. Di ko siya nilingon.   "Ah. Wala bro. Mainit lang ulo ni ate." sabi nung isa na nakaharap sa kabilang side.   "Oh? Ayy. Sorry na Ms. Beautiful. Wag nang mainit ang ulo.."   Parang nakaramdam ako ng masamang hangin sa lalaking 'to. Tch. Isa pang mayabang!   Di ko na sila pinansin at umupo na ulit ako. Nakakabwisit lang. Dumating naman agad si Ian.   "What took you so long?" I said with an irritated voice.   "Sorry. Mahaba pila e. What's with the face?" seryosong tumingin naman sakin si Ian.   "Nothing."   "Sigurado ka?" tapos tumingin siya sa likod ko..   "Oo. Tara kain na tayo."   Yaan ko na lang yun. BV lang. =_=   Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Medyo nawala pagkaBV ko. Baliw kasi 'tong si Ian e. Ang corny. Imbes na mainis ako, natatawa na lang ako.   "Haha! May joke pa ko."   "Oh, ano? Haha!"   "Anong hayop ang wala lang?"   "Huh? Oh ano?" natatawa tawa kong sabi. Ang corny kasi e XD   "La yon." (Lion)   "Hahaha!" pinagpapalo ko sya. Nakakainis! Ba't ba ang corny nya? XD   "Nakikita ko na ang esophagus mo."   "Kapal mo! Haha"   Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan. Haay. Thanks to him.. Lagi na lang niya ako pinapangiti :)   Natapos na kami at aalis na.   Nang palabas na kami, medyo natulak ako ng isang nilalang na hindi nag-iingat. Tsk.   "Ayy miss. Sorry." tapos umalis na kaagad yung lalaki.   "Ano ba yan, di nag-iingat." inis na sabi ni Ian.   "Yaan mo na. Di naman sadya." sabi ko naman.   Di pa man nakakalayo yung lalakeng ng nakabangga sakin, tinawag siya nung isa sa nakakainis na kumag kanina.   "Jake!"   Humarap yung lalake..     Oh. My. God..   Ian's POV   Pagkalabas namin, di ko na alam kung ano ang nangyari kay Ella.   Pinipilit ko siyang tanungin kung bakit at kung ano nangyari sa kanya pero nakatungo lang siya. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?   "Gusto ko ng umuwi.."   Napatingin lang ako sa kanya. At halatang hindi siya okay..   "Ella. Ano ba kasing nangyayari sayo? Sabihin mo naman oh..." nakahawak na ako sa magkabilang balikat niya. Medyo nakakahiya lang kasi para kaming gumagawa ng eksena dito sa mall. Marami pa namang taong nadaan.   Umiiling lang sya..   "Wala..wala. Ian.. Gusto ko ng umuwi." sabi nya sakin habang nakatungo pa rin.   "Pero pano yung—"   "Saka na ako bibili ng book. Gusto ko ng umuwi." this time nakaangat na ang ulo nya. Sh1t! Bakit sya naiiyak?!   "Please..."   Gustuhin ko mang pilitin siya na tanungin kung bakit pero nasasaktan akong nakikita siya ng ganito ngayon.. Shet lang. Wala akong alam.. Wala akong magawa.   Hinatid ko na siya hanggang sa bahay nila. Di ko siya kayang iwan at hayaang umuwi ng ganitong sitwasyon niya.. Ewan. May nararamdaman akong hindi maganda sa nangyari kanina..   Hindi kaya..??   "Siya ba?" bigla na lang lumabas sa bibig ko ang nakakalokong tanong na 'to. Alam ko. Tanging yun lang kasi ang magiging dahilan kung bakit siya nagkakaganito eh.   Tiningnan niya lang ako. Alam ko sa mga tingin na yon.. May sagot kahit hindi sya magsalita. Hindi ko lang nasisiguro.   "Bukas na lang. Salamat sa paghatid." tapos umakyat na sya papunta sa kwarto niya.   Wala na akong nagawa.. Umalis na lang ako sa katanungang..       Siya pa rin ba? Chapter 40: What's up with them? Lianne's POV Oh yeah! Thank God at tapos na din ang Hell Week! Actually, this week kasi inspired ako.. Alam nyo yun? Haha! Nakakakilig lang.. 3 times kong nakita at nakasama si Warren nung weekdays. Ewan. Simula nung nagkita kami sa may playground lagi na kong napunta doon. And luckily...naaabutan ko nga siya doon. Yay! Sobrang saya ko kasi parang mas lalo pa kaming naging close. Tawanan there, kwentuhan there and voila! Love is in the air! Tapos may ishinare pa siya sakin. Sabi niya, ang pagnguya daw ng bubblegum ay nakakapagenhance daw ng memory. Habang ngumunguya daw kasi, napapagalaw daw yung mga neurons at yung hippocampus which is the storage of memory at narerelax din ang mga ito. Kaya nga maganda daw magreview nang may nginunguya, specifically bubble gum. Kaya ayun nga ang tataas ng mga scores ko sa mid-terms lalo na sa mga major subjects ko na masasabi kong 'himala!'. Haha. Sinunod ko din kasi. Sabi niya e. "Ate. Tawag ka ni kuya Ken. Nasa baba na daw sya. Wag ka daw magbabagal-bagal. Ayaw niya daw ng pinaghihintay siya. Yun lang." tapos isinara na ni Louie ang pinto. OKAY. So ginawa na niyang messenger ang kapatid ko? Kapal talaga nun. -.- Bumaba na ako. Tss. Naiirita talaga ko pag nakikita ko siya. Pero kelangan kong imeet 'tong kumag na 'to ngayon para mabilis ng matapos yung project namin. Haay ewan. Saturday nga pala ngayon at walang pasok. "Ituloy na natin yung project. Tapos naman na ang mid-term week." sabi ko habang papalapit sa kanya. "Yeah.." naupo siya sa sofa. "We have to conduct a survey." sabi ko habang nakatayo sa harap niya. "For what? Magresearch na lang tayo. Wag na yon." pagrereklamo niya. "Hindi pwede yun. Kasama talaga yun." "Tsk." Aba ha. Siya pa tong may ganang mag-inarte. Tsk. Umakyat muna ako sa taas at mag-aayos lang ako. "Dyan ka lang. Kukuha lang ako ng gagamitin natin mamay—" di niya ko pinatapos. Errr. "Bilisan mo na. Dami pang satsat." he said without looking. Errr.. Napaka niya talaga! Ken's POV Nakakainis. Daming alam. Ba't ba kelangan pa ng ganun? Ang daming arte. Tsk.. Langya kasi. Bakit ito pa ang binigay sakin na punishment? Badtrip lang.. =_= Almost 10 minutes passed. Tagal ah. Mga babae talaga. Di naman kami magdedate, bakit pa siya magpapaganda? Tss.. *Screech..* -->(tunog ng pagpark ng sasakyan. Ang korni ko talaga magsound effects. XD) May narinig akong nagpark sa labas. *Ding dong. Ding dong* Doorbell namin yun ah? Lumabas ako para tignan kung sino ang nagdodoorbell samin. Walang tao dun ngayon e. Di pa rin kasi bumabalik yung kasambahay namin. "Wala atang tao." "Tinext mo ba sya bago tayo pumunta dito?" "Hindi." "G*go ka talaga. E pano na yan?" Nakita ko sina Jake at Warren. Anong ginagawa nila dito? "Yo!" sabi ko. Tumingin naman sila sakin. "Oh dude! Ba't ka nangangapit-bahay dyan? May chickas ba dya--" di ko na siya pinatapos. Ungas talaga to. "Lul. Tumigil ka nga. Anong ginagawa nyo dito?" "Tara, gimik." sabi nya. Yung isa naman nakasandal lang sa kotse at tumingin saglit. "Sasama yan?" tinuro ko si Warren. "Bakit? Ayaw mo?" pang-aasar na tanong ni Warren. "Himala, bro." tapos nag men's handshake kami. "Lang magawa e." sagot naman nya. "Tara." sabi ko. "Oyy, anong 'tara' na pinagsasabi mo dyan??" narinig kong may nagsalita. At tumambad sakin ang isang iyaking impakta na nakatayo sa gate ngayon. Tss.. Oo. Iyakin. Simula nung pangatlong beses na iniligtas ko siya at pangatlong beses na umiyak siya sa harap ko.. Naisip ko lang na napakaiyakin niya. It's like being a crybaby doesn't fits to her personality. She always nags at me. So, I can tell, di bagay sa kanya. Di naman siya ganun...dati. "Ikaw na lang kaya. Kaya mo naman yan e." sabi ko sa kanya. Oo, kaya niya na yun. Pag sumama rin naman ako, siya lang rin naman lahat gagawa. "Nah-uh. HINDI PWEDE." tapos nagcross-arms siya. Psh. "Tsk. Dali na. Hindi ba pwedeng next time na lang?" sabi ko. Ang dami dami pang time e. Tska sa katapusan pa naman ng Feb ipapasa yun. Masyadong excited. "Next time ka dyan?! Today is our project making day! So dapat nakafocus ka lang ngayon sa project natin. Hindi lang grade ko ang nakasalalay dito kundi pati yung sa pagpasok mo sa school noh!" sabi niya na ngayo'y nakapamewang na. Tsk.. D4mn it. Wala na. Wala akong palag dyan e. "Yo. Si Beautiful Monster yan di ba? Di ako nagkakamali di ba?" bulong ni Jake sakin. "Oo, siya nga yan. Tsk." that girl really annoys me. A lot. Nakakainis. "Oh? Anong ginagawa niya dyan??" medyo napalakas niya ata ang pagsasalita niya, kaya ayun, narinig naman nung babaeng yun. "Dito ako nakatira, BAKET?" sabi niya habang nakataas pa ang kilay. "At hindi mo pwedeng hiramin yan ngayon! May gagawin kami.." "Whoa! Ano yun? Ano gagawin nyo, ah?!" langya. Biglang naghyperventilate ang gunggong. "A-aray.." sinikmuraan ko nga. G*go eh. Kung anu-ano pinag-iisip. "May gagawin pala kayo eh. Geh next time na lang." mula sa side na yun, napatingin naman kaming lahat sa nagsalita. Si Warren. Nakalimutan kong andito nga pala siya. "U—uy!" tapos biglang napatayo naman ng tuwid si Lianne. Halatang gulat na gulat at nataranta.. What's up with her? Parang ewan. "Geh next time na lang namin siya ayain, Lei. Sensya na ah." tapos inakbayan niya si Jake. "Lei?" sabay naming tanong ni Jake. Lei? Kelan pa naging ganun yung name nya? Di naman siya tinatawag nila ninang ng ganung palayaw. "Magkakilala kayo?" tapos tinuro ni Jake yung dalawa. "Yah." nakangiting sabi ni Warren. Tss. Lagi namang nangiti yan. Napatingin naman ako sa side ni Lianne. At hala siya oh? Namumula. Anong meron? "Ah..eh." di siya makapagsalita ng diretso. May relasyon ba sila? E lately lang naman sila magkakilala. As far as I know, nung araw lang na pumunta si Lianne sa school nun sila nagkakilala. Mm. Not sure. Wow ha, astig. Bilis pala nito ni—Sino nga ba? "Wow! Astig naman nun! Kilala ka na namin, Lei." sinamaan naman siya ng tingin ni Lianne na parang sinasabing 'wag mo kong tawagin ng Lei si Warren lang may karapatan nun'. Yung ganun. Tss.. "So.. We'll go ahead. Bye Le—" "Saglit!" umapila naman si Jake. Ano na naman yun? "Sama na lang kaya kami sa inyo? Saan ba kayo pupunta?" tanong nya kay Lianne. "That's...great?" di sure na sagot niya. Psh. Namumula pa din siya. "Magsusurvey kami. O, sama pa kayo? Walang kwenta yun." malamang di yan sasama. Ang corny. "Tara!" sabi ni Jake. Langya. Kala ko di sasama. Tsk. Ngumiti lang si Warren. Sheeet. Badtrip talaga. Sumakay na kami sa kanya-kanya naming kotse. Nagulat naman ako na dito siya sasakay. Seriously?? "O, ba't ka andito? Dapat du—" di nya ko pinatapos. Tss! "Ano pa ba sa tingin mo? Ano yun? Ipapagcommute mo ko?!" tapos nagseatbelt na sya. Di ko na siya inimik at nagdrive na. Mabubwisit lang ako. Tss. Nakarating na kami sa isang park. "Wow. Bakit tayo nandito?" tanong ni Jake. Minsan talaga hindi ko maisip na naging kaibigan ko 'tong ugok na 'to eh.. Parang tanga lang. Ipinamigay naman samin ni Lianne yung mga papel. Aanhin naman namin ang mga 'to?? "O, ano 'to?" sabi ko sa kanya. "Malamang, papel. Bulag ka ba?" sarkastikong sagot niya. "Pfft!" nagpipigil naman ng tawa si Jake. I gawp at him.. Umayos naman siya. "Oo na. Ikaw na ang may malinaw na mata. Malamang alam ko yun, di ako bobo." naku. Pasalamat 'tong babaeng 'to na di ako yung tipong brutal. "Yun naman pala e." "E aanhin nga 'to? Iexplain mo kas—" "Ieexplain na nga di ba? Excited much kasi eh." di ko na sya inimik. Nakakatamad. Inexplain na niya kung ano gagawin namin. Nakakainis lang kasi kelangan naming makipag-usap sa mga tao dito at papasagutan ang mga papel na binigay niya samin. Psh.. =.= "100 persons lang yung respondents natin. Okay na yun." pageexplain pa niya habang binibigyan kami ng mga ballpen. Hinila ko na agad si Jake. Siya na lang yung chaperon ko since nandito naman siya. Ayokong kasama yung babaeng yun. "Ang boring pala ng gagawin niyo dito. Tss" pagrereklamo niya. "Tanga mo eh. Sumama-sama pa kayo." sabi ko sa kanya. Ang engot. Kala niya siguro cool ang magsurvey. Tsk.. Naglakad-lakad na kami at nagsimula ng magpasagot sa mga taong nakatambay at nakaupo lang sa park. Psh.. Ang boring. Lianne' POV Tamo yun. Bigla biglang umaalis. Di pa nga ako tapos magsalita eh. Tss.. Bastusing Gurang. At ngayon, ano na? "Let's go?" sabi ng poging nilalang na nasa tabi ko. Kelangan niya ba talagang laging ngumiti? Napapangiti din ako eh. Naglakad-lakad na kami at nagsimula ng magpasagot sa mga inihanda kong questionaires. So parang magkapartner kami ngayon ni Warren kasi kami nga ang magkasama. Haay. Sana wag nang bumalik yung dalawa para masolo ko siya. JOKE. Sa totoo lang nagulat talaga ako nang nandun din pala siya nung nagsusungit ako. Nakakahiya tuloy. Pero ang saya saya saya saya *insert infinity here* ko ngayon. Ang sarap ng feeling ng halos araw-araw mong nakakasama ang crush mo. Nakakakilig di ba? Tapos tinutulungan pa niya ako sa ginagawa ko ngayon. Yay! Sana siya na lang talaga yung naging kapartner ko.. "Ayan.. Nakaka 30 respondents na tayo.. 20 to go." sabi niya with matching charming smile. Enebenemenyen.. ::) "Oo nga eh. Salamat ah." sabi ko. Thankful talaga ako. "Naku. Wala yun.. Alam mo bang ako dapat kapartner mo sa project na 'to?" sa sinabi niyang yon, parang nabingi ako.. Bakit? BAKIT HINDI NA NGA LANG TALAGA? Nakakainis naman... "O-oh?" nakakalungkot naman. Dapat siya na nga lang talaga.. "Oo. Nung araw na pinapunta ka sa school namin, ipapakilala ka na dapat sakin ni ma'am na magiging kapartner ko. Eh nagkataong gumawa na naman ng kalokohan si Ken, kaya ayon. Siya na ang ipinalit sakin." sabi niya habang inaayos ang mga papel. Nakaupo kami ngayon. Shee...may. Ang laki mo talagang EPAL, KEN.. I swear, gusto na talaga kitang bugbogin ngayon. Bakit gumawa ka pa ng kalokohan nung araw na yon?? Pwede naman kasi before ng araw na yon o di kaya kinabukasan nun di ba? BAKEEEEET? "Ah.." wala akong masabi eh. Pero meron pala, isa lang. ANG LAKI MONG EPAL KEN, SANA KUNIN KA NA NI LORD. BLESSING IN DISGUISE KA EH. BWISET. Nanlulumo akong tumayo para magpasagot na ulit sa mga taong nasa park. Ampupu lang kasi.. Tsk. Pero yaan na nga. Ang importante kasama ko siya ngayon.. At tinutulungan niya ako. Oo, yun nga. Be thankful na lang Lianne. ... ... "Thank you po." sabi ko. At last! Natapos na din namin! Haay. Makakauwi na kami . Bumalik ulit kami kung saan kami nakaupo kanina. "Thank you, thank you talaga!" sabi ko kay Warren habang magkadikit ang mga palad ko. "Haha. No problem. Basta kung kelangan mo ng tulong, I'm always here. We're friends, right? So just count on me." Kinikilig ang kaloob-looban ko.. Pwede ko ba siyang hiramin araw-araw? Kami na lang dalawa ang gagawa. Kahit 24/7 pa. Hindi ako mapapagod. "Oo naman. Thank you talaga." sabi ko naman. Nagkwentuhan na lang ulit kami sa mga bagay-bagay. Parang feeling ko 1/4 na ng tungkol sa sarili niya nakwento na niya sakin, ako man e ganun din sa kanya. Ang dami kasi naming napapagkwentuhan eh. Alam mo yung komportable kayo sa isa't isa na mag-open up? Yung ganun.. Nakakatuwa lang. "Ang tagal naman nung dalawa.." sabi ko. Actually almost 1 hour na din kaming naghihintay sa kanila. Kumain na nga din kami ng kung anu-ano eh kung may nadaan na mga vendor sa harap namin. Ang tagal kasi nila eh. "Baka nahirapan yun sa pakikipag-interact sa mga tao dito." dagdag ko pa. "Hmm? I don't think so." sabi naman niya. Napatingin naman ako. "Huh? Bakit naman?" eh kasi parang wala sa itsura ng mga yon ang mag-approach sa mga tao. Lalo na si Ken. Eh bugnutin yun eh, kaya nakakainis. Yung isa siguro..sino nga ba yun? Basta. Medyo siguro. Nung dati nga nung sa bar, siya yung nag-approach sakin. Hmm. Ewan lang. Ngumiti lang si Warren. "Basta. Alam ko mabilis lang yun nakatapos." sabi niya. "Eh bakit ang tagal nila?" "Baka may ginawa na naman yung mga yun.." may ginawa? Ano naman? Clueless… Iniba ko na ulit ang topic. Tanungan naman kami ng mga favorites ngayon, like anong favorite color, food, tv shows, movies and stuff. Yeah. What a lame topic, but I want to know more about him. Buti nga sinasagot pa niya eh. Naku. Sana di siya maweirduhan sakin. Another 30 minutes pa ang nagdaan, dumating na ang mga paVIP. At may mga kasama na sila.. What the hell?? "That's what I'm talking about." sabi ni Warren. So yung ginawa lang nila ay mambabae? GANUN?? Asdfghjklmn!!! "Dude, naghintay ba kayo?" sabi nung epal slash kumag na si Ken. Ano sa tingin niya ang sagot? Inirapan ko lang sila. Nakakainis lang. Yun lang pala yung ginawa nila? Mygulay!! May kanya-kanya silang kapartner na parehas nilang kaakbay. Saan naman nila napulot yan? Sorry. Naiinis lang kasi talaga ako eh. "Wag ka ng mainis dyan. Nakapagdate naman kayo eh." sabi niya. DATE?? As in D-A-T-E? Hmm.. Pwede rin. Kami lang dalawa yung magkasama mula kanina.. E di ibig sabihin… Pero—Eh! Kahit na! Pinaghintay nila kami! Tumayo na agad ako as a sign na kelangan na naming umalis. 5:30pm na din. Medyo dumidilim na. Pero nung pagbukas ko ng kotse ni Ken, bigla naman niya isinara! Err.. Buti di ako naipit.. :( "Ba't ka dyan sasakay?" tanong niya. Eh loko pala to eh. Ano yun? Di niya ko pauuwiin? "Malamang, alangan namang magcommu—" di niya ko pinatapos magsalita. "Oo na. Oo na. What I mean is, dito ka sasakay? Eh may kasama nga—" "Fine!" naglakad na ako papalayo sa kanya. Oo na. May date sila. Or worse, may gagawin silang rated PG na not suitable for young adults like me. Tsk. Magkocommute na lang ako. "O, Lei san ka pupunta?" napatingin naman ako sa nagsasalita. Si...? "Jake." sabi niya. Nabasa niya siguro kung anong ang nasa utak ko. "Okay, Jake. Lianne name ko. Not Lei." pageexplain ko sa kanya. Si Warren lang ang pwedeng tumawag sakin nun. "Pero—" di niya na naituloy yung sasabihin niya, bigla kasing nagsalita si Warren. "Saan ka pupunta, Lei?" ayun. Siya lang yung pwedeng magtawag sakin nun ha? Exclusively him lang. "Uuwi na ako." walang kalatoy-latoy kong sagot. Tinamad na ako bigla eh, kahit bias ako sa kanya. "Magkocommute KA?" diniinan niya talaga yung word na 'KA'. Di ata siya makapaniwala na magcocommute ako. Eh wala eh. Wala akong masasakyan. Nakakainis lang.. Kinakapatid ako tapos pinagpalit ako sa.. Err. Whatever. Tumango lang ako. Nakakatamad na talaga. "E di sakin ka na lang sumabay. Ihahatid na kita sa inyo." pagpipresinta niya. Seriously? Walang halong biro? Hindi yun joke? "Ano yun, di ka sasama?" sabat naman ni.. Jake? Oo. Jake nga ata. "Susunod na lang ako. Maghahatid ko pa ako e." tapos tumingin siya sakin. BLUSH. Bakit ako kinikilig? Syempre! Ihahatid niya daw ako e. Eeek! ^////^ "Sabi na may something kayo eh! Nice.. Nice bro." tapos tinatap niya sa balikat si Warren. "G*go." tapos tumawa siya. Sa totoo lang… nagulat ako. Marunong pala siyang magsalita ng ganun? Mukha kasi siyang anghel.. Di bagay sa kanya ang ganung words.. Kay Ken lang. Devil yun e. >:( Umalis na sina Jake pati yung.. Err... What are they? Mukha kasi silang...dyan dyan lang sa tabi-tabi na sosyal. Bongga eh. Killer heels ang gamit tapos ang ganda nung damit pero super ang iiksi. Wagas pa kamo ang make-up. Hmmp. I am being harsh na. Before pinaandar ni Ken kotse niya, nagstop muna siya sa harap namin. "Oy, bro. Ingatan mo yang kinakapatid ko ah. Wag mong paiyakin yan. Iyakin yan eh." tapos nagwink sakin. Ingatan? May something? WHAT'S UP WITH THEM? And ERR!! The nerve of him! Sinong may sabing iyakin ako?! Kapal talaga nun! "Yea." tapos tumawa lang siya. Then umalis na din ang epal kong kinakapatid. Tsk. Hmm.. Baka pinagtatawanan niya ako kasi iyakin ako. "So...tara na?" sabi niya. Kami na nga lang pala ang natitira dito. Umalis na rin kasi sila Jake. Tapos pumunta siya sa may passenger seat. Then… binuksan niya yung pinto. Oh men.. How can he be so gentleman? "T-thanks.." eek. Wala akong masabi kundi yun lang. Di ko naman kasi pwedeng sabihin na kinikilig ako sa ginagawa niya. Wala pa akong balak magconfess.. Sarilinin ko muna yung kilig ko. Pumasok na din siya sa may driver's seat. Wow.. I can't believe this. Now, I'm seating next to him.. To my crush. Yea, lagi ko naman siyang nakakatabi eh. Pero iba yung ganitong set-up. Alam mo yun? Isa 'to sa mga pinapangarap ko na mangyari sakin with my crush. Pero teka…parang may nararamdaman ako. Ang init… At may… humihinga? Para na naman akong nagka-asthma dahil sa hindi ako makahinga. Grabe… Ang lapit talaga ng mukha niya sa akin! "Sorry. Parang di mo kasi ako naririnig kanina eh. Kaya ako na lang yung nagkabit." tapos bumalik na siya sa upuan niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Ewan ko kung ano na ba dapat ang next kong gagawin. "He…" parang ewan ang mukha ko, "He..." tapos lumingon na lang ako sa kabilang side. Feeling ko namumula na naman ako eh. Pinaandar na nya ang engine, tapos nagdadrive na siya ng tahimik. AWKWARD. Pero ako lang ang nakakaramdam nun. Nahihiya talaga ako.. and at the same time, kinakabahan. Alam mo yung feeling ng sobrang bilis ng tibok ng puso mo? Ewan. Yung detector ko kasi lagi na lang ganito. Kahit noon pa. Lalo na ngayon na lagi na kaming nagkakasama. Lagi na lang siyang tumitibok ng mabilis... Bakit kaya? Chapter 41: Akala Lianne's POV [ Sa UTMT.. ] Ako: Anong meron? Aya: Ewan. *lakad..* Ako: Anong meron? Sab: Di ko alam. *lakad..* Ako: Anong meron? Tine: I don't know.. *lakad..* Ako: Anong me-- Arkin: LEI.. Ako: Okay po.. *atras atras..* Naguguluhan ako.. Ano ba talagang meron? May war ba? Ampupu lang.. Wala namang sumasagot sa akin. Lumapit ako kay Jin. Di pa man ako nagsasalita, nakasagot na kaagad siya. "Wala din akong alam.." Ano ba yun.. Bakit wala silang alam? Bakit hindi nila alam? Dahil sa kating-kati akong malaman kung ano ang nangyayari, hinila ko ang nananahimik na si Ella papunta sa pinakamalayo lugar, kung saan malayo na kami sa puno. Gusto ko talaga malaman eh. "ANO BA TALAGANG MERON?" sabi ko with matching cross-arms pa. "Wala.." sabi niya habang nakayuko lang. Eh? Anong wala? Anong sabe ng itsura niya ngayon? "Ella, wag mong sabihing wala dahil yang bulging eyes mo, kumakaway. Now, sabihin mo naman sakin kung ano oh...Please?" sabi ko with sincerity.. Nag-aalala talaga ako sa kalagayan ni Ella eh.. Hindi yan ganyan. Almost 1 week na din yung ganyan..pati mata niya. Sabi ni Ian, umiiyak siya lagi. Di naman daw sinasabi ni Ella kung bakit. Bakit? Ano nga ba kasi ang nangyari? "Li—lianne.." tumingin siya sakin at parang nagcrack yung boses niya at tuluyan ng umiyak. Bakit? Niyakap ko siya.. Nakakainis lang. Kung sino man ang damuhong nagpaiyak nito, kukulamin ko, bubugbugin at bubunutan ng mga buhok sa kili-kili.. I HATE HIM! OR HER..Kung sino man yun! "Ssshhh.." tapos hinimas-himas ko ang likod niya. Humahagulgol na kasi siya. >.< Magkayakap lang kami sa isa't isa.. Alam kong hindi niya magagawang magsalita sa ganitong sitwasyon. And I can feel...I can feel she's really hurt.. Sana may magawa ako.. Ayokong nakikitang ganito ang mga kaibigan ko. Pati ako, nasasaktan din.. "Lianne.." humihikbi na siya at lalong humigpit ang pagyakap niya sakin then paulit-ulit niya ding sinasabi ang pangalan ko... Sa totoo lang, pinagtitinginan na nga kami eh. Pero wala silang paki. E di umiyak din sila ng ganito kung gusto nila. Ilang minutes din kaming nagstay sa ganung posisyon. Nang mahimasmasan na siya.. Dun na lang ulit siya nagsalita. "Bakit siya pa rin.." tumingin lang siya sakin ng diretso. Di ko alam kung tanong ba yun.. o statement. Ngongo yung boses niya.. Siya. Parang kilala ko na kung sino yun.. "Panong.. Bakit.." ewan. Naguguluhan ako. Parang wala akong masabi o maitanong. Hindi ko alam.. Parang naalarma naman ako.. "Nakita ko siya.." Ha?? Nakita? Saan? Kailan? At bakit pa nagpakita ang letsugas na lalaking yun?! "Bakit ganun? Parang...nung nakita ko siya...tumibok ulit 'to.." napahawak naman siya sa kaliwang dibdib niya. Ang itsura niya.. Parang nahihirapan. At naiiyak na naman siya.. Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya niyakap ko na lang siya.. Tulad ng kanina, mahigpit niya akong niyayakap habang sinasabing... "Mahal ko pa rin yata si Jacob..." Ian's POV "Mahal ko pa rin yata si Jacob..." Nang marinig ko ang mga katagang yon... parang gusto ko ng mawala. Ayoko na.. Parang biglang gumuho ang mundo ko at parang tinamaan ng maraming pana ang puso ko.. Matatalim na pana...at masakit.. Sobra. Kaya pala... Kaya pala hindi niya pa rin ako mapansin-pansin at hindi niya maramdamang gusto ko siya.. na mahal ko siya, dahil yon sa mahal pa nga niya ang g*gong yon na nanakit sa kanya.. Ang sakit-sakit lang.. Alam mo yung inakala mo na napalitan mo na yung dati niyang mahal sa puso niya? Ganun yun.. Ang tanga ko lang.. Nagpadala ako sa maling akala ko.. G*go ako eh. Bobo. Sh1t.. Hindi ko namalayan...nasuntok ko na pala ang posteng pinagtataguan ko.. ng paulit-ulit.. Walang wala yung dugong lumalabas sa kamao ko...sa sakit na nararamdaman ng puso ko.. Sh1t lang. Naglakad na ako ng mabilis papalayo kung nasaan sila.. Kelangan ko ng umuwi.. Ayokong magmukhang g*gong umiiyak dito. Ella's POV "*sniff*..Huh?" parehas kaming napalingon ni Lianne sa may bandang kanan...yung poste kasi.. "Ayun, as I was saying, baka naman kamukha niya lang yung nakita mo?...o maligno na ginaya ang mukha niya? Yung ganun... Baka hindi talaga siya yun. Impusible. Napakaliit naman ata ng mundo para magkita ulit kayo.." sabi ni Lianne.. Kinukumbinsi niya kasi ako na baka hindi daw si Jacob yung nakita ko nun, kundi ibang tao.. "Hindi eh.. Siya talaga yun...alam kong siya yun." Oo na. Halos 1 week na rin akong ganito na ipinagpipilitan ko sa sarili ko na siya nga yon.. Kasi alam kong siya nga talaga yun...at di pa rin ako makapaniwala. 1 week na rin akong umiiyak kasi naguguluhan talaga ako.. Sobra. Akala ko.. Akala ko hindi ko na siya mahal.. Akala ko...wala na akong katiting na nararamdaman sa kanya kundi, GALIT. Pero, bakit ganon.. Akala ko ayaw ko na siyang makita habang buhay, pero ngayon.. namimiss ko na siya...NA NAMAN. Ang tanga ko lang.. Sa mga akalang yun.. Mali pala yung mga inaakala ko. Nakakainis lang 'tong puso ko...SIYA pa rin pala ang laman nito.. Ayon, 'di pa rin kasi talaga ako makapaniwala na nakita ko siya ulit. Noong high school...pagkatapos naming magbreak, nalaman kong nagpatransfer na siya ng ibang school. Nagmigrate daw sila. Ewan ko. Hanggang ngayon pa rin kasi naguguluhan din ako... kung totoo ba talagang may iba siyang mahal kaya nakipagbreak siya sakin o dahil sa aalis sila? Ewan. Wala akong alam.. Napalingon ako sa kabilang side.. Si Ian yun ah? Bakit dala niya gamit niya? "Lianne.." tumingin naman siya sakin at pinunasan ko na rin ang mga luha ko. "Si Ian yun di ba?" tinuro ko siya. "Oo nga noh? May klase na ba yun?" tanong niya sa akin. "Di ko alam.." Di ko rin alam sa sarili ko.. Parang may iba akong naramdaman.. Ang bigat lang. Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko habang nakikitang naglalakad si Ian papalayo.. Pero bakit... Bakit ganito ang feeling? Chapter 42: Chances Arkin's POV "O, ano na?" Nagulat naman ako nang biglang tumabi sakin si Tine at sabay tanong ng..ano ba yung tanong niya? Ang gulo. "Anong, ano na?" di ko naman kasi magets yung sinasabi niya. Isinara ko na lang yung librong binabasa ko, kinakausap niya ako e. "Err!!" pinalo naman niya ako sa braso. Isa pa 'to eh, namimisikal. "Nakakainis ka! Ka ko, ano ng nangyari sayo? Kamusta ka na? May pagbabago ba??" sa sinabi niyang yon.. Gets ko na. Napatingin naman ako sa direksyon kung nasaan yung tinutukoy niya, dun sa malayo. Si Lianne. Huminga ako ng malalim at sumagot ng "Ganun pa rin.." Napatingin naman ako kay Tine. Pagkasagot ko kasi nun, di na siya sumagot o kung ano. Yun pala...nakataas na yung isang kilay niya. Bakit na naman? "O, bakit ganyan ka makatingin?" sabi ko sa kanya. E panu, pagkatapos magtaas ng kilay, ang sama naman ng tingin sakin. "Bakit ganyan ka?" seryosong sabi niya. Ano ba yun? "Anong, bakit ganito ako?" tapos itinuro ko naman ang sarili ko. "Lam mo, gustong gusto na sana kitang butukan, sabunutan at bugbugin pero, ERR!! Naiinis talaga ako!" oo nga, halata sa kanya na inis siya, gigil pa nga e.. Problema nito? "Ang dami dami ng chance, pero di mo ginagrab!" Ah ok. Gets ko na.. Napatingin naman samin yung barkada. Ang ingay naman kasi nito. Nagpeace sign na lang siya sa kanila at tumingin ulit sakin. "Okay.. So ganto." mahinahon niyang sabi. "'Di ba nga? Sabi ko sayo.. I'll be your cupid? In short, tinutulungan ko kayo, or better yet, IKAW ang tinutulungan ko." pageexplain niya. Oo, alam ko naman yun.. Di ko naman alam na tototohanin niya pala. "Alam mo bang ang dami kong binigay na chances sayo, para lang makasama at makausap siya?" nakatingin lang siay ng diretcho sakin. "..Yung pagsabay niyo ng uwi. Kahit wala na akong kasabay at mag-isa na lang na naglalakad papuntang sakayan, ok lang, kasi alam kong WORTH IT yon. Tapos yung tuwing lunch break, di mo ba napapansing di na ako tumatabi sa kanya kasi gusto kong magtabi kayo.. Nakakainis lang kasi sa mga times na yon, ang dami mong sinasayang. Di ka man lang gumagawa ng move!" Fine. Ang bobo ko naman, di ko naisip yon.. Bakit nga ba hindi ko yun ginrab? I didn't took it as an advantage for me.. "Oo na.. Baka...kulang pa rin ako. Pasensya na din, di ko naman kasi alam" "Kulang, saan naman?" Huminga naman ako ng malalim at saka tumingin sa kanya, "..lakas ng loob.." Nakita ko naman ang expressions ni Tine. Nanlaki lang ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala. "You're unbelievable." she blurted. Wala rin naman akong magagawa.. "Ewan ko ba, pero panu kaya kung hayaan na lang kita? Hindi ko rin alam. Malala na yan dre.. Super. Napaka TORPE MO! Hmmf.. Kaya mo na nga siguro yan.. Sumasakit lang ulo ko." sabi pa niya. "Sorry na.." yun lang yung nasabi ko. Kahit di ko namang inaasahan na tutulungan niya ako.. Di ko naman kasi talaga alam o napansin man lang. Sayang.. sinayang ko yung effort niya. and those chances..I let it flew away. Nakakainis. "Di mo naman kailangang maging matapang sa mga kinakatakutan mo eh.. Maging totoo ka lang talaga sa sarili mo, okay na.." sabi niya habang nakatingin sa malayo. Bakit kasi di niya pinaliwanag sakin ng maigi yun? E di sana.. nakakailang steps na ko nun. Pero engot ka rin Arkin eh, di mo napansing tinutulungan ka na pala ng kaibigan mo. "Oo na. Sorry na talaga kung nasayang ko man effort yung mo.. Yaan mo sa susunod, magpapakatotoo na talaga ako sa sarili ko.. Thanks—" "Ano ka ba, charot lang yon! Ito naman!" tapos tumawa siya. Tss.. Kahit kailan 'to. "I still have a plan kaya wag ka munang magthank you sakin. I'm not yet finished on my mission!" tapos ngumiti na naman siya.. nagbeautiful eyes pa. "Oo na.. Ganda mo na. Ano na naman yang plano mo? Sabihin mo kasi para maging ready naman ako kung anuman yan.." e panu kasi di niya sinasabi sakin na gumagawa na siya ng mga paraan, kaya nga di ko yun napapasin at nasasayang ko yung mga chances. Ngumiti lang siya na parang sinasabing, "Basta." tss.. Minsan, nawiweirduhan na din talaga ako sa babaeng 'to, kahit hindi naman siya mukhang wirdo. Pero at the same, nakakatakot siya.. eh malay ko ba kung ano yung binabalak niya, baka di ko kayanin.. Tsk. Bakit ba ang duwag ko?! "O, pre san ka punta?" narinig namin nagsalita si Jin. Napalingon naman kami. "Uwi na ako, walang prof next sub" sagot naman ni Ian habang nakatalikod. Pansin ko, ang weird nila ngayon.. "Ah, eh how about Ella? Di ba kayo saba—" naputol naman ang pagsasalita ni Aya na kanina'y nagbabasa lang rin ng libro. Sumagot kasi agad si Ian. "Hindi.. Pakisabi na lang...sa kanya." tapos naglakad na siya ng mabilis. "Anyare dun?" sabi sakin ni Tine. "Malay ko." Humangin saglit. Ang tagal pa ng next class. Panay tingin naman sakin ni Tine yung parang nangungulit na nang-aasar..nakangiti pa. "Huy! Tumigil ka nga!" tumawa naman siya. Di maikakailang maganda si Tine.. ang kaso, baliw lang. Pero, siya ang tipong mahirap i-predict, kahit ganyan siya kakulit at kaingay. "O, ano na?" binalik ko naman yung tanong niya sakin kanina. Tumingin naman siya sakin. "Mmm.." tapos tumingin na naman siya sa malayo. "Okay naman.." "Anong okay naman?" sabi ko habang nilapit ko pa ang sarili sa kanya. "I'll already gave up." diretsong sagot niya tapos humarap siya sa akin. Sa totoo lang, nagulat ako doon. Halata mo sa mga mata niya na malungkot siya kahit panay tawa niya kanina. "Malamang, umiyak ka na naman.." sabi ko. "Oo naman. Hagulgol pa nga eh." "Oh? Bakit parang hindi halata sayo? Blooming ka pa din.." sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanya. Totoo kasi, maganda pa rin siya. "Di niyo naman kasi nakikita at makikita yun.. At hindi ako yung umiiyak.." tapos tinuro niya yung part kung saan yung puso niya. "Ito oh, siya yung umiiyak. Halos di na makapagpump ng maayos sa sobrang hagulgol niya. Ayoko ng umiyak physically. Tinapos ko na yun nung last last 3 days.. Sayang lang yung ganda ko pag umiyak pa ako ng umiyak. Wala rin naman mangyayari.." ngumiti siya.. Yung peke. Inakbayan ko siya at saka ginulo ang buhok niya. "Ano ba!... Arkin?!" "Ikaw talaga.." binitawan ko na siya. "Sabihin mo sakin kapag iiyak ka ah.." tinaasan naman niya ako ng kilay. "...Andito lang ako para punasan ulit yung mga luha mo." ngumiti naman siya sakin. Medyo totoo na yung ngiti niya. "Thanks." Dumating naman agad sina Lianne. Quarter to 4 na din. "B! I misshuu.." tumayo si Tine at niyakap si Lianne. Nagtataka naman siya. "Ngek? Bakit? Kani—" di na natapos yung pagsasalita ni Lianne, siningitan kasi siya kaagad ni Tine. "Wala lang." sabay tawa. Magaling talagang um-acting 'to. "Guys, bakit nga pala umalis si Ian? Nakita kasi namin siyang papalabas ng campus." sabi ni Lianne. Si Ella? Ayun, tahimik...pa rin. "Wala na daw siyang next subject. Umuwi na." sagot naman ni Jin. "Huh? B—bakit di man lang siya nagsabi sakin?" ayun.. Pagkatapos ng ilang araw na hindi ko naririnig ang boses niya, ito na rin, nagsalita na ulit si Ella. "Pinasabi na lang niya sayo yun. Mukhang nagmamadali eh." sabi naman ni Sab. Tumango naman si Ella. "Oh! By the way, B.." iniba na ni Tine yung topic. Nag-ayos na rin kami ng mga gamit para makaalis na. Nung kinuha ko na ang ang bag ko, bigla ko naman narinig yung pangalan ko. Ha? "Sabay daw kayo uwi ni Arkin." "Ha? E sabay naman talaga kami lagi ah? Kasama ka din." Oo nga. Sabay nga naman talaga kami. Hinahatid ko pa nga sila eh. "Oo nga, pero this time, totoong uuwi kayo ng sabay. Pupunta daw siya sa bahay niyo." tumingin naman sakin si Tine sabay wink. Ano na naman ba 'tong iniisip ni Tine? Tss.. "Ha?... Arkin?" napatingin naman sakin si Lei. Sus, ano namang isasagot ko rito? Tsk. "Ah, ah.. Oo, oo tama. Pu..punta ako." Patay.. Ano ba yang sinabi mo Arkin? Di ka nag-iisip. "Ganun.. Bakit naman?" tsk. Ano na idadahilan ko? Mag-isip ka Arkin! Paganahin mo utak mo! "Ah...ano.." napapakamot na ako sa ulo ko.. Di ko alam kung ano ang sasabihin. "Gusto niya kasing makita sina tita pati si Louie, tska di ba? Di pa siya nakakapunta sa inyo, sa bagong bahay niyo." phew. buti nagsalita din si Tine. Siya ang may alam nito. Tsk. Lagi niya na lang ako binibigla. "Ah.. Oo nga no. Sige. E sila ba, sasama?" "Naku hindi, mga busy yang mga yan ngayon. Next time na lang. Punta kaming lahat sa inyo." masayang sabi ni Tine. Kinukumbinsi niya talaga si Lei. Ano pa nga bang magagawa ko.. Salamat sa kanya. "O, see ya later! Ganun ulet." sabi sakin ni Lei. "Sige." Habang nasa last subject, di ako mapalagay. Iniisip ko kasi kung ano gagawin ko mamaya. Para nga lang akong tanga dito, yung tipong nagdeday dream na di naman bagay.. Nakakadiri. "Mr. De Vera.. Are you with us?" Napatayo naman ako bigla. Nagulat kasi ako nang bigla akong tinawag ng prof namin ngayon sa Fin Ac.. "Ahm.. Yes ma'am." "I think you're not." Nagsorry na lang ako, naabswelto naman ako agad nung pinaexplain sakin ni ma'am yung nasa board namin. Buti na lang pala nagadvance reading ako kanina. Phew. "Okay, class dismiss." Dali-dali akong tumakbo palabas ng room. Ayoko kasing maghintay sila.. Lalo na si Lei. Sakto naman yung dating ko sa meeting place namin, kakarating lang rin kasi nila. "O, ba't hingal na hinga ka dyan?" sabi sakin ni Lei. "Obvious ba? E di malamang tumakbo yan." tapos ngumiti sakin si Tine, yung may meaning.. Tss. "So, tara." Naglakad na kami palabas ng campus. Since sabay kami ni Lei ngayon, hinatid muna namin si Tine tapos nagpaalam na kami sa isa't isa. Eto na. Ito na siguro ang time na gumawa na ako ng move.. Kayanin mo Arkin. Matapang ka. "Gusto mo bang bumili muna tayo ng makakain? Baka magutom ka sa biyahe." tiningnan lang ako ni Lei.. Bakit? "Wala. Mm.. O sige. Pero di naman ako nagugutom." Pumasok na kami sa 7-eleven at namili ng mga bibilhin. Matapos ang ilang minuto, tapos na rin kaming mamili, kaya pumunta na kami sa counter. "Ako na.." ako na ang nagbayad. "Wow ha. Lumelevel up! Anong nakain mo at nanlilibre ka na talaga ngayon?" Nakasakay na nga pala kami ng bus na sinasakyan niya lagi, at nakaupo na rin kami. "Wala nga e." "Weh? E samantalang panay ang libre mo sakin simula pa nung pasukan." Oo nga pala, nakalimutan ko. Madalas ko na nga pala siyang nililibre. Kahit papanu pala may ginagawa ako.. Nakalimutan ko lang. "Bakit? Masama na bang manglibre?" yun.. Lusot lusot din. "Di naman.. Nakakapagtaka lang." tapos binuksan niya yung Nova cookies na binili namin. "Tsaka ang kuripot mo kaya, kaya nakakagulat lang." "Di ako kuripot, di lang talaga ako magastos." pagpapaliwanag ko sa kanya. Totoo naman eh. Ginagastos ko lang yung pera ko sa mahahalagang bagay. At yun nga, dahil sa mahalaga siya sakin... pinagkakagastusan ko siya. "E di ikaw na." Umandar na ang bus. Mahigit 20 minutes kaming nasa byahe. "Naks.. Di pala gutom ha." napatigil siya sa pagsubo at tumingin siya sakin. Natatawa naman ako. "Ewan ko ba. Bigla akong nagutom eh." tapos sumubo na siya ulit. "Haha! Takaw." Ayun, di pa man kami nakakalahati sa byahe namin, ubos na agad yung mga pinamili namin. Ang takaw talaga nito. "HAAAY.." Matapos simutin ang lahat ng nasa plastic, eto, humihikab na yung matakaw. "Inaantok na ako." pagrereklamo niya. "E pano, inubos mo lahat ng pagkain. Malamang, busog ka na." ang dami kaya ng pinamili namin. Grabe 'to.. "Parang di pa nga ko busog eh." sabay hawak sa tiyan niya. Natawa naman ako. Ang takaw talaga nito, "Pasalamat ka na lang at hindi ka mabilis tumaba. Grabe yang space sa tiyan mo eh, ang lawak." nagtawanan lang kami. Pero kahit naman mataba si Lei... siya pa rin naman. Siya pa rin ang gugustuhin ko. Nagkwentuhan at tawanan lang kami habang nasa byahe. Napagod ng kakasalita si Lei, kaya eto, nanahimik na lang siya. "Amin na nga yang kamay mo." sabi ko sa kanya. "Ngek? Bakit?" "Basta." Binigay naman niya ang kanang kamay niya na halatang naguguluhan siya. Ako? Eto, di ko rin alam kung ano 'tong ginagawa ko. "Anong ginagawa mo?" "Natural, hinahawakan yung kamay mo." "Bakit?" "Wala lang." Tiningnan niya lang ako ng parang nagsususpetya. Yari. "Ang panget pala ng kamay mo." bigla naman niyang binawi yung kamay niya. "Kapal mo! Wala ngang kakalyo-kalyo 'to eh!" natatawa naman ako. Ang panget pala ng palusot ko. Wrong move. Ilang minuto pa ang lumipas.. Humikab na naman siya. "Nakakaantok." sabi niya habang nagpupunas ng luha sa gilid ng mata niya. "Oh." "Okay." Alam niya na yun. Sa totoo lang, para na naman akong istatwa dito. Di ako makagalaw. E panu, nakasandal yung ulo niya sa balikat ko habang yakap yakap niya ang kaliwang braso ko.. Para na naman akong nakokuryente. First time 'to. Sana lagi na lang kaming magkasabay, para lagi rin siyang natutulog sa tabi ko. Madilim na rin sa labas. "Mm.." nagkakamot siya ng ilong niya. Haha, sarap pagtripan. Hinahawakan ko kasi yung ilong niya.. Ang cute lang. Sana mahaba rin ang byahe, para matagal ko rin siyang natititigan ng ganito. Lagi ko naman siya tinititigan eh, pero sa malayo. Yung hindi niya alam. Malapit na ata kami. Sabi kasi ng konduktor na next nito, last stop na. Kaya gigisingin ko na 'to kahit ayoko pa. "Lei.. Lei, gising." sabi ko habang tinatapik yung pisngi niya.. Napapangiti ako. "Le—" "Wa..rren..?" tapos dinilat niya na yung mga mata niya. Warren? "Ha? Sino yun? Malapit na nga pala tayo." Sino yung Warren? Ako yung nasa tabi niya, tapos iba yung tinatawag niya.. Tsk. "Ah... W—wala." inayos na niya ang upo niya pati buhok niya. Okay, siguro isa sa mga crush niya yun na napanaginipan niya. Tsk.. San ako na lang yun. "May panis na laway ka pa." "Huh?!" kumuha naman siya ng salamin sa bag niya. "Wala naman e.." "Alam mo yung 'joke'?" tapos tumawa ako. "Tse!" Nakababa na kami sa bus. Andito na rin kami sa village, at nagsimula na ring maglakad papuntang subdivision nila. Inaantok pa nga 'to. "Namiss ka na nga pala ni Louie." "Talaga?" oo nga pala, lagi nga rin pala ako napunta sa dating bahay nila kasama rin yung buong barkada, minsan naman, ako lang. "Oo. Nakahanap na nga ng bagong kalaban sa chess yun e." "Oh? Sino naman?" Nakarating na kami sa bahay nila. Wow lang. Mas maganda bahay nila ngayon kumpara noon. Pumasok na kami. Nakita ko naman agad si Manang, yung kasambahay nila rito. "Hi Manang! Long time no see ah." tapos nagbless ako. "Naku, oo nga e. Kamusta ka naman?" "Mabuti naman po." nakita ko namang paakyat sa hagdan si Lei. "Akyat muna ako ah? Magkwentuhan muna kayo. Kapagod eh." "Sige." So yun, nagkwentuhan lang kami saglit ni Manang habang nagluluto, naghain na din siya ng hapunan. "Kamusta naman kayo ni Lianne, hijo? May pagbabago na ba?" Nagulat naman ako sa tanong ni Manang. Hanggang ngayon pala, boto pa rin siya sakin. Tumawa lang ako sabay sagot ng, "Magkaibigan pa rin.." Bumaba naman si Lianne, nakapagpalit na pala siya. "Oh, kamain na kayo, hija.." "Thank you po." Habang kumakain, nagkukwentuhan din kami. Tatlo kaming kumakain, kasama si Manang. Wala kasi sina Tita Lea pati si Louie, umalis daw. Nang matapos na kaming kumain, nagpunta muna kami sala at dun ulit nag-usap. Gabing-gabi na pala. "Anong oras mo balak umuwi?" sabi sakin ni Lei. Tss.. Wala akong balak. "Parang pinapalayas mo na ako ah." biro ko sa kanya. "Di naman! Pero kasi di ba, gabi na. Baka mamaya, mapanu ka dyan sa daan pag-uwi mo.. Alam mo kasi, kahit di halatang may nakatirang mga ewan dito, meron talaga.. One time nga, muntik pa akong mapagtripan.." nagulat naman ako sa sinabi niya. Di ako nathreaten na mapagtripan ako, pero nag-alala ako sa kanya. Buti walang nangyaring masama sa kanya. "Oh? Sino naman yung nagligtas sayo?" "Si—" "Oy, Lianne." May biglang pumasok.. Lalake. Sino naman 'to? Makapagtawag ng 'Oy'. "Oh, bakit?" iritang sagot naman ni Lei. "Kulang yung binigay mo sakin na write-ups. Tsk. Di ko pa tuloy natapos." ganun din lalake, naiiritang sagot niya. "Huh? Kulang? Eh kumpleto kaya yung binigay ko sayo. Kaya impusibleng kulang yun." sabi naman ni Lei. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila. Ano ba yun? "Tatanungin ko ba kung HINDE? Common sense din.." aba't loko 'to ah! Umalis si Lei at umakyat papunta ata sa kwarto niya. Naiwan naman dito yung lalake.. Tsk. Di ko gusto yung vibes ko dito sa lalakeng 'to. Halatang mayabang at hindi ko makakasundo. Nakita ko namang bumaba na si Lei. May dalang mga papel. "Oh!" padabog na binigay naman ni Lei yung mga papel. "Tss.. Sabi na eh. Ang engot mo talaga. Sa susunod nga, icheck mo kung tama ba yung ginagawa mo para di mo ko naaabala. Tanga mo eh." Di ko natiis at tumayo na rin kasama nila. Di ko maatim yung mga pinagsasabi ng mokong na 'to kay Lei eh. Badtrip. "Pare.. Pwede bang magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Hindi ganyan ang tamang pakikipag-usap sa babae, at DITO pa sa pamamahay niya." Badtrip eh. Nakakalalake na.. "Bakit? Sino ka ba?" aba.. Parang naghahamon ata 'to ah. "Bakit rin? SINO KA RIN BA AH?" nagtama ang mga mata namin na parang naghahamunan nga. Mabait akong tao, at hindi ako mahilig makipag-away tulad ng iniisip ko sa lalakeng nasa harapan ko. Pero ngayon, tingin ko ito na rin yung oras para maging masama naman ako. Di ako makakapayag na gaganunin niya lang si Lei ng basta-basta. Wala siyang karapatan para gawin yun. "W—wait.. Tama na." pag-aawat sa amin ni Lei. Pinaglayo niya naman kami. "Ken, nakuha mo na din naman, umalis ka na." at umalis na yung maangas na yun. Nakakainis lang. Bakit ba ganun siya umasta? "Sino ba yung mayabang na yun? Kung makapagsalita sayo.. kala mo kung sino." "Ganun na talaga yung kumag na yun.. Mayabang nga. Kinakapatid ko nga pala yun, si Ken. Wag mo ng intindihin. Epal yun eh." medyo di ako makapaniwala dun. Talaga? Kinakapatid niya talaga yun? Kaya naman pala ganun.. Kung umasta okay lang na pagsalitaan niya ng mga ganun si Lei. Tsk. Siguro matagal na niyang ginagawa yun.. "Tara na. Kelangan mo ng umuwi. Baka hinahanap ka na sa inyo. Matagal pa naman byahe mo." So yun, wala din naman akong magagawa.. Gustuhin ko man na magstay dito, pero hindi naman pwede. Tsk.. Di bale, may bukas pa naman, makakasama ko pa siya. Kasama naming lumabas si Manang, hinatid nila ako. "Ge Arkin. Thanks sa pagpunta.. Ingat ka ah? Uwi agad." "Opo boss." tapos nagsalute ako sa kanya. "Thank you po sa masarap na pagkain Manang, sa uulitin po" tumawa naman si Manang at nagpaalam na. Nagpaalam na rin ako. Ayun, masaya ako sa araw na to. Kahit papanu, may nagagawa na din ako. Simula pa lang 'to, sana magpagpatuloy ko pa. Sana din madagdagan pa yung lakas ng loob ko. Nagpapasalamat nga din pala ako kay Tine, dami ng nagawa sakin nun. Malibre nga yun minsan. Pero onga pala.. Yung maangas na lalake kanina na kinakapatid niya daw, di maganda yung pakiramdam ko sa kanya.. Parang gusto kong ilayo si Lei dun. Ayokong mapalapit siya sa lalakeng yun. Di kasi malabong may mangyari na hindi ko alam. Baka magkagusto siya doon.. Chapter 43: Secret Talent Lianne's POV Normal day. Marami paring mga weird ngayon. Una si Ian. Bigla bigla na lang di magpapakita. Kung magpapakita naman, aalis agad siya kasi may gagawin pa daw. Weh? Di ko siya maintindihan. Si Ella naman, ganun pa din. Wala sa sarili ang bruha. Oo naman, nalulungkot din naman ako para sa kanya kasi depress siya. Ewan. Wala naman kasi akong magawa. Di ko naman alam kung ano gagawin. Si Tine, nako. Ewan ko dito sa babaitang 'to. Di ko rin siya maintindihan. Panay yakap sakin at ang saya saya niy— "Ulk! Ang.. B—babe! Ma...shaket." ayan. Tulad nito. Panay yakap saken! Binitawan na niya ako agad. Muntik na akong di makahinga dun. "Hihi. Sorry." tapos nag-Vsign siya. Baliw talaga 'tong babaeng 'to. Ewan. Panay yakap na saken nyan. Kala mo naman di kami nagkikita. Tapos parang laging masaya. Hay ewan. Ok na din siguro 'to kesa naman sa nagdadrama siya no. Wag na siyang makidagdag pa sa emote ni Ella. Pati kay Ian din siguro. Si Arkin naman. Mas nawiweirduhan ako sa kanya ngayon.. AS IN. Nakakagulat yung mga pinaggagawa niya sa akin ngayon. Ewan. Ang dami nga eh. Kapag naiisip ko yung mga kawirduhang pinaggagawa niya sa akin, Geez.. kinikilabutan talaga ako. Seriously. It gives me goose bumps. Buti na lang may tatlo pang natitirang matino rito. Yung dalawang lovebirds na sina Jin at Sab tapos yung parang walang muwang na si Aya. Ayun, si Aya nagbabasa lang ng nagbabasa. Yung dalawang lovebirds naman, ayun, nagtutukaan ay este, nagkukulitan pala. Lagi namang ganun maglambingan nila eh. Madalas nga lang, asaran. "Buti ka pa tayo Aya no? wala tayong problema" oo. Pati ako. Hihi :"> Ngumiti lang siya sa akin tapos nagbasa ulit. Naku, 'tong babaeng 'to parang wala akong masyadong alam dito. Parang di naman kasi siya palakwento sa kung anu-anong bagay. Panay libro lang yung kausap. Pero anyway, kahit ganun. Love namin siya, especially me. Niyakap ko naman siya na halata namang ikinagulat niya. Haha. Ngumiti lang ako. ... ... Nakauwi na rin ako. Gaaaah.. Nakakapagod. "Lianne, ayusin mo yung kwarto mo. Ang gulo." sabi ni Mama. "Opo." Aggh.. Pagod nga ko eh. Di ko alam kung bakit. Umakyat na ako sa taas at pagkapasok ko sa kwarto ko.. Boom! Nakarating din sa finish line at naglupasay na ako sa kama ko. Ano bang ginawa ko ngayong araw na 'to? 1. Mag-isip. 2. Mag-isip. 3. Mag-isip. 4. — Puro na lang ako isip ng isip!!! School works + Project + Friends' weirdness & problems = GAAAAH.. Give me a break. =_= Pinikit ko muna saglit yung mata ko. Medyo puyat din kasi. Aba, tinapos ko kaya yung ginawa naming survey no, tapos finalize ko na para sa next step. Madaling araw na rin akong nakatulog nun. Dinilat ko ulit yung mata ko at tumambad naman sa akin yung wall clock. 8:37 pm Tsk.. Andami ko pang gagawin. Tumayo na ako at naghilamos muna. Kelangang mahimasmasan. Nagbihis na din ako para makapaglinis na ng kwarto. Hmm.. Patugtog nga ko. Ito na lang yung pinatugtog ko. LSS ako dito eh. "It's been said and done Every beautiful thought has been already sung And I guess right now Here's another one So your melody Will play on and on With the best of all" Inayos ko na agad yung mga papel na nakakalat, especially yung ginamit namin sa survey. Di ko na kasi naligpit kagabi. Nakatulog agad ako eh. "You are beautiful Like a dream come alive Youre incredible” Well, habang nagliligpit eh kumakanta ako. Haha, pampastress out na din 'to kahit wala na akong energy. Di ko rin namang mapigilang kumanta.. LSS nga di ba? "Ah-I love you like a love song baby" At di ko na ring napigilang sumayaw. Haha, nakaharap na nga ako sa salamin eh. XD "Ah-I love you like a love song baby Ah-I love you like a love song baby" Feeling ko nagkoconcert ako ngayon. Hahaha. May sarili akong mga steps! "And I keep on repipipipeat" Habang nagwawalis medyo kumikembot ako. Haha ang ewan ko lang. "Constantly, boy you played on my mind like symphony There's no way to describe What you do to me What you do And it feels like I've rescued!" Inangat ko yung walis tapos ginawa kong mic. Kaloka. Feeling ko talaga para akong nagpeperform dito! Anyway, who cares?! Nasa kwarto naman ako, kaya okay lang yun. :D "Ah-I love you like a love song baby Ah-I love you like a love song baby Ah-I love you like a love song baby And I keep on repipipipeat!" Shake here. Shake there. Shake everywhere! XD Ken's POV YAAAAWN. Kakagising ko lang. Grabe, kulang pa rin tulog ko. Pero dami pang gagawin. Nakakatamad. =_= "Ah-I love you like a love song baby" Teka. Ano ba yung ingay na yun? Tumayo ako habang nagkakamot ng likod. Kanina ko pa naririnig yun eh. Yung tumutugtog tapos may kumakanta. Napatingin naman ako sa may bintana. And to my surprise... "Ah-I love you like a love song baby! And I keep on repipipipeat!" HUH? Mukhang may takas ata sa mental sa tapat ngayon. At aba, sumasayaw pa sa harap ng salamin! Walanjo. Ewan, parang nagising ata diwa ko bigla dun sa nakita ko at eto ako, tumatawa na lang. "Ah-I love you like a love song baby" Ngayon, nakakapit na siya sa walis na parang ginagawa niyang mic. LOL. Anong pumasok sa kokote ng babaeng 'to at trip niyang sumayaw ng parang ewan ngayon? Laptrip lang. XD "Ah-I love you like a love song baby Ah-I love you like a love song baby! And I keep on repipipipeat!" Aba! At kumikembot pa! Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko dito eh, kung tatawa ba o kung ano. Haha! Pwede na eh.. Maganda na yung boses, pero panira yung mga dance moves niya, ang sagwa sumayaw! Wait, mainterrupt nga.. >:) "HUY! BALIW! Gabing-gabi na! Magpatulog ka naman!" haha. Andito ako sa bintana ngayon. Magkatapat lang kasi kami ng bintana ng baliw na babaeng 'to. Nakita ko naman ang itsura niya. And I think I would burst out of laughter seeing her face. XD Para kasi siyang namutla tapos nabitawan na niya yung walis na hawak niya at ngayon, nakatingin na lang siya sakin. Hahaha! Limang seconds pa siguro bago siya nagsalita. "H-hoy! Ka rin!.." tapos isinara niya yung kurtina niya. What the hell? Tsk. "Hey! I'm still enjoying the show!" sigaw ko sa kanya. Ang KJ naman.. Natutuwa na nga ako eh. Bitin tuloy. =__= Lianne's POV CRAP. Wah! Nakakahiya!!!! Bakit hindi ko naisip na may malaking epal at kumag sa tapat ng bahay namin?! BAKEEEET??! Wala na akong dignidad… :( Nakita niya yung pinakasecret talent ko!! Gaaaah.. Bakit siya pa?! Nakakainis!! >.< Narinig ko ulit na nagsalita siya tapos yung huli niyang sinabi, "KJ!!" Eh kung ingudngod ko kaya siya sa inidoro?! Err!! Nakakainis talaga!! Alam na niyang frustrated dancer ako.. T_T Chapter 44.1: They meet again Lianne's POV It's Saturday today. Mabilis ang araw ngayon at malapit ng mag-February. Isang tambling na lang at Hearts' Month na! Kinakabahan tuloy ako.. Bukod sa di ko sure kung may makakadate ba ako sa Araw ng mga Puso eh malapit na rin ang pagpasa ng project at ipepresent na ang presentation namin. Gaaaaah.. Just by thinking about it, naiistress akooo. *It took one look, then forever lay out in front of me—* Ella calling.. Sinagot ko naman agad. Baka lalong maging emo 'to pag pinag-antay ko pa. Magwala pa yan sa kung saan, yari pa ako. "Hello." (Hello Lianne! I'm here na. Pick me up right away!) "Okay. Okay." Dahil nga sa utos ni madam, eh pumunta na ako. Nasa tapat na siya ng gate ng village. Oo nga pala. Pumunta nga pala si Ella dito sa amin. Wala lang daw, gusto niya daw maglibang. Napagod na siguro kakaisip ng kung anu-ano at kakaiyak din.. E di mabuti! Magpapatulong na rin siguro ako sa kanya sa project namin ni Ken-kumag na yun, kung meron nga siyang maitutulong. "Hello there!" tapos niyakap ko siya, then she hugged me back. Nagtrike na lang kami para mas mabilis. Kahit ako ay tinatamad na maglakad at lumabas ngayon.. Well, I have no choice. She needs my company, kaya gumagala gala siya ngayon. "Wow ha. Wala ba kayong projects, school works o kung anuman?" sabi ko. Nasa trike pa rin kami. "Wala. Tapos ko na lahat. Kaya nga gagala lang ako.. Baka kasi lalo lang ako mabaliw pag magstay lang ako sa bahay." sagot naman niya. Aba, maganda pala yung epekto kay Ella kapag naguguluhan.. nag-aaral pa kasi siya ng mabuti imbes na magmukmok at mag-isip ng suicide plan. Karapat-dapat siyang iclap clap! ^__^ Nakarating na kami ng bahay then bumaba na sa trike. Natuwa naman si Ella kasi sa wakas daw, nakarating na din siya sa legendary house namin. Lagi kasi naming pinag-uusapan kung kelan sila bibisita sa bahay ng sama-sama lahat. Pumasok na kami sa bahay. And as usual, hinanap niya agad sina Mama, Papa pati si Louie. Sinabi ko naman sa kanya na wala si Papa dito sa Pinas, si Mama naman, nasa work, tapos si Louie, busy sa kwarto niya. Di ko naman alam kung anong monkey business yung pinaggagawa niya dun. "Kahit papaano.. nakapag-isip isip na rin ako.." pagsisimula ni Ella. Sabi niya kasi may sasabihin daw siya eh. Andito nga pala kami sa room ko. Parehas kaming nakahiga sa kama habang nakatitig sa kulay blue na kisame. "Oh, anong naisip mo?" dinugtungan ko na ng tanong. Antagal ng pagpause niya eh, nabibitin ako. "I have to forget about him.. I really have to." "then how?" naks.. English yun ah! Eh panu nag-english ang bruha. "I need someone else.." napataas naman ang kilay ko nun.. at lumingon sa kanya. So ano yun? Kelangan niya ng sealant? Panakip butas? "I think that's not a good idea." yeah. Oppose talaga ako dun. Kahit naman wala akong lovelife at hindi ko pa nararanasan ang maging panakip butas eh masakit yun para sa taong gagamitin niya. Bad yun.. "But there's no other way.. What else can I do..? I'm being desperate here." feeling ko naiiyak na naman siya. Haynakonako talaga. "Marami pang paraan dyan.. Wag na lang yun. Tao ang gagamitin mo at hindi kung anong bagay lang. Tulad mo, may puso yan.. marunong din masaktan. At kung masaktan man yun.. baka mas malala pa yun sayo." well.. Di ko alam kung saan ko hinugot yun, basta bigla ko na lang naisip sabihin. Eh totoo naman talaga di ba? "Shizz.." napatakip na lang siya ng mukha at doon na umiyak. Argh.. Paano ba ako makakatulong? Niyakap ko na lang siya. "Ella.. there are several good ways. Sa ngayon sarado pa talaga ang utak mo at puro negative ways lang ang naiisip mo. Pero time will come at mao-overcome mo rin yan.. And you need enough time to do that." ayun, umiyak lang siya nang umiyak.. At dahil sa wala rin naman akong magawa, hinayaan ko na lang siya.. Magandang ilabas niya yun, kahit paulit-ulit. Escape goat ng mga girls ang pag-iyak.. So why interrupt her? If that's the way to make her feel better again.. 3pm na. Wala naman kaming ginawa ni Ella kundi nagkwentuhan lang. Yung tipong heart-to-heart talk? Yung ganun. Syempre.. Eh yun yung issue ngayon e. "Uy.. Patulong naman." maalala ko nga pala. 3pm usapan namin nung kumag kong kinakapatid. Ako rin naman ang nagset na tuwing 3pm ang start ng paggawa ng project. Saturday naman ang official day namin. And the other days? Depende kung parehas kaming free. Tinanong-tanong ko lang si Ella. Ayun, kahit papanu may natatransfer naman siyang infos sakin. Ang galing lang, eh nursing student yan e. Habang nagsasalita si Ella, napatingin naman ako sa wall clock ng sala. Oo nga pala, nandito na nga pala kami sala ngayon. "Ang tagal naman nun." 3:43pm na at wala pa rin si Ken. Saan na namang lupalop nagpunta yun?? Itetext ko na sana siya, pero habang nagtatype ako ng speech para sa kumag na yun, bigla namang may nagdoor bell. "Wait lang ah." tumango naman si Ella at tumayo na ako para pumunta sa gate. And there.. Nakita ko yung kumag. At anong drama niya ngayon?? "Bakit ang tagal mo? Alam mo bang kanina pa ako naghihi—" di naman niya ako pinatapos sa pagsasalita ko. Bigla kasi siyang sumingit. Tskkk. "May practice kami. Kaya di ako makakapunta." pacool niyang sagot. Ayos din 'to eh no? Dapat kanina niya pa ko tinetext! Walanjo naman! "E ba't di mo ko tinext?? Alam mo bang nag—" "Oo na! Alam kong naghintay ka! Para kang sirang plaka eh." irita niyang sabi. Abaa! "Eh yun naman pala e!" para na naman kaming aso't pusa.. =.= Napansin ko naman na may dala siyang medium size na bag pack, medyo marami ang dala niya, kasama yung bola ng basketball na parang nakalutang sa gilid niya gamit ang kanang kamay niya. Practice ata ng basketball yung pupuntahan niya eh? Wow ha. May pagkasporty pala 'tong kumag na 'to. "Hi Lei!" Napataas naman yung kilay ko. Ang kulit lang ng lahi eh. Wag nga niya akong tatawaging LEEEEI!! >.< Napansin naman niya ang itsura ko. Iniba na lang niya yung sinabi niya. "Ok. Yo Lianne!" Yun.. much better, Jake. Inexplain ko na lang kay Ken yung mga gagawin ko sa project namin today. Baka mag-inarte pa yun na hindi niya nalalaman yung ginagawa ko sa project namin kasi nga PARTNERS nga DAW kami. Pero as if! Duh! Mukhang hindi nga nakikinig to eh! "Hoy! Narinig mo ba yung mga sinasabi ko?" tinapik ko siya, para kasing wala sa sarili eh. Ayoko ng magpaulit ulit pa no! Sakit sa ulo! Kabobo lang. Tinignan niya lang ako ng masama. Well.. sanay na ako dyan. Pero sarap talagang tusukin nung mata nito! "Okay. Tingin ko yun ata yung way mo ng pagsagot mo ng, 'naintindihan ko'." I said sarcastically na may kasamang rolling eyes pa. "Tss.." yun lang sagot niya. Isang word din ata yun na ang ibig sabihin sa kanya ay 'okay'. Grr! Gusto ko siyang kalbuhin!! "Sige Lianne, alis na—" di na natuloy ni Jake yung pagpapaalam niya. Bigla kasi akong tinawag ni Ella. "Whoa.." parang biglang nagningning yung mata ni Jake nung pagkatapos akong tawagin ni Ella. What's up with him? "May friend ka pala dyan? Pakilala mo naman ako oh." dagdag pa niya. Huh? Okay lang siya? May pagkawomanizer talaga itong isang 'to. Bago pa man ako makasagot eh biglang sumulpot na parang kabute si Ella sa gilid ko. "Lianne, tumawag si Tita Lea kanina, tinatawag kita kanina di mo naman ako naririnig." "Huh? Oh, ano daw sabi ni mama?" "Wala eh, tatawag na lang daw siya mamaya." "Ah.. Sayang naman." sayang yun! Manghihingi pa naman sana ako ng pangload, mageexpire na unli ko eh. "Ah. Nga pala." napatingin naman sakin si Ella. "Mm?" "May gustong makipagkilala SAYO." tapos tumingin ako kay Jake. Loko yun. Pangiti-ngiti. E di siya na cute! "Huh?" parang bigla namang nacurious si Ella kaya lumabas na rin siya. "Sino?" Nang ipapakilala ko na sana si Jake, bigla namang siyang sumingit. Tss.. Excited? "Hi, I'm Jake." sabi niya ng ngiting ngiti, yung tipong yung cheek bone niya kumakaway na din, habang inangat naman niya yung kanang kamay niya para makipagshake hands. Tumagal ng ilang seconds at nakaangat lang yung kamay ni Jake. Si Ella? Anong problema nito? "Ella." kinalabit ko siya pero parang wala man lang siyang ginawa sa pagkalabit ko.. nakatayo lang siya at nakatitig lang kay Jake. Ano yun? Tindi ah. Nalove at first sight ba siya sa womanizer na 'to? Ganun rin kasi yung nangyari sakin nung una kong nakita si Warren. <3 Unti-unti ng binaba ni Jake yung kamay niya. Pati siya naguluhan na rin ata. "Ella.." sabi ko ulit pero this time, pumunta na ako sa harap niya kasi nasa may likod niya lang ako kanina. And to my surprise… O.M.G.. Bakit may tumutulong tubig sa mga mata niya? Chapter 44.2: I hate you Lianne's POV Bigla naman akong nagworry kay Ella nung makita kong umiiyak siya.. BAKIT? "Uy, Ella..." sobra na talaga akong nagworry sa kanya kaya napahawak na lang ako sa magkabilang balikat niya. Nakita kong napastep forward naman si Jake para tanungin din ata kung anong nangyari kay Ella nang bigla naman siyang magsalita. "D—don't.." Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan ni Ella. Huh? Si Jake..? "Huh?" naguluhan naman si Jake. Ako man eh naguguluhan din. Bakit ba? Ano bang nangyayari sa kanya? Napatawa ng mahina si Ella.. Yung tawang pilit. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Hala.. Ano ba talagang meron? Humakbang si Ella papunta kay Jake, pero magkalayo pa rin sila. Ngayon, nasa likod na ulit ako ni Ella. At nagsalita ulit siya.. "It so funny... when the one that you used to know and became a part of your life... doesn't recognized you anymore.." Patuloy pa rin sa pagtulo yung luha niya.. habang nakangiti ng peke. Teka nga, ano ba talaga?? Napatingin lang sa akinsi Jake then tumingin ulit kay Ella, "W—what are you trying to say.." halata kay Jake na wala rin siya idea sa mga sinasabi ngayon ni Ella. Sumagot naman ulit siya.. At sobrang ikinagulat ko talaga. "So ganun na lang yon? Nagbago lang ang itsura.. Umikli ang buhok.. nagkabrace at lahat na.. Nakalimutan mo na agad?" diretcho lang siyang tumingin, " ANONG KLASE KANG TAO, JACOB?!!" Nanlaki talaga ang mata ko sa narinig ko. Ganun din si Ken na kanina'y mukhang inaantok at wala sa sarili eh napatingin na rin pareho kina Ella. Si Jake? Jacob? Mas malaki ang ikinagulat niya kesa sa amin at hanggang ngayon naguguluhan pa rin. "T—teka.." "ANO?! Hindi mo pa rin ba talaga ako nakilala?! HA?! Ako yun... ako yung iniwan mo dati... Ako yung pinaghintay at pinagmukha mong tanga.." she laughed bitterly "..hanggang ngayon nga eh. Eff lang. Nakakainis.. nakakainis kung bakit sobrang liit ng mundo at.. at nagkita pa ulit tayo. Sh*t Jacob! Sana hindi ka na lang nagpakita pa! E di sana.." napatakbo naman ako bigla kay Ella, napaupo kasi siya.. Parang nanghina ata at dun na siya umiyak ng todo. At hindi ko talaga ineexpect.. Si Jake. Walang hiya ka Jake. "P—p am?" Parang gusto ko na lang tawagan si Ian para ipasapak ng sobrang lakas si Jake.. Gaaahd. Siya si Jacob. At naiinis ako! Siya yung walangyang nang-iwan kay Ella.. Sa kaibigan ko. "I hate the way you say my name.." tumayo ulit si Ella, "..and I hate this day that you showed up again!" "Wait lang—Pam!!" Tumakbo si Ella... Hinabol ni Jake... At kami ni Ken ay naiwang dumbfounded. Jake's POV Sh1t! Bakit hindi ko man lang siya nakilala? Bakit di ko alam na siya yun?! Sh1t talaga!! "Wait! Pam!! Let me explain!" Tumatakbo pa rin siya. In no time, nahabol ko rin siya. At ang sumunod na nangyari… *PAK!* Sinampal niya ako. "Ganun na lang pala yun no? Ngayon.. Napatunayan ko na talaga na hindi mo naman talaga ako minahal.. Like what you said to me way back then.." pinupunasan niya ang luha niya pero hindi pa rin mawala wala kasi patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya, "..ni hindi mo nga ako maalala.. May maeexplain ka pa ba dun?" she looked straightly into my eyes.. F*ck! How dare me to make this girl cry?! The girl who used to be my girl way back then.. "Pam.." tang*na! Ano bang sasabihin ko? Marami akong gustong sabihin pero di ko alam kung paano ko sisimulan.. Sh1t talaga. "No.. Don't.." pinunasan niya ulit ang luha niya at tumingin sa kabilang side, "Don't call me Pam.. That's not my name anymore.." "Pamella.." D4mn.. How I've missed this moment to call her name again. Ang g*go ko lang.. Wala akong kwenta. "For Pete's sake, Jacob! I've almost forgot you! Konti na lang.. as in, konti na lang.. Konti na lang na halos wala na akong maramdaman.. Tapos ano? Bigla bigla ka na lang ulit susulpot para paiyakin at saktan ako? Ha? Yun ba?? Sh*t ka.. Sana hindi ka na lang bumalik.." at napatakip na lang siya ng mukha niya.. Those lies.. Ang dami ko talagang kasalanan sa kanya. Napakawalang kwenta mo, Jake! G*go ka lang talaga. Bobo. Kahit wala na akong karapatan na kausapin, ni hawakan man siya.. ginawa ko pa rin.. "Stop crying please.." tinanggal ko ang mga kamay na nakatakip sa maganda niyang mukha.. and I held her face... wiping those tears with my thumb. "I hate you.." she kept on crying and saying those words.. I deserved it. Kulang pa yung salitang yun para masabi niya sa akin lahat ng mga hinanakit niya. Kulang rin yung malakas na sampal na binigay niya.. hindi yun matutumbasan sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa kanya. I know. I know she won't forgive me.. Ni hindi nga niya alam na lahat nung mga sinabi ko dati.. puro mga kasinungalingan lang. Isa lang siguro yung totoo.. yun ay MINAHAL KO SIYA. I mean it that I love her.. up until now, I still do. Yun lang yung naging totoo sa lahat ng mga sinabi ko. "Pam.." Ngayon pinipilit niyang inilalayo ang sarili niya sakin, pero inilapit ko pa siya lalo.. I hugged her. "I hate you.. Jacob! I hate you.." hinahampas niya lang ang chest ko. Pero sa mga hampas na yun.. wala naman akong maramdaman. Mas masakit yung nararamdaman ko ngayon.. Ang tanga ko kasi. "Sorry Pam.. I'm very very sorry.." kulang pa yung mga salitang yun. Pero hindi ko kasi talaga alam kung paano ko sisimulan ang pag-eexplain ko.. Sana rin naman pakinggan niya ako. "I know.. The word 'sorry' isn't enough. But please.. Please let me explain everything." matagal ko na rin namang gustong gawin 'to. Ang mag-explain.. Ang tanga ko kasi.. Mali yung mga naging desisyon ko. Umiling-iling lang siya at kumalas na sa pagkakayakap ko. Anong ibig sabihin nun? "Please... Jacob. Don't make me fall again.. PLEASE." Ella's POV "Please... Jacob. Don't make me fall again.. PLEASE." Ayoko na.. Ayoko na talagang mas mahulog pa lalo sa kanya. Ngayon pa nga lang, mahal ko pa rin siya.. Paano na sa susunod? Mahal na mahal ko na ulit.. "I don't want to fall harder like what I did before and after you left me.." "But—" "Enough." I need to be strong.. Kahit na mahal ko pa rin siya, hindi na rin naman mababalik pa ang dati.. Halu-halo na kasi ang mga nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang mas matimbang. Yung love ba o hatred? Hindi ko alam.. "I still love you.." That's a BIG FAT LIE. "I don't wanna believe you." Maglalakad na sana ako papalayo nang bigla naman niya akong hinawakan sa wrist. "But please believe me that I really loved you." I don't know.. I don't know. Tinanggal ko na ang kamay niya sa wrist ko. Tama na siguro 'to.. Ayoko na ng drama. Ayoko ng umiyak pa. "Up until now." Chapter 45: Heart to heart talk Lianne's POV Di pa rin talaga ako makaget over sa nangyari kanina.. Si Jake at si Ella? That was really unbelievable. Umalis na rin si Ken nun pagkatapos naming naiwan na walang alam at kaide-idea. Magulo rin ang utak namin kaya parehas kaming natameme kanina at hindi na nakapagsalita. After nun, saglit lang at wala na din siyang pakialam ulit sa mga nangyayari, then he left. Ako? Spell DUMBFOUNDED. "Lianne." Tumakbo naman ako papalapit sa kanya. Nandun lang kasi ako sa gate, hindi pa ako umaalis mula kanina. "Uy, Ella!" Then, I just noticed that her eyes were bulging. Is she alright? HUH?? Ang pangit talaga ng tanong na yun kahit kita naman na hindi talaga. Such a dumb question. "Salamat. Uuwi na ako." tapos pumasok na siya sa bahay. Tingin ko kelangan na naman niya ng time para makapag-isip. Sa ngayon, hahayaan ko muna siya. I know, masakit para sa kanya yun kaya hindi ko na lang muna siya tatanungin kung bakit at ano na ang nangyari sa kanila ni Jake or Jacob or whatsoever. Hihintayin ko na lang na sabihin niya sakin or sa amin yung tungkol dun.. Isa pa, siguro kelangan din niya si Ian ngayon, dakilang bestfriend at comforter niya yun eh. Though magbebestfriends naman kaming lahat, mas close naman silang dalawa. Kaya bahala na si Ian dun. Pumasok na din ako sa loob at nakita ko siyang kinuha na ang bag niya. Mukhang hindi talaga siya okay. Nagkiss na siya sa akin at nagpaalam na. Hinatid ko naman siya hanggang labas ng village. Ayun, wala. Tahimik lang siya.Then hindi ko namalayan, andito na pala kami sa sakayan ngayon. "Kung ready ka na.. Wag kang mahiyang lumapit sa amin ha? Mga kaibigan mo kami." Ngumiti lang siya sa akin. Halatang pilit. Niyakap ko naman siya at ganun din siya sakin. Then, nagbabye na rin ako. [ Trinity Institute ] Ken's POV Sa totoo lang, I don't have any idea on what happened a while ago. Tss.. Itong ungas naman na 'to, wala sa sarili. "Jake!!" pinasa ko sa kanya yung bola. Ang engot lang, hindi niya nasalo. "What was that for Jake?! Wala ka sa focus!!" sabi ni coach na galit na galit doon sa bleachers. "Sorry coach!" sabi niya na parang walang nangyari. Ngumiti lang e. "Okay. Break muna!" sigaw ni coach. Kanina pa rin kasi kami nagpapractice, "At ikaw naman Jake, umayos ka." pagpapaalala naman ni coach sa kanya. Abnoy kasi 'tong isang 'to e. Umupo na kami sa bleachers. Nakakapagod din. Napagod din ako kakatingin dito sa ungas na 'to. "Huy!!" he looks so idiot while staring blankly, tinapik ko nga ng malakas. "ANO?!?" sabi niya habang napatingin sa akin, halata namang nairita siya. "Langya ka Jake." then he looked at me, at aba, tinaasan pa ako ng kilay nito mokong na 'to ah, "May kadramahan ka rin pala sa buhay." nung narinig niya yun, tumingin naman siya sa kabilang side. "Malamang. Lahat naman meron." Naks, gumaganun na. Himala para kay Jake na maging seryoso ah? Kahit matagal ko ng kilala at kaibigan yan, ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Ni hindi ko nga alam yung tungkol sa kanila nung Ella o Pam na yun. Tss.. Di bagay sa kanya ang itsura niya ngayon. Nakakairita. "Wala ka namang nakukwento tol." sabi ko habang sinuntok ko ng mahina yung braso niya. "Tss.." ngumisi lang siya, "Kelangan pa bang ikwento yun?" "E g*go ka pala e! Malamang! Para saan pa't naging magkaibigan pa tayo?!" ungas talaga 'to e no? Magkakabarkada kaya kami! Dapat nagtutulungan! "Baah.. ang korni mo na ah," tapos ngumiti siya ng pang-asar, "Lumilevel up ka na, tol!" Huh? Oo nga no? "TSS.. Ewan ko sayo." Tumayo na ako. Kahit anong seryoso nitong ungas na 'to, nakakaasar pa ring kausap. -.- "Oy." Andito na pala yung isa pang ungas. Si Warren. Isa pa 'to e. Bigla bigla na lang susulpot. "You're late, dude." "Yea." Siya naman yung umupo sa pwesto ko kanina. Bahala na nga siya sa gunggong na yan. "Kausapin mo yan. Baka mabatukan ko lang yan e." tinap ko yung balikat niya. "Ge." Tss.. Parang alam naman niya yung nangyari. Pumunta muna ako sa locker room. Wala lang. Ichecheck ko lang yung phone ko kung may nagtext o tumawag. Nung tiningnan ko.. 43 missed calls 25 text messages Geez. Sino naman ang kaya ang tatawag at magtitext ng ganito kadami? At isa pa, kakapalit ko lang ng sim. Daming nagtitext sakin na di ko naman kilala, well, sikat e. Pagkatingin ko. Si Celine. Aba, anong trip niya at kung makatawag siya sakin eh parang importanteng-importante? Yung mga text din, lahat galing sa kanya. What's with her? Oh by the way, she's my girl for this week. Well, ginusto niya yun eh, since qualified naman siya, e di pinagbigyan ko na. Di ko na lang pinansin at binalik ko na lang yung phone ko sa bag nang hindi tinitignan yung mga text, nakakatamad eh. Papalabas na sana ako nang may pumasok at humarang sa pinto. It's Celine. "Why are you NOT answering my texts and phone calls?" sabi niya habang nakataas yung isang kilay at mukhang inis na inis. Ano na naman ba yun? "Can't you see? May practice kami." "I know. Pero bakit mula pa kahapon hindi mo man lang ako tinetext or tinatawagan man lang kahit isang beses? You didn't even showed up to me yesterday." tapos nagcross arms naman siya. Tss. "Busy ako kahapon." Well, that's a lie. Di naman talaga ako busy. Tinatamad lang akong kasama siya. Nakakasawa eh. "Busy? E nakita nga kitang kasama yung pugitang si KC kahapon e. Is that what you call BUSY?" then she laughed in a sarcastic way, "You're busy flirting with the other girls." E alam naman pala niya e? Ba't pa siya nagtatanong kung ganun? "So why bother asking if you already know the answer?" I said sarcastically. Nakakairita kasi. Naghyperventilate naman siya bigla at mukhang nanggigigil siya sa galit sakin, "Y—YOU..!" Oh c’mon! Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sakin. At ang bilis ng kamay niya. "Aw...Sh1t." este ang bilis pala ng KAMAO. "You stupid JERK!!" Nakalimutan ko nga palang amasona 'to.. Mas malala pa 'to kesa kay Lianne. Ang lakas e, pero maganda. E si Lianne? Hindi naman. Pangit na iyakin yun e. Pero teka nga, bakit ba napunta si Lianne dito? Ah..sht. Ang sakit ng kaliwang mukha ko. Lakas nung pagkakasuntok sakin. "Hey! Anong nangyayari dyan!?" Lalapit pa sana ulit siya sakin pero dumating bigla si coach. Tss.. Ang epic. "We're so damn over! You'll never get away with this.. YOU FREAKIN' JERK!!" "Sure thing." Then she left. Damnit. Ang sakit ng mukha ko. [ Lianne's House ] Lianne's POV Maggagabi na.. Past 5pm na din siguro. Buti na lang natapos ko na kahit papaano yung nasimulan ko kanina. Hay. Nakakapagod. Feeling ko, sira na yata lahat ng brain cells ko at prone na ako sa internal hemorage. Ansakit lang sa utak! >.< Well, kahit pagod na at lahat, I still manage to take a walk. At eto, napadpad na naman ako dito. Umupo ulit ako kung saan ako unang umupo dati. Wala namang masyadong tao or better yet, bata. Yea, I'm here again at the playground. Maybe you already know why I am here. Aba, syempre, sino pa ba ang magiging dahilan kung bakit ako pumunta dito? Napatingin naman ako sa relo ko. Magsi 6pm na. Magdidilim na din. Awp.. Baka nga di siya makakapunta dito. Pero oo nga pala! May practice sina Ken, kaya malamang, kasama din siya dun. Ayyyyyy. Tumingin tingin naman ako sa paligid. Nakita ko nga ulit yung dalawang pairs ng magjowa dito e. Seriously, ginagawa ba talaga nilang park 'to? And one thing more, wala ba silang iba pang place para pagdate-an? Parang halos araw araw ata sila nandito eh. Tss. Nung mapatingin ako sa katabi kong puno, may napansin ako. At galing… "Wow." Nakakatuwa naman. Meant to be ba talaga kami? Hindi naman sa nag-aambisyosang frog ako pero parang ganun na din. NAKAKAKILIG KASI!!! May nakita kasi ako na nakaukit sa puno.Nakakatuwa nga e. SUPER! 'Lei <3 Ren' Yan yung nakasulat. Di ba 'Lei' yung tawag niya sakin? And somehow, since Warren yung name niya kaya pwedeng na ding maging nickname niya yung 'Ren'. So it means... Eeek! Ang landi ko lang. <333 Ayun, since gabi na nga, wala na rin naman akong magagawa. Next time na lang siguro ulit. Kelangan ko ng umuwi, mahirap na baka makasalubong ko pa dito yung mga mongoloid na nagbalak mangtrip sakin dati. Eeee. Katakot lang. Nung malapit na ako sa bahay, nakita ko naman yung kotse ni Ken. Hala naman! Dapat pala naghintay pa ako ng konti. Baka sakaling naabutan ko pa si Warren dun.. Tsk. Lumabas na siya sa kotse. Tss. Gabing gabi, nakacap pa. Wait, parang may kakaiba sa kanya. Ay hindi, bago pala. "Ano yan? Malaking balat?" sabi ko. E panu, may malaking black na gray na hindi ko maintindihan na meron sa mukha niya. Geez. "Pasa yan, bulag ka ba?" he said without looking. Err.. the nerve! "O, anong nangyari dyan? Infairness.. bagay sayo ah." mwahaha! Maasar nga 'to. This time, tumingin na siya sakin, "Tss. Knock it off! Obviously, nasapak ako, OK?" paalis na sana siya pero nagsalita ulit ako. "Whoa!! Sino?" parang akong batang lumapit sa kanya. Eh sa interested ako e. Gusto ko nga i-congratulate yung sumapak sa kumag na 'to. "The hell you care." "Dali na!!" "Fine." tumingin siya sakin na naiirita, "babae siya. Wag mo ng alamin kung anong pangalan niya kasi hindi mo naman yun kilala, kaya pwede ba umuwi ka na!?" HUWEH? Ang galing naman ni ate kung sino man yun! "Whoa talaga? E bakit nung sinapak naman kita dati, di ka naman nagkabalat ng ganyan? Tapos kung makapagreact ka kala mo sira na yung future mo dahil lang sa nasapak kita. OA ka lang talaga nun no?" sabi ko habang nakapamewang, kung makapagreact kasi.. Naku. "Hindi nga 'to balat! Pasa 'to, PASA! E sa malakas yung pagkasapak niya e, yung sayo ang hina lang naman nun, parang kurot lang. At dun naman sa reaction, trip ko lang yun. Ano? HAPPY? Makakaalis na ba ako? Andami mong tanong e!" sabi niya habang magkasalubong yung kilay niya. At ANO DAW?? Tss. "E sinasagot mo naman?!?" Tapos umalis na siya. Tsk. Bastusing unggoy! Pumasok na ako,at kumain na din ako ng dinner. Pagkatos nun, umakyat na din ako sa room ko, para magawa ko naman yung assignment ko sa ICT, nakalimutan ko kasing gawin kanina since tinatapos ko yung binabalak kong gawin sa project namin. "Haaay!" Past 10pm na. Thank God! Buti natapos ko na din yung animation ko. Makakatulog na din ako! Isasara ko na sana yung curtain sa bintana ko nang biglang may kumag na sumulpot na parang kabute sa kabilang bintana. "Oy Ken!" Nyeh? Bakit ko naman siya tinawag? Tsk. Ang baliw ko lang. Lagoooot. Ken's POV "Oy Ken!" Napatingin naman ako. And err.. What the hell is she wants again?? Darn. "What?!" sabi ko habang nakakunot ang noo. Ewan ko na talaga sa babaeng 'to. Hindi ko alam kung maiirita ba ako o ano. Tsk. "Wala lang." tapos ngumiti siya na parang may hidden agenda. Seriously, nababaliw na ba talaga 'to? "Lam mo, hindi ka lang crybaby, psycho ka pa!" isasara ko na sana yung kurtina ko nang bigla naman siyang sumigaw. "Weeeeyt!!" "What now?!" inis kong sabi. Err.. This girl is really annoying. Geez. "Can I have a question?" para siyang batang curious sa mga makamundong bagay habang isinandal niya ang baba niya sa taas ng kamay niya. Gets? "O, ano ba yun." tss.. Di ko talaga siya maintidihan. Nag-isip muna siya bago siya magsalita ulit, "Ba't ka sinapak nung girl?" she said with a kiddie voice. And she looks... Cute. Man.. I was stunned. Di naman ako makapagsalita agad. Imbes na sumisigaw na ako dito at naaasar, para akong lion na natamed bigla ng isang cute na lion-tamer. At ang cu--WAIT. Like what the perk did I just said?! Argh! NO FREAKIN' WAY!! I snap out, "Pwede ba, wag ka ngang masyadong pakelamera." geez. Kung anu-ano na yung pinag-iisip ko. "Dali na! Ito naman oh. Share!!" Tsk. E ano pa nga bang magagawa ko? Ang kulit ng lahi nito e, malamang di ako tatantanan niyan. Umupo na lang ako sa bintana at tinaas ang isang paa ko, "She's just desprate that's why she punched me," I said while looking at my phone. Well actually, pinaabangan talaga ako sa labas ng campus. I didn't know na kasama pala siya sa isang fraternity. And the moment that I knew it, it gives me creeps, knowing that they were too many to give me some punishment. Sinugod nila ako at nakapanlaban naman ako, yun nga lang, di nakaligtas 'tong kaliwang mukha ko kaya nasuntok ng ilang beses. And the next happened? They're all wimp, stupid losers. Nanlaki nga yung mata ni Celine nung nakita niya yung mga kasamahan niyang nakaplakda na lang sa lupa. But one thing that I am worrying about now is that, baka balikan na naman ako ng mga ungas na yun at magdala naman ng isang batalyon para bugbugin ako, or worse, patayin na nila ako. Geez. "Oh? Then, why?" "I just don't feel like texting nor calling her neither being with her. Nakakasawa." totoo naman. Parang isang araw lang ata ako nag-enjoy kasama yun e. Well, she's good damn kisser. Pero hanggang dun lang at wala ng kwentang kasama. "Nge? E gaano mo na ba siya katagal na gf yun? I bet that's your girlfriend, ayt?" "Yeah. 6 days." "6 DAYS?!?" napaangat siya ng ulo at nakita ko naman ang itsura niya. Kung pwede lang siguro lumuwa yung eyeballs, lumawa na yun. "Oo. Bakit?" "Tss.. NVM. E nakailang girlfriends ka na ba?" "Ewan. I always change my girlfriends every week. Can't remember." "ANO?!" nanlaki na naman ang mata niya, "Sa pangit mong yan, nakakapagpalit ka pa ng girlfriend within a week?! Gosh. That's so unbelievable." sabi niya habang umiiling pa. "Pangit ka dyan? Bulag ka nga talaga, papalitan mo na nga yang mata mo. At isa pa, kung ayaw mong maniwala, e di wag. Di naman problema yun." then I smirked. "Tch." she rolled her eyes heavenwards. Malamang, hindi makapaniwala yun. "Pero Ken.." narinig kong nagsalita ulit siya, na naging dahilan naman para mapatingin ulit ako sa kanya with my eyes wide open. "Have you ever been in love?" Chapter 46: Just a race track Ken's POV "Have you ever been in love?" Gusto kong tumawa ng tumawa sa sinabi niya, kaso seryoso mukha niya e. Pero hindi talaga e. Di ko na napigilan. "BWAHAHAHA!" "Hoy! Joke ba yung sinabi ko?!" nakataas na yung isa niyang kilay habang nakapamewang. Tae talaga. Laptrip. What's up with her? Ba't ang korni niya ngayon? Well, she's always like that as ever pero mas korni siya ngayon. Nakakatawa lang. "Haha..hah.. E kasi.." I still managed to speak and calming down myself, "Anong klaseng tanong ba yan? E ano ba sa tingin mo?" sabi ko habang nagpipigil pa rin ng tawa. Nakita ko naman siyang nakakunot na ang noo niya at nakacross ang arms, "E di MATINONG TANONG! Aba malay ko, kaya nga kita tinatanong e, tapos ako naman tinanong mo!" "Haha. What do you think? Sa mukha kong 'to?" I said while pointing myself with my index finger. "Tss! Sinagot mo na naman ako ng tanong din e! Hmp," umupo siya at isinandal ang likod niya sa may gilid ng bintana, "I think, oo." Nakatingin lang ako sa kanya. Anong 'oo'? Nagets naman niya siguro yung facial expression ko kaya nagpatuloy ulit siya sa pagsasalita, "Kasi nga diba, it's most of the guys na magloko after ng super hurtful moment na nangyari sa kanila, most especially kung niloko sila ng true or first love nila kaya ganun.. Ano? Nainlove ka na ba talaga at nasaktan ka ng bongga kaya ganyan ka kaabnormal?" Napaisip ako.. Nainlove na nga ba ako? It took a minute or so before I answered again, "I don't know." "Ngek?! E ano namang dahilan mo kung bakit ka nagkaganyan? Mongoloid ka ba o ano?" "Di ko nga alam! Ang kulit." then I paused for a while, "at saka trip ko lang, bakit? Ang saya kaya. Isa pa, baka hindi pa rin ako naiinlove kaya ganito ako katarantado." Oo nga, masaya naman talaga e. Di pa ako naiinlove pero I always like every girls that I met. Di naman napupunta sa level na nagiging malalim na yung pagkagusto ko sa kanila, nagsasawa naman kasi ako agad kaya baka ganun na nga. Teka nga, BAKIT BA ANG KORNI KO NA DIN? Argh! "What the hell?? So nasasayahan ka na nagpapaiyak ka ng mga babae, ganun?" sabi niya na pamula pa kanina eh di na bumaba yung isang kilay niya. Tss. "Sus. I've never seen them crying, so why bother?" "So you want them to cry in front of you just to prove that you're so damn stupid heartbreaker, huh? Is that so?" feeling ko gusto na akong sugurin nito dito sa bahay at bugbugin. Tss. "Well." umayos ako sa pag-upo, "Maybe. Siguro kung meron mang maglakas ng loob na umiyak sa harap ko, baka tumigil pa ako. Baka lang naman." I said while touching my chin. May sinabi siya pero hindi ko naman naintindihan. Then nagsalita siya ulit, "Magkaibigan ba talaga kayo ni Warren?" sabi niya na nakakunot ang noo. "Oo naman." "Tss. Buti di yun kagaya sa inyo ni Jake, mga WOMANIZER!" "Makapagwomanizer ka naman!" "E totoo naman e! Paano ka ba niya naging kaibigan? Mygulay. Walang wala kayo sa kanya." "E bakit ba. Tska wala ka na dun. Makakaibigan kami kaya wala kang magagawa dun." "Tss. Babaero." "Proud to be." Natahimik kami saglit. Napatingin naman ako sa wall clock ko, past 11pm na. Di pa rin ako inaantok. "Pero bakit ganun," napatingin ako sa kanya, nakapalumbaba na siya, "Buti na lang talaga hindi nagmana sa inyo yun." "Ang laki ng problema mo e no? Malay. E sa yun yung trip niya e, ang magpakagood boy." Sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam kung paano ko naging kaibigan yun. Basta isang araw, nagsama sama na lang kami. Ni wala rin akong masyadong alam sa mokong na yun. Di nga nagkukwento ng kahit ano yun e. Pag gumigimik kami, solo flight lang siya, ayaw ng may kasamang babae. Nakikipagflirt pero wala ni isa sa mga babaeng yun na naging girlfriend niya kahit isang araw o isang oras man lang. Minsan nga naiisip ko na baka lalaki hanap nun e, pero hindi, nakakakilabot lang kung isipin. Geez. Nakita ko naman si Lianne na inis inis sakin. Bakit na naman ba? "Hindi mo naman ako pinapakinggan e! Kanina pa ako nagsasalita!" Ayy. Di ko yun narinig. At ang ingay naman ng boses nito. Tss. "Wag ka ngang sumigaw. Marami ng natutulog." "Ikaw kasi e! Ang haba haba ng sinab—" "Matulog ka na nga! Night." at isinara ko na ang kurtina. Inaantok na ako e. Ian's POV "I have something to tell you." "Hm?" Umupo kami malayo sa kanila. I don't know why. "Nagkita ulit kami." napatingin naman ako sa kanya, di ko rin naman alam kung sino yung isa dun sa 'kami' pero meron na akong naiisip.. Nagsalita ulit siya, "And for the first time.. we've talked again." Kilala ko na. Tumingin lang siya sa akin. I don't know what to say. In that case.. Do I need to? "I'm sorry." "Bakit ka nagsosorry?" Hindi ko magets kung bakit siya nagsosorry. In the first place I don't have any right to get mad at her on whatever she did. I am just a friend. A friend that she runs to whenever she's in pain, sad or grief. I am just the one that accompanies her whenever she needs to. And somehow, I am just a friend who tries to make her happy although she'll never ever be. In short, I am just a race track that she runs to, trying to make her feel better. Hindi siya nagsalita. Nakatungo lang siya habang paulit ulit na inaayos yung ribbon na hawak niya habang ako nakatingin lang sa field. "O, anong nangyari?" Inangat niya ang ulo niya at tumingin sakin. "Nag-usap lang naman kami." Habang sinasabi niya yun, wala akong makitang kahit anong emosyon sa kanya. She wears emotionless face. Hindi ko mahulaan kung ano ang nararamdaman niya. "How did it go?" sabi ko. Ngumiti siya. A small smile, "It was a tough conversation, though." Marami ng naglalaro na words sa utak ko kung ano nga bang pinag-usapan nila. Ayoko namang isipin na meron akong hindi magandang maririnig. Pero kahit anong pag-iisip ko ng positibo, iba ang nararamdam ko ngayon. Wag naman sana. "Ano namang napag-usapan niyo?" Kahit ayokong marinig kung anuman yun.. tinanong ko pa rin, sa tingin ko kelangan. Huminga muna siya ng malalim bago ulit magsalita. Kinakabahan na ako. "Sa totoong lang, hindi ko alam kung nagsisisi ba ako o ano," tumigil siya saglit, nag-iisip siguro ng sasabihin, "Di ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko." Sa sinabi niyang yun, dalawa lang ang naiisip ko. It's either she rejected him, or gave him another chance. Darn. Tumawa siya. Yung pekeng tawa. "Nakakatawa lang.. Kinain ko rin ang sinabi ko.." While hearing those words of hers.. I think my heart is pounding. Sh1t. Hindi na niya ako hinintay pang magsalita, "I did gave him another chance.. That's why I'm sorry." tumingin siya ng diretso sakin. Straightly to my eyes. I think it's over. Ella's POV Hinihintay ko kung ano ang magiging reaction niya. Nakakainis lang.. Kinain ko lahat ng mga sinabi ko sa kanya. That's why I'm guilty.. I have to say sorry. Kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabin niya. Oh, God. Tumingin lang siya sakin. Nung una kinabahan ako kasi seryoso ang mukha niya, but then, napangiti naman agad ako kasi ngumiti siya sa akin. "Huli na yang chance na yan ah. Babangasin ko na talaga pagmumukha nun pag sinaktan ka pa. Sisiguraduhin kong di na siya sisikatan ng araw." "What? Ang over ah." tapos ginulo naman niya buhok ko. "Err.. Wag mo ngang guluhin yan!" ngumiti ako, "Anyway, thanks Ian. Yeah.. Sayo agad ako tatakbo at magsusumbong para ipabugbog sayo yung mokong na yun pag sinaktan ulit ako." Ngumiti lang siya sakin.Ngumiti naman din ako. "Yabyow!" sabi ko. "Yeah. Yabyow." sabi niya. I'm so lucky to have a friend like him. Pagkatapos naming mag-usap sa kung anu-ano pa, bumalik na ulit kami sa table namin. Birthday nga pala ni Aya ngayon. "Oy! 18 candles na daw!" narinig kong sabi ni Lianne. Tumayo naman ako. Yea, today is Aya's birthday. Well obviously, siya yung pinakabunso sa barkada. This year kasi mag 19 na kaming lahat, except her. And tonight, she looks dazzle and spectecularly beautiful. After ng 18 candles and lahat ng mga 18s, nagkainan na ulit kami at nagparty party. Nagsasayawan na nga yung mga tao dito e. "Saan si Ian?" sabi ko kay Jin. Di ko na kasi siya nakikita pamula pa kanina e, sayaw sana kami. "Ewan. Andyan lang yan kanina ah. Baka nandyan lang yan sa tabi-tabi." "Ah sige." Umalis na ako at hinanap si Ian. Naku, abnormal na yun, baka umuwi na yun. Tsk. Naghanap na ako sa bawat sulok ng reception area. Grabe, nakakapagod! Ang lawak nito e. Kanina pa ako lakad ng lakad. Nung napagod na ako, tumigil na ako sa paghahanap. Lalabas rin siguro yun, baka may pinuntahan. Tama, baka nga. Ian's POV "Shet.. Dapat sinabi ko na ang nararamdaman ko matagal na. O ano na ngayon? One of this days magkakabalikan na sila. Tsk. G*go ka Ian e. Ang hina mo." Andito ako ngayon sa may pond at kinakausap ang repleksyon ko sa tubig. Kung pwede ko nga lang sapakin yung repleksyon ko, ginawa ko na. Kaso parang tanga lang. Di ko rin magawang masapak ang sarili kasi mas lalong kabaliwan yun. Ayoko doon, gusto kong mapag-isa. Sa tuwing nakikita ko si Ella na nakangiti, nasasaktan lang ako. E sa ang dahilan ng pagngiti niya ay hindi lang sa masaya siya ngayong gabi, kundi masaya din siya kasi bumalik na ang dating minahal niya. Shet lang. Ang tanga ko lang kasi. Bakit ba ako nainlove sa babaeng may ex na alam kong babalikan niya rin balang araw? Ugh.. Nakakag*go talaga ang pag-ibig. Nakakailang bote na ako rito, feeling ko hindi pa rin ako nalalasing. Argh. Gusto kong magpakalasing para kahit saglit man lang, makalimutan ko naman yun.. Sounds gay pero ang sakit. Sa tingin ko, kelangan ko na ring lumayo kasi darating na din naman ang araw na hindi na ako ang makakasama niya, kundi si Jacob na. Sh1t. Love is really frustrating. "Yea. It really is." Chapter 47: With him Lianne's POV "O, ano na ang sagot mo?" "Wait. Di ko pa maisip." "Haha. O sige, take your time." Ano ba kasi yun? Mm.. "Mm.. Ayoko na. Siret na lang." "Sure?" "Yep." "E di payong." "Huh? Oo nga no. Tsk. Sayang." tapos tumawa siya. Tsk. Yun lang pala yun. "O sige may isa pa. What ends with 'w' that has no end?" Err.. Ang hirap naman ng mga tanong nito. Ano ba yun? Waaah. Gusto kong makuha yung prize!! Baka kasi kiss yun… JOKE! Nag-isip pa ako... Arrow? Elbow? Yellow? Snow? Straw? Claw? Ugh.. Ano ba kasi yun?! "Mm.. Wala na naman akong maisip. Tsk." "Itry mo pa. Ang dali-dali lang nun e." Eeee. Tinatamad akong mag-isip. "Ayoko na. Siret." "E di kung magsisiret ka, ako naman may prize sayo?" Nag-isip ako. Hmm... Okay na din yun. Haha! Alam ko na kung ano ang ipaprize ko. Eek! Ang landi ko. Haha. "Mm.. O sige." "Rainbow." "Huh?" "Rainbow yung sagot." "Oh? Hala. Ang dali lang pala! Ayt." "Hahaha.. O where's my prize?" "Here." *Tsup!* "Lei.." *poke. poke* "Huh?" Napailing na lang ako bigla. Nakonako naman!! Nagdedaydream na naman ako.. "Kanina pa kita kinakausap. Mukhang malalim ata iniisip mo ah?" "Ah...eh.." napahawak na lang ako sa batok ko. Tsk! Hindi ko pwedeng sabihing nagdedaydream ako sa kanya! "Wala yun. Game na ulit." "O sige. Kasi ganito yun, blah blah blah blah blah" Grabe. Sagad sagaran na yung imagination ko. Dumating na sa point na ikikiss ko siya.. Ay hindi! Kiniss pala. Gosh. Magagawa ko ba yun in real life? I bet not. Yeah, hell no talaga. Nakakahiya kaya! "Ano Lei? Gets mo na?" "Huh? Ah..ah oo. Yep." pero hindi ko nagets yung mga sinasabi niya. My gulay. Andito ulit kami sa playground at kasama ko siya. Alam na di ba? Yea, kasama ko si Warren ngayon. Monday na ngayon at February na. Kaya ito, nagpapatulong ako sa kanya about dun sa project. Di ba nga sabi niya na pwede akong magpatulong sa kanya? Ayun, buti na lang at napadpad na naman ako dito, naabutan ko kasi siya kanina dito e, nagbabasa siya ng book. Siguro tambayan na niya talaga 'to. And at the same time, meeting place na namin. Jk. "Hindi ka ba tinutulungan ni Ken?" sabi niya habang tinitingnan yung mga papel na hawak niya. "Tinutulungan naman, kaso sapilitan. Kelangan pang tawagan or itext para lang sabihin na gagawa kami ng project. Walang initiative." totoo naman. Tumutulong nga siya kaso nagkakawrinkles na ata ako dahil sa kunsume sa kanya. Tumawa siya, "Baliw talaga yun." "Oo, abnormal pa." Yung oras na sa tuwing nagkikita kami ay oras din ngayon. Grabe. Parang may meeting time tlaga kami ano? Eek. Ang landi ko na talaga. Nagflip ulit siya ng page at tinitigan na naman ito. "Lianne Alisson Sarmiento?" napatingin naman ako sa kanya. "Yes?" sabi ko with a sweet smile. "Ito yung real name mo?" "Mm-mm." tumango-tango lang ako, "Bakit?" Tinitigan niya lang ako. It's like he's examining my entire face. Bakit? "Ah…" parang ang tagal niyang tinitigan, "wala naman." Parang ang weird. Bigla kasing naging seryoso ang mukha niya. Di naman as in, pero nawala yung smile niya nung binanggit niya yung totoong pangalan ko at tinitigan ako.. Bakit? Di ko na lang pinansin at nagpatuloy lang ulit kami sa pag-uusap about dun sa project. Whoa. Malapit ko na 'tong matapos, nasa kalahati na ako eh. "So, there. Okay naman yan. Idagdag mo lang yung iba pang information na dapat pang makita nung audience niyo. Ok?" tapos nagsmile siya sakin. Err.. His smile is really powerful. Pati kasi ako nahahawa sa ngiti niya. :) "Mm.. Wanna take a walk?" sabi niya. "Sure." Umalis na kami sa playground at nagsimula ng maglakad papunta sa—Saan nga ba? "Nalibot mo na ba yung buong village?" He said with his charming smile. Ang gwapo niya talaga. "Mm.. Hindi pa eh." yeah, di pa rin ako naggagala dito. Yung subdivision lang siguro halos nalibot ko, kasi nga di ba? Nung hinabol ako nung mga lalake, kaya ayun, halos buong subdivision naikot ko na. "Ah ganun ba. Tara, itotour kita." "Sige." Nagkukwentuhan kami habang naglalakad. Kinikilig nga ako kasi dala niya yung mga dala ko kanina like, xerox copies at yung ibang write-ups ko sa project. Ballpen nga lang dala ko eh. "Gaano ka na nga pala katagal na nakatira dito?" "Mm.. 11 years, I think? 8 or 9 years old kasi ako nung lumipat kami dito. So dito na rin ako lumaki." "Ah.." Napastop siya. Bakit? "O, bakit—" "We're here." tapos naghand gesture siya, "This is our first stop." Sa harap namin ngayon ay may isang malaking infrastructure. Mukha siyan ancient dahil kulay nito. Since Monday ngayon, sarado siya. Pero marami pa ring mga tao at bata na nakapaligid. "Wow.. May simbahan pala dito. Ngayon ko lang nalaman." sabi ko habang yung mata ko ay nasa simbahan. Ang ganda nga e. Para siyang simbahan na panahon pa ng Kastila. "Ang ganda no?" sabi niya habang nakatingin din doon. "Yea." "Maganda rin yung loob niyan, kaso sarado siya ngayon kaya di tayo makakapasok." "Oo nga e. Sayang naman." "Gusto mo sa Sunday magsimba tayo dyan?" Napatingin naman ako bigla sa kanya. Seriously? As in, for real? Hindi ba siya nagbibiro? "Sigurado ka?" kelangan kong manigurado, baka kasi mali yung pagkakadinig ko, para pa naman akong nahallucinate ngayon. "Yea, sigurado ako. Bakit, busy ka ba sa Sunday? O sige next Sun--" "No!" Tinitigan niya lang ako. Shocks. Nabigla lang ako. "I—I mean.. I'm not…busy...on Sunday. I'm free." sabi ko with a convincing smile. Ngumiti siya, "That's great." OMG. Yung pag-ask kung pwede ako sa Sunday ay parang pag-ask ng date di ba? Di ba? Di ba? OMOOO!!! I'm gonna have a date on Sunday! "Lei." "Huh?" "Ano, tara na?" "Ah. S—sure." Omg talaga. Naglakad pa kami. Gosh.. Naeexcite na ako sa Sunday. "Lei." "Oh—" Tumawa naman siya na parang nang-aasar. "Ang adik mo." May ibang side rin pala 'tong si Warren... Ang baliw lang, tinawag niya ako tapos nung pagkalingon ko may daliring naghihintay na matusok sa pisngi ko. Ang kulit lang. "Ahm.." "Hm?" "Gaano na kayo katagal nagkaibigan ni Ken?" "Di ba nasabi ko na sayo yun?" "Oh?" napakamot na lang ako sa ulo. Makakalimutin talaga ako. Tumawa siya, "Ang cute mo talaga." Huh? Tama ba pagkakarinig ko? "Ah..eh.. Hehe." gosh. Superb na 'to. Parang gusto ko ng mangisay sa kilig dito. Mygulaaaaaay. "Ayun nga, napasama lang ako sa kanila nung panahong.." natatawa siya. Hmm.. Siguro nakakahiya yun. "Nung panahong..?" sabi ko. "Nung panahong para akong g*gong wala sa sarili." "Oh?" geez. Nabigla na naman ako. Di talaga bagay yung ganung word sa kanya, "Mm.. Bakit? Ano bang nangyari sayo dati?" Ngumiti lang siya, "Wala yun. Basta naging okay naman ako nung napasama na ako sa kanila, at tska nung dumating si—Uy, we're here." "Huh?" napalingon naman ako. Gosh. Wow lang. As in, WOOOOOW. Ang ganda. "Ang galing! Meron pala nito dito!" at hindi ko na napigilan ang sarili ko napatakbo na lang ako malapit doon, "Wow talaga, ang galing!" Ang ganda nung dagat! I didn't know na may dagat pala dito sa dulo ng village. "Sabi na eh, di mo rin alam na may dagat dito." nasa tabi ko na siya ngayon. "Eek. Nakakatuwa." sabi ko habang nakangiti ng sobrang wide, "Ang ganda nung sunset.." napatingin naman ako kay Warren. Shocks. Nakatingin rin pala siya sa akin, so I look away. Nakakahiya. Umupo kami sa may batuhan. Medyo malayo yung paa namin sa may dagat, kaya hindi nababasa yung paa namin. "Hindi ba bawal dito? Baka hulihin tayo dito." nag-aalala kasi ako na baka tumakas lang kami. Di ko naman kasi napansin na nasa may dagat na pala kami eh para akong nakahigh kanina dahil sa pinagsasabi sakin ni Warren. Panay kilig lang.<3 "Hindi, ok lang yun. Wala namang nakapaskil na restricted area 'to e. At saka, lagi akong nagpupunta dito dati pa kaya okay lang. So, don't worry." "Okay." Kanina pa talaga nagwawala yung puso ko dito sa ribcage ko. Parang ang romantic ng set-up namin ngayon, ayy hindi, romantic pala talaga. Now, my super crush is beside me. Grabe lang, ang ganda ng araw ko ngayon. Sana buong week na 'to. Hindi ko tuloy napipigilang mapangiti. "Thanks for bringing me here. Masaya talaga ako ngayon." "Wala yun. It's my pleasure." oh God. He's looking at me.. Nakakatunaw. Ngumiti na lang ako at tumingin na ulit sa sunset. Baka di ko mapigilan sarili ko at mayakap ko 'tong gwapong nilalang na 'to eh. JOKE. May delicadesa pa din ako no. "Pwedeng magtanong?" lumingon naman ako sa kanya. "Sure, ano yun?" sabi ko. "Have you ever been in an accident or something?" Chapter 49: Issues Lianne's POV Ngayong first week of Febuary eh medyo busy ako. Daming ng requirements na ipinapapasa by the second week of March! Oo nga at matagal pa. Eh kaso ang hihirap ng mga ipinapagawa sa amin. Nakakaloka lang. Nakakabobo rin lalo kasi isip ako ng isip sa kung ano pang magagawa ko sa project KO. Yes... Project 'ko' kasi ako lang naman ang halos lahat gumawa at hindi man lang nag-aabalang mangamusta yung kumag. Tsk. Sobrang pudpod na nga ata 'tong turnilyo ko sa utak e kakaisip ng mga bagay-bagay.. Di ako makapagfocus sa isang certain issue o subject or thing. Puro random ang nasa utak ko ngayon. Dagdag pa yung mga nangyayari sa paligid ko. Ayoko mang mag-isip para sa ibang bagay but, I can't help it. Napapaisip talaga ako.. -.- Tulad ngayon… "Ayoko nga! Ang kulit kulit mo rin e!" "Ang arte mo. Dali na kasi! Para sayo rin naman yun e!" Kanina pa sigawan ng sigawan sina Arkin at Tine dito. Di tuloy ako makapagconcentrate. Napupunta yung utak ko sa pinag-aawayan nila e. Arrrggh. Lumingon ako sa kanila. Para silang naghihilaan na hindi mo maintindihan. Nakita ko namang tumigil si Tine sa paghila ng polo ni Arkin at nakapamewang na. "Sige." sabi niya, "Pag ako napuno sayo... Hindi na talaga kita tutulungan." tapos tumalikod siya kay Arkin. Kumunot naman ang noo ni Arkin sabay sabing, "OK." Bigla namang humarap si Tine na mukhang naiinis na. "ARKIN?!!" sabi niya habang magkasalubong ang kilay. "Ayoko nga kasi." Haynako. Ewan ko kung ano ba yung pinag-aawayan nila. Ewan ko nga rin dito kay Tine e. Ang dami-dami naming gagawin at heto siya, nakikipagbangayan sa hindi mo malamang topic. Sila lang kasi ang may alam kung ano man yun. -.- Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko dahil malamang, baka wala akong matapos kapag nanuod lang ako dun sa dalawa. At nagugutom ako. Huh? See? Ang random talaga. Sulat... Sulat. "Aww.." sumasakit na yung mga daliri ko kakasulat ng mga drafts! Ibinaba ko muna ang ballpen ko at inistrech strech yung mga daliri ko. Well.. ang cute ng kamay ko parang nagkoclose-open. Habang nagkoclose-open ako, nakita ko namang umalis na naman si Ian. Pansin ko... Simula pa noong Monday, ganun na siya. Tapos ngayong Friday na, ganun pa din siya. Umiiwas ba siya? Tumingin ako kay Ella.. Tulad ng ginawa ko kanina, nakatingin lang siya sa naglalakad na si Ian.. Emotionless ang mukha niya. Napakunot naman ako ng noo. ILANG ISSUES BA MERON ANG MGA TAO NGAYON?! Nakakastress. -.- Lumingon naman ako sa tabi ko, si Aya.. Buti pa 'tong babaeng 'to walang issue. Yung dalawang love birds naman na katabi niya namely: Sab and Jin eh ewan ko na kung may issues ba yang mga yan. Mukhang wala naman. "Ano yang binabasa mo?" sabi ko habang sumilip naman ako sa libro niya. Lumingon naman sa akin si Aya, "The Notebook.." tapos inangat niya yung book para makita ko ang book cover. Medyo familiar sa akin yung itsura ng book... Hindi ko lang maalala kung saan ko ba nakita yun. Uh… Memory gap? "Ah... Maganda?" "Yep." tumango siya, "Romance kasi 'to." "Oh I see.." Hindi ko na ginulo pa si Aya at nagconcentrate na ulit siya sa binabasa niya. Nagcommercial lang ako para makapagpahinga naman 'to kahit konti yung kamay ko. Kanina pa ako sulat ng sulat e. Seesh.. "Pag-iisipan ko!" "Wag ka ng mag-isip!" Commercial ulit. Pagbuholin ko 'tong dalawang 'to e. -.- The afternoon class was fine. Buti nga hindi pa nagbabanggit yung dalawang professor namin about sa mga projects kundi ewan ko na. Mababaliw na siguro ako. =.= //Laslas wrist. Nung makauwi na ako, bagsak kaagad ang buong katawan ko sa kama. Feeling ko ang dami ko na namang ginawa eh nagsulat lang naman ako buong araw. Well, napagod rin siguro ako kakakunot ng noo kasi nga ang daming mga something fishy na nangyayari.. In short, MY FRIENDS HAVE ISSUES IN THEIR LIVES. Me? Do I have issues? Hell yeah. Their issues are my issues. I just can't stop thinking about it. -.- Hmm, may namimiss din ako.. At nung dumaan ako dun sa playground, wala siya. Wala na naman tuloy akong energy. Walang Vitamin Warren e. OK. OA. -__- Pumikit ako saglit... Nung dumilat na ako eh may liwanag na. Yung liwanag eh hindi galing sa ilaw ng kwarto ko kundi sa... ARAW? So it's Saturday. Napansin kong ganun pa rin ang suot kong damit kagabi kaya ibig sabihin nun, nakatulog lang ako bigla. "Morning Ma.." sabi ko habang inaantok antok pa. "Morning din. O, kumain ka na." Naupo lang ako sa sofa at isinandal ang likod ko doon, feeling ko ang bigat bigat ng katawan ko.. "Sige po." Pumikit ulit ako. Nakakaantok pa e. -.- "May tumawag nga pala dito kanina." sabi ni Mama habang nag-aayos ng pagkain sa dining table. Kahit nakapikit, sumagot pa din ako, "Mm... Sino?" "Mrs. Flores daw." Napadilat naman ako bigla, "HUH?? Bakit daw?" Bakit naman kaya tumawag si Ma'am Flores?? "May iniwan siyang telephone number dyan. Tawagan mo daw siya. She needs to talk to you daw." sabi ni Mama habang busy pa rin sa pag-aayos. Pumunta naman ako kung saan nakalagay yung telephone namin, at nakita ko nga, may maliit na papel doon na may nakasulat na telephone number. Nagdial na ako at nagring naman kaagad. Apat na rings pa nga nun e bago pa may sumagot. (Hello, this is Leviathan University.) "Uhm.. Mrs. Flores? Si Lianne Sar—" (Oh, good morning Lianne. Tumawag ako kanina pero tulog ka pa daw.. Buti at gising ka na. I have to tell you something important.) Sa totoo lang kinakabahan ako sa sinasabing 'something important' ni Ma'am. Geez. Ok.. Hingang malalim. "Uhm... Ano po yun ma'am?" (Namove ang due date ng project ninyo.. Well, it should be on the last week of Febuary but, it was moved on the third week. So tapusin niyo na agad ang project niyo as soon as possible. Third week, Friday.) Parang ayaw magsink-in sa utak ko ang lahat ng sinabi ni ma'am.. "P—po?" (Naku Lianne mukhang inaantok ka pa ata—) "A—ah.. Naku hindi po ma'am." umiling-iling ako as if nakikita ni ma'am, "Naintindihan ko po yung mga sinabi niyo." (Okay then. So good luck. Galingan niyo sa paggawa.) "Y—yes ma'am.. Thank you po." (Okay, bye.) "Bye po." then she hung up. Ano daw sabi ni ma'am? Third week? As in, '3rd'? Yung pangatlo? Yung pangthree? Homygulay... This is not good. WHAT AM I GOING TO DO?!? >_< [ Ken's House ] "Hello..." (WE HAVE A PROBLEM KEN!!!) Bigla ko namang nailayo ang phone sa tenga ko. Ang lakas ng boses, sakit sa tenga. Pinakinggan ko ulit. (..sayo? Malaking malak—) "Teka nga. Sino ba 'to?" ang aga-aga e, nambubulabog.. Tsk. (Si LIANNE 'TO! Abnoy!) Kaya naman pala.. Tss. "Oh, ano? Napatawag ka?" naupo naman ako sa couch. Inaantok pa ako. -.- (Anong 'oh ano' ka dyan? Ang haba haba ng sinabi ko eh hindi mo narinig?) inis niyang sabi sa kabilang linya. "Eh ang ingay ng boses mo e. Sakit sa tenga kaya hindi ko pinakinggan." Narinig ko namang parang naggrunt siya sa kabilang linya. (Pumunta ka dito. NOW NA! tooot tooot toot to—) Binabaan ako agad? Tss. Malala na talaga yun. Dahil sa wala na rin naman akong magagawa eh pinuntahan ko na.. Boss yan eh. Panay utos. Pagkalabas ko sa gate, nakita ko namang nandoon na kaagad siya sa labas ng gate nila. ...At magkasalubong ang kilay. Ano bang meron? "Hey, 'sup?" sabi ko habang naglalakad papalapit sa kanya. "'Sup your face.." nagroll siya ng eyes, "We have a problem." "Oo na. Kanina ko pa naririnig yang 'we have a problem' na yan e. Ano ba kasi yun?" Huminga muna siya ng malalim bago magsalita, "Third of week February, friday." seryoso ang tingin niya sakin. Napakunot naman ako ng noo, "Oh anong meron?" "Minove na yung pasahan ng project. Hindi na last week ng Feb.." Sus. Yun lang naman pala e. Akala ko kung ano na. "O eh anong problema dun? E di tapusin." Nakita ko namang tumaas yung isang kilay niya. "Sa tingin mo ganun lang kadali yun?" "Tss... Of course." "Oh really." tapos nagcross arms siya, "Sa bagay, hindi naman kasi ikaw ang gumagawa kaya madali lang para sayo!" Napaisip naman ako doon.. Sa bagay. Between the two of us, she's persistent and exerting more effort on making our project. Naisip ko na kakaunti nga lang talaga yung mga naitutulong ko. Pero tumutulong naman ako kahit papaano. "Tumutulong kaya ako." I said without looking. Alam kong naiinis na yung itsura niya. "Tumutulong? Mukha mo! Siguro nga tumutulong ka. Tumutulong ka sa pagbigay ng sakit ng ulo sakin!" Feeling ko para akong mister na binubungangaan ng misis ko sa umaga. -.- Yuck. Naisip ko ba yun? Erase erase! "Fine. So what shall we do?" "I don't know... It's your turn now to think. Wala na akong utak. Patay na mga nerve cells at neurons ko kakaisip..." "OK." naglakad na ako pabalik ng bahay. "Kumain ka muna at maligo nang mabawasan yang pagka.." binuksan ko ang gate at pumasok, "..PMS mo." tapos ngumisi ako. Nakita ko naman ang itsura niya, magkasalubong na naman ang kilay at mukhang sasabog na sa galit. Hindi ko na nga hinintay yung violent reaction niya at pumasok na agad ako. Haha. Ang sarap niya talagang asarin. >:) Chapter 50: First beat Lianne's POV "Hindi.. Dapat ganito yun e.." tapos idinrawing ko sa papel, "Hindi yung ganyan." tinuro ko naman yung screen ng laptop. "Sus. Malapit na rin yan." tapos inadjust niya. "Hindi, kulang pa rin. Urong mo pa." "Oh ayan." "Good." Okay na yung banner at logo. Si Ken ang naggagawa sa computer at ako naman ang nag-ayos. Parang eng-eng kasi.. di marunong magpantay ng bawat edges. Psh. -.- Actually, parang typical na report lang talaga yung gagawin namin. Balak pa sana naming mag-isip ng iba pang strategic plan kaso hassle masyado yung mga naiisip namin na dapat noon pa talaga namin ginawa. Nung natapos na si Ken, it's my turn to sit on my throne. Magtatype ako e. "Magsulat ka pa nga dyan ng iba pang mga questions. Yung questionable talaga ah. Yung matino." sabi ko habang nakaharap sa laptop. "Opo boss." narinig kong sabi niya. Medyo napangiti naman ako dun. At least ngayon, totoong tumutulong na talaga siya at hindi na yung para siyang nagmomodel na nakaupo lang sa couch namin. -.- Maya-maya, binigay naman niya agad sa akin yung papel na may mga questions. Binasa ko and so far, improving siya.. At least matino yung mga pinaggagawa niya. "Ano 'tong... 'Everyone has the opportunity to (blah blah blah..)" nagbasa siya ng pagkahaba-habang statement, "Kasama pa ba 'to?" Lumingon naman ako sa kanya, "Patingin nga." Kinuha ko ang papel at binasa ulit. Naalala ko, si Warren ang nagsulat nito e. "Yep, kasama yan." tapos ibinalik ko ulit sa kanya ang papel. Kinuha naman niya, "Oh? Parang hindi naman yan pwedeng isingit dyan. Wag na." "Hindi.. Kasama yan." "Wag na." "Hindi nga!" "Wag na nga." Ang kulit naman!!! "HINDI NGA PWEDE. Si Warren naglagay nyan kaya kasama yan." mabilis na pagkakasabi ko. "Si Warren?" Natauhan naman ako bigla. Nasabi ko ba talaga yun? Oh ohh... Now I’m doomed. "U—uhm..." sasabihin ko ba? "Y—yeah.. Nagpatulong kasi ako sa kanya." sabi ko nang hindi tumitingin. "Talaga?" Naghintay pa ako ng mga susunod pa niyang sasabihin pero wala na akong narinig na iba pang tanong bukod sa 'talaga?' niya. Phew.. Makakahinga na sana ako ng maluwag kaso bigla na naman siyang nagsalita na mas ikinagulat ko pa lalo. Hinawakan niya ako sa kanang balikat ko, "Payong kinakapatid lang ah.." nagulat naman ako kaya lumingon ako sa kanya, "Wag kang maiinlove dun.. Wala ng nararamdaman yun. Pusong bato yun e." Seryoso ang mukha niya habang sinasabi yun. At ako? Para naman akong nanigas sa kinauupuan ko na hindi ko maintindihan. Ano ng sasabihin ko?? Waaaah! Alam na ni Ken ang deepest secret ko! >.< Masyado bang obvious yun?? "H-huh? A..anong bang pinagsasabi mo dyan?" ibinalik ko ulit ang tingin ko sa screen. Oh my gosh >.< "Haha.. You're not good at denying, Lianne." tapos tumawa siya ulit. Napakagat na lang ako sa labi. Lagot. Kahihiyan ang abot ko nito men!! "E—ewan ko nga sayo! Ginugulo mo ko e!" nagtype na lang ulit ako. "Alam mo, halatang halata ka kaya.." Oh my God... Ayokong marinig yun. Di ko naman masabing 'Manahimik ka!!' baka mas lalo akong mahalata nun at... that looks too much defensive. Haynako! Pinagpatuloy ko na lang ang pagtatype ko. Ayoko talagang marinig. Kinakabahan na ako e... "..Una, panay ngiti ka kapag andyan siya na para kang baliw. Pangalawa, yung lagi kang nauutal kapag magkausap kayo. Pangatlo, para kang natetense na hindi mo maintindihan. At pang-apat.. Panay banggit mo ng pangalan niya." Feeling ko sasabog na ako... pero hindi sa galit kundi, sa kahihiyan. GRABE LANG! Napansin lahat ni Ken yun? Lagot na talaga ako nito... ~__~ Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko... kung aamin ba ako o ano. AYAW. >.< Nagsalita siya ulit. Lumingon naman ako sa kanya. "'Lam mo bang may super powers kaming mga lalake?" Napatingin naman ako sa kanya ng nakataas ang isang kilay. Pinaglololoko na naman ba ako nitong kumag na 'to? Nung napansin niyang ganun ang reaksyon ko, nagsalita ulit siya. "Nararamdaman kaya naming mga lalake kung sino ang nagkakagusto sa amin.." tapos isinandal niya ang dalawang kamay niya sa sandalan ng couch, "Kaya malamang.." itinuro niya ako na nakaform na parang baril, "Alam na ni Warren na may gusto ka sa kanya." CRAP. Ang init na talaga ng mukha ko. "E—ewan ko sayo Ken..." tapos humarap ulit ako sa screen, "Wag ka na nga. At saka porket binabanggit, ngumingiti at..at.." ERR! wala na akong maexplain na dahilan. "Wag ka na magexplain," naglean naman siya papunta sakin, "Caught in the act ka na e." "C—caught in the act??" err.. Panu ba ako makakalusot nito? "Oo. Namumula ka na nga oh." tapos tinuro niya ang mukha ko. Syemay... I guess I'll never win with his proofs and observations. "Fine. Pero malay mo.." tumingin ako sa kanya, "hindi pa niya pala alam.. Basta wag mo lang sasabihin yun kundi sasakalin talaga kita." sabi ko na may kasamang pagduduro pa sa kanya. "E di umamin ka din." ngumisi naman siya. "Oo na!" Tumawa lang siya. Grabe talaga!! >_< Nanahimik naman kami saglit dahil sa hindi na siya nagsalita ulit at nagtatype na ako. Lumingon naman ako sa kanya at nakita ko naman siyang nakahiga na sa couch habang yung isa niya kamay eh nasa may ulo niya at may binabasa. "Secret lang yun ah." sabi ko. Tumingin lang siya saglit sa akin at tumingin ulit sa papel na hawak-hawak niya, "Yeah sure." Napangiti naman ako. Kahit papaano, matino din naman siyang kausap. Ayun, malapit na akong matapos sa pagtatype.. Makakamove on na din kami sa next step namin. Narinig ko namang may bumaba sa hagdan.. Si Louie yun malamang. "Oy ate." nasa gilid ko na siya. Loko 'tong batang 'to ah, walang galang. Maka 'oy' lang. "O bakit?" sabi ko ng hindi tumitingin. "May battery ka ba na double A?" Nag-isip ako... Battery ng flashlight yun di ba? "Wala akong flashlight e, kaya wala." "Dali na." "Wala nga, ang kulit." "Damot." tapos bigla siyang umalis. Di pa man siya nakakalayo eh tinawag siya ni Ken. "Ang damot ng ate mo no?" tapos tumingin siya sakin, yung may meaning. "May sasabihin akong SECRE—" Nanlaki naman ang mata ko. Gawin ba namang pamblack mail yun?! "Hoy! Tumigil ka dyan Ken ah." sabi ko then tinignan ko siya ng masama. "O bakit?" tapos ngumisi siya. Di ko na siya pinansin at tumingin ako kay Louie. "Umakyat ka na dun at maghanap ka dun sa kwarto ko. Kung may mahanap ka, swerte mo." "Geh!" tapos tumakbo na siya papaakyat ng hagdan. Lumingin naman ako kay Ken, nakangiti lang siya ng nakakaloko. Tsk. "Kung magreact ka naman.." tumawa siya, "Hindi naman niya kilala si Warren." "Kahit na!" inis kong sabi. "Naku, pag ginawa mo pa ulit yun.. sasamain ka talaga sakin." tapos inangat ko ang kamao ko. Umiling-iling lang siya. Arrgh! Nakakainis talaga 'to. Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagtatype. Malapit na talaga... Malapit na akong makatulog. "Huy!" "Ay palaka ka!" Walangya talaga 'tong si Ken. -.- "Panu mo kaya matatapos yang pagtatype kung inaantok-antok ka dyan?" "Oo na!" Arrrrrggh. -__- Type... Type... Type. And voila! Natapos ko na din. "Oh tapos na. Tingnan mo 'to." sabi ko habang iniscroll papunta sa simula yung gawa ko. Walang sumagot. Huh?? "Hoy Ke—" Ayy sus maryosep santisima! Siya pala 'tong nakatulog eh!! Umurong ako para abutin yung paa niya. Ang duga... Siya 'tong natulog! Tsk. "Huy Ken! Gising!!" tapos pinagtatapik ko yung binti niya. "Mm... 'Nu ba." sabi niya habang nakapikit pa. Err... >_< Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Loko loko yun! Humarap na siya sa kabilang side! "Hoy! Ang daya mo! Tumayo ka nga dyan!" inalog alog ko siya, "HOOOOY!! Ke—" "Ang kulit naman!!" Oh my God. Feeling ko naparalyze ako. Hindi ako makagalaw... Sobrang lapit ng mukha niya at.. ang init ng hininga niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Ang ewan ng feeling. Bakit ba hindi ako makagalaw?? Bakit… Teka. Ba't… Panung… Ang bilis din ng tibok ng puso ko... para na rin akong nilalagnat. Anong... Teka, ANO BA 'TO?!? Gumawa ka kaya ng paraan Lianne!! "H—hoy Ken! Bi—bitawan mo nga 'ko! Hoy!!" nagpupumiglas ako pero hindi ako makaalis!!! "Mm..." Aaaaaaah!! Mas lalo pa niyang hinigpitan yung pagyakap sakin! HELP!! OO! Niyakap niya ako! Walangyang lalake 'to! Grabe kung makatulog! "Ano ba Ken!!!" tinulak tulak ko siya and the next thing I know is.. "OUCH..." aray.. Sakit nun ah. "Err.. ANO KA BA!" nagkamot siya ng ulo. "Anong ANO BA AKO?! Ikaw 'tong nangyayakap dyan e! Manyak!" tapos hinampas ko siya sa chest niya. "Aw... That hurt!" sigaw niya. Nagmadali naman akong tumayo at umalis sa tabi niya. "Argh! PERVEEEERT!!" Sabay walk-out. Hinawakan ko naman yung noo ko. Err... Sakit ang lang. Nalaglag kasi kami sa sahig kakatulak ko sa kanya. And I landed on his... chest. Pero hindi talaga dun sa chest niya lumanding yung noo ko. Dun sa butones. I wonder kung bumakat ba yun or what. Parang eh. "Hoy! Anong pervert ka dyan?!" sabi niya habang nagtatanggal ng muta, "Natutulog lang yung tao e!" "TSE!!" Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagpunta ng cr. "Peste talaga kahit kelan yun!" Napahinga naman ako ng sobrang lalim na parang ngayon lang ulit ako nakahinga. Para kasing... Hindi talaga ako nakahinga kanina. Really. Tumingin ako sa salamin pero hindi ko chineck yung noo ko... instead, hinawakan ko yung part ng katawan ko where my heart was located... Like.. WHAT WAS THAT?? Oh, for Pete's sake. NO WAY. Chapter 51: Like Lianne's POV Sunday came and I am so excited as I open my eyes forming like a curve together with my sweetest smile on my lips. "Good morning ma!" lumapit ako kay mama para magkiss. "O, ang aga mo atang gumising ngayon?" tumingin siya sa wall clock, "Alas syete pa lang ah." Ngumiti naman ako. "Wala lang po." Kumain ako ng breakfast kasama sina mama at manang. Si Louie? Ayun, naghihilik pa rin, rinig hanggang labas ng kwarto niya. "Aalis ka no?" Napatingin naman ako kay Mama habang nakasubo yung kutsara sa bibig ko. Ngumuya muna ako at lumunok bago nagsalita. "Opo." nakangiti pa din ako. Oh well, I'm being crazy here. Daig ko pa ang mga endorsers ng mga toothpaste sa ngiti ko. Bakit nga ba ako nakangiti? Simply because... It's Sunday. :) Tiningnan lang ako ni mama saglit at saka ulit tumingin sa plato niya. "Anong oras ba yan?" sabi ni mama habang hinihiwa ang longganisa. "4pm pa po." Napatingin naman ulit sakin si mama, pero this time.. nakakunot-noo na siya. Huh? "E ba't ang aga mo kung hapon pa pala?" "Eh hindi ko po alam. Di na rin ako makabalik ng tulog eh.." Tinignan ako ni mama. Napatingin din naman ako. Parang may something sa tingin ni mama. And after a minute or so, inalis niya naman agad ang tingin niya sa akin at saka umiling-iling habang nakangiti. Di ko magets. "Ginagawa ko din yan dati, nak." she said while smiling widely na as if... Kinikilig?? "Po?" Tumayo naman agad si mama. Tapos na kasi siya kumain. Hindi niya na ako nasagot. Nung napadaan naman siya sakin, ngumiti lang. Geez. Ano namang meaning niya dun sa 'Ginagawa ko rin dati yan, nak'? CLUELESS. After kumain, tinulungan ko muna si Manang na magligpit sa mesa at saka na ako umakyat sa taas. Nahiga muna ako sa kama ko. Oh well, batugan effect? Nah. Nag-iisip pa rin kasi ako. Si Mama... kung hindi corny at makulit, may pagka mysterious din. Di na lang nagstraight to the point kanina. Haynako. Makaligo na nga. Pagkalabas ko galing banyo eh nagbihis na din ako. Pagkatingin ko sa wall clock, "Wah! Past 10am na!" Dali-dali akong bumaba sa sala at saka binuksan ang TV. Kinuha ko ang remote at pinipindot ko kung saang channel yung inaabangan kong panuorin. 'This is Elle and we'll be right back.' "Uggh!" naihagis ko bigla ang katawan ko sa sofa kasama ang remote. Gaaah! Ang tagal ko naman kasing maligo! Baka di ko na naabutan yung topic nila ngayon... inabangan ko pa naman. :( Heck yeah. Ano bang meron ngayon? It's Sunday today, OKAY? And I've got a DATE. At inaabangan ko yung TV Show na yun kasi ang topic nila for today is 'Tips on how to go in a date with a cute guy'. Yeah, somewhat Girl Talk. Pero DATE? Hindi pala. Feelingera lang ako. Inaya lang naman ako ni Warren magsimba di ba? Date na ba yun? I hope so. Kasi super naeexcite na ako! <3 Napatingin naman ako sa likod dahil may biglang nagsalitang kumag. Argh. -.- "O, ano na namang ginagawa mo dito?" sabi ko habang ibinalik ko ang tingin ko sa TV. Kaasar kasi.. pambungad ba naman sakin, 'Hoy panget'. Di ka ba naman maasar dun? Well, lagi naman niyang ginagawa yun. That's his way of saying 'Hello' or 'Good morning'. Tch. "Oh." then may nalaglag na mga papel sa lap ko. Tiningan ko lang siya with a confusing face. Gets niya na yun. "Yan yung ibang write-ups and research na pinagawa mo sakin. Tapos ko na, so do your job at tapusin mo na lahat para matapos na tayo." Napataas lang ako ng kilay sa sinabi niya. Walang hingahan yun ah. Diretcho siyang nagsalita. At... ANO DAW? "Boplaks. Wala pa tayo sa final step.. Pero malapit na." inayos ko ang mga papel at isa-isang tiningnan, "Hmm.. Okay naman. May 1 week pa para matapos na." sabi ko habang nagbabasa ng may pagka theoretical at scientific na words. Haynako, di pa kaya ako tumalino nito kakabasa ng mga scholarly infos? "Tapusin mo na.. TODAY." Tumalikod ulit ako at tiningnan siya. "Makautos, DUDE?" "Para matapos na!" tapos umupo naman siya sa tabi ko at inagaw ang remote. "Akin na nga yan! Dun ka sa inyo manuod!" "Abutin mo muna." "Argh!" Abot ako ng abot pero hindi ko maagaw sa kanya. Ang tangkad niya naman kasi! Kaya malamang ang haba ng braso niya. Tumayo naman ako pero tumayo naman din siya. Walanjo!! Hindi ko na talaga maaabot yung remote! "Ano ba yan Ken! Akin na nga kasi!! May hinihintay ako!" Tinry naman niyang ilipat sa ibang channel kaya pinaghahampas ko siya. Ang loko, tawa lang ng tawa. "Ano ba, KENNETH!!" Sa inis ko, nasabi ko na yung totoong pangalan niya. Aba! Nakakapagod ata magmukhang palaka kakatalon para lang maabot ang remote sa bakulaw na 'to no! Napansin kong nawala yung ngiti niyang nakakaloko at nagsalubong ang kilay niya. At nagsalita siya. "What did you call me?" Napakunot-noo naman ako. Ano daw?? "KENNETH." nilakasan ko talaga, "Di ba KENNETH naman talaga ang totoong pangalan mo?" "Ano ulit?!" nagstep forward siya. Napastep backward naman ako. Teka nga, BINGI BA 'TO?! "Bingi ka ba?! Kenneth nga KENN—" Nakakapagtaka lang, parang ewan. Wait. Does it mean... "Stop calling me Kenneth." And there. Now I know. Natahimik ako.. Nakatingin lang siya sa akin. The next thing I know is... I'm grinning, widely. "Kenneth." sabi ko habang umaatras at nakangiting nakakaloko sa kanya. Lalo namang nagsalubong ang kilay niya at binitawan ang remote. "Ikaw..." yung tono ng pananalita niya eh— WAAAAAAAAAAH!! Ayun. Naghabulan na kami paikot sa sala. Muntik na nga niya ako maabutan eh, buti na lang nakailag ako sa mahabang kamay niya. Naku. Takot ko lang kung anong gagawin sakin ng kumag na 'to. Paikot-ikot pa rin kami hanggang sa makarating kami sa may dining area. Panay pa rin kasi ang sigaw ko ng totoong pangalan niya habang siya naman, panay, 'Tumigil ka!!' Kung makita mo lang siguro ang itsura niya, matatawa ka. Sobrang asar niya kasi. Buti nga eh, walang tao dito. May work si Mama, si Manang, uhm.. I don't know where she is. Si Louie? Baka tulog pa kaya kami lang dalawa ang baliw dito. Tawa pa rin ako ng tawa kahit hinihingal na. Ang kulit lang. Para kaming mga bata. Siguro ginagawa rin namin 'to dati? Parang sanay kasi ako eh. Too bad, wala lang talaga akong maalala sa kanya. Well, it doesn't matter anyway. 'And now, we're back! This is Elle's Show!' Parang nagpanting ang tenga ko at napatakbo ako sa tapat ng TV. Ganun din naman si Ken kasi nga hinahabol niya nga ako. "Walang—" di naman niya natuloy ang pagsasalita niya kasi pinigilan ko siya. "Wait!" hinarap ko ang palad ko sa mukha niya, "Sshhh!! Ang ingay mo." tapos nanuod ulit ako. Although hindi ako nakatingin sa kanya, nakikita ko sa mukha niya ang pagkagulat, sabay napakunot ng noo, dahil nga sa 20-20 naman ang vision ko. "Mamaya ka na." sabi ko ulit habang nakatutok pa rin sa TV. 'Okay! So let us introduce our today's guest, Ms. Brenda Watson!' Nagpalakpakan ang mga audience sa studio at lumabas yung Brenda Watson. Narinig ko namang nagsalita si Ken ng 'What the hell' pero mahina lang na halata mong di makapaniwala. Nanuod ulit ako. Inintroduce nila yung Brenda na psychologist daw siya at may book siya entitled, 'How to date a handsome guy'. Nang marinig ko yun, syempre natuwa ako kasi nakaabot pala ako. Akala ko kasi hindi na. Narinig ko na namang nagsalita si Ken, "Oh, damn.." I can see on the corner of my eyes na umiling-iling siya. Haha. Nakakatawa lang. 'So Brenda, tell us about your book. What's that all about?' Napalingon ako kay Ken dahil nakatayo na siya, aalis na ata. Tumawa ako, "Babye KENNETH!" at saka nagwave. Tiningnan niya lang ako habang magkasalubong pa rin ang kilay niya, pero unti-unti itong nawala at... Nakangiti na siya ng nakakaloko sa akin. "How to date a handsome guy, pala ha.." at itinaas taas niya yung dalawang kilay niya. Binigyan ko naman siya ng what-the-hell look. At nagsalita ulit siya. "Warren." at umiling-iling siya. Napahinga ako ng sobrang lalim at nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman yun? "Anong pinagsasabi mo dyan?" I tried myself not to stutter, baka makahalata na naman niya. "Wuu. Deny ka pa. May date kayo no?" tapos nagsmirk siya, "Siguro ikaw yung nag-aya. Tindi mo, kinakapatid!!" tapos tumawa siya. Di pa man ako nakakatayo eh nakalabas na siya ng pinto. Tumakbo eh. Nakakainis lang.. Ang init na naman ng mukha ko. >///< ... ... Hapon na and it's already 3:46pm. Nakaready na ako at lahat. Actually, kanina pa ako nakaready, nakabihis ng maganda at lahat ng pwedeng gawin bago umalis. Di naman ako masyadong excited no? Well, kanina pa akong 2pm naghihintay dito. Before 4pm daw kasi... He'll pick me up. Dugdugdug. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero even if he didn't directly ask me out, still, magsisimba pa rin kami together, di ba? So parang DATE na nga. Arggh! Tama na nga Lianne! Hindi 'to date! Hindi. Mahiya ka Lianne. Tch. -.- Halos mapatalon naman ako dahil sa gulat. Bigla kasing nagdoorbell habang inaaway ko yung sarili ko. Tumayo na ako. Gaaahd.. Kinakabahan ako. Baka si Warren na 'to! Inhale.. Exhale.. Matagal muna bago ko mabuksan ang gate. Gosh.. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Then after ilang seconds sa pagtatatlong-isip, nakapagdecide na ako. Ayoko naman atang paghintayin sa labas si Warren no. Inunlock ko na ang gate. And I'm ready.. Smile Lianne, smile. Pagkabukas ko.. "Hey." Nawala ang ngiti ko. May kumag kasing nakasandal sa may gate. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagcross-arms. Badtrip talaga 'to. -.- "Bah.. Ganda suot ah." sabi niya, as if manghang mangha siya suot ko. "Ano ba? Ang epal mo talaga eh, no?" then I rolled my eyes. "Ang aga mo naman ata?" then tumingin siya sa relo niya, "Sabagay, quarter to 4pm na rin naman." "Huh?" paano niya naman nalaman na 4pm ako susunduin ni Warren? "I texted him," sabi niya, as if naintindihan niya ang expression sa mukha ko. Then inangat niya ang phone niya, "Kunwaring inaya ko siya na magbasketball kami, pero sabi niya, may lakad daw KAYO ng 4pm." aba... Inemphasize pa talaga ang word na 'Kayo' ha. Tch. But then.. napangiti ako dun. Hindi nakalimutan ni Warren na magsisimba kami ngayon. He chose me over his hobby, basketball. That really made me smile. "Ba't ka ngumingiti dyan?" Napailing naman ako bigla. Andito nga pala ang kumag. -.- "As if you care?" sabi ko then nagroll ng eyes. Tumawa naman siya. Tsk. Nakakainis talaga 'to! Pakelam niya ba kung aalis kami o hindi ni Warren? Aish. "Ang epal mo talaga.." tumingin ako sa kanya, "KENNETH!" then I stuck out my tongue. Napatigil naman siya sa kakatawa at nagsalubong ang kilay niya. Haha! Ayaw niya talagang itawag sa kanya ang totoong pangalan niya. Well, may pang-asar pabalik na din ako sa kanya kapag tinawag niya ulit ako ng 'Panget'. *evil laugh* Napalingon naman kami parehas nang may nagpark ng sasakyan sa gilid ng bahay namin. Ngumiti ako. Andito na yung hinihintay ko eh.. Ngumiti naman din siya pabalik sa akin. "You look.. great." sabi niya nang nakalapit na siya sa akin. "Thanks." feeling ko namula ako dun. Actually nakadress kasi ako. Yung typical na dress lang na pangsimba talaga. Well, unusual kasi nga hindi naman ako nagdedress kapag nagsisimba. But today's different. I'll be going to church with this handsome guy in front of me, so it would be better if I look pretty. That's Tip #4. Dun sa napanuod ko kanina. Heck yeah. Kumuha ako ng mga tips kaya ako nanuod. "Ehem." Nakalimutan ko nga palang may statwa dito na epal. "Yo." tapos naghandshake sila na hindi ko maintindihan. Humarap naman ulit sa akin si Warren at ngumiti, "Let's go?" Ngumiti din ako at inabot ang kamay niya na inoffer niya sa akin para alalayan ako. Nauna na akong naglakad papunta sa kotse niya, siya naman nagpaalam muna kay Ken. And once again, before I enter in his car, I stuck out my tongue.. To Ken. >:) At pumasok na ako sa loob. Panalo na naman ako. Wahaha. :D ... ... Nakarating na kami ng simbahan. Hindi naman ganoon kalayo kaya saglit lang eh andito na kami at pinark na niya ang sasakyan niya. Paglabas niya, tumakbo siya sa ibang side. The next thing I know is he opened the door for me. And there... nagkick-in na naman lahat ng mga girl hormones ko dahil sa kilig. <3 Naglakad na kami papunta sa hagdan. Ang daming tao at nakakakilig ulit. Nakahawak kasi siya sa wrist ko. Oh well, sayang at hindi sa kamay. Haha. Ang landi ko na naman. Did I mention what he looks like? He's drop dead gorgeous with his navy blue polo. Simple pero ang neat niyang tingnan as always. Natutuwa nga rin ako kasi medyo terno kami. Light blue kasi yung kulay nung sakin. And one thing more.. pinagtitinginan kami na parang celebrity. Seriosly. Naupo kami sa may gitnang hilera na upuan. Di pa naman nag-uupisa ang mass at dumadami na rin ang mga taong nagsisipasukan. Ang laki ng church. Malapit na din siguro maputol ang mga veins ko sa leeg kakaikot ng ulo ko para libutin ang buong simbahan. Ang ganda.. "Ang ganda no?" napatingin naman ako sa kanya at saka ngumiti as a sign na, 'Oo'. Then nagsalita ulit siya. "Matagal na daw 'to e. Panahon pa ng mga Kastila.." nilibot din niya ang mata niya sa buong simbahan at saka ulit tumingin sakin. Nagkwento pa siya. Actually, wala naman akong masyadong naintindihan kasi hindi ako sa mga sinasabi niya nakafocus... sa mukha niya. Pinipigilan ko nga ang sarili ko na ngumiti habang nagsasalita siya e. Every now and then kasi, ngumingiti siya sa akin. There's really something in his smile that makes my heart warm... and melt. If you know what I mean.. I am really happy right now. Ang huli niyang sinabi ay, 'Start na'. Then tumayo siya. Tumayo na din ako at nakita ko na naglalakad na ang pari papunta sa altar. Naririnig ko na rin ang choir na kumakanta sa taas ng simbahan. The mass went well at gusto ko yung homily ni Father I-forgot-the-name. It is about hope and faith. God will really provide if you call on Him and have faith in Him. Faith is our guts to make every things possible. Tumayo ulit kami. Napangiti ako ng kaunti kasi parang ito na rin ang hinihintay ko. "Our Father who art in Heaven.." Ang init ng kamay niya. Sana hindi niya mapansin na ang lamig ng kamay ko kahit hindi naman naka air-conditioned ang buong simbahan. "Thy kingdom come, thy will be done on earth as it is in Heaven.." Nakaharap lang ako sa altar at kumakanta. Nagththank you din ako kay God dahil dito. Ang saya ko lang kasi.. Right now, beside me is the one who draws a smile on my face every now and then; and makes my heart beats so fast as well. At masaya akong kumakanta at nagpapasalamat sa Kanya. ... ... "And may the Almighty God bless all of you. The Father, the Son and the Holy Spirit. AMEN." Natapos na ang mass at lumabas na kami. Pero bago kami tuluyang umalis, pumunta muna kami sa isang side at bumili ng kandila. Then nagsindi. Pumikit ako. Nagpray at nagpasalamat sa masayang araw na ito at sa mga masasayang araw pang darating. Isa na siguro 'to sa mga pinakamasasayang araw sa buhay ko hindi dahil sa nakasama ko ang Super Crush ko kundi, kasama ko ngayon... ang taong gusto ko. Masaya ako. I know… I LIKE him already. And this heart of mine beats for him. Chapter 52: Angels Lianne's POV Hindi muna kami umuwi since maaga pa naman. Naglibot ulit kami sa buong village pero hindi namin dala ang kotse niya, naglakad lang kami. Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa akin. Tumigil naman kami sa paglalakad. "Masakit na ba paa mo?" Sa itsura niya.. halata mong concerned siya. Ngumiti ako, "Hindi naman." That's a LIE. Grabe. Masakit na kaya ang paa ko! Naka stelletoe pa naman ako ngayon. At ang sakit na ng ilalim ng paa ko.. "Sure?" mukhang hindi siya naniniwala sa akin. Ngumiti ulit ako, "Yep. Okay lang talaga ako." ngumiti din naman ako siya. Kanina pa kami lakad ng lakad at nagsasalita lang siya. May mga naintindihan naman ako sa mga kwento niya kasi iniwas ko na ang tingin ko sa mukha niya. Baka kasi matunaw eh, mawalan pa ako. Past 6pm na at naglalakad pa rin kami. Hindi ko sinasabi sa kanya na masakit na o sobrang sakit na talaga ng paa ko kasi ayokong isipin niyang... maarte ako. Ayoko nun. Ayokong maturn-off siya sa akin dahil lang dito sa paa ko. Di bale ng mawalan ng paa kesa isipin niyang maarte ako. Pero joke lang. Ayoko ring mawalan ng paa no. All of a sudden, bigla siyang nagsabi ng 'Sorry' sa akin. At nag-aalala ang mukha niya. "I know you're not okay." sabi niya, then tumalikod siya at bumaba, "Here." "Huh?" nakatitig lang ako sa likod niya. Bakit? Magpapahinga ba kami dito sa gitna ng kalye? Hindi ko gets. Lumingon siya sa akin at ngumiti, "Piggyback ride." Well, para akong nanigas nun… Talaga? Piggyback ride? For real?? "Ahm.." Totoo ba talaga 'to? Seriously? As far as I know, sa mga Koreanovelas ko lang 'to napapanuod.. Hindi ba 'to joke? Pero kung joke ‘to.. More likely, hindi si Warren ang magsasabi nun. Mukha ngang hindi… Nakatitig lang talaga ako sa kanya. Lumingon naman siya sa akin. "Sakay ka na. Sorry nga din pala kung iniwan ko yung kotse ko at hindi kita inintindi.. Come." tapos ngumiti siya. Napangiti rin ako. Ang sumunod na nangyari eh nagsasalita na siya at ang lakas lakas. Nararamdaman ko yung vibration ng boses niya... even his heartbeat. I'm now on his back. Riding a piggyback on him. I hope he didn't feel my heartbeat. It beats fast.. as ever. At ang lakas na parang gusto ng kumawala sa ribs ko. Dugdugdug. Oh God.. This is too good to be true. I am so happy. Hindi ko napansin, nasa may seaside na pala kami ng village. Sinabi kong ibaba niya na ako. Nahiya naman ako kung kahit sa pagpunta ng kotse niya eh nasa likod pa rin niya ako. Although ayaw ko talaga at parang gusto ko na ring tumira doon, hindi rin pwede. Aba, mabigat din kaya ako no. Kawawa si Warren nun. Nawili ako. "Gusto mo na bang umuwi?" Once again, napangiti ako. Sa tono ng pagtatanong niya ay parang ayaw niya pa akong pauwiin. Well, feeling ko lang naman. You know, feelingera here. "Mm..." tumingin ako sa wrist watch ko, "Hindi pa. 7 pa lang naman." ngumiti naman siya sa akin as a response. Pumunta kami sa kotse niya. Binuksan ko ang pinto sa may passenger seat at naupo. Siya naman, umupo siya sa harap ng kotse niya. "Ang daming stars oh." sabay itinuro ko yung langit na parang bata. Ang dami nga kasi. Ang ganda pa. Narinig ko siyang tumawa ng mahina at tumingin sa akin sa loob. "Tara, dito ka." at tinap niya ang gilid niya na doon daw ako maupo. Tumayo naman ako. Syempre, ang saya ko na naman nito. At first, nahirapan akong umakyat. Syempre, nakadress kaya ako kaya tinulungan niya akong makaakyat. Then, the next thing I know is nakahiga na kami parehas sa taas ng kotse niya... At sabay nakatingala sa langit na puno ng Christmas lights. Nakangiti ako. Hindi na ata maeexpire 'to hanggang sa pag-uwi ko. Or better yet, forever na 'to tulad ng ngiti ni Warren na never naman naexpire dahil lagi siyang nakangiti. Nahawa na nga ata ako. "Alam mo yung kwento tungkol sa mga stars?" Tiningnan ko siya. Yung isang kamay niya ay nasa batok niya at ang isa naman ay nasa tyan niya. Hindi siya nakatingin sa akin at nakatingala lang siya sa langit habang nakangiti. "Hindi. Ano ba yun?" sabi ko habang tumingala ulit. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "Kwento tungkol sa shooting stars." Parang magandang kwento yun. Bago sa pandinig ko at mukhang interesting, kaya nakinig lang ako sa kanya. "May nagkwento sa'kin nito minsan..." nagstop siya, nag-iisip siguro tapos nagsalita ulit, "..na ang mga shooting stars daw, ay mga angels.." Sa narinig ko, namangha ako.. Wow. Kahit hindi pa ako nakakakita ng shooting star sa tanang buhay ko, parang gusto ko ng makakita ng ganun ngayong gabi. E di parang ibig sabihin, God send those angels to those people who see them every night and make their wishes come true. Wow, as in wow. "Specifically, guardian angels." dagdag pa niya. Napaisip na naman ako doon. Ang galing. Hindi ako nagsalita, patuloy pa rin akong nakikinig sa kanya. "When a star falls down from the sky, it means that an angel will fetch a soul here on Earth.." natigilan naman ako doon. Hindi lang pala sila tumutupad ng mga wishes.. nagsusundo din pala sila. Parang... Parang nagsitaasan ang mga balahibo ko. Hindi ako natatakot kundi, namamangha na talaga ako sa magic ng stars. "At yung soul na yun ay magiging star din tulad ng angel na nagsundo sa kanya, to prove that, that soul was once existed here on Earth and ready to give brightness to the world." Nakatingala lang ako. Wala pa naman akong mga kakilalang nagpunta sa heaven eh.. Kaya wala akong mahahanap na kakilala ko dun sa isa sa mga stars. "Yung nagsabi sa akin nun... Nakatingin siya sa atin ngayon dyan sa langit." Napatingin ako sa kanya.. Halata mo sa boses niya na malungkot siya. Siguro yung taong nagkwento sa kanya nun, sobrang lapit sa puso niya. Tumingin naman siya sa'kin. Yung malungkot niyang mukha kanina eh napalitan na ng normal mukha niya ngayon... Nakangiti. Pagkatapos nun. Umalis na kami at umuwi. Habang nasa biyahe nun, wala ng nagsasalita sa amin. Most of the time, siya lang naman ang panay salita sa akin kasi nagkukwento siya sa mga bagay-bagay dito sa village. Remember? Tour guide ko nga daw siya kaya ganun. Siguro napagod na rin siya kaya hindi na siya nakapagsalita ulit? Di ko na lang siya dinaldal or something at tumingin lang ako sa labas. Pagkarating sa bahay namin, nagstop na kami at bumaba. Tulad ng ginawa niya kanina, pinagbugksan niya ako ng pinto. Napangiti ako. "Salamat ha." sabi ko nang makarating na kami sa gate namin. "You're always welcome." binigyan naman niya ako ng napakagandang smile niya. "Sorry nga pala." "Huh?" For the second time around, nag sorry ulit siya sa akin.. Bakit naman? "Natahimik kasi ako bigla kanina." Habang tinitingnan ko siya, nakayuko lang siya at nakapasok ang dalawang kamay niya sa pants niya. I think, he felt guilty. "Huh? Ah..ah. Naku. Okay lang yun no. Syempre pagod ka na rin naman kakakwento sa akin." inangat niya ang ulo niya tumingin sa akin. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi nakaback light sa kanya yung ilaw ng poste. Pero syempre, namumukod-tangi, nakita ko pa rin ang magandang ngiti niya sa'kin. "Umuwi ka na. Magpahinga ka na rin kasi pagod." sabi ko na lang. Sinabi ko lang yun kasi alam kong any minute, matutunaw na ako kahit di ko nakikita ang mata niya. "Sige." inangat niya ang isang kamay niya at nagwave. And for the last time of this day.. Ngumiti siya ulit. Ganun din naman ako sa kanya. Pinanuod ko lang siya at ang kotse niya na makalabas sa street namin hanggang sa wala na akong makita. Umakyat muna ako sa kwarto at nagbihis. Naghalf-bath narin ako at bumaba na para kumain. I love this day.. And I thank God that he make things possible as this, for me to be happy. I know isa ito sa mga pinapangarap ng every girls sa mundo. Ang makasama ang taong gusto nila sa isang araw at maging masaya. Ngayon nakahiga na ako sa kama ko at napipicture-out ko pa rin ang mga magagandang ngiti niya sakin. Sana maulit muli 'tong araw na 'to. Sana. Chapter 53: Hurt Lianne's POV Ang bilis dumaan ng araw.. Parang nung linggo lang nagdate kami, este nagsimba pala kami ni Warren. Ngayon, pangalawang linggo na ng February at ang dami kong nakikitang puti at pula. Particularly hearts. Oh well.. Valentine's Day is really approaching. Sa dami ba namang nakadisplay na 'Happy Valentine's Day' eh. Ang dami ding nakadisplay para sa gifts. Hmm.. Ano kaya ang ibibigay ko sa kanya? "Ella." lumingon naman si Ella, "Di ba mahilig kang manuod ng mga movies and K & J Dramas?" Tumango siya, "Bakit?" Nag-isip muna ako ng sasabihin. Di naman siguro nakakahiyang magtanong di ba? Isa pa, for sure alam niya naman siguro yung pinagdadaanan ko. Well, babae din naman siya eh at malamang gagawa din siya ng ganung bagay. "Anong madalas ginagawa ng mga girls sa mga guys na gusto nila tuwing Valentine's Day?" Yeah, ang lame ng tanong ko. Understood naman yun. Alam ko din naman kung ano talaga pero gusto ko ring magtanong para... Ano nga ba? "Bakit mo naman natanong?" nakakunot-noo siya habang sinasabi niya ang yun. "Uh.. Ano kasi..." napapakamot na lang ako sa ulo ko. Tsk. Nakita ko namang ngumiti si Ella at saka naman siya ulit nagsalita. "Sa mga Koreanovelas na napapanuod ko.." nagpause siya saglit, "Madalas nagbibigay sila ng gifts sa mga guys na gusto nila. Normal naman yun at trend na din. Malamang alam mo rin naman yun no. Hindi ka tao, at baka kapapanganak mo pa lang dito sa mundo kung hindi mo alam yun." Hay. Oo na. Masyado lang siguro ako nag-iisip at wala akong maisip.. Teka. Ano daw? "E di magbibigay ako ng letters at chocolates sa taong yun?" naglean pa ako para marinig ang sagot niya. "Pwede rin." Napaisip naman ako dun… Eeeh. Usual na yun eh. Malamang ang dami ng nagbibigay sa kanya nun. Sa mga babae pa lang dun sa school nila na may gusto sa kanya, malamang hindi siguro siya makakauwi nun kakabuhat ng maraming chocolates and letters. Or mga random gifts din. Malamang maraming magbibigay sa kanya nun kahit hindi pa niya birthday. Teka nga, kelan nga ba birthday niya? Tsk. Ako tong head over heels sa kanya, di ko man lang alam. Tanungin ko na lang siya siguro pag nagkita kami. Tama, yun na nga. "Hoy!" Halos malaglag naman ako sa bench nung tinapik ako ni Ella. Baliw talaga to. "Aray naman.. Nakikinig naman ako ah!" sabi ko habang umaayos ulit ako sa pag-upo. "Nakikinig eh tinatawag ka nga ni Arkin eh, nakikinig ba ang tawag nun?" "Huh?" "Kanina pa kita tinatawag." Nagulat naman ako nung paglingon ko... nasa harap ko na ang mukha ni Arkin. "Uy ano ka ba!!" Natulak ko tuloy siya ng di oras. Eh pano, he's face is only inches away from me! Di ka ba naman magugulat at mapapatulak dun? Kamuntik na yun ah. Tch. Tawa lang tawa ang loko. -.- "Bakit? Bakit mo ko tinatawag?" pumunta naman siya sa gilid ko at tumabi. "Ahm..." hinawakan naman niya ang batok niya na parang nag-aalangan. Huh? "Bakit? May problema ba?" sabi ko, para kasi siyang ewan eh. "Wala. Wala no. Ano kasi..." "Ano?" Matagal pa siyang nagsalita ulit. Ang gulo nitong taong 'to. Tch. "P-pumunta ka ah." "Saan? At kailan?" "Sa gig nila Jin at Ian sa 14." Whoa.. Meron pala sila nun? Hindi ko alam yun ah. "Talaga?" Bigla namang nagsalita si Ella. "Oo kaya! Dapat lahat tayo andun ah." Wow! Parang ang saya naman nun. Parang dati lang sumasideline lang sila Jin at Ian, ngayon may gig na. I'll definitely come on that—Teka. Anong oras ba yun? "Anong oras ba yung gig nila?" tanong ko kay Arkin. "6pm onwards. Basta pumunta ka ha." tapos tinap niya ako sa balikat at tumayo. "Syempre naman no! Kelangan nila ng moral support!" Hmm.. 6pm onwards. Kaya naman siguro yun. Ian's POV "I'll give you my life.. I'll give you my heart.. Nothin' will ever come between us.. Ever come bet—TEKA TEKA NGA." Napatigil naman kaming lahat sa pagtugtog dahil tumigil din sa pagkanta si Jin. "Yo bakit?" tanong ng isa naming kasama sa banda. Nakatingin lang kami sa kanya. Nakita ko namang tumingin siya sa akin. "Hoy Ian." seryoso siyang tumingin sakin, "Umaayos ka naman. Parang hindi ka masyadong sumasabay sa beat at wala ka sa tono. Sa Friday na 'to tol.. Kaya ayusin mo yang buhay mo at magconcentrate ka." pagkatapos niyang sabihin yun, binalik niya ulit ang gitara niya at itinono ito. Bumalik na rin kaming lahat at nagpractice. Natapos ang practice ng pasado alas nuebe na. Mahaba-habang oras na din 'to kumpara sa oras ng pagpapapractice namin noong isang linggo. "Ge bukas na lang ulit." Naghiwa-hiwalay na kami para umuwi. Iba rin ang daan ni Jin kaya hindi kami magkasabay. At bago pa siya umalis, pinaalalahanan niya na naman ako. Yeah right. Habang naglalakad, nakikita ko na naman ang sarili ko sa isang lugar na lagi ko ng napupuntahan. Pagpasok ko, the usual na set-up parin ng isang lugar. Maingay, mausok, at maraming tao. Umupo ako. Tiningnan ko ang buong paligid. Ang dami na namang tao rito.. May mga tong nandito lang para magsaya, at yung iba naman, katulad ko sila na gusto lang mapag-isa sa sarili nila sa kabila ng maraming taong nakapaligid. "What's your order, Sir?" Umorder ako ng marami, yung tipong hindi ko na kayang laklakin at wala na ako sa sarili. Grabe. Parang hindi naman tumatalab sakin kasi hindi naman nawawala yung sakit na nararamdaman ko. Ilang beses ko na rin 'to sinubukan. Halos ilang linggo na rin yun. Tinry ko lang kung effective nga. Yung karamihan kasing katulad ko.. ganto rin ang ginagawa. Pero hanggang ngayon, bakit parang hindi naman tumatalab sakin? Pagkadilat ko ng mata ko, may liwanag na. Tumayo ako at nakita kong nasa unit na pala ako. Naglakad ako papuntang banyo. Then again, ang sakit na naman ng mukha ko. Imbes na ulo ang sumakit sakin, yung magkabilang pisngi ko ang masakit. Baka nagawa ko na naman yung mga ginawa ko noong mga nakaraang gabi. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? HINDI KO ALAM. Naghanda na ako para pumasok. 7am ang klase ko pero quarter to 10am na ako nagising kaya 10am na rin ako makakaattend sa klase ko. Lagi namang ganito eh... Araw-araw na nga to be exact. "O, late ka na naman?" sabi ng isang kaklase ko sabay akbay sakin. Wala pa yung prof namin at nakakalat pa ang mga kaklase ko sa labas at sa room. "Obvious ba?" tinanggal ko ang kamay niya at umupo, "Anong ginawa niyo kanina?" "Natural nagquiz." umupo naman siya sa tapat ko, "G*go ka Ian.. Ang dami mo ng naiiskip na quizes at activities." Inilabas ko lang ang notebook ko at isinulat ang nasa white board na mukhang isinulat ng prof namin kanina. "Alam ko.." sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya, "Ayos lang yun." Dumating na yung prof namin sa minor subject at nagklase na kami. Tulad rin ng mga nakaraang araw.. wala na naman ako sa sarili. Tinawag ako ng prof ko at tinanong pero wala naman akong nasagot. Tingin ko nga eh, babagsak ako dito kasi wala na naman akong recitation, idagdag mo pa yung mga zero at bagsak na quizes ko. Arggh! Ano ba talaga Ian?!? Physically present ako pero mentally absent. Hindi ko alam kung bakit ako ganito kaapektado sa mga nangyayari. Ang OA ko nga e.. parang mga babae. Pero wala akong magagawa. Gustuhin ko mang maging normal lang at hindi mabroken hearted sa term NILA. Wala akong magawa. Tao rin naman ako.. At kahit mga lalake, nasasaktan din. Kahit ang KORNI isipin at pakinggan. Natapos na ang remaining classes sa umaga at lunch break na. Habang papalabas ng building, feeling ko nafufrustrate na naman ako. Langya e. Nakakabitter itong month na 'to. February na at this week... Araw ng mga Puso. Sa biyernes, Araw ng mga masasayang tao at nagmamahalan. May araw din ba sa buwan na 'to para sa mga taong malulungkot at nasasaktan? Shet. Ayoko na. Pumunta ako sa tambayan namin, sa UTMT. Kahit malayo pa lang.. nakikita ko na agad siya. Ang ganda ng mga ngiti niya.. Halata mong masaya siya. "O, Ian! Buti naman at nagpakita ka na. Musta?" sabi sakin ni Arkin. Lahat sila nakatingin sa akin at binati ako. "Medyo busy e.." sabi ko, pero sa iba ako nakatingin at hindi sa nagtanong sakin. Nakangiti lang siya. "Hi Ian. Namiss kita! Ang tagal mong nawala ah." lumapit siya sakin at siniko ako ng kaunti. Ngumiti lang ako. Parang ayoko kasing magsalita at maglabas ng kahit anong letra mula sa bibig ko. Baka kasi iba ang masabi ko at hindi lang 'Namiss rin kita'... Baka masabi ko na lang na... 'Mahal kita, matagal na'. Tumayo sila at umalis. Sumama naman ako kasi papunta sila ng cafeteria para kumain. Nagpakita lang naman ako para wala rin silang masabe sakin. Wala ni isang nakakaalam kung ano ang nararamdaman ko... Hindi naman kasi ako yung tipong nagsasabi ng nararamdaman. Natural na sa lalake yung ganun. Kahit kay Jin wala akong sinasabi gayong lagi naman kaming magkasama at mas malapit kami sa isa't isa. Para saan pa kung sasabihin di ba? Wala namang mangyayari at hindi na rin namang magbabago yun.. Wala akong alam kung ano na ang nangyayari Ella at sa ex niyang sinusuyo siya ngayon. Baka nga sila na e. Hindi ko sigurado pero ayoko rin namang magtanong. Pagkatapos kumain, bumalik ulit kami. Malaki naman ang space sa may UTMT kaya ayos lang kahit may iba ng nakaupo. Sabay-sabay naman ang mga susunod na klase namin kaya sabay-sabay rin kaming aalis. "Ian.." Lumingon ako sa tumawag sakin. Si Ella. "Mm?" "Busy ka ba talaga o.. umiiwas ka sakin?" Para lang akong ungas na napatulala sa kanya. Alam na ba niya? Sinong nagsabi? Paano niya nalamang iniiwasan ko siya? "Huh? Ba..bakit mo naman natanong yan? P-pano mo naman nasabing iniiwasan kita?" hindi ko maiwasang mataranta. "Eh kasi..." huminga siya ng malalim, "Yun nga. Hindi na kasi kita nakakausap at nakakasama, kaya namiss kita.. sobra." medyo napangiti ako dun sa sinabi niya, "At kaya ko naman nasabing iniiwasan mo ko kasi baka galit ka sakin at hindi mo lang sinasabi." Galit? Hindi ako galit, Ella... Nasasaktan lang. "Tss... Ano ka ba. Bakit naman ako magagalit? At saka napag-usapan na natin yan di ba? Magagalit lang ako kapag nakapagdesisyon ka na naman ng mali." pinilit ko ang sarili kong ngumiti habang sinasabi yun. Ayokong mahalata niyang ang lungkot na nararamdaman ko dahil doon. Ngumiti rin siya sa akin at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Masaya ako kasi nandyan ka.." tiningnan ko siya, nakangiti siya. "At masaya rin ako sa naging desisyon ko..." inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ngumiti.. "Napag-isip isip ko kasi... " "Sasagutin ko na siya.. Sasagutin ko na si Jacob." Chapter 54: Paano? Ian's POV Pakiramdam ko... isa na akong walang kakwenta-kwentang tao sa mundong 'to. Gumuho ang buong mundo ko kasama na rin ang puso na parang bigla na lang tumigil sa pagtibok... Hindi ko na alam kung makakayanan ko ba 'to. Sh1t. Andito ulit ako sa lugar kung saan gusto kong mapag-isa sa kabila ng maraming taong nakapaligid sakin. "Oy," tinawag ko yung bartender, "Isa pa nga. Yung pinakahard na drinks niyo yung ibigay mo sakin. Yung malakas yung tama." "Yes, sir." Nakuha ko na ang inorder ko at nilaklak ng isang inuman lang. Hindi... Hindi pa rin tumatalab sakin. Dalawang araw na rin ang nakakalipas pero naaalala ko pa rin yung mga huli kong narinig bago ako umalis ng tuluyan kasama sila. 'Sasagutin ko na siya.. Sasagutin ko na si Jacob.' "F*ck!!" walang kwentang buhay 'to oh! Di ko na alam ang ginagawa ko at naihagis ko na lang ang basong hawak-hawak ko. Mabilis namang lumapit sa akin ang mga bouncer para itayo ako. Sa paghagis ko kasi.. pati ako nasama na rin. "Sir, bawal po ang magwala rito. Umuwi na lang ho kayo." narinig kong sabi ng isang bouncer sakin. Hindi na ako nakapagsalita at inalalayan na akong lumabas. Halos hindi na ako makalakad at hilong hilo na rin ako. Tae. Kahit hilo na ako, hindi ko pa rin makalimutan. Patanggal ko na lang kaya yung utak ko? Pati na rin siguro 'tong g*gong pusong 'to. "Kuya, kami na pong bahala sa kanya." May biglang nagsalita.. Babae. Tumingin ako sa kanya pero malabo na ang paningin ko kaya hindi ko na nakilala. May kasama pa siya at yun ang nag-alalay sakin. "Sige. Iuwi niyo na yang kaibigan niyo. Marami ng nainom yan." Nasa may kalsada na kami at pinipilit ko pa ring tingnan kung sino 'tong umaalalay sakin. "Oyst... shino.. kayo?" taenayan. Para na akong retarded kung magsalita. "Tss.. Manahimik ka nga!" Hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil napapikit na lang ako bigla. Pagkadilat ko, may liwanag na.. Papikit-pikit pa akong lumingon sa paligid ko. Di ko naman alam kung nasaan ako. Nung narealize kong wala pala ako sa unit ko, napatayo ako bigla. Chineck ko ang lahat kung kumpleto pa ba ako. Nung naalala ko kasing may babaeng nagsalita kagabe nung nasa isang bar ako, baka yun yung isa sa mga babaeng dumidikit-dikit sakin. Kinabahan naman ako. Tiningnan ko lahat. Kumpleto pa naman ang damit ko at kahit sapatos ko ay hindi nakatanggal. Nakahinga naman ako ng maluwag. Umupo ako sa kama.. Shet lang. Ang sakit ng ulo ko na parang pinupukpok ng ilang beses, putek. Sino kaya ang nagdala sakin dito? Salamat naman sa kanya. Maya-maya lang, may bumukas ng pinto. Nanlaki yung mata ko ng malaman kong siya pala. "Taena mong g*go ka, Ian.." sabi niya at saka pumasok sa kwarto. "Tss.." ngumisi ako, "Salamat." "Dapat lang na magpasalamat ka. Langya. Ano bang problema mo?!" nasa harap ko na siya at seryoso ang mukha niya. "Problema? Wala. Ge aalis na ko." Akmang maglalakad na sana ako nang biglang may tumama na kamao sa kanang pisngi ko.. Malakas, kaya bigla akong natumba. "Lul! Wag mo nga akong pinaglololoko! Wala kang problema?? Ba't ka nagkakaganyan?! Laging sa bar ang diretcho mo. Kung magpapractice naman at sa school, wala ka sa sarili mo. Ni hindi ka nga nagpakita kahapon! YUN BA YUNG WALANG PROBLEMA?!? HA??" Tumayo ako at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko. Tama siya. Tama si Jin. Wala ako sa sarili ko.. Araw-araw akong nainom. Sh1t lang. Kung alam niya lang kung anong nangyayari sakin, maiintindihan niya siguro ako. "Wala nga lang—" "Kahit hindi mo sabihin, ALAM KO 'YON!!" Napatitig na lang ako sa kanya. "—alam ko ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Si Ella di ba? SIYA YUNG DAHILAN!" tumigil siya at ngumisi, "Tss.. Matagal ko ng alam na may gusto ka sa kanya. Ang akala ko nga nasabi mo na eh kaya hinayaan lang kita. Akala ko kaya mo, pero sh1t pare! Bakit ganyan ka? Ang hina mo!!" Nakuyom ko na lang ang kamay ko. Naiinis ako sa mga sinasabi niya sakin. Pero bakit ba ako maiinis? Totoo naman ang lahat ng yun.. Sa sarili ko dapat ako mainis hindi sa mga sinasabi niya. "Hindi ka ganyan Ian.. Hindi ka ganyan kahina at mabilis sumuko. Akala mo ba sa paglulunod mo ng sarili mo sa alak may nagagawa ka? Wala!! Imbes na gumawa ka ng paraan para mapatunayan mo na ikaw ang mas deserving sa kanya, wala kang ginagawa! Gumagawa ka lang ng mga walang kwentang bagay! Kumilos ka dyan at ipaglaban mo siya. Hindi yung hahayaan mo lang ang sarili mong maging ganyan habang si Ella, hindi pa rin nalalaman ang totoong nararamdaman mo." Sa haba ng sinabi niya, para na rin akong sinuntok sa mukha ng paulit-ulit para gumising sa katotohanan... Bakit ko nga hindi naisip yun? Bakit hinayaan ko lang na suyuin siya ni Jake at ako, parang g*go lang na umiinom at nagmumukmok? Ang tanga ko naman.. Dapat nga na lumaban ako. Pero paano? "Aalis na ako.. Salamat ulit." Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Bago pa man ako nakalabas ng pinto nila, narinig ko na lang na may sinigaw si Jin. "Lumaban ka gunggong!! Umattend ka ng practice natin mamaya ah! Patay ka sakin kung hinde!" Pagsabi niya nun, dumire-diretcho na ako. Pagkauwi ko sa unit, nagbihis agad ako at handa ng pumasok. Tulad nung isang araw, 10am na ako nakaattend ng klase namin. Sakto naman na may long quiz na naman kami. Nahati ang utak ko.. Isa sa pag-iisip ng sagot at ang isa sa pag-iisip sa gagawin ko. Hindi ko kasi alam kung ano talaga ang dapat kong gawin. At sa totoo lang... naduduwag ako. Paano ba magconfess? Paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko ng buong tapang? Pero paano... Paano kung hindi niya tanggapin ang ipagtatapat ko? Naguguluhan ako. Natapos na ang buong period at nagpasa na rin kami ng mga answer sheets namin. Hindi ko sigurado ang mga sagot ko dahil nga sa hindi ko namang binibigyang atensyon ang mga turo ng prof ko nung mga nakaraang araw.. o linggo. Bahala na. Bahala na rin kung ano ang gagawin ko para masabi ko kay Ella ang nararamdaman ko sa kanya. Naglunchbreak na at nagpakita ulit ako sa kanila. Pagkalapit ko, gulat ang mga itsura nila at isa-isang nagtanong ng 'Ano nangyari?', 'Napano ka?', 'Bakit wala kahapon at nung isang araw?' mga ganung bagay.. Pwera lang kina Jin at Sab. Si Jin, tumingin lang sa akin saglit at umiling-iling. Si Sab naman... ang sama ng tingin. Siya siguro yung babaeng nagsalita kagabi dahil na kina Jin ako natulog. Sabay-sabay ulit kaming kumain. At habang kumakain, nag-iisip pa rin talaga ako... Paano ba? Tumambay ulit kami sa tambayan pagkatapos kumain. Nagkukwentuhan lang sila habang ako naman, malalim pa rin ang iniisip. Maya-maya, bigla namang tumabi sa akin si Jin at sinuntok ako sa braso. "Oy, bukas na gig natin. 14.. Ano na balak mo?" tapos itinuturo niya gamit ang mata niya sa direksyon ni Ella. May bigla namang pumasok sa isip ko. Tama. Yun na nga siguro. "Basta." at tumayo na ako dala ang bag ko. Naglakad naman ako papunta kay Ella at sinabi ko na sa kanya. "Pumunta ka sa gig namin ha? May sasabihin akong importante sayo..." tapos ngumiti ako at saka umalis. Chapter 55: My Knight in Shining Eyeglasses Lianne's POV This is it... Ito na nga yung araw na naeexcite na sa mga mangyayari. Friday na ngayon and today... It's Febuary 14. Today is Valentines Day. At may naisip na akong ibigay kay Warren. Sana lang magustuhan niya yun. :) Maaga akong pumasok. Syempre maaga kasi ang pasok namin ngayong araw. Sa bus pa nga lang eh, ang dami ko ng nakikitang mga kakilig scenes. Sa pagdala pa lang ng mga lalakeng nakasabay ko sa bus ng may mga dala-dalang bulaklak para sa mga mahal nila, kinikilig na ako. Masaya ako at hindi naiinggit. Kahit naman kasi wala akong boyfriend, nakakatanggap pa rin naman ako ng mga flowers and chocolates. Katulad ngayon, nakasalubong ko si uh... Nakalimutan ko na ang pangalan niya. Basta! Let's just say na... he courted me but he failed. Oh well. Mahaba nga ang hair ko, pero mas mahaba ang hair ng best friend ko. "Babe, wala ka naman sigurong balak gawing flower shop itong room natin di ba?" sabi ko at umupo sa tabi niya. Sinimangutan naman niya ako. "Whatever B. Actually, hindi ko alam kung paano ko 'to dadalhin pauwi mamaya.." Ang dami kasing nakapaligid na mga flowers sa kanya galing dun sa mga nagkakagusto sa kanya. May mga 3 red roses na pare-parehas nakalagay sa something transparent at iilang mga bouquet.. May isang malaki pa nga eh. Wala naman siyang mga manliligaw dahil hindi naman siya nagpapaligaw kaya okay na rin kasi ang dami na nga niyang natatanggap. Classroom pa rin ito at hindi flower shop. Good thing at morning classes lang ang meron kami. Sabi kasi ng isang prof namin sa 2pm class eh hindi niya kami maimemeet. Haha! If I know, maaga lang makikipagdate si mam. Oh well, much better. Eh kasi gagawin ko pa lang yung gift ko kay Warren eh. By 1pm, umuwi na kami ni Tine. Sina Arkin may mga klase pa eh. Pero makakaattend naman sila ng gig nila Jin at Ian mamaya kaya ayos lang. Nagpaalam na rin kami sa kanila. Pagkauwi ko sa bahay, nagpahinga muna ako saglit at pumikit muna. Napagod rin kasi ako sa byahe eh. Pagkadilat ko, nanlaki ang mata ko nang makita kong 3:33pm na!! Nakaidlip pala ako kaya dali-dali akong nagbihis at saka bumaba para ihanda yung mga ingredients ng gagawin ko. "O, magmerienda ka muna hija." sabi sakin ni Manang. "Sige po. Pakilagay na lang po dyan." sabi ko habang tinitingnan yung recipe book. Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Manang at nagtanong. "Ano ba iyang gagawin mo, hija? Para ako na lang ang gagawa.." "Naku 'wag na po. Ako na lang po Manang. Mas maganda po kasi kung ang mag-eeffort na gumawa..." sabi ko at saka ngumiti. Ngumiti naman din sa akin si Manang sabay sabing, "Para sa boyfriend mo ba yan, hija?" Nagulantang ako sa sinabi niya at napalanghap ng maraming hangin. "Naku, hindi po!" umiling-iling ako, sabay napayuko. "Wala nga po akong boyfriend e." pakiramdam ko namumula na ata ang mukha ko sa hiya. "Ganun ba.. O sha. Aalis na muna ako. Pupunta ako ng bayan para mamalengke. Ikaw na bahala dyan ha?" "O sige po. Mag-iingat po kayo." at lumabas na siya. Boyfriend?? Si Warren?? HOW I WISH!!! Tine's POV "Hello... O... Di ba pupunta ka naman mamaya?... Oo... Sunduin mo na lang ako sa--... Ha?!... Pero... Fine... O-okay... Sige okay lang... Bye." "Sino yun?" Hindi ko na nasagot si Arkin at umupo na lang ako bigla sa gilid. Nakakainis naman kasi eh!!! Badtrip. >:( "Huy! Anyare sayo?" tumabi sakin si Arkin at naglean para makita ang mukha ko. "Yung date ko kasi..." naiinis talaga ako, "Yung date ko na isasama ko sana mamaya sa gig nila Ian, WALA!! Hindi daw siya makakapunta! Badtrip lang.." magkasalubong na ang kilay ko habang sinasabi ko yun. "Bakit daw?" Narinig naman naming tinawag siya ng sales lady, 'Sir, ito na po'. "Wait lang ah." "Ge." Andito kami ngayon sa mall.. Pagkaalis ni Lianne kanina, hinila ko naman agad si Arkin papunta dito sa mall para hindi na makapalag pa. Hindi na din siya umattend sa last subject niya. Good thing, nagtext sa kanya yung classmate niya na wala daw silang prof kaya nakahinga naman siya ng maluwag. "Eto, tingnan mo... Okay ba?" nagkamot siya ng ulo, yung tipong nahihiya. "May pagkageek type pa rin.. Wag yung mga polo. Mga shirt yung itry mo." "Ha? E maganda naman ah!" "Wag ka ng umangal. Dali!! Palitan mo yan." at tinulak-tulak ko na siya. Andito kami para imake-over siya. Nice idea, isn't it? Matagal ko na siyang pinipilit na baguhin ang fashion sense niya. Nung araw kasi na nakita niya yung picture ng crush ni Lianne, nafrustrate siya. Aba dapat lang! Kumpara sa kanya at sa crush ni Lianne eh mas maporma naman yun at gwapo talaga. Eh siya? Gwapo nga, jologs naman.. E di wala rin. "O, eto." Napatayo ako sa pagkagulat and at the same time... naamaze. "Yan! Bagay naman pala sayo eh." "Talaga?" ang laki ng ngiti niya, "Sige itry ko pa yung iba." then umalis ulit siya. Tulala pa rin ako at hindi umaalis sa kinatatayuan ko.. Grabe lang. Ang gwapo gwapo niya sa suot niyang simpleng shirt pero cool. Well, kung ikukumpara ko siya sa crush ni Lianne, mas lamang na siya! At kung ikukumpara ko naman siya kay Matt, uh... No comment. Tsk! Ba't ba naisingit bigla si Matt?! Argh. Lumabas na kami sa boutique ng mga men's wear. Nakangiti nga ako habang naglalakad eh. Bagay kasi talaga sa kanya. "Ano na namang ngini-ngiti ngiti mo dyan?" sabi niya na parang nagtataka. "Wala lang. Masama? Tska kasi masaya ako... Panigurado, magugustuhan ka na din ni Lianne pag nakita ka niya.. Ang gwapo mo kaya!!" tapos hinampas ko siya. "Aray ah! Kelangan talaga nanghahampas?" hinimas-himas naman niya yung braso niya. "Eeeh. Ang saya ko eh. Pramis talaga, ang gwapo mo..." tapos ngumiti ako ng sobrang wide. "Tanggalin mo yang eyeglasses mo mamaya ah. Kundi sasakalin kita." Nakita ko namang nagblush siya... Haha! Nakakatawa siyang magblush. XD "Nagbablush ka pala?!" tapos tumawa ako ng malakas. "Tumahimik ka nga.." iniwas naman niya ang mukha niya sakin at inayos ang salamin niya. Tawa lang ako ng tawa, kaya inasar ko pa siya, "Uuuyy--!!" "Tine?" Napatigil naman ako sa pang-aasar sa kanya. May tumawag kasi sa akin... at mukhang kilala ko kung kaninong boses galing yun. "O... Matt." parang nanginginig pa ang boses ko, "M-musta?" Ngumiti siya, "Okay naman.. Ikaw ba?" "O-okay naman din.." Natahimik kami saglit. Dalawang buwan na rin pala ang nakakalipas nung huli ko siyang nakita... Ganun pa rin siya. Handsome, as always. He still have the same smile that I've always liked to see... Ngumiti na lang ako sa kanya kasi wala na akong ibang masabi. Napansin ko namang may kasama pala siya... He's with a girl. Napakunot-noo lang ako. Hindi niya kasama si Arianne? Bigla namang bumulong sa akin si Arkin ng 'Oy..' Lumingon naman ako sa kanya at tinanong kung bakit. "Yan ba yung inayakan mo dati?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Arkin. Medyo malakas kasi yung pagkakatanong niya kaya bigla kong tinakpan ang bibig niya. Napatingin naman ako sa direksyon nina Matt at nung kasama niya. Mukhang nagtataka ata sila kung ano ginagawa namin. "Ah... Hehe." yun na lang ang nasabi ko. Ito naman kasing si Arkin eh!! Naku talaga! Tumawa naman ng mahina si Matt. Ngumiti lang ako at tiningnan ko ng masama si Arkin. "Oh by the way, this is Cheska.. Cheska, this is Tine.." pagpapakilala ni Matt sa kasama niya. Naghello naman ako at ganun din yung Cheska. Nung sumunod na sinabi na naman ni Matt... Para akong nabingi then I'm like experiencing acupuncture.. Para na namang tinutusok ang puso ko ng maraming malalaking karayom. Sa sobrang sakit.. Sh1t. "Girlfriend ko." Ngumiti ako ng pilit. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na napatingin bigla sa akin si Arkin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko... Should I say.. 'Wow! New girlfriend? Nice.' or better yet, 'Wow! That really hurt.. A lot.' Anytime siguro... tutulo na naman 'tong mga luha ko. Help?? Can somebody help me and get me outta' here? PLEASE??? Then from that hurtful moment... parang dumating yung knight in shining armor ko.. Well, his not wearing a shining armor, instead.. he's wearing a shining eyeglasses. "Matt, right? Nice to meet you bro," then nag men's handshake sila, "Arkin nga pala..." ngumiti siya, "Tine's boyfriend." at saka niya ako inakbayan. Nakita ko yung expression ng mukha ni Matt... halata mong nagulat siya. "Oh.. I see." yun na lang ang nasabi niya. "Yeah. So, if you'll excuse us... We're gonna have a date tonight and we'll be in a hurry." hinawakan niya ako sa waist at hinila, "Seeya 'round, dude!" at naglakad na kami ng mabilis.. Nalagpasan na namin sila.. Nasa malayo na kami. Ako? Tulala lang. "Huy.. Wag ka ng magpapaapekto dun." sabi niya, at iniharap niya ako sa kanya, "Mukhang mali ata yung sinabi ko sayo dati. Kalimutan mo na yun.. Oy Tine.." "Pero kasi..." The next thing I know... there were arms wrapping around me giving me comfort. It's like, those arms telling me that I am not alone. Nakayakap lang siya sa akin at doon na ako umiyak ng umiyak. "Shh..." hinimas-himas niya ang likod ko, "Sige lang. Ilabas mo lang yan.. Kelangan pagkatapos nito, hindi ka na iiyak." patuloy lang siya sa paghimas ng likod ko. Umiyak lang ako ng umiyak tulad ng sinabi niya.. Pero may sinabi pa siya na lalong nagpaiyak pa sa akin at mas lalong pang humigpit pagkakayakap niya.. "Hindi ka na iiyak dahil hindi ko na hahayaang mangyari pa yun.. Okay?" Chapter 56: Waiting in Vain Ian's POV "Ian! Paabot nga nung chord." "O." "Ayusin niyo yung mga wire!" "Ok na!" "Nasaan na ba yung drum sticks ko?" "Ano ka ba! Nasa bulsa mo lang, ungas!!" "Ah ganun ba." Nagseset-up na kami ngayon dito sa stage... Kinakabahan na rin ako sa mga susunod na mangyayari. Hindi ko nga alam kung ready na ba ako sa gagawin ko mamaya. Tumingin ako sa relo ko. Past 5 na at dumidilim na rin sa labas. Dumadami na rin ang mga pumapasok na tao dito sa bar. Hinahanap ko nga yung mga taong inimbitahan namin e, lalo na si Ella... Pero wala akong makita kahit anino man niya.. Si Sab lang ang nandito. Syempre, nandito boyfriend niya e. "Anong oras ba sila darating?" sabi ko kay Sab pagkalapit ko sa table kung saan siya nakaupo. "Maya-maya lang darating din yun.. Si boo ko? Nasaan siya?" sabi niya at saka uminom ng juice. "Nasa back stage. Sabihin mo sakin kung dumating na sila ah. Lalo na siya.. 'Lam mo na yun." lumakad naman ako papuntang stage. "Oo na. Good luck para mamaya!!" Nakaset-up na ang lahat at 6pm na. Marami na ang tao sa loob. Lahat kami kabado. Sina Arkin, Tine at Aya, andito na. Si Ella, wala pa rin.. Nasaan na ba siya? Wala rin si Lianne. Nasaan na ba sila? Lianne's POV Madilim na ang langit. Nilalamok na rin ako dito... Darating pa ba siya? Andito ulit ako sa playground. Hinihintay ko kasi si Warren. Well actually, kanina pa nga ako naghihintay eh.. may araw pa. Ngayon kasi buwan na ang nakikita ko sa langit. Hay.. Darating pa kaya siya? Tinignan ko ang wrist watch ko.. 6pm na. Naalala ko, ganitong oras nga pala yung start ng gig nina Ian at Jin. Nag-aalala din ako na baka ako lang ang wala doon. Baka kanina pa nila ako tinatawagan o tinetext. Nakalimutan ko naman kasing dalhin yung phone ko eh. Nangako pa naman ako na pupunta ako... Pero kasi, kelangan kong hintayin si Warren dito para ibigay 'tong gift. Yea, para akong baliw.. Dahil lang sa gift, mas pinili kong maghintay kaysa sa pagpunta sa gig at magrelax. Ewan ko ba, ganun eh. Siguro nga kapag gusto mo talaga ang isang tao, buo pa rin ang pasensya mo at kakayanin mong hintayin siya.. anuman ang mangyari. Be patient Lianne. Konting hintay pa. Tumingin ulit ako sa wrist watch ko.. 6:12pm. Dumaan pa ang marami pang minuto. Nakatingin lang ako sa daan at tinitingnan yung mga taong dumadaan dito. Tinitingnan lang rin nila ako. Ayun, tinginan lang kami. At tulad ng dating naghintay ako, kasama ko na naman yung magboyfriend na panay ang date dito sa playground. Hanep talaga sila ah? Kahit Valentines Day walang baguhan ng lugar para sa date. Tinde!! Parang gusto ko nga silang award-an ng 'Loyalty Award'. Sila na rin ata yung tagapagbantay ng playground dito. Try kaya nilang magpatayo ng bahay dito para effortless ang pagpunta? Malay mo kasi, sa kabilang ibayo pa sila. Malay lang naman. "Haay.." I felt hopeless nang makita kong 6:45pm na. Mahigit dalawang oras na rin akong naghintay.. So I think I need to go home at maglagay ng Off lotion dahil marami na talaga akong kagat ng lamok. Hindi ko pala kakayanin. Habang naglalakad.. iniisip ko na lang na baka busy siya o di kaya may pinuntahan lang. O baka... NO. Sabi nga ni Ken, hindi mahilig sa girls yun. So probably, may practice siguro sila ng basketball at inabot na sila ng gabi. Tama yun nga. Mukhang wala pa rin naman kasi si Ken. Hmm.. Bukas ko na lang siguro 'to ibibigay... Hihingin ko na rin kay Ken yung number niya para magkita kami. Pero... That sounds awkward. Hihingin ko ang number ni Warre para lang magkita kami? Desprate ang magiging dating ko nun! Hay bahala na nga. Pagkarating ko sa tapat ng bahay, nakayuko lang ako... Sa totoo lang, kahit anong pilit kong pag-iisip ng mga magagandang dahilan... Pumapasok pa rin sa utak ko yung mga negative na reasons at mga bagay bagay. Isa na dun yung... Baka may date siya ngayong gabi. Haynako Lianne!! Ano naman kung meron nga?? Kung meron man, wala kang magagawa. Hindi ka naman girlfriend o ano. Wag kang mag-inarte dyan.. Tsk. Haay.. Nakakadepress lang. :( Arkin's POV "Nagrereply ba sayo?" "Hindi eh. Nagflood na nga ako sa kanya pero wala pa rin." "Ako nga tinatawagan ko, pero hindi naman sinasagot." "Try mo ulit tawagan.. Baka this time, sumagot na siya. Kalbuhin ko yung babaitang yun eh." Dinial ko ulit yung number niya, baka sumagot na nga siya this time. RING. (The number you are calling is unavailable or out of coverage area. Please try again later. TOOT TOOT TOO--) "Tsk.. Wala pa rin talaga." Nalungkot naman ako bigla.. Excited pa naman ako na makita niya ang new look ko. Nagbago ako ng fashion sense para lang sa kanya. Gusto ko rin namang mapansin niya ako. Sabi nga ni Tine kanina, ang gwapo ko daw sa itsura ko. Sa tingin ko naman totoo ang sinasabi niya kaya nga gusto kong makita na ako ni Lianne.. para naman mas maging masaya 'tong gabing 'to at magbabago na nga ako. Kaya lang.. kung ngayong gabi hindi siya makakapunta, hindi niya rin maririnig yung kantang kakantahin ko para mamaya... Dedicated para sa kanya na nagrequest pa ako kina Jin na bigyan ako ng isang slot sa mga kakantahin nila. Tsk. Nasaan na ba siya? "Don't worry.." tinap ako sa balikat ni Tine, "Darating din yun.. Gagawa ng paraan ang Cupid." tapos tinuturo niya ang sarili niya. Ngumiti na lang ako. Sana nga makarating siya.. Ngayon na rin kasi yung time na sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Ready na ako para sabihin ang lahat-lahat. Chapter 57: Somebody Special Ian's POV Nagsimula na kaming tumugtog 15 minutes ago. Habang tumutugtog, parang hati yung attention ko.. Katulad nga nung nagta-take ako ng quiz sa isang minor subject, ang isang kalahati ng utak ko eh nasa keyboard at yung isa naman, na kay Ella. Nasaan na ba siya? Tiningnan ko si Jin na siyang kumakanta ngayon. Nakangiti siya habang kumakanta at nagsstrum ng gitara niya na masayang kumakanta. Nakatingin lang rin siya sa isang direksyon na alam ko naman na kung saan yun, or better yet, SINO YUN. You are the one My everything If you'll stay You make me sing Nakangiti rin si Sab habang sinasabayan yung beat gamit ang dalawang kamay niya. Halata mong para talaga kay Sab yung kantang kinakanta ni Jin kasi tumitingin siya sa iba pero mas tumitingin naman siya kay Sab. I'll give you my life I'll give you my heart Nothin' will ever come between us Ever come between us tonight I'll show you the way Just promise me that you'll Promise me that you'll stay Ooh ooh Promise me that you'll stay Natapos na ang 3rd song namin. Nagbreak muna kami at may isang solo singer na kumakanta ngayon sa stage. Sabay kaming pumunta ni Jin sa table kung saan sina Sab. Una kaagad na hinanap ng mata ko eh si Ella. Hanggang ngayon wala pa rin talaga siya. "Si Ella?" sabi ko at saka umupo sa tabi ni Tine. "Wala din eh." si Tine na ang sumagot, "Parehas sila ni Lianne ang wala pa.." uminom muna siya ng juice at saka naman niya kinuha ang cellphone niya. "O, tiningnan mo. Wala ni isang text o tawag man lang. My goodness!" "Try mo kayang tumawag sa kanya Ian, baka sumagot sayo." sabi naman ni Jin. Tumango ako at kinapa ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko, kaya lang pagkapa ko, wala akong maramdamang cellphone. "Teka," kinapa ko ulit, "Wala yung cellphone ko.." sabi ko sabay tumayo para kapain naman sa likod. "Huh??" napaangat naman ng ulo si Jin, "Tingnan mo sa back stage, baka naiwan mo doon." Ginawa ko naman ang sinabi niya. Naglakad ako ng mabilis na parang ilang steps lang ang hinakbang ko.. nakarating na agad ako. Una kong hinalungkat ang bag ko, pero wala. Naghanap pa ako sa mga sulok-sulok habang iniisip kung saan ko ba nailagay yun. Wala talaga. "Tsk! Nasaan ka ba?!" Naghanap pa ulit ako... at malapit na akong mainis. Good thing nung pagkabukas ko ng drawer sa table, nakita ko na rin. Lumabas ako ng back stage, wala kasing signal doon. Pagkalabas ko naman, maingay! Kaya naglakad ako papalabas ng bar habang dinadial yung number ni Ella. Unang RING.. "Happy Valentine’s People!!" narinig kong nagpalakpakan na yung mga tao. Second RING.. "C'mon.. Sagutin mo na, please." nasabi ko na lang. Ring lang ng ring at hinihintay ko pa ring may sumagot. Nung pang-apat na ring na, narinig ko na ang boses niya. (Hello Ian?) "Hel—" "Pare tara na!! Tayo na next!" Bigla na akong hinila ng kasamahan ko sa banda. TSK! Wrong timing naman oh!! "Hello Ella. Ano... Nasan ka na ba—" "TARA NA!" Naibaba ko na lang ang cellphone ko nang hatakin na niya ako. Nainis naman ako ng kaunti pero tinago ko na lang ang cellphone ko at sumama na sa kanya sa stage. Yung kaninang kaba ko kanina, nawala. E panu, yung taong kakantahan ko ngayon ay... wala. Tama, kakanta nga ako. Turn ko ngayon dahil isa rin ako sa mga singer ng banda namin. Ito talaga ang binabalak kong gawin... Di ba nga? Magco-confess ako.. And through a song. Malas ko lang ngayong gabing 'to, ayaw makitrip sakin nung tadhana. Umupo ako. This time... hindi na keyboard ang kaharap ko kundi piano. Actually ako lang naman talaga ang tutugtog e. Sinabi lang na kami na ang next dahil nga kakanta ako. "Good evening everyone." Nagpalakpakan naman ang mga tao sa akin. Yung iba naman sumisigaw ng 'Wooh!' at 'Go Ian!' Probably, sina Arkin yun. "The song that I am going to sing is entitled... Somebody Special." ngumiti ako. Pagkasabi ko kasi nung title, isa lang kaagad ang naisip ko... yun ay si Ella. "I dedicate this song to all of you guys; for the ones who have their special someones out there... including me." nag-ingay na naman sila, "I also dedicate this to the girl I love..." tumingin ako sa entrance ng bar. "This is for you." Sinimulan ko na ang intro... Naaalala ko pa nung araw na pagkatapos akong suntukin ng isang beses ni Jin para gumising ako sa katotohanan, pinili ko 'tong kantang ito since may solo nga ako. Laman ng kantang 'to ang lahat ng gusto kong sabihin kay Ella. Too bad and I am so unlucky.. She's not here, so she won't able to hear it. Now, tell me Do I wish to much? Is it coz I kick in And I drink too much? But the truth is I wanna live too much And you're the type of girl I like to give too much 'til it's enough Noong unang araw na nagsimula akong mag-inom dahil lang sa sobrang nasasaktan ako, wala akong ibang inisip kundi siya lang. Alam ko namang mali yung ginagawa ko e. Ni-hindi ko nga yun ginagawa at ngayon lang. Ako rin ang may gusto nun at hindi si Ella ang dahilan.. Pero parang siya na rin dahil nasasaktan ako ng dahil sa kanya. Please tell me that I'm close to your type Not cute but I know what's right Noong high school... naduduwag pa talaga ako dahil nga sa hindi ako ganoon kagandang lalake, at siya.. mukhang anghel na may mahabang itim na buhok noon. Yung Jacob naman, isang beses ko lang ata nakita yun, pero masasabi kong, sikat siya among girls. Tss.. Kaya nga niya nasaktan si Ella e, dahil dun. Not sweet but I know what's nice And I can make you laugh and smile all night Medyo napangiti ako sa part na kinanta kong 'yon. Hindi nga ako sweet, ang corny ko pa nga e.. Pero lagi ko siyang napapangiti at sinasabi naman niya sa akin parati yun. Doon na ako nagiging masaya. Might mess up And said a wrong lines And I tend to see things That all the wrong times But I'm confident That it's alright If I'm with these flaws I'm not the wrong guy Minsan nagkakamali ako na alam kong madalas hindi niya nagugustuhan. Yung pag-approach ko nga lang sa kanya noong una para maging close kami eh gumana naman... naging malapit ako sa kanya at ganun din naman siya. Off bad I can say that I'm not a book smart But I'm smart enough To protect your heart Hindi rin ako ganoon katalino. Naalala ko pa noong una ko siyang nakita noon sa likod ng school building namin eh tumakas ako sa isang subject non at tinamad pumasok dahil sa inis ako doon sa teacher. Pero ang pagmamahal naman, ginagamitan talaga ng puso eh at hindi utak. Gagamit ka man ng utak, para lang sa mga bagay-bagay na dapat talaga pag-isipan. Pero ang pagmamahal ko para sa kanya, di na kelangang pag-isipan pa yun.. Mas ginagawa ko na ngang matalino ang puso ko kesa sa utak ko e. Although naging bobo siya noong mga nakaraang linggo dahil nanghina siya at hindi ipinaglaban ang isinisigaw niya, uminom na lang at nagpakalasing. Time na ulit para magbago. Dump your past It belongs in the junk yard Let's hook up All we need is a jump start Yun yung mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya.. dalawang taon na rin ang nakalilipas. Yun nga lang, yung part lang na 'kalimutan mo na si Jacob' ang laging nasasabi ko.. Hindi yung, 'kalimutan mo na si Jacob... at handa akong buuin ulit ang puso mo..' Wala eh. Pasensya, mahina lang. How I wish I was Somebody special Special in your eyes In your eyes In your eyes In your eyes Yeah How I wish I was Somebody special Special in your eyes Matagal ko ng iniisip yan. Kung one time ba... naging espesyal rin ba ako sa kanya? Yung tipong... kahit saglit lang nakalimutan niya si Jacob. Yung ganun. Sa tagal na rin naman kasi ng pinagsamahan namin, hindi ko alam kung nasagi na ba ako sa utak niya at napaisip siya na hindi lang ako kaibigan para sa kanya... Yeah, I assumed.. I always do. It's inevitable. 'Coz having feelings to someone also leads you to do such thing as assuming. Masama, dahil nga nag-eexpect ka sa mga bagay na alam mong malabo, pero ginagawa mo pa rin. Maganda naman, dahil kahit papaano, naiisip mong... hindi lang ikaw ang nagmamahal kundi siya rin. Yun nga lang, iniisip mo lang. Kinanta ko pa ang mga sumunod na verse. From time to time nga.. hindi ko maiwasang mapatingin sa pinto. At kada tingin ko.. Para akong nadadown. Tss.. De, sa totoo lang malungkot na ako nito. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na ngayon na ako magpapakatotoo at sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Pero wala e... Wala siya. I don't really know how to say this, but You're the only song in my playlist, love Get a little closer when we hug But what I'm feeling might be too much Pagkatapos kong kantahin ang huling chorus, tumayo na ako at nagpalakpakan naman sila. Nagpasalamat lang ako at bumati ng 'Happy Valentine's Day!' at ngumiti ako... pero peke. Wala... wala talaga. Hindi niya man lang narinig ang gusto kong iparating. Chapter 58: Date?! Lianne's POV Pumasok ako sa bahay ng nakayuko.. Probably, malungkot ako at parang binagsakluban ng langit at lupa. Oh well... This is life. Sometimes you'll get what you want and sometimes not. Si Warren ang gusto ko ngayon... pero wala siya. Hay. Nung isinara ko na ang pinto, napasandal naman ako. Dahil na din sa pagod. "You look... terrible." Kahit wala ng energy, napalingon naman ako bigla doon sa nagsalita. "And what are you doing here?" nakapamewang na ako nun at nakataas ang isang kilay. Manggugulo na naman ba 'to?? "Wala lang... Naisip ko lang tumambay dito sa inyo." tapos pinatong pa niya ang paa niya sa mesa then naglipat ng channel sa TV. "Feeler ka rin e no?" lumapit ako sa tabi niya at umupo, "Umuwi ka na nga doon sa inyo!" pagkaupo ko, inilapag ko naman yung box na dala-dala ko. "Mamaya na!" nilipat niya ulit, "Ang sama mo sa'kin... pinapaalis mo agad yung kinakapatid mo." sabi niya ng nakatingin lang sa TV. Err... Gusto na namang magplano ng rebolusyon ang utak ko. Wala talaga siyang pinipiling araw. Tsong, broken hearted ako. Pwede ba?! Nagcross arms naman ako at sumandal sa sofa, "And so?" nakataas lang yung isang kilay ko sa kanya. Ewan ko ba... Parang kanina lang wala na akong energy at lugmok na lugmok ako sa kalungkutan kanina pero ngayon, biglaan namang nabuhayan ang dugo ko at naiirita na naman sa isang 'to. Tsk. "Will you be nice to me..." ibinaba niya ang paa niya at ipinatong naman niya sa ang siko niya sa tuhod at naglean sakin, "...just for today? Valentine's Day ngayon, ang sungit sungit mo na naman." seryoso niya sabi sabay ngiti. Tiningnan ko lang siya in a sarcastic way. "Okay." tumayo ako at tiningnan siya, "Will you get out in our house..." itinuro ko ang pinto, "...and just stop annoying me?! Valentine's Day ngayon, nangiinis ka na naman." ginaya ko rin ang sinabi niya. Feeling ko sasabog na ang ulo ko sa inis sa kanya. Kung pwede lang ipasalvage 'to eh. Wala na siguro 'tong kumag na 'to Chapter 4 pa lang. Seesh. Tumayo naman din siya then he lean closer to me. Napaatras naman ako bigla. Ang lapit eh! "What if I don't?" Aba! Sinusubukan na naman ata ako nito ah. But... not now. Tinamad na ako. -.- Tiningnan ko lang siya ng magkasalubong ang kilay at saka umalis. I let him win this time... just for now. I'll claim my defeat some other time. Nakakafour steps pa lang ako eh bigla siyang nagsalita ng malakas. "Wow... Penge nito ah!!" Nagstop muna ako at pinagana ang utak ko... Anong pinagsasabi niya?? Nung para akong nautog, naalala ko na bigla yung naiwan ko sa sala, bigla naman akong tumakbo pabalik doon. "Wait!!!" Nakita kong isusubo na niya sana yung pangalawang cupcake na may letter 'A', kaya pinigilan ko siya kaagad. "DON'T YOU DARE TO EAT THAT CUPCAKE!!!" sabi ko sabay agaw sa kanya pero hindi ko naman naabot. Men, sarap mong patayin!! "Bakit? Damot nito." sumimangot naman siya sakin. "E sa hindi para sayo yan eh! Akin na nga yan!" Katulad nung nag-aagawan kami sa remote... pinapaabot niya na naman sakin yung cupcake. Gosh! Gusto ko na talaga siyang bugbugin at gilitan ng leeg!! Nung napagod na talaga ako as in... nagstop na ako kakatalon. It can't help, matangkad talaga siya eh. Huminga ako ng malalim.. Badtrip na. "Ano ba talaga problema mo?! Wala ka ba talagang gagawing matino??" nakatingin na ako sa kanya ng diretso nun... Tumigil naman siyang kakatawa dahil seryoso na nga ang mukha ko. "Get out and go on a date, if you have any!!" inis na talaga ako nun. Tumayo naman siya ng diretcho at seryoso ng tumingin sa'kin. "I don't have a date.." Napatulala ako bigla nun. Weh? Walang date? Ken Hernandez doesn't have a date?? Geez. That's a miracle! Natawa ako ng kaunti. Inangat naman niya ang balikat niya, "And that's my problem.." sabay sinubo ng buo ang cupcake. Napapikit na lang ako at napaclose fist habang nakakagat ako sa lower lip ko. Pinipigilan ko talagang sumabog dahil kinain na niya yung pangalawang cupcake sa 'Happy <3's Day' statement ko na supposed to be a gift for Warren. Easy ka lang Lianne... Just stay chill. Mentally retarded yang kaharap mo at nagtake ka ng unit sa SPED, iapply mo yun. Tumayo ako ng diretcho at huminga ng malalim. "So... dito ka ngayon, nanggugulo?" mahinahon kong sabi, "Maghanap ka ng idedate mo dyan.. Gwapo ka di ba?! Kaya alis." sarcastic na ang pagkakasabi ko nun. "Wow!!" ang laki ng ngiti niya, "For the first time, sinabihan mo akong gwapo!" inangat niya pa yung dalawang kamay niya tapos iwinawagayway niya. Nagstop naman siya at nagseryoso ulit. "Ayaw." then tumakbo siya sa sala at saka umupo ulit sa sofa. Ngayon.. hindi ko na talaga alam kung paano ako magdedeal sa kanya gayong mentally retarded talaga siya at hindi ko maintindihan. Look what he is right now, para siyang bata. E samantalang sa tuwing nagbabangayan kami, tinatalo niya pa ako sa mga kasungitan niya. Isn't that weird?! Hay, wala na talaga akong maintindihan. Lumapit din ako sa sala at kinuha ko na yung box. Hindi ko siya pinansin nun at nagdire-diretcho lang ako. Ayoko ng patulan 'tong retarded na 'to... Nakakapagod lang. Lumakad ako pagkatapos... Pero bago ako umakyat ng tuluyan, nagstop muna ako sa unang step ng hagdan. "I really don't understand you..." tumingin siya sa akin, "You're a freaking mentally retarded." then umakyat na ako. Pagkarating ko sa kwarto, naibagsak ko na agad ang sarili ko sa kama. Syempre inilagay ko muna yung box sa gilid at saka ako humiga. Tumingin ako sa kisame at pumikit saglit. Hindi na ako nakaattend gig nila Ian... nagpromise pa naman ako nabibigyan ko sila ng moral support. Tapos yung date ko nacancel pa... JOKE. Di nga alam ng so-called date ko na may date kami eh. Ako lang kasi ang may alam nan. Haay... Medyo nagsisisi ako ng kaunti kasi nga hindi nga ako nakarating doon. All of them expected me to be there. Baka ako lang ang wala sa barkada. Tumayo ako at nagbihis na rin. Actually nag-effort na naman akong magdamit eh. Nagsuot ako ng magandang blouse at skirt na ilang inch lang ang layo mula sa tuhod ko. Pinaghandaan ko talaga yun... hindi lang dahil sa pupunta ako ng bar at manunuod ng isang gig kundi makikita ko rin kasi si Warren.. Nalulungkot lang ako dahil parang nasayang... Ayy hindi pala parang, nasayang talaga. Pati preparations ko nasayang din. Nung nakapagbihis na ako, tumingin ako sa wall clock... it's 8pm already. Haynaku. Mag-aapologize na lang ako sa kanila. Hmm... Matawagan nga. Nung lumapit ako sa drawer ng bedside table ko, wala akong nakita. Wala doon ang cellphone ko. Hinanap ko pa sa bag na gamit-gamit ko kanina, wala rin... Nasaan na ba yun? Naalala ko bigla na dala-dala ko nga pala yun kanina at baka naiwan ko sa nook ng kusina namin. Pagkababa ko, may naririnig akong nag-uusap. "Wah! Ang daya!!!" "Oy, sinong madaya? Panalo na 'ko." Hindi pala nag-uusap, nagkakadayaan pala. Nung nasa baba na ako, nakita ko parehas sina Ken at Louie sa sala. Napataas lang yung isang kilay ko doon sa ginagawa nung dalawa pati na rin kasi, andito pa siya. "Wala ka ba talagang balak shoomupi?" kinuha ko muna ang charger ng cellphone sa cabinet sa may TV at saka humarap sa kanya. Nakayuko ako, nakaupo kasi siya. "Wala." inayos naman niya yung mga pawns, "Wala nga akong date kaya wala akong dahilan para lumabas." nagpatuloy lang siya sa pag-aayos. Eh ang kapal nga naman talaga e no? Feel at home, dude?! Ewan ko ba kung bakit gustong-gustong tumambay nyang kumag na retarded na yan dito sa bahay. Kainis lang. -.- Naglalakad na ako papuntang kusina nang bigla ulit siyang nagsalita, "Gusto mo ikaw na lang.." Lumingon ako, "Ako??" aba! Nang-aasar ba talaga 'to?! Bahay ko ‘to tapos ako ang aalis?? Hindi ata tama yun!! "Oo. Ikaw na lang ang i-date ko." Chapter 59: My Heart Fell Lianne's POV Ano daw? Ako na lang daw? Ako ang IDE-DATE NIYA?? Like... what the heck is he saying?!? Oh c'mon! Ang kapal niya ha. Am I that baliw to... to... DATE HIM?!? Gugunaw na talaga ang mundo pag nangyari 'yon! Maya-maya lang, may narinig na akong malakas na tawanan kaya napalingon naman ako, "What's with the face?" humagalpak naman siya at parang namumula na kakatawa. Napataas naman ako ng kilay. Like... what the hell?? "You should've seen your face! Libreng tumingin sa salamin!" then humagalpak na naman siya sa tawa, yung tipong namumula na talaga siya at napapahawak na sa tyan niya. Then ako... nakaramdam ng something. Oh great. So that's what he call prank? The nerve of him!! Feeling ko ang init ng paligid. Hindi ko na siya pinansin. Tumalikod na lang ako at naglakad ulit. I admit, hindi lang ako nagulat doon kundi napatulala din... Para ngang bigla akong kinabahan eh. Then.. ang init. Ang init ng mukha ko. Deym! He did it on purpose. Nakakainis!! Lumingon pa ulit ako. Nakahanap pa ng kasama ang kumag na yun para pagtawanan ang kaewanan ko. Kasama niya kasi si Louie eh! Nabrainwash niya ata yung kapatid ko kaya ayan, magkasundo sila. Nung makarating na ako sa may nook ng kusina, hinanap ko na agad yung cellphone ko. Nang mapadaan ako sa may microwave, naaninagan ko ang mukha ko... at nakita ko sa salamin, nakakatakot! Bakit namumula ang mukha ko?!? Geez. Then again, parang nadeform na naman yung mukha ko habang sumagi na naman sa utak ko yung sinabi niya kanina. 'Ikaw na lang ang i-date ko.' Arrrrggh!! Mukhang hindi talaga mabubuhay yung kumag na retarded na yun nang hindi ako inaasar! Nilibot ulit ng mata ko yung buong kusina. Hindi ko kasi mahanap sa nook yung phone ko kaya buo na lang. And there... nakita ko na. Nasa taas lang pala ng fridge. Naglakad na ulit ako pabalik sa taas. Yung dalawang kaninang nagtatawanan eh parang nag-aaway na ngayon. Back to monkey business na kasi sila sa paglalaro ng chess eh. "Isa pa!!" nakakunot-noo na sabi ni Louie. "Yoko na. Lagi ka namang talo eh." sumandal naman si Ken sa may sofa na mukhang tamad na tamad na. "Hindi.. 'Di na ako matatalo no!" "Sus.. Wag na. Magpractice ka na lang para sa susunod, matalo mo na ako." ang yabang talaga nito. Ngumisi pa ang retard. Tsk. Dumaan na ako sa gilid nila. Ayoko ng makinig sa mga pinagsasabi ng dalawang yun lalo na yung kayabangan ni Ken! Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sakal-sakalin ko na siya para matanggal sa katawan niya ang kayabangan niya. "Dali na—" di pa ako nakakaakyat eh parang di na ulit nagsalita si Louie. Narinig ko na lang siya ulit after ng ilang seconds, "Pag natalo mo ulit ako... pwede mo ng i-date si ate." Turning head. Eyes WIDE open. "Hoy Louie! Anong pinagsasabi mo dyan?!?" nanlaki talaga ang mata ko nun. Grabe lang! Hindi ba sila makaget-over sa kalokohan nila?! Grar! Nababadtrip na talaga ako ng bongga ah! "Deal." aba't talaga namang?!? Ano ba 'to?! Swear... konti na lang talaga. Konti na lang at mageexplode na ang nuclear bomb sa loob ng ulo ko, nag-iinit na. Nanginginig na ang laman ko sa inis kaya umakyat na lang ako.. Ang talaga eewan nila!! BH na nga at disappointed, pinagtitripan pa! DING DONG. May nagdoor bell sa labas. Bahala na sila doon! Bwiset! Nasa kalahati pa lang ako ng hagdanan eh tinawag na naman ako ni Louie. Teka nga, seriously.. ayaw ba nila talaga akong paakyatin?!? "Oy ate! May bwisita ka!" sigaw ni Louie na parang asar na ewan. Padabog naman akong bumaba. Yung tipong para akong higante sa lakas ng pag-apak ko sa bawat steps ng hagdan na anytime yata may crack na 'tong hagdanan namin. "Sino?!" magkasalubong ang kilay ko nun habang sinasabi ko yun kay Louie. Peste eh. Badtrip talaga ako. "Tingnan mo na lang. 'Di ko tinanong kung sino siya." seryoso ang mukha niya habang nakaharap siya sa chess board. Tumingin naman ako sa kalaban niya. The nerve!! Ngumiti ng nakakaloko sabay kindat. Oh c'mon!! YUCK. Umalis na ako pagkatapos ko siyang irapan. Mentally retarded talaga yun. -.- Pagkalabas ko ng pinto, wala akong maaninag na tao sa labas ng gate. Tumingin naman ako sa cellphone ko. Mag-9pm na. Di pa naman masyadong late kaya dumiretcho na ako papuntang gate para tignan kung sino yung sinasabi ni Louie na 'Bwisita' daw. Loko-lokong batang yun. Pagkalapit ko sa gate, may nakita akong sapatos sa may labas. Mm.. Black. Huh? Black shoes? Nung binuksan ko na talaga ang gate kasi nga naintriga ako kung sino 'tong 'bwisita' DAW na nakablack shoes. Bigla na lang... ..nalaglag ang puso ko. "Warren??" Tine's POV "Arkin..." hinawakan ko ang balikat niya. "Okay lang.." ngumiti siya pero pilit, "Itutuloy ko pa rin kahit hindi siya dumating." huminga naman siya ng malalim, "May next time pa naman siguro." kita sa mukha niya ang pagkadismaya at pagkalungkot. Kahit ako nalungkot na rin. Nagsimula ng in-introduce si Arkin sa stage. Hay... Ang epic fail naman ng gabing 'to. Sobrang pinaghandaan 'to ni Arkin tapos ganun lang? Lahat yata ng lakas ng loob inipon na niya para magawa niya 'to pero ano nangyari? Nakakalungkot lang.. Sinabi ko pa naman na ako ang bahala pero... wala naman akong nagawa. I called and texted Lianne a gazillion times but damn! Wala ni-isang sinagot. Sasabunutan ko talaga yung babaeng yun pag nagkita kami. Tumayo na siya, "Ge akyat na ako." Then he left. I know his really hurt although he smiled like everything's fine. Ngumiti na rin ako sa kanya for not making him feel down. All out support pa rin. "Good evening." Nagpalakpakan naman ang mga tao, including me. Kahit wala rito ang taong kakantahan niya ngayong gabi, support pa rin ako. I'm the Cupid here but I felt so useless... Sinabi ko sa kanya dati na tutulungan ko siya eh.. Kaso ang fail ko lang. Haay. Supporting him tonight is all I can ever do. "The song that I will sing tonight is dedicated to someone that I secretly love." ngumiti siya pero halata mong malungkot dahil kita sa mga mata niya. Sigh. Naaawa ako sa kaibigan ko. Nagsimula na siyang magstrum ng guitar. This is what I look-like today And I'm trying not to pull-up my hair I'm trying hard to grow it But I'm fall too shy to show it back there Napangiti ako ng kaunti nun. Tulad nga kasi ng sinabi ko sa kanya na kelangan niya ring baguhin ang itsura niya para rin mapansin siya. Ngayon.. mas gumwapo pa siya kesa sa dati. Iba ang pananamit niya ngayon na halos di nga siya makilala ng buong barkada at inakalang ka-date ko dahil nga sa sobrang gwapo niya ngayong gabi. Sayang lang, hindi yun makikita ni Lianne dahil wala nga siya. That is probably why I like wearin' glasses There's no denying on the infer and the facts Avoiding confrontation lies in the situation Behind every lines has a lesson yet to learn Oo nga. Bakit nga ba niya tinatago ang sarili niya sa makapal na salamin niya? Samantalang.. pwede naman siyang magpakatotoo. Nakoo Tine, ikaw rin naman ang makakasagot nyan. Kaibigan mo yan eh! Hay. Wala nga kasing lakas ng loob kaya tinatago niya lang. Nakakafrustrate lang kasi kung kailan naman may lakas na siyang loob para sabihin at iparamdam... dun pa hindi dumating. But if you ask me The feeling that I'm feeling is overwhelming And oh It goes to show That so much to know Feeling ko naiiyak na ako... Pinaghandaan niya 'tong gabing 'to at halata naman sa bawat lyrics ng kinakanta niya na masaya siya kasi nga masasabi na niya. Pero kahit na ngumingiti si Arkin, pakiramdam ko nahihirapan na siya doon. Parang hindi tama eh. Kabaligtaran ang mga lyrics... Lianne didn't come, so how come that he's overwhelmed? Overwhelmed siguro sa kalungkutan yun. I wrote this for my prettiest friend But I'm trying not to prove that I care I was trying not to make out my moves In one motion and scare her a way Ito na nga. Ito na yung part na sobrang natotorpe na talaga siya sa pagsabi at pagpapakita niya ng totoong nararamdaman niya kay Lianne kasi nga natatakot siya.. Sa tingin ko naman, hindi lalayo si Lianne e. Bakit ba ganun yung takbo ng utak niya?! She can't see she's making me crazy now I don't believe she knows Hindi nga naman kasi napapansin ni Lianne yun.. Masakit para sa kanya yun. She's amazing how she has me hold on my breath That I'll never guess that I'm not such unsuitable suited for her Nakatingin lang siya sa entrance ng bar. Siguro parang iniisip na lang rin niya na darating si Lianne. Nakikita ko na ngang may kumikinang sa gilid ng mata niya eh at alam ko kung ano yun.. Wag. Wag mong pakawalan yang luhang yan kundi masasapak kita! Maging matapang ka... And if you ask me The feeling that I'm feeling is complementary And oh it goes to show The moral law of the story is that boy loves girl And so on But the waiting unfolds has yet to be to told "Uy Tine." may humawak sa balikat ko. Nilingon ko naman, "Huh?" "Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" Oh sh1t. Mabilis ko kaagad pinunasan ang pisngi ko. "H-huh? Wa-wala. May naalala lang kasi akong nangyari kanina kaya ganun.. Wag mo na lang akong pansinin." pinilit kong ngumiti kay Aya. "Ganun ba. Okay.. Dito lang ako Bebs ah, if you need a vent." then binalik na niya ulit yung tingin niya sa stage. Napayuko na lang ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at may bigla-bigla na lang lumalabas na tubig sa mata ko. Pero kasi... para akong nasaktan na hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. Nagpupunas pa rin ako kasi parang ayaw tumigil ng mata ko kakalabas ng patak-patak na tubig. Narinig ko namang nag-aadlib na lang si Arkin kaya tumingin na ako, baka kasi matatapos na siya. Ayokong namang makita niya akong umiiyak. Pero parang nalaglag ata yung ang puso ko pagkalingon ko... Nakatingin na kasi siya sa akin. Chapter 60: It's their Birthday Lianne's POV "Warren??" halos hindi ako makagalaw sa gate. Geez... ang gwapo niya ngayon. Nakawhite polo siya at nakasukbit sa balikat niya yung coat niya. Saan naman kaya siya galing? Hindi ko inaasahang pupunta siya dito. Ngumiti lang siya sa akin as a response. Ako, hindi ko na malaman kung ano ang susunod na sasabihin. Parang kanina lang eh... ang lungkot-lungkot ko, then sobrang init ng ulo ko, then ngayon... Masaya ako. Hindi ko ineexpect na magpapakita ang gwapong nilalang na 'to sa harap ko ngayong gabi. Nung naramdaman niya sigurong parang nastar-struck at napipi na ako, siya na ang nagsalita. "Happy Valentine's Day." Parang biglang nagsipuntahan ang lahat ng dugo ko sa puso ko at dun nagtipon-tipon para magpump na naman ng sobrang bilis. Hindi ako makapaniwalang babatiin niya ako! And take note, may bonus pa... may bulaklak pa ako. "For you." Para na akong robot. Ang bagal ng pag-abot ko sa bulaklak na bigay niya. "T-thanks." Grabe.. Ang bilis na talaga ng tibok ng puso ko na tipong magkakaheart attack na ako!! Ang init pa eh ang lamig naman dito sa labas. "Sorry ha." napaangat naman ang ulo ko doon sa sinabi niya. Bakit siya nagsosorry?? "Huh? Bakit naman?" naguguluhan ako. Wala naman siyang ginawa ah. In fact, pinasaya niya pa nga ako. Ngumiti muna siya sabay tumingin siya sa taas, "May nakapagsabi kasi sa akin na naghintay ka raw... Hinintay mo daw ako?" then tumingin ulit siya sa akin. Napatitig muna ako sa kanya sabay may biglang umakyat na message sa utak ko. Naisip ko bigla yung sa playground. "H-huh? Ah... eh." umiwas ako ng tingin sa kanya, "S-sino naman?" grabe.. Nakakahiya ata yun. Ngayon alam na niyang hinihintay ko siya doon. Oh my God. "Ako." Napalingon naman sa likod ko si Warren so pati ako, lumingon na din. "Ikaw???" napataas lang yung isang kilay ko. Papalapit si Ken sa gate habang nakapamulsa. "Oo." taas-noo niyang sinabi. Aba't loko 'to ah!! BAKIT NIYA AKO NILAGLAG?!? Secret lang dapat yun eh kasi siya ang nakakaalam! Dire-diretcho lang siya hanggang sa labas. Nasanggi pa nga niya ako eh. TSK. Di man lang nagsorry! Then, inakbayan niya si Warren, "Tinext ko siya." then naglip-sync. Nung una hindi ko siya maintidihan pero nung paulit-ulit kong inulit sa utak ko yung next niyang sinabi, nagets ko din.. "Mukha ka kasing kawawa." Nagsalubong naman ang kilay ko nun tapos siya, tumawa lang ang. Errr. Napakayabang talaga ng nilalang na 'to. -.- "Kaya sorry na kung naghintay ka." sincere na pagkasabi ni Warren sa'kin. And ako? Eto, kilig hanggang sa kaila-ilaliman ng buto ko. After niya kasing sabihin yun, ngumiti siya sa'kin. Ngumiti lang din ako, "Okay lang." sabay yuko. Grabe, nakakahiya talaga. Bigla namang nagsalita si retarded na kumag. Hmff! "Di ba may ibibigay ka?" Napaangat yung ulo ko nun at nanlaki ang mata. Walangya talaga 'tong lalaking 'to, gusto talagang sirain ang araw ko. "Talaga?" napatingin naman ako kay Warren. OH NOES!! What to do!? What to do?! "H-huh? Ah-ano eh..." napakamot na lang ako sa batok ko at huminga ng malalim, "Oo.. meron nga." tingin ko pwede na akong kumandidato sa Tomato Awardee. Ang init na talaga ng mukha ko! Sobra na atang pula 'to. Dumagdag pa yung pagtitig sakin ni Warren na naghihintay ng sagot ko kanina. Hindi kaya ako magvanish ng bigla-bigla? Feeling ko matutunaw na ako sa hiya eh. Tiningnan ko naman siya, mukha siyang masaya nang malaman niyang meron nga akong ibibigay sa kanya kaya.. "Ahm.. K-kukunin ko lang ah? Sige!" then tumakbo na ako papunta ulit sa loob. Kelangan ko ring mahimasmasan ang sarili ko kasi sobrang ang init na talaga ng mukha ko. Pagkapasok ko, nakita ko namang nagliligpit na si Louie ng chess board tapos... nakangiti? Tiningnan ko lang siya saglit at ganun din siya, ngumiti lang sakin ang loko. Napailing naman ako kaya umakyat na ako para kunin yung mga cupcakes sa kwarto ko. Nasapian ata ng hindi magandang espirito ang kapatid ko eh. Pagkakuha ko nun, tumakbo na kaagad ako pababa. Pero sinilip ko muna ang itsura ko sa salamin, nakapambahay nga pala ako! Sana pala hindi na muna ako nagbihis kung alam ko lang na darating pala siya. Nahiya naman ako kaya inayos ko muna ang sarili ko, nagpulbo ng konti, nagpabango at nagsuklay, then lumabas na ako ng bahay. Nung nandun na ako sa gate. Napastop na lang ako bigla nang di sinasadyang marinig ko silang nag-uusap. "Happy Birthday dude." napalingon ako kay Warren. Tama ba ang narinig ko?? "Thanks... Happy Birthday din." "Birthday niyo??" parehas silang dalawa napatingin sa'kin. Demmet... I'm doomed. ... ... "Lei, ano gusto mo?" napatingin lang ako kay Warren. "Ge kahit ano na lang." "Waiter, meron po ba kayong dish dito na KAHIT ANO?" aba't loko 'to ah, inemphasize pa talaga ng kumag na 'to? Natawa naman si Warren kaya siya na lang rin ang nag-order para sa akin. Oo, andito kami sa isang restorant ngayon sa labas ng village. Inaya kasi ako ni Warren para i-treat daw ako. Pero sumama naman yung asungot. Tsk. Okay na eh. Date na nga sana namin ni Warren 'to eh, nakiepal na naman. -.- Nung umalis na yung waiter, napatitig lang ako sa dalawa. Nasa tapat ko kasi sila. "O bakit ka ganyan makatingin?" hinimas niya naman yung chin niya, "Ang gwapo ko ba?" tinaasan ko lang ng kilay si Ken. Ang kapal talaga ng mukha nito. "Di nga... Birthday niyo talaga?" hanggang ngayon pa rin kasi, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na birthday nilang dalawa ngayon. Kanina pa ako paulit-ulit pero di pa rin talaga nagsisink-in sa utak ko yung thought na 'Birthday nila ngayon.' Parang... ang cool. "Oo nga! Ang kulit mo." si Ken na ang sumagot, si Warren naman, tumawa lang ng mahina. So okay.. so birthday nga talaga nila. Intindihin mo na Lianne! Tumango-tango na lang ako. "Salamat sa gift." then inangat niya ng bahagya yung box of cupcakes na gawa ko. "You're welcome. Salamat din sa flowers." wala naman akong maiiaangat kasi iniwan ko naman sa bahay yung bigay niya. Iangat ko na lang yun mamaya. LOL. "Ang daya. Ako walang gift." tiningnan ko naman si Ken. Kaya pala papansin 'to kanina kasi birthday niya eh. "Di mo naman kasi sinabi sa'kin. Pinainit mo lang yung ulo ko ngayong araw na 'to." napakachildish niya ngayon, swear. I can't believe it na kaya pala ng isang bugnutin at isa't kalahating mayabang na si Ken ang magpakachildish at maging sobrang makulit. Tiningnan niya lang ako sabay siko kay Warren. "Pre masarap yan. Penge ako ah." sinamaan ko naman siya ng tingin. Nako! Kay Warren yan eh! Ba't siya manghihingi?? "O." then inabot ni Warren sa kanya yung box. HAAAA! Wala na!! Binigyan na siya! Dumating na rin yung inorder namin. Natuwa naman ako kasi parehas talaga kami ng inorder ni Warren. "Hoy." tinapik niya ako. Tsk, haba naman ng kamay.. "Sa pagkain ka tumingin hindi sa kanya. Tao siya, hindi ulam." sinamaan ko naman siya ng tingin. Buti na lang bulong lang yun at hindi narinig ni Warren, medyo magkatapat kasi kami ng kumag na 'to eh. Tsk. Nahuli niya pa akong nakatitig kay Warren habang busy na kumakain. Nung natapos na kaming kumain at lahat, umalis na kami. Past 11pm na at medyo matagal din kaming nagstay doon kasi resto bar yung pinuntahan namin at may kumakanta sa stage kaya nanuod muna kami. Nagiguilty nga ako habang nanunuod eh. Eh kasi ako, pinanuod kong kumanta ang mga hindi ko kilala samantalang yung mga kaibigan ko, na-indyan ko. Yare talaga ako sa Monday nito! >.< "Dali na. Kahit saglit lang." Naglalakad na kami pabalik sa loob ng village. Actually masakit na nga yung paa ko kasi naglakad lang kami mula pagpunta dun hanggang pag-uwi eh. Naman men!! Ewan ko nga kung paano ako nakakatagal nito gayong may kasama akong dalawang mahahaba ang paa at ang bibilis maglakad. Parang tinatakbo ko na nga eh. "Wag na, saka na lang. May kasama tayo oh." napatingin naman ako kay Warren. Nasa gitna nila ako eh. Ano ba 'tong pinag-uusapan nila ni Ken? Hindi ko magets. Tiningnan naman ako ni Ken. Actually, nakayuko siya kasi mas maliit ako sa kanya, e di siya na!! "Sus. Okay lang yan." then tumingin ulit siya sa harapan. "Wag na nga. Ang kulit nito." feeling ko naiirita na si Warren pero nung tiningnan ko naman siya parang hindi naman kumunot yung noo niya o kung ano, "Sa 16 na lang. Kasama na natin sina Jake at Josh." ooh. Now I got the idea. Napaatras naman ako ng konti at nauna sila. Tumigil naman si Warren sa paglalakad at lumingon sa'kin. "Bakit Lei?" Ngumiti naman ako, "Kung magpupunta kayo ng bar, okay lang." oo, dapat kasi magsasaya sila ngayong dalawa kasi birthday nga nila tapos ako pa ata ang nakasagabal sa pagpunta nila doon. "O, okay naman daw pala e. Tara." hindi naman pinansin ni Warren si Ken at naglakad na siya papunta sa akin. Huh? "Tara, hatid na kita." then hinawakan na niya yung wrist ko. Parang bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko for the nth time. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad. ... Malapit na kami sa street namin at hanggang ngayon, nagrereklamo pa rin si Ken. "Tss. Kainis." Kanina pa siya ganyan at kung anu-ano pang pinagsasabi. Hindi nga lang siya pinapansin ni Warren eh at mukhang natatawa lang. Ako naman, dahil sa time ko na rin para makabawi sa kanya dahil sa mga kalokohang pinaggagawa niya sa akin ngayong araw, binebelatan ko lang siya sa tuwing napapatingin siya sa'kin. "Salamat sa paghatid. Salamat din sa treat." nandito na kami sa tapat ng gate ng bahay namin. Kinikilig nga ako sa tuwing naaalala ko yung mas pinili niya akong ihatid kesa uminom sila sa bar ngayong gabi. And as usual, ngumiti siya sa akin, "Wala yun. Salamat din." pinipigilan ko lang talagang maglabas ng ngiti. Kinikilig ako eh! "Sige, Happy Birthday na lang ulit. Goodnight." then tinaas ko yung kamay ko para magwave. "Thanks. Goodnight Lei." Nauna na siyang naglakad. Si Ken naman nakasimangot pa rin sakin kaya ngitian ko na siya at hindi na inasar pa tutal birthday niya din naman ngayon eh. "Happy Birthday Ken." then pumasok na ako sa loob. Ngumiti na lang ako sa bahay kasi ngitian niya rin naman ako. Well, that’s much better for us kesa naman sa mag-end ang day namin na parehong nakasimangot. Chapter 61: I Don't Know Lianne's POV Wala namang masyadong nangyari nung Saturday at gumawa lang kami ng project ni Ken. Nakoo, dahil hindi na naman niya birthday nung Saturday, bumalik na ulit siya sa pagiging mas mainitin ang ulo kesa sa akin at nuknukan ng kayabangan. Nakakastress nga eh. Dumagdag pa siya gayong gahol na kami sa oras dahil next week ng Friday na namin ipepresent yung 'bonggang' presentation namin. "Lianne, Louie, let's go na." Umalis naman kami sa bahay pero hindi namin kasamang magsimba si Manang dahil marami pa raw siyang gagawin. Kaya kami na lang. Sinabi ko rin kay Mama na may malapit na church dito. Dun sa pinuntahan namin ni Warren dati? Yun. Dun kami pumunta. Dati kasi sa malayong simbahan kaming nagsisimba where in lumalabas pa kami ng village. Maaga kaming nagpunta ng church and one hour or so, natapos na din naman yung mass. Halos 12nn na rin siguro kami nakauwi nun kasi nakipag-usap pa si Mama dun sa pari at iba pang mga catechist dun sa church. Yea, may pagreligious talaga ang family namin. Hay, namimiss ko na nga rin si Papa. Nung bandang hapon naman, natulog lang ako. Aba, nakakapagod atang mag-isip at gumawa ng ibang school works no. Medyo madilim na din nung nagising ako eh 5:38pm pa lang naman. "Manang, lalabas lang po ako ah. Magpapaload lang po." "O sige, hija." Lumabas naman ako at nagpunta sa loading station. Nakalimutan ko kasing magtext kina Tine pagkatapos ng hindi ko pagsipot sa kanila nung Friday night eh. Lagot na talaga ako nun. Nung pabalik na ako, may tumawag naman sa akin kaya lumingon ako. "O, Jake." lumapit naman siya sa akin. Ano namang ginagawa niya dito? "Musta?" "Okay naman. Ikaw?" "Ayos lang rin." Sinabi ko sa kanya na pauwi na ako kaya sumabay na siya sa akin. Papunta daw kasi siya sa bahay nila Ken. Nung papasok na ako sa may gate, may bigla na namang tumawag sa'kin. Akala ko naman si Jake ulit kasi tinawag na naman niya akong "Lei" kanina na ilang beses ko na nga siyang pinagsabihan na wag nga niya akong tawagin nun pero makulit talaga ang lahi kaya hinayaan ko na lang. Paglingon ko, nagulat naman ako sa nakita ko. "O, Warren." Ewan. Ang gwapo niya ngayon. Eh?? What's new? Everyday naman Lianne eh! Oo na, Alisson. -__- Lumapit siya sa gate then, ngumiti ulit. Ewan ko ba dito sa gwapong nilalang na 'to, nakaglue na ata yung smile sa mukha niya eh. "Hey, wanna come with us?" Napaisip naman ako dun... Saan naman? "Saan?" "Nagkayayaan kasi yung barkada. 'Lam mo na. Belated celebration na din kasi hindi sila nakasama nung 14." Napakagat naman ako ng labi nun. Di ako nangseseduce ah, nag-iisip kasi ako. Hindi ba nakakahiya yun? Kasama niya yung mga barkada niya tapos... tapos, kasama ako? To think na mga lalake pa yun at malamang... kasama nila mga girlfriends nila kung meron man. Pero—Eh di ibig sabihin nun, parang ganun ka na rin Lianne! Ayy ano ba yun, kinilig na naman ako. "Sige." ... ... Palinga-linga lang ako. Tingin ko mali ata yung sumama ako eh. "Okay ka lang, Lei?" Napalingon naman ako kay Warren then tumango lang. Actually, hindi talaga ako okay. Kinakabahan ako eh. Andito kasi si Jake. And malamang lamang, pupunta rin si Ella. WAAAH!! Kinakabahan ako kasi hindi ko nga sila sinipot tapos makikita ako ni Ella dito kasama ang mga lalakeng 'to? Well okay lang rin naman kasi andito si Warren. Pero hindi eh! Inaaway ako ng subconcious ko kasi ang bad bad ko. :( Nakatingin lang ako kay Jake, nakahawak siya sa cellphone niya at malamang, tinatawagan na niya si Ella. OH MY. Kelangan kong magpakaselfish ngayon at ipagdasal na wag sumipot si Ella. Double dead meat talaga ako sa Monday pag nangyari yun. "Hello Ella." ayan na!!! Medyo tumingin ako sa ibang side para ilapit ang tenga ko kay Jake. Circular kasi yung pwesto namin kaya parang magkatapat na din kami. Kelangan kong mag-eavesdrop ngayon. "Ha?" nag-iba expression ni Jake. Yung kaninang nakasmile eh parang... "Okay... Sige. Babye... Wait!" then tinakpan niya yung bibig niya kasama yung phone, "I love you and I'll wait for you no matter what." Makakahinga na sana ako ng maluwag nun kaso narinig ko yung huling sinabi niya na hihintayin niya daw si Ella. What was that supposed to mean? WAAAA! Hindi ko alam. "Kanina ka pa dyan hindi mapalagay. Are you okay?" tumingin naman ako kay Warren, then sa baba. Nakahawak siya sa taas ng kamay ko. Chansing ba yun? Pero okay lang. Lol. "Y-yeah." di ako makitingin ng diretcho, "I'm fine." Just be ready Lianne. Fight. Fight. FIGHT! Ken's POV "Punta lang ako ng washroom ha?" "Sige, ingat." Then tumayo na si Lianne. Hindi ko naman maintindihan kung bakit siya nandito. "Dude." lumingon naman agad sa akin si Warren. "Yea?" Umayos ako sa pag-upo at naglean sa table, "Do you have feelings for Lianne?" seryosong tanong ko sa kanya. Prangka kung prangka. Kelangan straight to the point para magkaalaman na din. Ngumiti ang loko at parang nag-isip, "I don't...know. Bakit?" Parang nainis naman ako dun. Hindi niya alam eh bakit kasama niya lagi si Lianne?!? Alam kong heart breaker din ako at ganun din siya. Kaibahan nga lang, hindi niya naman alam na nakakasakit na pala siya dahil sa mga ipinapakita niya. Ano na lang mangyayari kay Lianne? It's not that I'm concerned or anything pero ayoko namang masaktan yun dahil kinakapatid ko nga siya. Isa pa... ayoko rin siyang makitang umiiyak. Bago pa ako makapagsalita ulit, dumating naman bigla si Josh. "Uyy! Musta?" at tulad ng mga ginagawa namin dati, bugbugan muna bago umupo. "Langya ka Josh, ngayon ka lang nagpakita sa'min." sabi ko then uminom ng konti. "Well... Busy eh." tapos lumingon siya sa gilid. Napalingon din naman kami dun sa tabi niya, may kasama pala siya. "Guys, I would like you to meet Dia." lumingon ulit siya, "My girlfriend." narinig naman namin siyang umaray kaya nagtawanan kami, "Este my future girlfriend pala." Nag-hi naman kaming lahat sa kanya then biglang lumabas, este bumalik pala sa upuan si Lianne at tumabi kay Warren. "Girlfriend mo?" natawa naman kami sa expression ni Josh. Late na nga pala 'to sa balita. "Uy, gagstu. Late ka na kasi e! Huli ka na sa mga bali-balita." sabi naman ni Jake sabay batok kay Josh. "Aray! Masakit yun ah!" tumawa naman yung 'future girlfriend' niya daw na si Dia. "De, kinakapatid ko yan, si Lianne. Asa ka naman dyan kay Warren." medyo seryoso na naman ang pagkasabi ko nun. Si Lianne, mukhang naguguluhan. "Ah.. Sa bagay." tumango-tango lang si Josh. "Nga pala, Dia si Lianne. Lianne si Dia, girl—I mean, FUTURE girlfriend ko." "Hello." kumaway naman si Lianne at ganun din si Dia sa isa't isa. Uminom lang kami ng may kasamang kwentuhan. Yung dalawang chicks este girls na kasama namin na sina Lianne at Dia eh humiwalay. Andun sila sa may stool at nagkukwentuhan lang, di naman sila umiinom. Ayos din kasi at least nakakapagkwentuhan ng kung anu-ano nang di naa-out of place yung mga yun. "WAHAHAHA! G*go ka pare! Sabi na sa'yo eh gumaya ka kasi sa'min, matino na kami ni Jake oh!" tapos sinakal niya naman sa braso niya yung leeg ni Jake. "Tange! Matagal pa ata mangyayari yun!" sabat naman ni Jake. Si Warren naman nakikitawa lang. Nakwento ko kasi yung nangyari sa amin ni Celine na sobrang galit sa akin to the point na nagsumbong pa siya sa mga ka-frat niya at sinubukang bugbugin ako. Langya kasi 'tong si Josh e, walang kwenta. Lagi kasing wala. Natigil naman kami sa pag-iingay nung nagkaseryosohan na. "Saan nga pala si Ella? Akala ko pa naman kasama mo." biglang tanong lang ni Warren na kanina pa hindi nagsasalita at ngumingiti lang. What do you expect? Sumeryoso naman ang mukha ni Jake at saka lumagok sa shot glass, "Yun nga eh.. Nasabi ko na sa kanya 'to matagal na at pumayag naman siya pero nung tinawagan ko siya kani-kanina lang, hindi na daw siya makakapunta. Busy daw eh." "Sus. Baka naman nagbago na isip nun at di ka na talaga babalikan." langya talaga 'tong si Josh, pang-asar. "G*gu! Tigilan mo nga 'ko!" binatukan naman siya nung isa pang kumag. Nakikita ko namang palinga-linga sa side namin sina Lianne at Dia sa side namin. At tulad nga namin nga namin, nag-uusap sila sabay tawa. Well, that's kinda... weird. Napansin ko namang maganda 'tong si Dia. Type ko nga eh pero walang talo-talo, madedo pa ko ni Josh. Ayos nga 'tong mamingwit si Josh eh. "Nice catch, bro." sabi ko sa kanya. Tumawa lang si loko na parang kinilig. Antae. Lianne's POV Kanina pa kami nagkukwentuhan ni Dia dito. Infairness to her, ang bilis naming maging close sa isa't isa. Ang dami ko na ngang nakukwentong kahit ano eh, random things at kalokohan. Nachismis ko na nga si Ken eh. HAHA :P Ang daldal ko kasi at ang gaan talaga agad ng loob ko sa kanya. Ganun din naman siya. I think. "Eh kayo ba ni..." nag-isip muna siya then tumingin sa pwesto nung mga guys, tumingin din ako. "Yun oh. Yung katabi ng kinakapatid mo." tinuturo niya si Warren. "Ah, si Warren? Bakit?" bakit? Anong meron kay Warren? "Anong meron sa inyo?" oh.. wrong question. Ano daw meron sa amin. Meron bang 'meron' sa amin? "Ha? Wala naman..." di na ako nag-isip nun. Wala naman talaga eh. How I wish na meron. Lols. "Oh?" kumunot naman ang noo niya, "Akala ko naman may something kayo. Kanina kasi kahit ako, napagkamalan rin kitang...alam mo na." "Huh?" anong alam ko? Di ko gets. "Kanina kasi nung pagkarating mo, akala ko girlfriend ka niya." Napadilat naman ako dun. Girlfriend...ako? Nino? Ni Warren? Omg! How I wish lang talaga. Naalala ko nga rin eh, napagkamalan din kasi ako nung isang kabarkada nila na si...sino nga ba yun? Josh ata. Ah basta. Nagulat nga ko kanina na parang gusto ko na lang ulit bumalik ng washroom para magbawas... Magbawas ng pula sa mukha. DUH! Nahiya kaya ako dun no! Napabuntong hininga naman ako ng sobrang lalim, "Wala no, at hindi." Hay. Magkakaroon ba ng 'meron' sa amin? I DON'T KNOW. Ngumiti na lang ulit ako kay Dia nun at yumuko. "But I like him. As of now... I like Warren so much." Chapter 62: Stupid Thing Lianne's POV Monday came and as I have expected... Hindi nga ako pinapansin. "Babe.." Kanina ko pa siya tinatawag, kinukulit at kung anu-ano pa, pero wala eh. Hindi niya talaga ako pinapansin o kinakausap man lang. "Tine naman.." Nakatingin lang siya sa harap at nakikinig sa prof. Buti nga hindi kami napapansin ng prof namin e habang nagtuturo. Ilang beses na kasi ako nagsosorry sa kanya simula pa nung pagpasok ko ng 7am at hanggang ngayon... malapit ng maglunch break. Hay. "Okay, class dismiss." Mabilis siyang tumayo nun at saglit lang eh nakalabas na siya sa room. Hindi ko alam... grabe pala talaga ang nagawa ko, to the point na sobrang galit o tampo na talaga sa akin si Tine eh isang sorry ko lang naman sa kanya dati eh bati na agad kami. WAH! Feeling ko tuloy ang sama-sama kong nilalang sa mundong ibabaw... :( Lumabas na ako ng building nun... mag-isa. Iniwan ako ni Tine eh, kaya mag-isa na lang akong pupunta sa UTMT para puntahan sila. Hay. Baka lahat sila masama ang loob sa akin... :( Nung malapit na ako sa UTMT, huminga muna ako ng malalim. Kelangan kong maging ready. Baka itakwil na nila ako eh. Or so.. I'm just exaggerating. Nung konti na lang ang lalakarin ko eh napansin ko na parang hindi ko sila nakikita. Hala. Invisible na ba sila?? "O, Aya." buti si Aya hindi. Isa pa rin siyang mortal at walang super powers na may kakayahang hindi magpakita sa'kin, kung di... ewan ko na lang. "Ano ne Rian-chan." nakangiting bati sa'kin ni Aya. Kahit di ko pa maintindihan yun, siguro 'Hi' o 'Hey' na rin yung ibig sabihin nun. Ngumiti ako at lumapit sa kanya then niyakap siya. Naiiyak na nga ako eh. Bakit kasi siya lang ang nandito? "Aya... Sorry. Sorry talaga." yun na lang ang nasabi ko. Dapat kasi sabay-sabay akong magsosorry sa kanila eh kaso wala naman sila dito. Hay... Sinadya ba nila yun? "Hey, it's okay. Hindi naman kami galit sayo nung hindi ka pumunta eh." hinihimas-himas na niya ang likod ko. Naiyak na kasi talaga ako nun. Hindi ko na napigilan. Humarap naman ako sa kanya at nagpunas ng luha, "Eh... e bakit wala sila dito? Siguro ayaw lang nila akong makita?" para akong bata nun na hindi ko maintindihan. Ang sakit lang kasi sa puso kapag iniiwasan ka ng mga kaibigan mo eh. "Ano ka ba." pinunasan ni Aya yung pisngi ko. "Medyo busy kasi sila ngayon. Kung tatanungin mo kung nasaan sila, nasa kani-kanilang building pa sila. Start na kasi ng paggawa ng mga projects at malapit na ring mag-Finals kaya ayun, wala sila dito." Gumaan ang loob ko nun nung sinabi sa akin ni Aya kung bakit nga sila wala. Che-tyempohan ko na lang siguro sa susunod na kausapin sila pag hindi na masyadong busy. Sabay kaming kumain nun ni Aya sa cafeteria. Buti nga eh at may kasama pa ako. Hindi kasi ako sanay ng hindi sila kasama. Lalo na si Tine... "Pero bakit ganun?" napatingin naman sa akin si Aya, "Bakit si Tine iniiwasan ako at hindi kinakausap? E hindi naman kami parehong busy..." napayuko na lang ako nun. Bakit? Alam ko naman na hinintay niya ako at ineexpect niya talaga na pupunta ako pero... Hay. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Aya at parang nag-isip. "Shiranai..." umiling-iling siya at huminga siya ng malalim, "Pero nung Friday night din, nakita ko siyang umiyak." Napasinghap naman ako doon. Umiyak? Bakit siya umiyak? Teka... bihira lang siya umiyak eh. Bakit? "Baka yun yung dahilan kung bakit siya umiiwas." Hindi man directly na sinasabi ni Aya, nagets ko rin naman. Wala kasi ako sa tabi niya.. Nung sumunod na araw, sinubukan ko ulit siyang kausapin. Kahapon kasi dun sa afternoon class namin, hindi kami magkatabi. Sumakto pa na terror prof namin nun kaya behave talaga ako. "Tine saglit lang!" hinabol ko siya sa hallway. Ang bilis niya kasing maglakad eh. Halata talagang umiiwas siya. Nung naabutan ko na siya, hindi ko na talaga siya pinakawalan pa at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Ano bang nangyayari sayo? Patawarin mo na ako oh. I regret it for not coming that I night. I'm sorry.." napayuko ako, "I wasn't there nung umiyak ka.." and there, naiyak na talaga ako nun. Tinanggal niya yung mga kamay ko sa balikat niya... Sumunod na nalaman ko na lang eh... "I'm sorry." niyakap na niya ako. Tine's POV Hindi dapat ako maging ganito sa bestfriend ko. Hay. Paano ko natiis na maging ganun kami kahapon? I really regret it. "Sorry B.." parehas na kaming umiiyak habang magkayakapan. Pinagtitinginan na nga kami eh but who cares? Namiss ko talaga siya. "Sorry din Babe. Alam ko namang masama talaga loob mo nun eh. Sorry.." "Sshh. Apology accepted. Sorry din dahil naging harsh ako sayo at nagpahabol-habol pa." "Sshh din. Apology accepted, too." Natawa na lang kami parehas nun at kumalas na sa pagkakayakap. Medyo magaan na yung pakiramdam ko nun dahil nga okay na ulit kami ni Lianne. Pero masakit pa rin ang puso ko. Bumaba na kami para magpunta ng cafeteria, lunch na rin naman kasi. "Busy talaga lahat no? Ang dami siguro nilang projects and stuff." Kumakain na kami Lianne. Wala kasi yung iba eh, busy. Buti na lang kami ng bruhang 'to, hinde. "Parang ang swerte nga natin e, wala tayong masyadong ginagawa." "Ikaw lang yun no. May project kaya ako na magpahanggang ngayon, hindi pa tapos." kumunot naman yung noo ni Lianne, sobra sigurong namomroblema 'to. "Bakit? Akala ko ba this Friday niyo na ipapasa at ipepresent yan? Ba't di pa tapos?" "Eh kashi.." lumunok muna siya, "Nakakabadtrip yun si Ken eh! Reklamo ng reklamo. Ang dami pang pinagpabago. Malapit na ata akong magkaputing buhok dahil sa kunsumisyon sa kanya." halata ngang kunsumido siya. Tumawa naman ako, "Talaga? Bugbugin ko yun eh." "Sige Babe, bugbugin mo yun." nakanguso na siya nun, "Lagi akong inaaway nun eh. Ang lakas pang mang-asar." Nagtawanan lang kami parehas at kumain na ulit. "Ikaw." tinuro naman ako ni Lianne ng tinidor niya. "Bakit?" napataas naman ako ng kilay nun, loka-lokang babaeng 'to. Then naglean siya sa table, "Bakit ka umiyak nung 14? Nakwento kasi sa akin ni Aya na nakita ka daw niyang umiyak nun. What happened?" seryoso ang itsura niya. Ano ba ang sasabihin ko? Ano ba ang nangyari? Kinalimutan ko na yung gabing yun eh... "Mm... Wala naman." "Anong wala?! Ikaw Babe ha..." huminga siya ng malalim, "May tinatago ka na sa'kin." Napayuko rin naman ako nun. Hindi ko naman ata kayang sabihin sa kanya yung dahilan. Parte siya nun. She's one of the reasons why I cried that night. I don't have the guts to tell it to her. I'm still hurt. "Wala..." huminga ako ng malalim, "Nakita ko kasi si Matt nun kaya ganun." Sorry B.. I'm sorry Lianne. Hindi naman talaga yan yung dahilan eh. Nakita ko siyang tumayo at umupo sa vacant seat na katabi ko. The next thing I know... she hugged me. "Babe, sorry talaga.. I'm sorry that I wasn't there to comfort you... to be there for you when you're hurt." kumalas siya sa pagkakayakap then she held my hands, "Well.. moving on really takes time. Basta bigyan mo lang ng time ang sarili mo.. then you'll be over it." Ngumiti lang ako sa kanya. I admit, nung gabing yon eh nakaramdam ako ng sama ng loob kay Lianne. Ewan ko kung bakit... Siguro dahil na rin sa dissappointment ko nun kaya ganun. Now I'm telling her the wrong reason kung bakit ako umiyak. Hindi ko kasi kaya eh... O hindi ko lang talaga matanggap na iba talaga ang dahilan? Ewan. I've been stupid that night. REALLY STUPID. And I must say na mas grabe pa ang iniyak ko nun at sakit na naramdaman ko kesa sa isang araw na pag-iyak ko ng dahil kay Matt. Ewan... Di ko kasi talaga matanggap at hindi ko rin talaga ineexpect. Naramdaman ko na lang yun bigla. Because that night, I just realized one stupid thing... ...that I already have feelings for Arkin De Vera and I'm still can't believe that I do. Chapter 63: Malamig Lianne's POV Maaga na akong umuuwi this past few days at Thursday na ngayon. Hindi ko pa nga rin naaabutan ngayon sina Arkin doon sa tambayan namin eh. Hectic talaga ang sched ngayon dahil sabay-sabay nagbigay ng mga projects yung mga monster naming profs. Tch. -.- "Malapit na ba tayong matapos? Inaantok na ako eh!" Tiningnan ko lang ng masama si Ken. Itong kumag na 'to, ang sarap pilipitin ng leeg eh. Ang daming reklamo eh samantalang parang ako lang ata yung gumagawa dito. Lagi na nga akong napupuyat nung mga nakaraang araw eh. "Alam mo kesa tingnan mo ako ng masama dyan eh tapusin mo na yang ginagawa mo nang makauwi na ako." then humiga ulit siya sa sofa. Ang kapal talaga eh no? Kahit moral support man lang, WALA!! Sheesh.. -___- Nagpatuloy pa ulit ako sa pagtatype and edit. Nanlalabo na nga ata 'tong mata ko eh. Halos sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh nakaharap lang ako sa laptop pagkauwi ko, tapos kasama ko pa 'tong reklamador, maarte, at walang kwentang kumag na kinakapatid ko. I should be the one who's acting like that since I am the lady here, but unluckily, it's one way or another at siya 'tong feelingero. Tskkk. "Wag mo ngang itapat sa akin yung fan! Malamig eh!" inis kong sabi kay Ken. Yan lang yung ginagawa niya eh, ang mang-inis at mang-asar. Grr. "Malamig? Eh ang nasa number 1 na nga yan e tapos ang init init pa! Buksan na lang kasi natin yung AC niyo." "Eh! Ayoko nga e! Malamig!!" "E di magjacket ka!" then tumayo na siya at binuksan nga yung AC. Errr. Badtrip talaga 'to!! Hindi na ako nakipagtalo sa kanya at nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko. Tinamad na naman ako eh, inaantok na din. "Brrrrr." from time to time ata napapahawak ako at hinihimas-himas yung dalawang braso ko. Ang lamig talaga eh! Parang pati mga lamang-loob ko, nanginginig din! "Hey." napatingin naman ako kay kumag, "Are you okay?" seryoso yung itsura niya. Buh.. nagtatanong na siya ngayon ha? "Patayin mo na nga kasi yung AC! Malamig eh!!" inis na sabi ko ulit sa kanya. Tiningnan niya lang ako tapos saka siya tumayo at pinatay na nga niya. "Hay salamat!!" then I rolled my eyes. Tsk. "Bilisan mo na dyan!" humiga naman siya ulit. "Batugan." bulong ko. Nasa kalahati na ako ng last part ng presentation namin. Kinakabahan na nga ako eh. Friday na kasi bukas at ipepresent na namin 'to!! Gabi na nga eh. Baka magpupuyat na naman ako nito. Hay.. poor me. Habang nagtatype, parang bigla naman akong nangalay at ang lamig parin.. Tumayo muna ako. Nakita ko naman si Ken, tulog na ang loko. Nakatakip pa nga sa mukha niya yung isang libro na inii-scan niya lang, di naman kasi yun mahilig magbasa. Tsk.. ang kapal talaga ng mukha nun. Siya ipagpresent ko bukas eh!! Hmp. Nung nakarating na ako sa kitchen, kumuha ako ng tubig, pero hindi malamig. Nilalamig nga ako di ba? Pagkatapos kong uminom eh ibababa ko na sana. Kaso bago ko pa mailapag yung baso, di ko sinasadya... ayun, nabitawan ko. "Ano nangyari?!?" biglang napatayo si Ken at nataranta. Palinga-linga siya sa paligid niya. Yung baso naman, ayun, basag na. Nakakalat lang sa sahig. Napahinga na lang ako ng malalim nung lumapit si Ken sa'kin, "Nabitawan ko eh.." sabi ko sabay yuko para kunin yung mga basag na baso. "Okay ka lang ba talaga?" then pinatayo niya ako at seryoso ang itsura niya. Hindi ko naman siya sinagot. Napatingin lang ako sa kamay ko na nanginginig. Nagulat naman ako nung biglang idinikit niya yung kamay niya sa noo at leeg ko. Kaya napaatras ako ng kaunti at tumingin ulit sa kanya. "Sh1t.. May lagnat ka! Bakit 'di mo man lang sinabi??" hindi pa man ako nagsasalita eh hinigit niya lang ang kamay ko papunta sa sala at saka ako pinaupo. "Umupo ka dyan. Ako na magliligpit nun." tapos umalis na siya. Hindi na ako nagsalita. Umupo na nga lang ako tulad nga ng sinabi niya. Grabe, 'di ko alam na may lagnat na pala ako. Kaya naman pala nilalamig at nangangalay yung buong katawan ko eh. Tsk... Bakit ngayon pa? May tatapusin pa akong project eh. Naman oh. :| After a minute or so, bumalik na ulit siya at tinanong ako kung saan yung lagayan ng gamot namin at kung gusto ko ba daw ng soup o kung anuman ang gusto kong kainin. Mukha nga siyang natataranta eh, halata mong hindi niya alam kung ano ang gagawin. "No, it's okay." then I waved my hand, "Aakyat na lang ako sa taas para magpahinga. Tatawagan ko na lang rin sina Mama na masama ang pakiramdam ko at sila na lang siguro ang bahala sa akin." wala kasi sina Mama ngayon eh, kasama niya si Manang. Ewan kung saan nagpunta yun. Si Louie naman, nandoon sa bahay ng classmate niya, mag-oover night daw siya dun. "Pero--" di ko naman siya pinatapos magsalita. "Oh, yung presentation ba? Tatapusin ko na lang yun mamaya pagkagising ko. Magpapahinga lang ako, mawawala rin 'to." then I managed to put a smile. Gosh.. I'm feeling weak. Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad. Yun nga lang, feeling tipsy at biglang nanlabo yung paningin ko. Then, the next thing I know... para na akong nakalutang. Teka, b-binuhat niya ako? "Pa-smile smile ka pa dyan eh hindi mo rin naman pala kayang maglakad." And that was the last words I heard from him, then all went black. ... ... Pagkadilat ko ulit ng mata ko, andito na ako sa kwarto ko. Tumayo naman ako at napahawak sa ulo ko. Medyo hilo pa rin ako pero okay na din naman ang pakiramdam ko. Hindi na ako nilalamig. Nung hinanap ko yung cellphone ko, may nakita akong basin na may bimpo. Napatingin naman ako bigla sa bintana then sa wall clock. "OH MY GOD." Tumakbo kaagad ako pababa ng hagdan. Di na baleng mabinat! WAAAH!! Lagot ako nito!! "O, anak. Ano nangyari sayo? Ba't natataranta ka?" Hindi ko na nasagot si Mama at lumapit kaagad ako sa center table sa sala namin at kinuha sa ilalim yung laptop. WAAAAAAAAAAH!! Hindi ko pa tapos yung project!!! >__< "Lianne, kumain ka muna ng breakfast. Mamaya na yan." "Mamaya na, Ma! Oh my God! Hindi ko pa natatapos yung project namin!!" I really don't know what to do. Ni hindi ko na nga maiopen ng maayos yung laptop eh! Then, may bigla kong naalala. Anong oras ba yun?! Gaaahd! I REALLY DON'T KNOW WHAT TO DOOO!! >__< Tumakbo na naman ako paakyat sa room ko. Naligo saglit at nagbihis kaagad. Then baba ulit para tapusin yung project. Gaaaa! 2 hours na lang before 1pm!! "Lianne, kakagaling mo lang sa sakit bakit ka naligo?!" narinig kong sabi ni Mama sa dining area. "Ma, kailangan eh! Papasok pa ako! At tska kelangan ko na 'tong tapusin at pasahan na namin ngayon," binuksan ko naman yung laptop at medyo nainis naman ako, "Bakit nga po pala hindi niyo ako ginising kaagad? Hindi po ba kayo tinext ni Ken na kailangan ko 'tong tapusin?!" nakakainis! Kahit man lang gisingin ako ng madaling araw, hindi pa nagawa! Errr! I think I'm going crazy here! OMY. Paano na kaya 'to?! "Tinext niya ako kagabi," lumapit sa akin si Mama, "Sabi niya wag na daw kitang gisingin at hayaan na lang kitang magpahinga." WHAATTT?! Eh sira pala talaga yung ulo ng taong yun eh!! "Eh baki--" "I'm not yet finish talking, okay?!" di na ako nagsalita pa at sumimangot na lang. "Just listen." tumango na lang ako. Wala na rin naman akong magagawa. Mukhang seryoso si mama. Tsk. "As I was saying, nagtext nga siya at napauwi naman kami bigla dito dahil sa pag-aalala sayo." huminga siya ng malalim, "Well, sorry anak kasi hindi kita naalagaan nun kasi halos madaling araw na kami nakauwi dahil nagkaroon ng accident sa highway and thank God okay naman kami." Naguluhan naman ako sa sinabi ni Mama. Hindi niya daw ako naalagaan? What is she talking about? Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng itatype ko dun sa mga write-ups namin. "So yun, thankful nga ako sa kinakapatid mo eh. He took good care of you and he never left you alone, lalo na daw nung nagdedeliryo ka na." Napatigil naman ako at napatingin kay mama. Oh my... Si Ken? For real?? "S-si Ken talaga?" sabi ko habang titig na titig kay mama. I really can't believe it. "Oo. Naabutan pa nga namin siya sa room mo eh. Kakatapos niya lang ata na pahigupin ka ng soup." Natulala na lang ako dun. Gosh... Hindi ko ine-expect 'to. Si Ken? Eh parang wala ngang alam sa pag-aalaga ng taong may sakit yun pero... I'm here, the living proof. Magaling na ako ngayon. "Umuwi na rin siya after nung sinabi ko na kami na lang bahala sayo. Hiniram nga rin niya yang laptop mo eh kasi daw nandyan daw yung presentation niyo. Kakabalik niya lang yan kaninang mga 6am. Siguro nagpuyat yung batang yun. Ang laki ng eyebags niya eh." Oh my... This is really unbelievable. Inopen ko yung file para sa presentation namin. Tapos nagscroll, and to my surprise... "Wow." that's all I can say. "So you should thank him." napatingin ulit ako kay Mama na ngayon ay nakangiti, "Kumain ka na para makapagready ka na papunta sa venue niyo." then she left. Tiningnan ko ulit yung kabuuan ng presentation. I can't believe it.. Nagawa niya talaga ang lahat ng 'to? Napangiti lang ako. Nung nasa last na slide na ako, napangiti pa lalo ako sa nabasa ko. "O, tapos ko na ah. Don't worry, I'm sure that we'll gonna be the winner because I made the best and awesome ending part." ang kapal talaga nito. Oh well, napangiti parin ako. "And don't you mind about attending the seminar-forrum. I'll tell Ms. Flores that you're not feeling well and you need to take a rest. Gagalingan ko na rin ang pagpepresent para hindi mo na ako awayin." Natawa na talaga ako nun, kaso bigla naman akong napastop at napasimangot dun sa last na sinabi niya. "May nalaman nga pala ako kagabi. MWAHAHAHA. Ikaw ha. Well, I will not tell it to you. It's a big big SECRET. WIDE EVIL GRIN." Napaisip ako... Ano naman kaya yun? Pero teka... Hala naman!! Baka totoo ata talaga yung kapag nagdedeliryo eh kung anu-ano nga yung mga nasasabi?? LAGOOOOT!!! >.< Chapter 64: What?! Lianne's POV Mabilis naman ako nakarating sa venue ng seminar-forrum slash competition na rin na aattend-an namin. And dun sa sinabi ni Ken? I definitely mind. Hindi ata pwede yun no. At isa pa, magaling naman na ako kaya okay lang yun! Kaagad naman ako pinapasok ng guard sa school nila. Yep, you got it right. Dito nga sa Trinity Institute gaganapin. Napasilip naman ako sa relo ko. And OMY! 5 minutes before 1pm na!! Nasaan na ba yung Auditorium nila?? Nagtanong-tanong naman ako sa mga nakakasalubong kong mga estudyante dito. At infairness talaga.. As in TALAGANG TALAGA eh ang susungit talaga sa akin. Tsss. Napatingin ulit ako sa relo ko, shemay!! Halos 30 minutes na pala akong nagpaikot-ikot dito?? Tssk.. BAKIT NAMAN KASI ANG DAMI AT ANG LALAKI NG BUILDING?!? Oh my gulay. May nakita naman akong group of guys. This is it. Umiiwas man akong makipag-usap talaga sa kahit sinong mga lalake dito eh wala na talaga akong magagawa. Err... malamang kasi may pinagmanahan 'to kay Ken eh. Tsk. "Uhh... Excuse me?" grabe, halos ayaw kong ipakita yung mukha ko sa sobrang hiya sa kanila. "Uyy, dadaan daw." sabi nung isang guy. Napaangat naman ako ng ulo. Eh may pinagmanahan nga, MGA ENGOT. Psh. "May itatanong lang po ako." sabi ko habang nakaharap na talaga sa kanila. Tiningnan naman nila ako. Yun ata yung ibig sabihin nila na, "Ano yun?" well, lima sila at ang wi-weird ng mga tingin nila sa akin na para akong alien. Napailing naman ako. Manang-mana talaga kay Ken. Tskkk. "Uhmm, saan ba dito yung Auditorium? Kanina pa kasi ako nagpaikot-ikot dito." tumingin naman ako sa paligid, "Kung bakit ba naman kasi ang laki-laki ng school niyo eh." sumimangot ako, "Sana naman naglalagay kayo ng mga maps dito para magagamit ng mga visitors slash outsiders tulad ko." then tingin ulit sa kanila. Nakita ko naman yung mga expression nila. Yung isa, seryoso. Yung dalawa sa gilid na magkaakbay eh nakangisi. Yung isa naman, walang pakilam. At yung isa pang matangkad eh may tinuturo lang. Mawe-weirduhan na sana ako nung may biglang nagbukas ng pinto at umingay then pagkasara eh tumahimik ulit. Tiningnan ko ulit yung kuya, pacool pa rin siyang nakaangat ang isang kamay at nakaturo. Teka.. MGA PIPI BA SILA? Kesa mairita pa ako, tiningnan ko na lang yung tinuturo nung lalake, and there... Dun ko lang narealize na ang bulag ko at kanina pa pala akong kinakalabit na nandoon lang ang hinahanap ko. Ang laki ng signage eh. Naka-all caps pa! AUDITORIUM. "Thanks!" nginitian ko sila. Tumingin ulit sila sa akin. Hmf! Ang weird ng mga taong yun. Tinatamad ba silang magsalita o barkadahan ng mga pipi talaga yung mga yun? Sayang lang, ang gagwapo pa naman. HAHA! Okay enough Lianne. Para ka na namang nagbo-boy haunting eh. (c/n: I'm planning to make a story for those 5 guys. Haha SANA :D) Pumasok naman agad ako sa loob ng auditorium. Napahinga naman ako ng sobrang lalim na yung tipong halos lahat ng hihingahing oxygen ng mga tao dito eh, aagawin ko na. GRABE EH!! Totoo nga yung sinasabi ni Mam Flores na parang International Seminar-Forrum nga ito! Ang dami kong nakikitang mga foreigners eh. More on students. May mga nakablack suit at mga corporate wear din, like me. Una ko kaagad na hinanap eh yung pwesto nila ma'am. At nagsisimula na naman akong lamigin. Not that I'm feeling cold and dizzy again, but I'M BEING NERVOUS HERE. Swear, it really gives me chills. Err, kinakabahan ako... Sa mga taong nasa paligid ko eh parang mga bigatin eh! Nung hindi ko na talaga mahanap, umupo na lang ako sa isa sa mga vacant chairs pero para pa ring humahaba ang leeg ko kakahanap sa kanila. "O, Lei!" wow? Baila, baila? May nagsasalita sa harapan tapos may sumasayaw dito? NICE. Napatingin naman ako dun sa side kung saan narinig yung word na, "Oley!" But I was taken aback. Whoaaa.. Andito rin siya! "Warren!" ang laki na naman ng ngiti ko nun nung nakita siya. Ngumiti din siya sa akin, "Akala ko ba hindi ka makakapunta? Sabi kasi ni Ke--" di ko na siya pinatapos. "Yea, pero okay naman na ako. Asan nga pala sila nakapwesto?" gustuhin ko mang magkatabi kami ngayon ni Warren eh mag-iiskip muna ako sa kilig ko. Kelangan ko silang mahanap eh. Dalawa dapat kami ang magpepresent! "Oh.." tumango-tango naman siya, "Andun sila sa harapan." ngumiti ulit siya, "After atang magpresent ng isang yan eh kayo na ang next." Nanlaki naman ang mata ko at wala ng salita-salita eh hinila ko na kaagad si Warren para ituro sa akin kung saan nakapwesto sila Ken. OMY. KAMI NA PALA ANG NEEEEXT! Kaagad naman kaming nakarating sa harapan at nakita kaagad kami ni Ken. Nagulat pa nga at nagsalubong ang kilay niya sakin eh. "Sige, pumunta ka na doon. Babalik na ako sa pwesto ko." then ngumiti siya, "Good luck." Ngumiti na din ako kaso napansin ko, may biglang nagslip sa kamay ko. OMGEEE. Ano yun? Natulala ako saglit at saka ko lang narealize na KAMAY NI WARREN ANG HAWAK-HAWAK KO MULA PA KANINA HANGGANG MAKARATING AKO DITO.. Napapangiti na lang ako na ewan. EEEK!! Kinikilig ako eh!! ^///^ Lumingon naman ulit ako sa pwesto kung saan sila Ken at lumapit na ako. Sakto, may vacant seat pa. "Ba't ka nandito?!" entrada niya sa akin. Bigla namang nag-iba yung expression ko sa expression ni Ken. Problema nito?? "Duh! As if I will let you do it all by yourself." then inirapan ko siya. Loko 'to. Nakita naman ako ni Mam Flores at sabi niya, masaya daw siya na nakarating ako. Tinanong naman niya ako kung okay naman ang pakiramdam ko at umoo naman ako. Yung isa, parang EWAN. Hmp! Nakinig na lang ako sa nagpepresent. In fairness, ang galing. Ang ganda din ng presentation nila na tipong kahit sinong client eh makikipagdeal sa kanila. Hmm... I wonder kung pang-ilan na 'to. Sa pagkakaalam ko, 2pm na ako nakarating sa pwesto ko eh. "Pang-ilang presentor na yan?" bulong ko kay Ken. Tumingin naman siya sakin. Nakakunot pa rin yung noo niya. Ang laki naman ng problema ng taong 'to! "Pangalawa palang yan." "WHAAT?!" napatakip naman ako sa bibig ko. Napalakas ata yung boses ko eh. Tiningnan kasi ako ng mga katabi namen including some foreigner students. Binigyan niya lang ako ng 'weird-look'. Eh ba't ba! Nagulat ako eh. Grabe naman, eh di ibig sabihin, dapat ang macoconsume naming time sa pagpepresent eh 30 minutes? Hindi ba mabobored ang mga clientele nun?? Tumingin na lang ulit ako sa harapan. Hmm... Maalala ko nga pala. "Pang-ilan tayo?" bulong ko ulit sa kanya. "Last." Magwa-'WHAAT?!' pa ulit sana ako eh kaso naalala ko na baka pagtinginan na naman ako. Duh, nakakahiya kaya. Pero... sabi ni Warren, next na daw kami ah? Teka, ano ba talaga?? Gulo men. -___- Chapter 65: Anong Klaseng Tingin Yun? Lianne's POV Nagkaroon ng konting break nung bandang 4pm. Grabe lungs.. Tingin ko aabutan ata kami ng gabi nito. Sa dami ba naman ng participants eh, 12 combined schools lang naman, tapos tig-30 minutes pa ang pagpepresent? Nakakasucuicide naman ata yun. "Uy! Saan ka pupunta?" hinabol ko si Ken. Abnormal talaga yun.. Wala naman akong ginagawa. Ni-hindi ko nga siya inaaway or something tapos ang sungit-sungit, hindi ako kinakausap o inaasar man lang. Well, that's really... odd. Naabutan ko naman siya at nagstop ako sa harap niya. Aba! Hindi niya ako pwedeng iwan basta-basta no! Mamaya, maligaw na naman ako, bubugbugin ko talaga siya. Hmm! Mukha namang nairita yung mukha niya at ayaw tumingin sakin. ANO BA TALAGA, DUDE?? "Ano ba talagang problema mo?!" nainis na talaga ako, "Wala naman akong ginagawa ah! Ni-hindi nga kita inaano eh tapos ang sungit-sungit mo!" parang umalingaw-ngaw yung boses ko sa corridor. Buti walang tao. And again... hindi na naman ako pinansin at naglakad ulit siya. NAIINIS NA TALAGA AKO. TOTOO NA 'TO!!! "Ano ba Kenneth?!?" Napahinto siya. Kung maiinis siya lalo dahil sa tinawag ko na naman siya sa totoong pangalan niya, E DI OKAY!! Hindi ako KSP pero ayaw na ayaw kong binabalewala ako kapag kinakausap ko siya ng matino! Nag-init na talaga ang dugo ko. Ilang seconds lang eh humarap na siya sa akin pero may bago.. hindi na magkasalubong ang kilay niya tulad nung kanina pero seryoso ang mukha niya ngayon. "Bakit ba kasi nagpunta ka pa dito? Sana nagpahinga ka na lang." Okay. Like... what was that? Hindi pa ako nakakapagsalita eh may humila na agad sa kamay ko at... "Anong gusto mong kainin?" Oh well, andito kami sa cafeteria nila. Sasagot na sana ako ng 'Kahit ano' kaso naalala ko na mang-iinis na naman 'to, kesyo wala daw nabibili ng kahit ano. Nakoo, mas okay nga yun eh kesa di ako kinikibo o pinapansin. Nakakapanibago kaya yun. "Ano bang meron dyan?" tumingin naman ako sa board ng menu. And there, may napili na ako. "Choco Moose na lang!" ngiting-ngiting sabi ko. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain nyan eh. Umorder naman siya nun ng isa at umorder din siya ng iba para sa kanya. Aba... peace offering ba 'to dahil sa ginawa niya kanina? HIMALA. Nasa counter na kami at nakangiti lang ako habang pataas-taas yung kilay ko dahil sa tuwa. May improvement 'tong si Ken ha. "O, bayaran mo na." Bigla namang nadistort yung mukha ko. SAY WHAAAT??? "Bakit? Akala mo libre ko yan?" nagsmirk siya, "Tinanong lang naman kita kung ano gusto mo e, di ko sinabing manlilibre ako." then he looked away. OMYGHAD. I think I'm gonna kill him. Really. Naibaling ko naman yung tingin ko dun sa cake. Bwisit! Eh panu ko 'to mababayaran kung hindi ko naman dala yung wallet ko dahil dun sa paghabol ko sa kumag na 'to?! HAAAAA!? "Ito na po yung bayad." Napaangat naman agad yung ulo ko nung may nag-abot ng 100 sa cashier then inabot niya rin yung sukli. OMY. He's my saviour. "W-Warren.." hindi ko malaman kung anong itsura ko. Feeling ko mukha akong ewan na mukhang natatae. "Let's go." tapos kinuha na niya yung tray na may cake at juice. "Thanks." umupo na kami sa table kung saan si Ken. Speaking of the devil, yung kaninang itsurang seryoso niya eh magkasalubong na naman yung kilay niya. Siraulong 'to! Makakabawi rin ako sa ginawa niya kanina. MAKIKITA NIYA!! "So.." lumingon sa akin si Warren, "Ready na ba kayo?" then kay Ken. Mukhang walang balak sumagot si kumag kaya ako na lang ang sumagot. "Konti." inangat ko pa yung kamay ko nun at ipinakita yung daliri ko. Napakunot naman siya ng noo. "Kidding!" then nagpeace sign ako, "Syempre ready naman no! Kinabakahan nga lang." then sumubo na ako. "No, don't be. Alam ko namang kayang kaya mo yan." then inakbayan niya si Ken, "Pati rin si Ken. Kaya niyo yan!" Tiningnan ko lang si Ken. Ganun pa rin yung facial expression niya tapos tumango lang. Ang laki talaga ng problema nito. Sarap sapukin eh! Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Napatigil naman ako sa pagsubo ko kasi nakita kong nakatingin lang sa akin si Warren. Okay. KINIKILIG NA NAMAN AKO. "Bakit wala ka nga palang binili? Thanks ulit kanina ha? Next time na lang kitang ilibre." hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiiisip ko yun. WAHAHA. Landiii. "Masarap ba?" iba ata yung sagot. "Mmm, oo." "Ehem!" Napatingin naman kami pareho kay Ken. Tskkk. Panira talaga ng moment 'to. Hmp! "Ah, sige. Yan na lang rin bibilhin ko." then he left. OKAY. This is my time para pasabugin ang tenga ng kumag na 'to dahil dun sa ginawa niya sa akin kanina. GRRRR!!! >:( "Nakaka--" "Naligo ka ba?" "What?" "Sabi ko, NALIGO KA BA?" Aba't loko-loko naman pala talaga 'to eh!! So kelangan lakasan? HINDI AKO BINGI!!! "Oo naman!" ang weird nito. AT bakit naman niya natanong yun, aber?! Alanangan namang pumanuta ako dittos aschool nila na hindi. Psh. "Eh kagagaling mo lang sa sakit, naligo ka pa?!" Tiningnan ko lang siya na parang alien. Teka nga. Kanina pa 'tong banggit ng banggit sa sakit ko e, eh magaling naman na 'ko ah! "Ba't ba ang big deal sayo nun? Magaling na nga ako eh!" then sumubo ulit ako. "Eh panu kung magkasakit ka ulit? E di aalagaan na naman kita eh ang hirap-hirap mo pa namang alagaan!" hmp! At pinandilatan pa talaga ako ng mokong na 'to ah! Napainom naman ako bigla ng juice at sasagot na sana kaso bigla namang dumating si Warren at saka umupo. Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Naku, pasalamat na lang siya at to be continued na lang yung sasabihin ko sa kanya! Hmp. "Anong oras nga pala yung resume ng competition?" tanong ni Warren sa amin. Napatingin naman ako sa wrist watch ko. "Well, 15 minutes before 5pm pa naman. Kain ka lang, hintayin ka namin." Tapos na kasi kaming kumain ni Ken eh at siya na lang ang hindi kasi nga, medyo kararating niya lang. "No, it's okay. Mauna na lang kayo." sabi niya with a serious tone. "No, okay lang yun no." I insisted, tapos tumingin ako kay Ken, "Di ba Ken?" then pinandilatan ko siya. Aba ang loko, hindi ako pinansin?? Tumayo siya, "I’ll be going. Baka hinahanap na tayo ni Ms Flores. Mauna na ako." "Wait, sabay mo na si Lei. Lei, punta na kayo doon." Nag-insist pa rin ako na hihintayin ko siya. In the end, pinabayaan na akong magstay ni Warren at naglakad na palabas ng cafeteria si Ken. Pero may napansin ako... magkasalubong pa rin kasi yung kilay niya at ang nakakairita pa, tumitig muna siya bago makalabas. Hindi ko nga alam kung kanino siya nakatingin nun kung kay Warren ba o sa akin? Tss. Anong klaseng tingin yun?? Tsk. HMP! Chapter 66: Again Lianne's POV Hinatid naman ako ni Warren at umuwi na rin siya. Mukha nga siyang nagmamadali eh kasi after 5 minutes na iniwan kami ni Ken eh tapos na agad siyang kumain. Oh well, syempre kilig to ribs na naman ako. What's new naman di ba? Lols. :D 7pm na at antok na antok na ako... Pero kinakabahan pa rin talaga ako. Next na kasi dyan eh, kami na. Ohmigosh. Napatingin naman ako kay Ken. Hindi ko mabasa yung mukha niya. Seryoso na ewan eh. Truth is, ngayon ko na lang ulit nakita yung ganitong facial expression niya. Last time kasi.. as I can remember, ganito yung expression ninya nung first time kaming magkita tapos ang sagot niya sa manager nun eh 'Thanks a lot' sabay hatak na sa akin. OK. Reminiscing? Lol. Hmm... In fairness to him. ang gwapo nga niya kapag ganun. Hindi na ako nagtataka kung bakit kinikilig yung ibang mga kababaeng nasa likod namin na taga-ibang school rin at panay sabi ng "Ang gwapo niya talaga." Oh well. Nagulat naman ako nung biglang nagpalakpakan yung mga tao kaya nakipalakpak na lang rin ako. "And the last pair, the two represantatives from the Leviathan University and Trinity Institute. May we call on Ms. Lianne Alisson Sarmiento and Mr. Kenneth Hernandez." Okay... Ano 'yon? Napatingala naman ako nung may kumuha ng braso ko. "Uy, tayo na!" mukha naman siyang naiirita ngayon at saka niya akong hinila patayo. Teka... Omg. DI AKO READYYYY!!! Nakaakyat na kami sa mini stage at inaayos na lang yung presentation namin. "Ken... Kinakabahan talaga ako." hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahawak na lang ako sa braso niya. "Wag ka nga. Pati ako kinakabahan dahil sayo eh." napabitaw naman ako sa kanya. Napalean pa nga ako eh para sabihing, 'WEH?' kaso.. NAGSTART NAAA!! Gaya ng napag-usapan namin ni Ken, siya na ang nag-intro at bumaba muna ako para ako yung manage sa mga slides na ididiscuss niya. Nung una pa nga siyang nagsalita eh may biglang naghiyawan. "Ano yun? Kakanta siya? Makasigaw ha." sabi ko sarili ko. But then... KINAKABAHAN TALAGA AKO. More than 15 minutes ng nagdidiscuss si Ken, and I must say, ang galing niya. Nagtataka nga ako kung totoong Ken ba talaga yung nasa harap ko ngayon o fake eh. Ang galing lang, kasi kahit sinabi niya sa akin na kabado siya eh hindi halata sa kanya at mukha siyang professional business manager talaga dahil sa mga promising words niya at sa corporate suit niya. Okay fine. Siya na. Mukha siya tao ngayon kasi ang gwapo niya. Bigla naman akong nanginig na hindi ko maintindihan. Mukhang ang lakas ata ng AC dito. Brrrr...! Medyo nilalamig na naman ako. Tumayo na ako para magready. Ako na kasi yung susunod at ipinaubaya ko yung laptop na kaharap ko kanina dun sa ST ni Ms. Flores. Pumwesto na ako sa may hagdan dahil in 5 seconds eh aakyat na ako. So let's start the countdown.. In FIVE. "And my partner.." FOUR. "Ms. Sarmiento.." THREE. "will explain.." TWO. "everything about the.." ONE. "asdjfklmnpqrsgflnmkpwuldmkthpybgmldjflkmnpq.." Wala na akong maintindihan dahil parang biglang sumara yung utak ko at... BLACK OUT. "Lianne!!!" At yun na lang ang huling narinig ko. ... ... "She's fine now and you don't have to worry about it." "B-but.." "Mare.." Kahit hindi ko idilat yung mata ko, kilala ko kung sino yung yung mga nag-uusap nun. Sina Mama at Ninang. Nung ididilat ko na sana ang mata ko, may narinig naman akong bumukas na pintuan. "Okay na po ba siya?" that voice... Dinilat ko ng kaunti yung mata ko and I saw Ken. "Unconcious pa rin siya." narinig kong humikbi si Mama, "Oh God... I don't know what to do if she won't wake up today." Today? E di umaga na pala? "Mare.. she'll wake up. Let's just wait and pray that she will." Ginalaw ko yung daliri ko. May kung anong nakadikit na ewan. Then dumilat na ako at tiningnan ito. "Ano 'to?" sabi ko, sabay angat nung daliri ko. "Lianne!" Mabilis silang nagsilapitan sa akin, except kay Ken na mukha pa ring nashock sa tabi. Tiningnan ko naman sila. "Anak, naaalala mo pa ba ako?" sabi ni Mama. "Eh ako Lianne, ako yung ninang mo! Si Ninang Kristine.." Weird. Ba't naman nila ako tinatanong ng ganun? "O-oo naman po." sabi ko then I gave them a weird-look. "Oh, thank God!" then niyakap ako ni Mama. "I told you Mars, you don't have to worry about it." nakangiting sabi naman ni Ninang. Tatanungin ko na sana kung ano ang nangyari at nandito ako sa hospital pero nagsalita naman agad si Mama. "Nilagnat ka na naman kagabi at 41.2 degrees Celcius yung temperature mo nun. Nung paakyat ka na sa stage, bigla ka daw nahimatay at bumagsak." tumingin si Mama sa gilid, kay Ken. "Tumama daw yung ulo mo sa bass component kaya may bandage ka sa ulo mo," napahawak naman ako sa ulo ko, oo nga.. Akala ko naman head band. "I thought... nagka-Lacunar Amnesia ka na naman dahil nga nagkainjury ka na naman sa ulo." ngumiti si Mama at hinaplos ang mukha ko, "Thank God at dininig Niya ang prayers namin." Ngumiti naman din ako kay Mama then tumingin sa side ni Ken. Alam ko, kahit hindi nila sabihin o wala mang magsabi sa akin eh alam kong SIYA NA NAMAN. Hindi naman siya nakatingin sa akin at busy lang siya sa pagkakalikot ng cellphone niya kaya napangiti na lang ako... He just saved me, AGAIN. Chapter 67: Boyfriend daw? Lianne’s POV Kahapon lang ako nagising kaya ngayong araw na ako nakauwi. Monday na ngayon so definitely, absent ako. Si Mama na lang daw ang makikipag-usap sa mga professors ko ngayong araw at kami na lang dalawa ni Manang ang naiwan dito sa bahay kasi may pasok si Louie. "Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka hija ah?" sabi sa'kin ni Manang sabay brush sa buhok ko. "Sige po Manang. Salamat po." ngumiti ako. Bumaba na si Manang at ako na lang ang natira dito sa kwarto ko. Ayun, may puting head band pa rin ako dito sa ulo. Pero okay naman siya kahit papaano, cute pa naman din ako. Lol. Hmm.. Ano bang magandang gawin? Similip ako sa bintana ng kwarto ko. And there.. Nakita ko namang walang tao sa kabila, meaning, wala si Ken. Oo nga pala, hindi ko pa rin siya nakakausap o di kaya napapasalamatan man lang. Nung gumising kasi ako, dumating na rin ang doctor at umalis na siya, nagpaalam lang siya kina ninang at mama then Poof! Umalis na siya.. 'Di man lang nagbabye o 'di kaya tawagin lang ako ng "Hoy Panget!" or kahit pang-asar lang na "Ang pangit mo dyan sa bandage na yan." Yung ganun? Hmf. Umalis na lang ako sa bintana. Wala rin naman akong ibang makikita dun eh. Kasi di ba nga? Mala-Edward Cullen yung mga kapitbahay naming rich kids dito kasi hindi sila mahilig lumabas lalo na kapag umaga. I wonder kung totoo nga yun. Hay, ang boring ng buhay. Oo na. Bilang isang dakilang estudyante eh dapat nagpapagulong-gulong at nagcecelebrate ako dito ngayon dahil wala akong pasok. Pero heto ako, nilalamon na ng BOREDOM. Namimiss ko na kasi yung school ko eh, kahit na ba tinatamad ako laging pumasok. Namimiss ko na din kasi Tine eh. Eh hindi naman kami nakapagkita kahapon kasi nga andun ako sa Trinity. Alam din naman niya yun kaya hindi niya ako hinahanap, eh ngayon kaya? Hmm.. Matext nga. Kinuha ko na yung phone ko. Namimiss ko na nga din pala sina Arkin and the rest. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin sila nakakausap, except kina Aya at Tine. Habang nagtatype ako ng napakahabang message eh parang tinamaan pa ata ako ng kamalasan ngayon. "Bakit nalowbat ka pa?? Tapon kita eh!" panggigigil na sabi ko sa phone ko. Crap! Ang haba na nung speech ko eh! Hinanap ko yung charger at ayun, ang malas ko nga talaga. HINDI KO SIYA MAHANAP!! Aww men. Sumakit tuloy yung cut ko sa ulo ko. Hayy, bored na nga, malas pa. Laslas please!?! "Manang, labas lang po ako ah?" "Naku Lianne, hindi ka pa magaling! Dumito ka na muna sa bahay." "Manang.." humarap ako sa kanya, "Please!!!!!" then nagpuppy face pa ako. Wala namang nagawa si Manang at bumuntong hininga na lang, nadala ata sa paawa effect eh. "Yay! Thank you po!" tapos niyakap ko siya at saka tumakbo palabas. Narinig ko namang nagpahabol pa si Manang na wag daw akong tumakbo. Oh well, wala na din eh, nasa labas na kaya ako. Wala naman nangyar--- "Ay bading!!" "Magdahan-dahan ka nga! At hindi ako bading!" Ayun.. Natalisod lang naman ako at muntik ng magplanking sa sahig. Buti na lang... TEKA. "Uy Ken!!" umayos na ako sa pagtayo, nasalo niya kasi ako kanina eh. Buti na lang. Tumingin lang siya ng kamong nawe-weirduhan sakin, "Ang laki ng ngiti mo dyan?" Ay oo nga no. Wala lang. Masama na bang matuwa kapag may nakitang kakilala? "Buti nandito ka! Bakit? Wala kang pasok?" lumapit pa ako sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay tapos nagseryoso, "Wala." Ang ikli naman nitong sumagot! "Ah.. Tara, samahan mo ko." sabi ko, sabay hawak sa braso niya. Napatingin naman siya ng ilang seconds sa kamay ko na nakahawak sa braso niya, "Ano ako? Slave mo para samahan ka at utusan mo?" Grabe. Ayokong mainis. "Pwede ba.." pumikit ako saglit na parang naiirita, "Sumasakit yung sugat ko sa ulo kaya wala akong balak makipagsabayan sayo." hinawakan ko siya ulit, "Samahan mo na ako... PLEASE?" tapos tiningnan ko siya ng maigi. Tinanggal niya ang kamay ko, "Ayoko." Maglalakad na sana siya papunta sa--Ayy aalis pala siya? Napansin ko kasing bihis na bihis siya eh. "Okay, aalis ka pala. Ge bye." babalik na sana ako sa bahay kaso bigla siyang nagsalita at napalingon naman ako. "Saan mo ba balak pumunta?" Napangiti na lang ako. ... ... "Uyy gusto ko nun! Dali! Bili tayo!" wala ng salita-salita at hinila ko na agad siya. Nandito kami ngayon sa isang mini zoo. Natuwa nga ako eh, kasi meron pala nito dito? Hindi siya ganun kalayo at hindi din ganun kalapit sa village kaya sakto lang. Dinala lang ni Ken yung car niya kaya nakarating kaagad kami dito at kalahati pa lang ang nalilibot namin. "Hindi ka ba nahihiya sa mga pinaggagagawa mo?" napatingin naman ako sa kanya. Ang alin? "Bakit? Ano ba'ng ginagawa ko?" nagsmirk naman siya at isinilid ang mga kamay niya sa side pocket niya. "Tss. Whatever." then he looked away. Kinuha ko na yung bubble gum flavor na cotton candy kay Manong tindero at nagbayad. Ayaw naman ni Ken eh kaya ako lang ngayon yung kumakain. Naglakad na kami. Pansin ko.. parang ibang Ken ang kasama ko. Well actually, nung Friday pa. Naging seryoso kasi siya, yung tipong parang biglang natanggal yung pagkaimmature side niya? The fact na pilosopo pa rin as ever, pero... hindi na siya mahilig mang-asar. Anyare, dude? "Ken." lumingon naman siya, "Nakidnap ka ba ng mga alien at pinatino ka?" He just gave me this confusion look tapos naglakad ng mabilis, "'Pinagsasabi mo dyan?" Okay. Nice talking ah, umaalis agad? Tss. Hinabol ko siya at ayun, nakasabay ko ulit siya sa paglalakad habang ninanamnam yung cotton candy na malapit ng maubos. Habang naglalakad, pinagtitinginan kami. Bakit naman kaya? May mga dumi ba sa mukha? Narinig ko yung mga nagbubulungan. "Eeek! Ang gwapo nun oh!" "Oo nga. Kaso mukhang masungit, seryoso ang mukha eh." "Ano ka ba Okay lang yun no! Gwapo naman eh." Ayy, hindi pala kami. Si Ken lang. Kilig na kilig yung tatlong babaeng naguusap-usap. Tiningnan ko lang siya, dapat natutuwa na 'tong kumag na 'to eh na may naloloka na namang mga babae sa kanya. Kaso seryoso pa rin yung itsura niya eh, si Ken ba talaga 'to?? "Girlfriend niya ba yung kasama niya?" "Hmm.. Siguro." "Eeh, hindi naman sila sweet." "Oo nga no. Baka nga hindi." "Yeah. Pero ang cute ni girl no? kahit may bandage sa ulo." Napangiti ako dun. Hanuberrr. I know right. XD "Yep, tama. Pero bagay sila ha." GASP. Nanlaki yung mata ko at nagpanting yung tenga ko, kaya hindi ko na napigilang magsalita. "EXCUSE ME?!?" Napatingin naman sila sa akin at halatang nagulat. Hindi ata nila inaasahang narinig ko lahat yun. Pati din si Ken, napalingon sa akin. "S-sorry." sabi nung isa at saka sila nagmadaling maglakad. Grabe ha! Ano daw? Ako? Mukha ba akong girlfriend ng.. ng kumag na 'to?! Kami? BAGAY? Oh c'mon! Bulag ba sila?! Nakita ko namang napangiti si Ken. Aba't loko 'to ah! "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" sabi ko habang nakataas ang kilay. "Wala." tapos nagsmirk siya, "Iba talaga ang charisma ko." then umiling-iling siya at naglakad ulit. Mali ata ako eh.. Hindi pa rin pala siya nagbabago. MAKAPAL PA RIN KASI ANG MUKHA NIYA. Naglakad ulit kami at tumingin-tingin ng mga hayop. Bigla ngang nagbago yung aura ni Ken eh. Nang-iinis na naman kasi panay tawa. Sabihan ba naman akong kamukha ko daw yung uranggutan na nagpabitin sa doon cage. Ang kapal di ba? Sabi ko nga eh, mukha siyang gorilla habang tumatawa. Psh. =___= Inabutan na kami ng lunch kaya dito na kami nagdecide kumain. May mga fast food chain rin naman kasi dito kaya ayos lang. Inilabas ko na yung wallet ko habang nakapila kami sa counter. Buti na lang talaga dala ko na 'tong wallet ko. Baka mamaya eh mamatay na lang ako dito sa gutom at agawan ko na ng saging yung mga unggoy dahil nga sa ang kasama ko ay kuripot at hindi nanlilibre. Hmp. Madamot. "Maghanap ka na ng mauupuan natin dun." napaangat naman ang ulo ko at napatingin sa kanya, "Ako na ang mag-oorder." Tinitigan ko lang siya. Di nga? Baka jinojoke-time na naman ako nitong kumag na 'to? Diretso pa rin akong nakatingin sa kanya sabay sabing, "Weh?" "Oo nga, ang kulit." then he looked away. Napangiti na lang ako ng sobrang wide. In fairness ha, may dugong gentleman na siya ngayon. HAHA XD Sinabi ko na sa kanya yung order ko at umalis na din. Sa pwesto na lang namin ako magbabayad sa kanya. Nakahanap naman ako agad at umupo. Sa may window glass yung pwesto namin na may four seats. Kaya habang naghihintay, nakatingin lang ako sa labas. "Hello, magandang binibini." Nagulat naman ako kaya napatingin ako sa nagsalita. May isang lalakeng ngiting-ngiti na tipong nag-eendorse ng toothpaste dahil sa sobrang wide ng ngiti niya at kita na ang gums. Uhh.. Sino 'to? "May kasama ka ba?" may biglang sumulpot naman na isa na mukhang lobster dahil sa laki ng katawan. Oooh. Who the hell are these two creeps? They're scary. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Naaalala ko sabi sakin ni Mama na don't talk to strangers daw. Eh anong gagawin ko? E para naman akong napako dito at hindi na makagalaw. "Ang ganda mo naman.. pwedeng makipagkaibigan?" sabi ulit nung isa na panay ngiti. Aba, nang-uto pa ah? Kahit na four seats 'to, hindi ata pwedeng makishare sila no. Marami pa namang bakanteng upuan eh, tas makikiupo pa? Teka nga. Bakit di ko 'to sabihin sa kanila?? Crap. Na-pipi na ata ako!! >__< Nakatitig lang ako sa kanila na ngayo'y nakaupo na sa harap ko. Err.. Gumawa ka kaya ng paraan Lianne! Magsalita ka! Kita mo ngang nakakatakot yung mga nilalang na nasa harapan mo eh! Yung isa kasi mukhang manyak at gusto na ata akong hubaran dahil sa lagkit ng tingin niya sakin, tas yung isa naman, mukhang wrestler na pangiti-ngiting aso na rin. Now Lianne, nakakatakot di ba?! Magsalita ka na at palayasin mo na silaaa! Magsasalita na sana ako nang may biglang tumayo sa tabi namin. "Hey you two.." napaangat naman yung ulo ko pati na rin yung dalawang creeps, "Get your fugly @s$ outta here. That's my seat." seryosong sabi ni Ken. Buti naman at nandito na siya. Mukhang haharassin na ako ng mga creeps na 'to eh! "Bakit? Sino ka ba?" tumayo yung mukhang wrestler at itinulak si Ken. OMG! Loko 'to ah! Mabilis na inilapag ni Ken yung orders namin sa kabilang table at nakakakuha na rin sila ng atensyon. Uh-oh. Gulo ito!!! "I'm her boyfriend, any problem with that?" ang sama na ng tingin ni Ken dun sa mukhang wrestler at magkalapit na yung mga mukha nila na parehong mukhang naghahamon. Wait. Teka nga. Ano ulit yung sinabi ni Ken? Ano daw? Boyfriend...KO?? Kelan pa? At paano nangyari yun?! Akmang sasapakin na siya nung mukhang wrestler kaya lang hinawakan ko naman ang braso niya at nakakuha ako ng walang laman na tray at pinagpapalo siya. "Hoy! Wag mong sasaktan ang boyfriend ko!!" pinalo-palo ko pa rin siya nang may humawak naman sa akin at itinulak ako. "Wag kang maingialam dito!" sabi nung manyak. Manyak nga! Hinawakan niya yung... yung... yung butt ko!! bago ako itulak! TT__TT "G*GO KA!!!" unang sinapak ni Ken yung mukhang wrestler then yung manyak naman na parehas na bumalikwas ang mga mukha. Nagsisigawan na yung mga tao sa loob at pinagtutulungan na si Ken! Nakakainis! Wala man lang tumutulong o umaawat man lang! Kaya ko namang sumapak at tumulong eh, kaso biglang sumakit yung cut ko sa ulo mula nung bumagsak ako sa sahig. At teka nga, nasaan na yung mga guard?! Bakit wala sila?! May nabubugbog dito oh!!! May narinig naman akong pumito, "Magsitigil kayo!" sabay lapit nung mga guard kina Ken. "Mga t@rantado!! Ang kakapal ng mga mukha niyong bastusin at saktan ang girlfriend ko!!" galit na galit na sabi ni Ken habang inaawat siya nung isang guard. Yung dalawang manyak at wrestler naman, hawak-hawak nung dalawa pang guard. Pinalabas kami sa fast food chain at sumama sa office nila. Ipinagpaliwanag naman ako dun sa mga nangyari mula una hanggang sa nagkasapakan na. Pinadetain naman sina Ken pati yung dalawang creeps. Pagkatapos kong magpaliwanag na yung dalawang creeps yung nagsimula at muntik na akong harass-in at minanyak na nga, ilang saglit lang eh pinalabas na si Ken at nakita kong dumudugo yung labi niya. "Ken!" tumakbo ako papalapit sa kanya. Nakahawak siya panga niya at mukhang masakit ata yung pagkakasapak sa kanya. "Ayos ka lang?" Teka nga, ako dapat ang nagtatanong nyan ah. "Oo naman. Ikaw? Crap! Yung labi mo! Tapos.." tiningnan ko yung sa may pisngi at gilid ng mata niya, may mga bakat na kung ano at mga pasa, may maliliit din siyang sugat doon, "Okay ka lang ba?" Tinitigan niya lang ako at hindi siya sumagot, then maya-maya lang, tumango din siya. Nag-aya na akong umuwi para magamot na yung mga sugat niya. Malamang din eh hinahanap na rin ako ni Manang. Lagot ako dun, baka tumawag pa si Mama. Tumakbo agad ako sa may driver's seat. "O, anong ginagawa mo dyan?" nagtatakang sabi niya. "Ano ka ba. Pumasok ka na! Kelangan na nating magamot yung sugat mo." sabi ko naman habang nagseseat belt. "Bakit? Marunong ka bang magdrive?" napatingin naman ako sa kanya. Oo nga no? Hindi nga pala ako marunong! "Okay, sabi ko nga eh. Hindi ako marunong." then lumabas na nga ako at nagpalit na kami ng pwesto. Siya na nga ang nagdrive at tahimik kaming bumabyahe. Seryoso na naman ang itsura niya. Siguro galit pa rin 'to dun sa dalawang mga monggoloid na nakasagupa niya kaya tahimik. Ang awkward nga eh. Ang tahimik talaga kasi... Eh hindi ko naman alam kung ano sasabihin ko. Ano ba? Sorry ba o salamat? Thanks o pasensya? Eh kung dalawa na lang kaya? Tama, dalawa na lang. Dalawa naman talaga dapat eh, oo yun nga. Hay. Ano ba yan Lianne. -.- Chapter 68: First Lianne’s POV Nung nasa tapat na kami ng mga bahay namin eh lumabas agad ako ng kotse at pumasok sa bahay para kumuha ng first aid kit. Nung tinanong ko kasi na kung meron sila nun, hindi niya daw alam. Eh ayoko namang maghanap pa siya kaya yung sa amin na lang. Nakapagpaalam na ako ulit kay Manang na pupunta ako kina Ken. Ayos naman di ako nasermonan kahit hinanap ako ni Mama kanina. Lumabas agad ako at nagdoorbell sa kanila. Pagkabukas at pagbukas pa lang ng pinto ng gate nila eh ang nakasimangot na naman na mukha ni Ken ang bumungad sakin. Kaibahan nga lang, may mga sugat ang mukha niya. "Anong ginagawa mo dito? Umuwi ka na." sabay sarado ng gate. Tamo 'to!! Ako na nga 'tong gagamutin siya eh! Tinulak ko naman yung pinto nung gate at nakita kong tuluyan na siyang pumasok sa bahay nila sabay sara ng pinto. "Hoy Ken! Buksan mo nga 'to!!" Katok ako ng katok. Sira ulo talaga yun, masakit na kamay ko kakakatok ah! "Ke--" "Ano bang kailangan mo?!" eto na naman siya! "Ano bang problema mo? Gagamutin natin yang sugat mo!" kainis 'tong kumag na 'to! "Wag na!" sabay sara ulit ng pinto. "ARAY!" Mabilis namang bumukas ulit yung pinto at nag-aaalala na yung mukha ni Ken ngayon. "Anong nangyari sayo? Naipit ka ba? Ano?" naguguluhan na talaga ako sa taong 'to. Kanina lang eh galit tapos ngayon, iba na itsura. Hanep talaga. "Yung cut ko.. masaket! Ang gulo mo kasi eh! Sabi ng gagamutin ko nga!!" sa inis ko, nakapasok na talaga ako sa pintuan ng bahay nila. Kung paano? Ayun, naitulak ko pala siya. Pagkapasok ko pa lang sa loob eh parang naamaze ako na ewan. Bakit ba hindi ako pumupunta dito? This is the first time na pumasok ako sa bahay nila. Ang ganda nga eh. May mga paintings sa mga walls at may medium size na mural sila sa may hagdan. Astig! "Yung bibig mo, mapasukan ng langaw yan." napatingin naman ako agad sa kanya. Tamo! Nagbago na naman siya!!! "Bipolar ka na ba o sadyang PMS lang yan?" then lumapit ako sa couch nila at umupo. Tiningnan niya lang ako ng weird sabay roll ng eyes. Aba! Marunong ha! "Para kang bading." tapos tumawa ako ng malakas. "Anong sabi mo??" tumawa na naman ako. "Wala!!" Umupo naman siya, sa kabilang side nga lang. Ako naman eh nilabas ko na lahat ng kailangan ko like alcohol, betadine, cotton, band-aid, uh... ano pa ba? "Ano ba yang ginagawa mo?" umupo ulit siya na may dalang juice at slices of cake. Akalain mo yun? Marunong palang mag-entertain ng bisita 'tong kumag na 'to. "Dito ka na, gagamutin na kita." tapos pinat ko yung katabi kong space sa upuan. "Wag na nga kasi." then binuksan niya yung tv. "Dali na!!!" I heard him groaned then saka siya lumapit sakin. Loko 'to, nagpapapilit lang. "Hindi mo ba ako papagbihisin muna?" katabi ko na siya at gagamutin na. Ang abnormal lang, dinistract ako! "Para saan pa at magbibihis ka? Eh gagamutin lang naman kita!" umayos ng upo, "Harap ka na dito, dali!" sumunod naman agad siya. Una kong ginamot yung sugat sa may pisngi niya. After how many seconds, parang bigla akong natauhan at bumalik sa reality. Bakit? Anong 'tong ginagawa ko? At bakit ko nga ba 'to ginagawa? Kung tutuosin, kaya niya naman 'to, kaya bakit ko pa siya ginagamot? Napalunok naman ako bigla... Magkalapit na pala ang mga mukha namin. "Huy! Natulala ka dyan?" napailing naman ako nung makita ko ulit si Ken. Napatulala na pala ako! "H-ha? Ah wala." bigla naman siyang ngumiti.. yung nakakaloko. "Siguro naiinlove ka na sakin no?" tinaas-taas pa siya ng kilay habang hawak niya ang chin niya, "Ang gwapo ko talaga." napa-roll naman ako ng eyes. "Ken, excessive pride in oneself.. KILLS." then tinap ko siya sa balikat. Tumawa lang ang loko. Ang yabang talaga! Ginamot ko ulit siya. At tahimik na naman kami.. Yung ingay lang ng tv ang naririnig ko. Maya-maya, may bigla namang pumasok ulit sa utak ko. "Ken.." tumingin siya sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ulit nagsalita, "Thank you." Naguluhan naman siya, "For what?" Umupo ako ng maayos at sumunod na ginamot ko ay yung sa gilid ng kanang mata niya. "For everything." I paused then smiled, "You see, marami-rami ka ng nagagawa sa akin. Una, sa tuwing inililigtas mo 'ko. Pangalawa, nung nagkasakit ako.. Inalagaan mo 'ko at hindi iniwan." napangiti ulit ako, "Then nung araw ng competition natin, hindi mo rin ako pinabayaan at dinala mo agad ako sa ospital. Tapos ngayon... iniligtas mo na naman ako." then tiningnan ko siya. Hindi ko alam kung bakit pero nakatitig lang siya sa akin. Bakit? May nasabi ba akong mali? O may dumi lang ako sa mukha? Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paggagamot. This time.. sa gilid na ng lips niya. At... GULP. Kinabahan ako bigla. "S-sorry nga rin pala." shucks! Kelangan kong magsalita! Ayoko ng ganitong feeling eh! Ang awkward at mukhang hindi maganda! Nakatingin pa rin siya sakin kaya nagputuloy lang ako. "Eh kasi nasaktan ka ngayon ng dahil sakin. Ayan tuloy, itong pinagmamayabang mong mukha nasira na." nagpause ulit ako at huminga ng malalim, "Ano.. Sorry din kasi alam ko, maingay ako masyado. Sigaw ng sigaw at iritang irita sayo. Ang kulit mo naman kasi eh! Mapang-asar pa. Pero lately lang, bigla kang nagbago at naging serious type ka na. N-nanibago tuloy ako." Nahirapan na talaga akong makapagsalita nung last sentence na 'yon. Lumalakas na talaga yung kabog sa chest ko eh. Ewan lang kung bakit. Kumuha ulit ako ng bulak at naglagay ng alcohol. Pansin ko, hindi man lang umaaray 'tong lokong 'to kanina pa. Kung sa bagay, betadine kasi gamit ko kanina. Wahaaa! Humanda ka ngayon, Ken! Ang tahimik mo ah-- "Lianne." napalingon naman ako bigla. "Baki--" Nakatigtig lang siya sa akin. I don't know.. But my heart starts to beat 100 times when our eyes met. Crap! Ano 'to?! Walang gumagalaw at walang nagsasalita. He still staring at me like he wants me to melt like an ice cream. "Ke--" Oh my God. He's invading my space!!! Ano ba 'tong ginagawa niya?! At ikaw Lianne! Ano'ng ginagawa mo? Ba't hindi ka magsalita dyan?! Gumawa ka ng paraan! Habang nakikipag-away ako sa sarili ko. Suddenly, I felt something... Ken was gently brushing his lips against mine. Chapter 69: Stupefy Lianne's POV All of a sudden, I just felt his lips brushed against mine. And me? I don't know... I just felt like closing my eyes too and kissing him back. Oh my God. This is not me.. Why am I kissing him back? I'm supposed to push him and slap him because of what he did but... Why am I liking this? The kiss was slow and passionate. His hands cupped my face while mine, they're stiffened on my side. Then inside of me.. my heart is beating uncontrollably in my chest. More likely. It's like it will explode in any minute. I don't know how long did it took but we're both gasping when he pulled away. After that, none of us spoke on what happened. We just stared each other like we've seen unwanted creatures on our faces. "I-I'm sorry.." he said, "I.. I uh.. I didn't mean to. N-nabigla lang ako.." Para akong nabuhusan ng sobrang malamig na tubig. Bigla akong natauhan at tumayo kaagad ako. May may sinabi pa siya pero hindi ko na siya pinakinggan. Wh-what was that? I can't find my voice to speak... Bakit? Bakit ko nagawa yun? Bakit NAMIN ginawa yun? Nababaliw na ba kami?! Dire-diretso akong lumabas ng bahay nila kahit hindi ko na nadala yung kit. Gulong-gulo ang utak ko.. Bakit? Nagulat ako... Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote niya at nagawa niya yun sa akin. Pero MAS hindi ko alam sa sarili ko dahil parang nabrainwash ata ako at nangyari yun. Hindi man lang ako nagprotest o ano! Oh God... it can't be! Why did I do that? Why... Why did I let him? Pumasok kaagad ako sa kwarto ko habang nasa state of shock pa rin. Hindi ako makapagsalita. Nakatulala lang ako. And I think... mababaliw na ata ako!!! Nung magawi ang tingin ko sa bintana, nakita ko ang kwarto ni Ken at tumakbo ako papunta doon. Isinara ko kaagad ang kurtina dahil... dahil ayoko siyang makita. Hindi ko alam pero.. ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa pangyayaring yun. Hindi ko alam kung gaano na katagal yung paghiga ko at nakita ko sa wall clock ko na 6pm na. Wala akong ibang ginawa kanina pa kundi tumitig lang sa kisame at tanungin ang sarili ko ng 'Why did I let him?'. "Sh1t.." I can't help myself but to curse. This is my first word after that horrible incident. Damn... I was stupid. Now, I am being stupefied. Sh1t. Kinabukasan, pumasok na ako sa school pero parang wala pa rin ako sa sarili. Panay nga ang tanong sa akin ni Tine kung ano ang nangyari sakin at bakit di ko man lang daw siya kinocontact kahapon. Alam na rin naman niya ang nangyari sa akin kasi nakita naman daw niya si Mama nun at sinabi sa kanya kung bakit ako absent. Nung tinanong ko naman siya kung ano ang ginawa nila kahapon, wala naman daw. Swerte ko nga daw dahil wala ni-isa sa mga prof namin ang nagpaquiz. Nung turn ko naman na magkwento sa ginawa ko kahapon, may bigla na lang nagflashback... Yung kiss... Everytime na naaalala ko talaga yun, parang may kung anong meron sa katawan ko at nagsisitaasan na yung mga balahibo ko. Pati rin puso ko... sobrang bilis tumibok na para akong kinakabahan na ewan. Sakto namang dumating si Ms. Flores at ang epic dahil na-save ako ni ma'am sa frustration at stupefaction na aabutin ko na naman. Umayos na din kami sa mga upuan namin at nakinig para sa roll call. "Nandito na ba si Ms. Sarmiento?" sabi ni ma'am. Nagtaka naman ako kaya nagtaas ako kaagad ng kamay. "Yes ma'am. I'm here." ngumiti naman siya sa akin. "Class, let's congratulate her for their successful project with her partner." lumingon naman siya may pinto at parang may sinilip, "Mr. Hernandez, pasok ka na dito." Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ko yung 'Mr. Hernandez'. Isa lang ang kilala kong partner na sinasabi ni ma'am.. Di nga? Nandito talaga siya?! WAAAAAAAH!! Biglang namang nag-ingay yung mga classmate kong babae nung pumasok na siya. Crap.. I can't believe this! Ayaw ko nga siyang makita eh! Bakit ba ang lupit ng tadhana?! "Everyone, this is Mr. Kenneth Hernandez from Trinity Institute." pag-iintroduce ni ma'am sa kanya. He bowed slightly then he smiled. Nagpalakpakan naman ang mga classmates ko including, Tine. Ako, hindi ako pumalakpak dahil sa inis ko at pagkabigla sa pagdating niya dito. Nakalagay lang yung dalawang kamay ko sa armrest habang nakatingin lang sa kanya. And surprisingly... naglanding ang mata niya sa mata ko. In short, nagkatinginan kami. Eff. "Ms. Sarmiento, come here in front." Oh no... No, ma'am. AYOKO!!! Para akong ewan na nakakapit lang sa armrest ko. Ayokong pumunta doon! Ayoko siyang malapitan! Ayoko siyang kausapin! Ayoko siyang makita... T.T Pero walang epekto ang pagkapit ko nung tumayo si Tine at pinatayo ako. "Wuy, ano ka ba. Tinatawag ka ni ma'am!" Parang gusto ko na talagang maghysterical at makiusap kay ma'am na wag na lang. Kaso mukhang okay na talaga ang itsura ko at wala na akong head band sa ulo, isang maliit na bandage na lang kaya wala na talaga akong kawala. Mabagal lang yung paglalakad ko. Nakakainis naman kasi! Sa lahat ba naman ng araw na pumunta siya dito eh ngayon pa!? Ngayon pang... fresh pa ang lahat. Arrrrgggh!!! "Sila yung mga representatives sa school natin." then inakbayan ako ni ma'am, "We won 2nd place on the International Seminar-Forrum competition. Although, nagkaroon ng konting accident." ngitian ako ni ma'am, "We still managed to win the 2nd prize!" then nagpalakpakan na naman yung mga classmates ko. Peke lang akong ngumiti dahil sa hindi ko talaga feel ang pwesto ko. Katabi ko kasi siya... OO! Katabi ko nga siya! Ang nakakainis lang eh dahil sa ang likot-likot ni ma'am kakaakbay sa akin, naitutulak niya ako sa gilid at nagkakatamaan kami ni Ken! Feeling ko tuloy... nakukuryente ako. >.< Inexcuse kami ni ma'am kaya wala kaming klase sa kanya. Yung mga classmates ko naman, tuwang-tuwa. Nalungkot naman ako, si Tine kasi wala na naman siyang kasama eh ang haba pa ng time bago magbreak. "Magcecelebrate tayo doon sa office." ngiting-ngiting sabi ni ma'am. Katabi ko pa rin siya pero hindi na siya nakaakbay sakin. Si Ken naman, ayun, nandun lang sa likod namin. "Ken, dito ka. Wag ka dyan sa likod!" tsk, parang ang hyper ni ma'am ngayon. Sumunod naman si Ken. Good thing at hindi siya tumabi sakin. Naku! Ewan ko na lang at baka mangisay na lang ako bigla dahil sa sobrang awkwardness at kuryente effect na yun. Nasa 1st floor pa yung office at nasa 3rd floor pa lang kami. Pinagtitinginan nga kami eh at nagbubulungan pa. "Sino siya? Ang gwapo!" "Taga-ibang school ata yan, ibang uniform eh." "OMG! Tingin ko, taga-Trinity yan." Mali ata ako. Hindi naman kami mga lalake ni ma'am para masabihang gwapo, at hindi ako taga-Trinity. So... isa lang ibig sabihin nun... E di SIYA na. Pagkarating namin sa office nila ma'am, parang may party nga. Maraming foods sa isang mahabang mesa at ang daming professors na nakikiparty din. Buti na lang pala malapit ng maglunch break, at least wala namang problema. Tulad kanina, pinakilala na naman kami at pinalakpakan. Buti this time, hindi ko na siya nakatabi. Ayoko na no! Simula't simula pa lang, ayaw ko talaga siyang makatabi or what. Pinaupo na kami. Pero kapag minamalas ka nga naman... katapat ko pa siya!!! "Uh... Ma'am," tumingin naman sa akin si Ms. Flores, "P-pwede po bang lumipat?" "Huh? Uh.. Tingnan mo na lang kung may vacant seat." Tumango naman ako at saka tumayo. Iniwas ko talaga yung tingin ko sa harapan, ayoko ng magtama yung mata namin. Nadala na ako. Nung naghanap na ako, minamalas talaga ako ngayon at wala akong makita, puro occupied na yung mga nasa table. So no choice ka Lianne. Balik. Umupo na ulit ako. Wala naman na akong magagawa eh. Tahimik lang akong kumain. Kating-kati na nga akong lumabas eh. Gusto ko na rin kasing makita yung mga kaibigan ko. Unfurtunately... "Ipinagpaalam ko na kayo sa mga afternoon classes niyo. Kelangan niyong magstay muna. May inihandang program din kasi." sabi ni Ms. Flores. Errr... Kelan pa ako nagkaroon ng balat sa pwet, ha? Malas!!! Tama nga yung sinabi ni ma'am. May konting program at konting speech, then puro intermission at activities chuchu. Bihira lang akong sumali sa mga activities samantalang si Ken eh panay hila sa kanya ng mga profs. Specifically, LADY profs. Nakikitawa na lang ako kahit gusto ko na talagang umuwi. From time to time kasi... napapatingin ako sa kanya, and worse, nakatingin din pala siya sa akin. What the hell? 5pm na nung natapos na ang lahat at pinauwi na kami. Nagpaiwan naman ako kasama nung ibang profs para tumulong at para na rin maunang umalis si Ken, kaso... mali na naman ata yung desisyon ko. "Ito pa Ken oh, pakidala na lang doon." fudge nga naman!! Nagmadali na talaga akong lumabas nun at nagpaalam na sa kanila. I can't take this anymore!!! After an hour and a half, nakauwi naman ako kaagad at dumiretso na agad sa bahay. Kaso nung bubuksan ko na sana yung gate, may biglang tumawag sakin... "Lianne." "Oh, sh1t.." Nagiging cussing machine na yata yung bibig ko!!! Chapter 70: His Personal Info Lianne's POV Naglalakad na kami ngayon sa kung saan na naman kami dadalhin ng mga paa namin. The next thing I know is nakaupo na pala kami sa isa sa mga park bench dito. "Kamusta?" napatingin naman ako kay Warren, "Balita ko dinala ka daw sa ospital nung araw ng competition ah." "Eto, okay naman na ako. Oo eh, nilagnat na naman kasi ako nun at mas tumaas pa yung temperature ko." ngumiti ako ng konti, "Tapos nauntog ako. Pagkadilat ko na lang... nasa ospital na ako." tumango-tango lang siya. Tumingin naman ako sa langit. Kahit papaano, maganda ang panahon ngayon. "Good thing, Ken never leaves you at those times." Tsk... Naalala ko na naman yun. "Yeah." Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Parehas naming fini-feel yung hangin. Sa ngayon, ayoko munang isipin ang mga nangyari nung mga nakaraang araw... lalo na KAHAPON. Actually, masaya na naman ako dahil sakto lang si Warren sa pagdating niya. At least sa kanya muna ako nakafocus at hindi doon sa uhh... Basta. Yun na yun. "Kanina ka pa tahimik." omy, napansin niya? "Is there anything bothering you?" seryoso yung mukha niya. Sabi ko nga di ba, hindi ko iisipin yun?? Eh di WALA. "Wala naman." then I managed to put a smile. "Sure?" then he looked up at the sky, too. "Y-yeah.." ayoko na talagang isipin yun. Pwede bang tulungan niya ako? Kaso hindi ko rin naman pala yun pwedeng sabihin.. Malapit lang yung playground sa park kaya naglakad ulit kami. Pero ang mga malilikot kong paa, hindi na napigilan at tumakbo na lang papunta sa swing. Ayun, nahiya naman ako bigla nung mapansin kong tumakbo ako papunta sa swing na parang bata. Err... Tumawa tuloy si Warren. >__> Umupo lang ako pero hindi ako nagsuswing. Si Warren naman naiwanan ko kaya nakasunod na lang yun sa akin. "Kapit ka." naramdaman ko namang unti-unti na akong gumagalaw hanggang sa... nagsuswing na nga ako. Habang tinutulak ni Warren yung swing ng back and fort, napapapikit na lang ako bigla. Dinadama ko yung hangin na dumadampi sa mukha ko... Iniisip ko yung mga good things na nangyari sa akin. And I want to breakfree of this frustration and stupefaction that I am experiencing right now. SIGH. "Alam kong may problema ka." napatingin naman ako kaagad kay Warren. Out of nowhere, nasabi niya pa yun? "Halata kasi sa mukha mo." then ini-stop niya yung swing, "Now tell me.. what is it?" Ewan ko... Pero hindi ata bagay yung feeling ko ngayon. Nakatukod na kasi sa harap ko si Warren since nakaupo nga ako sa swing. Eh pwede namang umupo siya sa kabilang swing di ba? Bakit dito pa sa harap ko? Nakakainis tuloy.. Kinikilig ako eh!! "H-huh?" ano ba yan. Naiilang na ako! Ngumiti lang siya tapos tumayo din agad. "Feel free to spill me your problems. We're friends, right?" Oh... yeah. FRIENDS. Friends daw. May kumirot dito sa kanang part ng chest ko oh. Magkaibigan daw kami eh. Unfortunately, I don't like him as my friend.. ...I like him more than a friend. Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti. Kahit pilit. Buti nga hindi niya nahalata eh. Ayun, nagkwentuhan lang kami. Unlike kanina, nakaupo na siya sa katabing swing at hindi na ako ang topic ngayon kung di.. siya na. Sa totoo lang, kahit na ang dami na naming napagkwentohan about sa mga bagay-bagay tungkol sa kanya, parang... kulang pa rin. Not that na dapat lahat alam ko sa kanya pero ewan ko, may isang bagay kasi na hindi ko talaga matanong-tanong sa kanya kaya nababagabag ako. Inipon ko muna lahat ng hangin sa lungs ko bago ulit magsalita. As for now, malakas ang loob ko ngayon. Ewan ko kung bakit. Tumingin ako sa kanya, "Warren." Napalingon din naman siya sakin, "Mmm?" Kaya ko 'to! "D-do you happened to have a... a..." oh men. I think I'm wrong. Hindi ko pala ata kayang tanungin. Hindi ko matuloy-tuloy eh! Nakatingin lang siya sakin na parang hinihintay na yata yung kadugtong dun sa tanong ko. "'Have a', what?" naman eh! Dapat pala hindi ko na lang sinimulang tanungin yun. "Uhh..." ano ba? "Do you happened to have a girlfriend?" and with that, Napakamot lang ako sa likod ng ulo ko kahit hindi makati. Ngumiti siya, "Yep." Napatigil naman ako sa pagkakamot. What do I expect? Malamang MERON! Ewan ko kung bakit ako nabigla dun sa diretsong sagot niya eh alam ko namang imposibleng wala. Hay naku Lianne... Bakit mo nga ba natanong yun?! Ngumiti lang ulit siya pagkatapos sagutin yun. Pero alam kong deep inside, natatawa na siya sa tanong ko. How stupid can I be? Aish. "Don't think that your question was stupid. In fact, it's a good one." Nashock naman ako. Good one daw? And wait, did he just read my mind?? How come that he knows what I am thinking? "Mind reader ka ba? But.. thanks. Actually nahihiya pa nga ako eh. Masyado na kasing personal info yung tinatanong ko." napayuko naman ako dun. Well, I'm hurt. Kinda. Teka. Why am I hurt anyway?? Tss. Of course Lianne! You like him! And then? He just 'HAD' a girlfriend. What about now? Wait up, oo nga no? Ay ano ba yan! Ang gulo ko na masyado. -.- "Tss. Bakit naman? Eh nasabi ko na din naman yung MAS personal na information ko." ngumiti lang siya. OK. Sabi ko nga eh. "Eeh.." ano ba'ng isasagot ko? Umiwas na muna ako ng tingin. Nakakahiya talaga.. "Once, I had a girlfriend. 'A girlfriend' means, nag-iisa lang siya. Wala ng iba.. At wala na ring sumunod." "Seriously??" Parang bigla ata akong nagka-stiff neck dahil dun sa mabilis na paglingon ko sa kanya. I can't believe it. Really. Tumango lang siya. Omy.. That's impossible! With the face of his?? It's unbelievable. Ewan ko, pero parang tinahi na ata yung bibig ko at hindi na ako makapagsalita. Una kasi sa lahat, I was shocked. Hindi talaga ako makapaniwala. Sa panahon ba naman ngayon eh imposible sa mga gwapong nilalang na katulad niya ang mawalan ng girlfriend. But WAIT, Warren's different pala kaya erase. Nashock lang talaga ako. Pangalawa, kumirot na naman.. Siguro nga sobrang mahal niya yung dating girlfriend niya kaya hanggang ngayon eh hindi pa rin siya nagkakagirlfriend at nagmamahal ulit. Nakakadown lang kasi I don't think that it'll be easy for me to move closer to his heart and get some space for myself. Hay... At panghuli, ayoko na munang magtanong pa. Baka hindi na ako makahinga eh. After a minute or so, nagyaya na rin siyang ihatid na ako sa bahay kasi nga dumidilim na din. Tumayo na din ako as a sign na pumayag ako. Well, ngumiti rin naman ako pero di pa rin ako nagsasalita. Napasapo naman ako bigla sa noo ko nung tumama yung mukha ko sa poste. Mabenta talaga ang mukha ko sa poste.. Nakakarami na ako eh. At ang sakit nun ah! Pero... andito na pala kami sa bahay? Ang bilis naman. "Ang lalim kasi ng iniisip mo eh. Ayan tuloy." "Ee--" OK. Eto na naman po tayo... Electric shock. Hinawakan niya kasi yung noo ko at hinimas-himas din. Nagulat nga ako eh and at the same time... kinilig ako. Nakangiti siya nun pero halata mong concerned siya sakin dahil sa ibang expression ng mga brown eyes niya. Hay. How I like this man so much... Grabe. "Oo nga eh." ngumiti na lang rin ako. Nagpaalam na si Warren nun at nagbabye na din ako sa kanya. Nung bubuksan ko na yung gate, nagulat naman ako nung may humawak sa kanang braso ko. And it's... "What??" Ken. "Look, I'm sorry.." this time, dalawang braso na yung hawak niya sakin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.. Ewan ko pero ayoko talaga siyang kausapin sa ngayon. "Ano ba.. Let go of me." sabi ko pero hindi ako makatingin sa kanya nun. Pinipilit ko namang tanggalin yung mga kamay niya sa braso ko kaso masyado siyang malakas para kalabanin. "Just accept my apology, then I'll let you go." hindi ako sumagot, nakayuko pa din ako. Actually... nanlalabo na yung mga mata ko. "Again.. I am so sorry of what happened yesterday." huminga muna siya ng malalim, "Na.. nabigla lang talaga ako.." Ewan ko, hindi ko na talaga maintindihan yung feeling ko na para na akong ewan dahil... naiyak na talaga ako. Parang meron kasi sa loob ko na gusto kong ilabas at sabihin pero hindi ko naman magawa. Ni-hindi ko nga rin alam kung ano ang gusto kong sabihin. Nakayuko pa rin ako. Good thing at hindi niya nakikita yung mukha ko na basa na dahil sa luha. Nakaharang kasi yung buhok ko sa mukha ko. Maya-maya lang, unti-unti ng lumuwag yung pagkakahawak niya sakin. Siguro alam din niya na hindi talaga ako magsasalita kaya binitawan na niya ako. "At least nalaman mo na, na guilty ako sa nagawa ko at nagsorry na din ako sayo." umatras na siya at naglakad. Ako, nakayuko pa din. Actually, it's really a big deal for me. For an 18-year old teenager, it's kinda shameful na nun ko lang naranasan ang first kiss ko. Right. That was my FIRST. Kaya ganito ako makareact na galit na galit ako sa kanya. Well, kahit hindi ko naman siya first kiss eh magagalit pa rin ako sa kanya eh. Nakakainis kasi... Iniisip niya siguro na kagaya lang ako sa mga babaeng nagiging girlfriends niya at nakakahalikan niya. Like hello?? Ang kapal niya ha! Sobra siya! Narinig kong bumukas yung gate nila. Napalingon naman ako sa may gilid ko sa baba. Andun yung first aid kit na ginamit ko kahapon na hindi ko nadala dahil sa pagkabigla at tumakbo na lang ako palabas ng bahay nila. Then narinig ko siyang nagsalita ulit. "Actually, may sasabihin din sana ako sayo eh. Pero..." nagpause muna siya saglit, "Sa susunod na lang siguro. If I ever find myself to speak up, then I'll tell it to you right away." Oh-kay.. Like what was that?? Why do I have this feeling na hindi ko ata gugustuhing marinig yun?? Chapter 71: The Talk Arkin's POV "Uy.. Hindi ka ba talaga galit sakin?" kinalabit niya na naman ako. "Hindi nga.." tinalikuran ko siya, "Ang kulit mo!" Ewan ko ba sa kanya, kanina pa talaga ako kinukulit at tinatanong. Eh hindi naman ako galit.. Pero teka, hindi nga ba? "Uy.." kinakalabit niya pa rin ako. Hindi naman ako nagalit o kung ano. Oo nga, hindi siya pumunta nung araw na yun na parang isa na rin sa pinakamahalagang araw sa buhay ko. Sounds cheezy, pero totoo yun. Masyado kong pinaghandaan yun na parang buhay ko ang nakataya, na masasabi kong... buhay ko nga talaga. Isang beses ko pa lang yun nagagawa, pumalpak pa. Kaya natural lang sa tao na magkaroon ng sama ng loob dahil sa disappointment. So sama ng loob lang talaga ang meron ako at hindi, galit. Isa pa, wala na rin naman na yun sa akin... "Weh? Eh ba't parang galit ka?" "Galit ka dyan? Hindi nga." "Eh ba't sinisigawan mo ako kanina??" sinisiko naman niya ako ngayon. "Eh ang kulit mo naman kasi. Hindi nga ako galit!" ang kulit-kulit niya talaga. Kung hindi ko lang 'to mahal.. Ewan ko na lang. "Kita mo! Sinisigawan mo nga ko eh! Eh di galit ka nga!" "LEI," humarap na ako sa kanya, "Pag hindi ka tumigil dyan--" "Ano??" nilapit pa niya yung mukha niya sakin na parang nanghahamon. "Hahalikan kita!!" Bigla namang nag-iba yung itsura niya at parang napa-gasp lang siya na ewan sabay napatulala lang. Ako man eh... ganun din ang ginawa ko. Hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig ko yun. "A..asa ka naman!" tas tumingin ako sa ibang direksyon. Not. Asa naman AKO. Eh ang magtapat nga hindi ko kaya, hahalikan pa kaya siya?? Pagkatapos nun, idinaan ko na lang sa tawa yung sinabi ko. Tae.. Napasubo ako dun ah. Bigla na namang nag-iba na yung expression ng mukha niya. "Ewan ko nga sayo!" tapos umalis na siya. Well... If only I could mean all those things that I said to her. Damn. Bumalik naman ulit ako sa pagkakaupo kasama sina Ian at Jin. "Saan ba sila pupunta?" tanong ko. Umalis kasi ang mga girls at iniwan kami dito sa UTMT. Ewan, di ko alam kung saan sila pupunta. Basta babalik din daw sila agad. Parehas namang nagshrug lang yung dalawa. Tumayo ulit ako para kunin yung libro ko sa bag. Magbabasa na lang ako habang naghihintay sa kanila. "O, kamusta na ang mga TORPE?" Napatingin naman ako sa nagsalita.. Si Jin. "Torpe? Tss." umiling-iling lang si Ian habang nagsstrum ng gitara ni Jin. Ako? Nakatitig lang sa kanilang dalawa, nasa tapat ko kasi sila. Ano bang pinagsasabi ng mga mokong na'to? "O, Arkin." sabi ni Jin, "What can you say?" tapos ngumiti ang loko ng pang-asar. "Ewan ko sayo, Jin." iniba ko yung pwesto ko at tumalikod sa kanila, "Nagbabasa ako, wag na kayong magulo." Tumawa lang yung mokong. Lakas ata ng trip nito ngayon eh. Napagdiskitahan pa kami ni Ian. Pero teka.. Si Ian?? May nagbato naman ng paper ball sa likod ko kaya lumingon ako. "Lam mo, pare.. Walang sikreto'ng hindi nabubunyag." sabi ni Jin sabay nakangiti ng nakakaloko sakin. Sikreto? Nabubunyag? "Yabang mo, Jin!" sabi ni Ian. Tae. Parang may pinaparating ata yun ah? Hindi kaya alam na talaga nila? Pero paano naman nangyari yun? Imposible namang si Tine ang magsabi. Pero... pwede din. Pero bakit naman? Hindi naman siguro. "Eh kasi ang totorpe niyo eh! Bakit di niyo ko gayahin." tapos nag-posing pa ang loko. "Aba malay ba namin dyan sa strategy mo." "Teka teka nga." humarap ako sa kanila, "Ano ba yang mga pinagsasabi niyo?" "Oh c'mon." tumayo siya at lumapit sa akin sabay umakbay, "Parehas talaga kayo ni Ian eh no? Magpakatotoo nga kayo!" tas tinapik niya ako ng sobrang lakas likod. "Aray! Masakit yun ah!" susuntukin ko sana kaso nakailag siya. Langya 'to. Parang may nadislocate ata sa loob ng ribs ko. "Alam mo Arkin," tumayo siya sa gitna namin ni Ian, "Mas masakit pa siguro dyan ang aabutin mo pag nagpakatorpe ka pa rin." "It takes time, dude." napatingin naman ako kay Ian, "Mahirap kayang kumuha ng lakas ng loob nu. Abnoy." tapos nagstrum na naman siya sa gitara. "Lalo ka na Ian! Aantayin mo lang bang magkabalikan yung ex ni Ella at siya bago mo sulutin? Ikaw ang abnoy!" Teka... Si Ella? "Ella??" nakatingin na talaga ako kay Ian nun. Langya. Di ko alam yun ah. "You have the same situation, dude." umupo si Jin sa tabi ni Ian sabay inakbayan ito, "Kaibahan lang, wala namang ex na babalikan si Lianne. Yun nga lang, aantayin mo din bang magkaboyfriend si Lianne bago ka umamin? 'Tol, matalino ka. Gamitin mo yung utak mo, hindi lang sa mga subjects mo." Napanganga ako dun sa sinabi ni Jin. Eh di tama nga, alam na NILA. Pero--Whatda?!?! "Paano niyo nalaman??" Shet. Wala akong matandaan na nagsabi ako! Wala talaga. Bigla namang tumawa yung dalawa. Tae naman oh.. Seryoso ako!!! "Tange!" binato na naman ako ni Jin, this time, bato naman. "Nakakadalawa ka na ah!" sakit nun, tumama naman sa braso ko. Malaki pa naman yun. "Hindi, kasi ganito yun.." tumawa na naman siya. Ako, seryoso lang nakatingin sa kanya. "Lakas ng tama mo ngayon Jin." tumawa lang rin si Ian, loko 'tong dalawang 'to ah. "Lam mo Arkin, umamin ka sa amin nun." Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya. "Kelan??!" Tae naman oh.. Sikreto lang yun e! Pa'no ko naamin sa kanila yun?! "Eh di nung in-injan ka niya nung 14." Di nga? Seryoso? Paano--Anong ginawa ko nun?? "Naglasing ka nung gabing yun." sabi naman ni Jin, "Nagulat nga kami eh. Eh hindi ka naman umiinom ng madami." ANO?!? "Alam niyo na bang lahat?" Shet talaga.. Hindi pwedeng malaman yun pati ng mga girls. Malamang, sasabihin nila agad yun kay Lianne. "Hindi." napahinga naman ako ng maluwag, buti naman pala. "Sinabi mo lang kasi yun nung hinatid ka namin ni Ian sa bahay niyo." "Tae ka, may utang ka pa pala samin!" Ah, sh1t! Wala na talaga akong magagawa.. Alam na nila. "Marami rin kayong utang sakin, mga adik!" binato ko naman sila nung paperball na binato sakin ni Jin kanina. "So, ano na?" seryosong sabi ni Jin. "Anong 'ano na'?" ano ba yun? "G*go ka talaga. Ano na'ng balak mo?" Balak?? HINDI KO ALAM. Nagshrug lang ako. Wala akong balak.. Wala rin namang mangyayari AT nangyayari. Leche lang. "Ewan ko sayo, p're." umiling-iling naman si Ian, "Wala kang mararating nyan kun--" "Sus! Nagsalita ang may narating." humirit naman si Jin. "Tae 'to.. Wag ka nga!" napayuko naman siya, "At least may ginagawa pa rin naman ako. Ewan lang kung bakit walang epekto." "Eh bakit ka na naman umiiwas kay Ella kung gumagawa ka pa rin ng paraan?" ako naman ang sumingit ngayon. "Ewan." inangat na niya yung ulo niya, "Para rin siguro makapag-isip isip." Hindi talaga ako makapaniwala na si Ella pala yung babaeng gusto niya. Nagkukwento naman siya minsan pero hindi ko alam at hindi ko napansin na siya pala yun. In any case... mukhang ngang magkaparehas nga kami ng sitwasyon ni Ian. Nagbigay naman ng mga advise si Jin. Ayos nga 'tong lokong 'to eh. Hindi ko alam na may nalalaman palang mga ganun yun. Kung sa bagay, kahit naman na may pagkaseryoso siya, nag-iiba na siya pag kasama na niya si Sab. Hindi nga bagay sa kanya ang maging corny eh. Sarap batukan. "Hindi ko talaga akalain na ganyan ka pala kabaduy, Jin." sabi ko. Langya eh. Ang dami pala talagang alam na mga strategies nitong mokong na 'to. Mukhang maganda nga kung sa kanya ako magpatulong eh. Pero oo nga pala, may so-called 'Cupid' na ako, kaya wag na lang. "Hey guys! We're back!" umupo naman sa tabi ko si Lianne. Isa-isa na silang umupo sa mga dating pwesto nila. "O, anong nangyari sa ilong mo Ella? Ba't namumula?" sabi ko. Nakita ko naman si Ian na napatingin sa kanya. "Huh?" suminghot muna siya, "Ah-eh.. W-wala.. Kinurot nila." Parang hindi ako naniniwala na kinurot yun. Parang may sipon siya eh. Na parang... umiyak? "Yeah." napatingin naman ako kay Lianne, "Ang cute-cute kasi eh." "Oo nga." sabi naman ni Tine. "Pumunta kami sa clinic." "Ngek. Bakit naman?" sabi naman ni Jin. "Kasi kinurot namin siya." si Sab naman ang sumagot. Kinurot lang tapos clinic? Ang gulo. Napansin ko naman yung mata ni Aya. Parang... mugto? "Eh anong nangyari sa mata mo, Aya?" "H-huh?" napatingin siya sakin, "Wala.. Napuwing lang." Yung dalawang mata niya... Napuwing?? "Teka nga, nag-iyakan ba kayo kanina?" pero napansin ko naman mukhang sina Ella at Aya lang ang mga mukhang umiyak. Umiling lang silang lahat. WEIRD. Lianne's POV So kelangan talaga, kapag magkakaibigan, sabay-sabay ring may pinagdadaanan? If you got the picture, you're right. Kaya kami humiwalay mga girls kasi nagusap-usap kami sa mga bagay-bagay na nangyayari sa amin. Uh, let's just say... it's a Girl Talk. No boys involve kasi sila nga talaga ang topic. Well.. more of our love lives. "Aya..." Uh-oh.. Heto na naman po tayo. "Aya, tahan na." Umiiyak na naman siya. Sa totoo lang, ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak. She's a type of girl na mahiyain, mabait at matapang na parang wala kang ibang mababakas sa mukha niya kundi puro ngiti. Kaso ngayon.. di ko maintindihan. "Gomen.. [Sorry..] Ang OA ko na." pinunasan niya yung mata niya, kaso ayaw talaga tumigil nung mga luha niya eh. Baba pa rin ng baba. "Ano ka ba naman. Hindi no." sabi ni Tine. "Salamat." ngumiti siya. "Hindi na muna ako aattend sa afternoon classes ko. Uuwi na ako." "Sigurado ka?" hay.. "Ihahatid ka na lang namin sa gate." "O sige." At yun na nga, hinatid na namin siya sa gate. Kami lang mga girls yung naghatid sa kanya kasi yung mga boys, pinauna na namin na pumunta sa mga klase nila. Si Ella din umiyak kanina. The same issue as ever. Hay buhay, parang life. Why does love could be so complicated? Sigh.. *** c/n: SORRY if masyado na siyang mahaba! >___< Tinatry ko pa kasing ilagay din ang mga Buhay-Pag-ibig ng mga kaibigan ni Lianne eh, kaya ganun. Gusto ko po kasing pati mga kaibigan niya eh kahit papanu, nagiging bida din kahit sa ilang chapters lang para naman fair at walang diskriminasyong nagaganap. Kaya my dear readers and labidabs, MIAN HAEYO.. (_ _) At super thankyou din kasi binabasa niyo pa din 'to kahit sobra ng haba na. I LOVE YOU ALL! :* Chapter 72: Past Aya's POV "Aya.." Bumalik ulit ako sa loob ng school. Ano na naman ba yun.. Bakit nandito na naman siya? "Teka, Aya! Sandali lang!" Hindi ko siya pinakinggan. Dire-diretso lang ako. Mabuti na lang at hindi basta-basta nagpapapasok ng mga outsiders yung mga guards dito sa campus. "Sino yun?" "Huh?" nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko sina Tine. "E-ewan eh.." "Narinig kong tinawag yung pangalan mo eh." sabi ni Lianne. "H-huh? Uh.. baka ibang Aya yun." "Ah.. Bakit ka nga pala bumalik ulit?" "Mmm.. Papasok na lang pala ako sa class ko. Nakalimutan kong may long quiz pala kami sa World Lit." alibi ko. Sa ngayon kasi.. hindi pa ako pwedeng umalis. "Ah ganun ba. Tara na, 5 minutes na lang before magtime." pag-aaya ni Sab. "Tara." Nagpunta na kami sa kanya-kanya naming mga buildings. Pagkapunta ko sa room eh mga classmates ko pa lang yung nandoon. Umupo na agad ako sa upuan ko. Grabe.. Gusto ko na namang maiyak pero hindi pwede. Ewan ko. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko at kinabahan talaga ako nung nakita ko na naman siya.. Maya-maya lang eh dumating na din yung professor namin. Nagklase naman kami pero parang wala talaga ako sa sarili ko at hindi ko man lang nasagot ng maayos yung tanong ng prof ko. Nagkamali pa nga ako ng pagkuha ng book kasi Phil. Lit. yung nakuha ko eh World Lit. yung subject namin ngayon. SIYA kasi ang nasa isip ko. It's been days since nagkita kami sa mall. Naghahanap ako ng libro noon sa isang bookstore nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod.. Akala ko nga manyak yun eh at sisigaw sana ako ng "Hentai! [Pervert!] Hinaharass ako!" Pero nagulat ako nung bigla niya akong binitawan at iniharap sa kanya.. At nakita ko SIYA. Hindi ko talaga inaasahan na magkikita pa ulit kami. Ngayon ko lang napatunayan na maliit talaga ang mundo. Na posible pala talagang magkita ang dalawang taong matagal ng hindi nagkikita. "Class dismissed." Huli na akong lumabas. Tiningnan ko pa kasi doon sa labas ng gate kung nandoon pa siya. Ilang araw na din siyang nagpupunta dito simula noong nagkita kami at sinusubukan niya akong kausapin ako. Ewan.. Ayoko siyang makausap. Nahihiya ako para sa sarili ko. Lalo na nung tinanong niya ako ng, "Kelan ka pa bumalik?" I felt guilt.. Because I LIED. Paglabas ko ng building eh nakita ko na doon si Ella kasama ang barkada. Pwera nga lang kay Ian na nakakapanibago talaga at hindi na siya sumasabay sa amin at mukhang iniiwasan niya si Ella. "Hay salamat naman at makakasabay ko na din ulit kayong umuwi. Namiss ko 'to.." sabi ni Lianne. "Oo nga eh. Kaso kulang naman tayo, wala si Ian." Napansin kong nalungkot na naman ang mukha ni Ella doon sa sinabi ni Tine. Hay.. Sobra talaga siya naaapektuhan ngayon. "Bakit nga ba laging busy yun? Oy Arkin, Jin." siniko ni Lianne yung dalawa. "No comment." Jin. Nagshrug naman si Arkin. "Naku ewan. Malapit na nga din pala mag-end ng school year no? Tapos magtethird year na tayo.. OMG!" Napastop kaming lahat nung biglang nagstop din si Lianne. Nasa tapat na kami ng Guard House kaya lumingon-lingon na ako sa paligid. Kinakabahan ako kay Lianne eh. "B-bakit?" sabi ko. Nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad. Hanggang sa malapit na kami sa gate. "Malapit na din yung Summer! Ano nga palang gagawin niyo nun? Gusto niyo--" "Aya.." Huh? Nandito pa rin siya?? "Oh. Teka.." napatingin ako kay Lianne, "Di ba ikaw yung--" "O, Lianne." Wait. Magkakilala sila?? Lianne's POV "Don't tell me, ikaw yung--" "Magkakilala kayong dalawa?" Napatingin ako kay Aya. Omy.. So si Josh pala yung sinasabi niya. Yun rin yung dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. "Oo. Kaibigan siya ni… Ken." tumingin naman ulit ako kay Josh. Grabe. Bakit naman ganun.. Una si Jake na ex-boyfriend ni Ella tapos ngayon naman, itong si Josh na childhood friend at ex-bestfriend naman ni Aya. Ano yun? Paliit na ng paliit yung mga mundo namin. Aya's POV "Pwede ko ba siyang makausap?" Lumingon sa akin si Lianne. Nakita ko din naman yung iba na tumingin din sa akin. "Sige na.." bulong sa'kin ni Tine. "Pero hindi pa ako ready. Hindi ko pa kayang makipag-usap." Hindi ko alam na napalakas pala yung pagbulong ko na yun kaya napatingin sa akin si Josh. Ngumiti siya pero pilit na ngiti. "Pwede.." nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya, "Kung handa ka ng makipag-usap sa akin.. Tawagan mo 'ko?" May inabot siyang papel. Kinuha ko naman. At umalis na siya. Pagkaalis niya, parang bigla akong nagsisi na sinabi kong makikipag-usap lang ako kapag handa na ako. Sana pala hindi ko na lang sinabi yun kasi hindi ko alam kung kelan magiging handa.. baka matagal pa yun. Binuklat ko yung nakatuping maliit na papel. Akala ko cellphone number lang ang nakasulat dito, yun pala may iba pa.. "I love you. That's what I wanted to confess to you before you left. And up until now.. I still feel the same. Would you accept my confession? Would you accept my heart? I want to know the answer.. So please, TELL ME. O929XXXXX60." *** c/n: Guys, si Josh po ay isa sa mga kabarkada ni Ken. Well, may past talaga sila ni Aya dahil childhood friends sila. Yun nga lang eh--WAIT. Find out na lang kung ano yung naging dahilan ni Aya kung bakit siya umalis at kung bakit sila naging mag EX-BESTFRIEND ni Josh at hindi na naamin ni Josh na gusto niya si Aya. Basahin niyo sa THE FEELING IS MUTUAL ni Sissy_serenade. Nandoon yung mga sagot sa tanong niyo. Maganda yun. Kaya MUST READ IT! Sure akong mag-eenjoy kayong magbasa nun :) Pasensya na nga din pala kung masyadong maliit ang mga mundo nila ah? Well, that really happens in real life. Yun nga lang, sa iilang tao lang nangyayari yun at hindi sa lahat. -END OF PART 1- StrangerS Written by: callmecookie